You are on page 1of 9

Panalngin Para sa Mga Minamahal na Yumao

+++

LIDER: Ating alalahanin ang ating kapatid na


si ____ na malapit at mahal sa atin. Inaalala natin
ang pagkakaibigan, kapayapaan at kaligayahang
ipinadama niya noong siya’y nabubuhay pa. Isa
siyang tao na maiibig ng kapwa tao, dahilan sa
siya mismo ay nagpakita ng pagmamahalsa
kapwa, sa simbahan at bayan.

Pinahahalagahan natin ang kanyang buhay at


kamatayan. Panatilihin natin ang ating mga
paningin sa krus at pagkabuhay ng ating
Panginoong Hesukristo at isinasaad ng buong
pananampalataya, na kahit ang ating kapatid ay
sumakabilang buhay na, siya ay nabubuhay
sapagkat ang ating Diyos ay Diyos ng mga Buhay.

LAHAT: Panginoon, sa araw na ito ay aming


ina-alala sa iyong harapan ang aming
ar rc y

kapatid na si ______. Sinasambit namin


rs vi as
sh u tud

ang kanyang pangalan ng may


pagmamahal.
ou ed e w
s

Ang aming pagkakatipon-tipon ngayon ay tanda


ng matibay na pag-asa sa Diyos na magbibigay ng
re is

eH a

bago at walang hanggang katawan sa aming


Th

kapatid. At fgayon din sa bawat isa sa amin. At


kami naman ay magpapatotoo sa
o

pananampalataya sa muling pagkabuhay. Sa


s

kapangyarihan nawa ng aming Panginong


Hesukristo at ng Espiritu Santo ay tulutang
palaganapin ang mabubuti na pinasimulan mo sa
aming minamahal na kapatid.

This1study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
Sapagkat ikaw ang aming Diyos, aming pangarap
na hantungan, ngayon at magpakailanman. Amen.

LIDER: Ialay natin ngayon ang panalanging


ito para sa minamahal nating si
_________ na yumao na sa mundong ito.

At ngayon ay nagbabalik sa Iyo.

O Panginoon, sa Iyong awa, tanggapin mo siya

sa makalangit na kaharian Mo.

Nagtungo na siya sa kanyang pamamahinga.

Umaasa siya ngayon na bumangon kasama Ka.

O Panginoon, sa Iyong pag-ibig na bumabalot sa


amin

dalhin Mo siya sa liwanag ng Banal na Presensya


Mo.
ar rc y
rs vi as
sh u tud
ou ed e w

Buong kababaang-loob na nananalangin kami, O


s

Panginoon,
re is

eH a
Th

para sa aming mananampalatayang yumao na si


_______
s o

Makatagpo nawa siya ng walang hanggang


kapayapaan sa piling Mo.

This2study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
Makamit nawa niya ang mapagmahal na
pagpapatawad Mo.

Makita Ka niya nawa ng harapan.

Oo, ikaw ang pag-asa namin sa mundong ito.

Ikaw ang aming pagkabuhay na maguli at buhay.

Ikaw ang aming hukom at Tagapagligtas.

Maaaring isunod ang Awit para sa Namayapa

Pari: Panginoon, maawa Ka.


Bayan: Panginoon, maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.
Bayan: Kristo, maawa Ka.
Pari: Kristo, maawa Ka.
Bayan: Kristo, maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.
Bayan: Panginoon, maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.

Ang Nakatakdang Panalangin (Kolekta)


ar rc y
rs vi as
sh u tud

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.


ou ed e w

Bayan: At sumainyo rin.


Pari Tayo’y manalangin.
s
re is

eH a

O Panginoon, buong kababaang loob kaming


Th

nagsusumamo sa Iyo:
o

Maging maawain sa paghatol Mo at ipagkaloob


s

kay _______ ang ipinangakong kaligtasan.

This3study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
Kalimutan ang mga pagkakamali niya at linisin
ang mga kasalanan niya

at ipagkaloob sa kanya ang panghabang-panahong


gantimpala.

O Panginoon, iparating kay ___________

ang tagumpay Mo laban sa kasalanan at


kamatayan.

Huwag Mo siyang hayaang mapahiwalay sa Iyo.

ngunit pagkalooban mo siya ng lugar sa Iyong


walang hanggang tahanan.

Lahat: Hesus, Panginoon ng mga


nangabubuhay at mga nahihimlay,

aliwin ang mga napapagod at nagdadalamhati.

Manlulupig ng kamatayan at kasalanan,


ar rc y
rs vi as
sh u tud

akayin ang mga kapatid naming yumao.


ou ed e w

Sa pagdating niya sa katapusan


s
re is

eH a

ng kanyang paglalakbay, akayin Mo siya pabalik


Th

sa Iyo.
o

Sa pagwawakas ng buhay niya,


s

hayaan mo siyang mabuhay kapiling mo.

