You are on page 1of 1

Pamilyang taglay

Noong ako'y namulat at nagkamalay


Aking nakita ang maningning kong inay.
Sa gilid ay nakaparoon si itay.
Pag-ibig ay meron sa pamilyang taglay.

Sa aking paglaki ay aking natanggap.


Para ngang bulaklak ang aking nakalap.
Nakalulugod na kapatid sa harap.
Tila mga ibon kapag naguusap.

Lumipas ulit ang ilang mga taon.


Drastikong nagbago ang ating panahon.
Lumalamig ang pag-ibig na inipon.
Nagsiwala sa, araw, gabi, at hapon.

Ngayong masyadong malamig na ang lupa.


Ngayon nalang namin ulit na nakita.
Kailangan – pag-ibig at pag-aalaga.
Para di lamigin ang buong pamilya.

You might also like