You are on page 1of 1

Si Dr.

Jose Rizal, ang bayani na ating tinitingala, iniidolo dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan
Ang bayani na lagi nating inaaral simula elementarya na tila ating kinakalimutan
May kahalagahan pa ba sa panahon ngayon ang mga inaasam niya noon para sa bayan?
Sino nga ba talaga siya? Isang bayani na sting turing o isang taong may malasakit para sa bayan.

Siya na isang simpleng tao lamang ngunit may malaking pangarap sa kanyang buhay
Pangarap na kung saan malaki ang pagiging pagbabago sa ating pamumuhay
Ang malawak niyang kaisipan ay naging daan upang mabuksan ang mga Pilipino sa realidad na kanilang
hinaharap

Nasaan na ba ang bansang Pilipinas pagkatapos ng mga sakripisyo niya?


May mga pagbabago na bang nangyari sa ating estado sa buhay at sa lipunang ginagalawan?
Lagi na lang natin siya iniuugnay sa mga bagay bagay dahil wala pa rin pagbabago pagkatapos ng
kanyang ginawa
Hanggang ngayon nararanasan pa rin natin ang mga naranasan niya noong siya pa ay nabubuhay.

You might also like