This4study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
Sa pagtindig niya sa harap Mo para sa
paghuhukom,

banggitin Mo ulit ang mga salitang ito:

“Halika, ikaw na pinagpala ng Aking Ama.


Kamtin ang kahariang inihanda para sa iyo.”
Pagkalooban nawa siya ng Panginoon ng
paghuhukom na puspos ng awa.

at pagmasdan siya nang may pagmamahal.

LAHAT: Panginoon, tulungan mo kaming


makita kung ano talaga ang
kamatayan:

– ang katapusan ng karalitaan at simula ng


kayamanan;

– ang katapusan ng kabiguan at simula ng


tagumpay;
ar rc y

– ang katapusan ng takot at simula ng


rs vi as
sh u tud

kapanatagan;
ou ed e w

– ang katapusan ng lungkot at simula ng ligaya;


s
re is

– ang katapusan ng kahinaan at simula ng lakas;


eH a
Th

Ama namin sumasalangit Ka…


s o

Lider: Huwag nawa kaming lamunin ng


dalamhati

This5study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
o patuloy na makadama ng hinanakit dulot ng
pagkawala.

Ngunit mula sa kalungkutan

pumailanglang nawa ang bagong tuwa.

Tanggalin ang takot namin, huwag hayaang


mabagabag ang puso namin.

Hayaang ang Iyong espiritu ng kapayapaan ay


mabuhay

sa aming nararanasang kalungkutan,

sa aming pighati at pangungulila,

sa hapis namin ngayon

at sa lumbay namin sa kinabukasan.


ar rc y
rs vi as
sh u tud
ou ed e w
s

LIDER: Buong kababaang loob na inihahabilin


namin si _______ na tinawag mo mula
re is

eH a

sa mortal na buhay na ito.


Th

Minahal mo siya lagi


s o

Nang may dakilang pag-ibig.

This6study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
Ngayon na pinalaya mo na siya sa lahat ng
kasamaan sa mundong ito,

dalhin mo siya sa iyong paraiso

kung saan wala nang pighati

o pagdadalamhati o kalungkutan,

kundi kapayapaan at kaligayahan kapiling ng


Iyong Anak

at ng Espiritu Santo magpakailanman.

Pinasasalamatan Ka namin sa lahat ng mga biyaya

na ipinagkaloob mo kay __________

Sa mortal na buhay niya.


ar rc y
rs vi as
Ipinapanalangin namin na nawa ay
sh u tud
ou ed e w

luwalhatiin Ka niya dahil sa buhay na naranasan


s

niya
re is

eH a

at sa paraan kung paano niya nagamit ang mga


Th

biyaya Mo.
s o

Lahat: Panginoon, ipagkaloob Mo na nawa ay


huwag naming malimutan

This7study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
na ang buhay ay maikli at walang kasiguruhan.

Akayin nawa kami ng Iyong Espiritu tungo sa


kabanalan, katarungan

at paglilingkod sa aming mga kapatid.

Idinadalangin namin ang paghilom ng mga


nalulungkot

at nasasaktang damdamin

na idinulot ng kamatayan sa mga puso namin.

Samahan mo kami, Panginoon, sa mga sandali ng


lungkot at lumbay.

Ikaw ang aming bato, aming tanggulan,

at aming lakas.

Nananalig kami sa Iyo at sa Iyong maluwalhating


ar rc y
rs vi as
pagkabuhay na maguli.
sh u tud
ou ed e w

Itinataas namin sa Iyo ang aming dalamhati at


pighati,
s
re is

eH a

nagtitiwala na babaguhin Mo
Th

ang pagluluksa tungo sa pagdiriwang


s o

nang sa gayon ang minamahal namin ay mahimlay


sa iyong kapayapaan.

This8study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
Lider: O Panginoon, nawa ay pagkalooban mo siya
ng walang hanggang kapahingahan

Lahat: At nawa ay masinagan siya ng


panghabang-panahong liwanag.
Lider: At mahimlay nawa siya sa kapayapaan.

Lahat: Amen
Lider: Ang kaluluwa nawa ni ______

at ang lahat ng kaluluwa ng mga nahimlay na


mananampalataya,

sa pamamagitan ng awa ng Diyos, ay mahimlay sa


kapayapaan.

Lahat: Amen.
PARI: Ang Panginoon ay Sumainyo
BAYAN: At sumaiyo rin
Pari: Nawa ay patuloy nating taglayin ang
ar rc y

pananampalataya sa pagkabuhay na
rs vi as
muli. AMEN+++
sh u tud
ou ed e w

****Pangwakas na awit
s
re is

eH a
Th
s o

This9study
| P source
a g ewas downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 06-15-2021
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like