You are on page 1of 19

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3a:
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa
Katotohanan
Ikalimang Linggo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3a: Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Irene Jane F. Zalun
Editor: Luz Marie S. Pantoja
Tagasuri: Amancio M. Gainsan Jr. Cita J. Bulangis
Tagaguhit:
Tagalapat: Luz Marie S. Pantoja
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan– Modyul 3a:
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa
Katotohanan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Isyu sa Kawalan ng
Paggalang sa Katotohanan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan. EsP10PI-IVc-14.1
2. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan. EsP10PI-IVc-14.2

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa


katotohanan.
2. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan.
3. Nakapagtatala ng mga gawaing nararapat upang mapanatili ang pagiging
tapat.
4. Nakapaglalahad ng sariling damdamin o opinyon sa mga pangyayaring may
kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.

1
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Tawag sa pangongopya sa mga idea, mga pangungusap, mga datos, mga


nakasulat sa babasahin, manuscript, at iba pa.
A. Whistleblowing
B. Fair use
C. Plagiarism
D. Intellectual piracy

2. Mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang mga tao at nagtatago ng


katotohanan, maliban sa isa.
A. upang pagtakpan ang pagkakamali
B. upang maging malinis sa mata ng iba
C. upang iwasan ang hindi kanais-nais na kahahantungan
D. upang malaman ng kinauukulan

3. May mga taong lakas-loob na isinisiwalat ang mga iligal o hindi naaayon na
pangyayari sa loob ng pinagtratrabahuan. Tinatawag silang_____
A. Windblower
B. Whistleblower
C. Voice
D. Mouth

4. May mga taong sadyang nagkikimkim ng mga impormasyon sapagkat ayaw


nilang palakihin ang isyu. Ano ang tawag sa pagtatago ng impormasyon na hindi
pa naibubunyag?
A. Confidential
B. Lihim
C. Evasion
D. Equivocation

5. Si Martha ay isang magaling na estudyante. Nagkaroon sila ng research paper


sa asignaturang English. Kakasimula pa lamang ni Martha sa research nila ay
nagkasakit ang nanay niya at siya ang tagabantay. Hindi mapakali si Martha
sapagkat iyon ay isa sa mga requirements sa kanilang asignatura. Habang
nagbabantay siya sa ospital ay gumagawa din siya ng research at ang ibang
datus ay kinopya nya mula sa internet. Naipasa ni Martha ang research paper sa
tamang oras. May pananagutan ba si Martha?
A. Oo, dahil kapag hindi niya naipasa sa tamang panahon ay maaari niya pa
itong ikabagsak.
B. Wala, dahil ginawa lang niya ang nararapat.

2
C. Oo, dahil bukod sa hindi nya datos ang kanyang ginawa ay pwedi nya pa
itong ikabagsak dahil sa ginawa nyang pangongopya.
D. Wala, dahil may dahilan siya kung bakit nya nagawa iyon.

6. Tawag sa taong orihinal na gumawa o may ambag sa isang likha.


A. Copywriter
B. Copycat
C. Copyright holder
D. Imitator

7. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nakapagnanakaw ang mga tao
ng gawa ng iba, maliban sa isa
A. presyo
B. kahusayan ng produkto
C. kawalan ng mapagkukunan
D. pagtangkilik sa gawang orihinal

8. Ang pagsisinungaling ay ang kabaliktaran ng katotohanan. Ang isa sa mga nasa


ibaba ay hindi isa sa tatlong uri ng pagsisinungaling.
A. Pernicious lies
B. Jocose lies
C. Officious lies
D. Evasion

9. Ang mga sumusunod ay maaaring mga rason ng pagiging mabuti ng paglilihim.


Alin ang hindi?
A. kung ang layunin sa paglilihim ay para hindi na lumaki ang isyu
B. para makaiwas sa malaking eskandalo.
C. para sa seguridad ng taong nagtatago sa lihim.
D. kung ang pagbubunyag sa lihim ay para sa pansariling kapakanan.

10. Sa anong isyu nabibilang ang pagpaparami at pagbebenta ng mga pekeng


CDs/DVDs?
A. Intellectual piracy
B. Whistleblowing
C. Plagiarism
D. Mental reservation

3
Balikan

Tayo ay ginawa sa wangis ng Diyos. Ang katawan ng tao ay sagrado.


Kailangan natin itong pangalagaan. Gamitin sa mabuti at maayos na paraan at
isaisip na ang tunay na layunin ng sekswal na faculdad ng tao ay ang magkaroon ng
anak (procreative) at mapag-isa (unitive).

Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon na nasa loob ng dalawang kahon, pagtapos ay
magbigay ng damdamin gabay ang mga tanong na kasunod nito. Isulat sa
kuwaderno.

Si Leo ay isang manggagawa. Siya


ay nanghihina at laging umuubo.
Kasagsagan pa man din ng
pandemyang COVID 19.
Nagpunta siya sa doktor upang May isang empleyado ng
magpa check- up, at siya ay opisina ng gobyerno na
kinonsiderang PUI. Siya ay pina- nagdadala ng mga office
home quarantine habang hinihintay supplies sa kanilang bahay.
ang resulta ng test, ngunit hindi Kalimitan sa mga dinadala nya
siya sumunod sa utos ng doktor. ay ballpens at bondpapers
Siya ay bumalik sa kanyang para maka-save sa pagbili ng
pinagtatrabahuan at sinabi nyang mga ito. Ginagamit ng kanyang
okay lang daw sya at tumuloy sa mga anak ang dinadala niyang
kanyang pagtatrabaho. Dumating mga supplies. Lingid ito sa
ang resulta. Siya’y positibo sa sakit kaalaman ng kanilang head of
na COVID. office.

1. Tama ba ang ginawa ni Leo?


1. Ano ang iyong hinuha sa
2. May pananagutan ba si Leo sa
sitwasyon?
kanyang ginawa?
2. Sa iyong palagay, tama ba
3. Kung ikaw si Leo, gagawin mo
o hindi ang ginawa ng
rin ba ang kanyang naging
empleyado?
pasiya? Pangatwiranan.
Pangatwiranan.

4
Suriin
n

HONESTY IS THE BEST POLICY

Ito ang mga katagang kalimitang nakikita natin sa paaralan lalo na sa loob ng
mga classrooms. Ito rin ang nagiging bukambibig ng ating mga guro tuwing may
pasulit.

Marahil narinig mo na ang salitang katotohanan. Ito ang kabaliktaran ng salitang


pagsisinungaling. Ito ay ang paghahayag sa totoo. Bawat tao ay nag-aasam na
makita, marinig o malaman ang katotohanan dahil ito ay magbibigay sa kanya ng
kapanatagan, katiwasayan, at kaluwagan sa buhay. Ito ay mahalaga sapagkat
magbibigay ito ng matatag na ugnayan at pagiging isa. Nagdudulot ito ng mabuti at
matatag na pakikipagkapwa.

Bakit may mga taong nagsisinungaling? May nagiging bulag, pipi, at bingi?
May mga naglilihim?

Maaaring makagawa ng kasinungalingan ang tao sa pamamagitan ng salita at


gawa upang pagtakpan ang pagkakamali at upang maging malinis ang imahe sa
mata ng iba. May tatlong uri ang kasinungalingan. Ito ay ang jocose lies, officious
lies, at pernicious lies.

Ibat-ibang paraan ng pagtatago ng katotohanan.

a. Lihim- Ito ay ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o


naisisiwalat na maaaring masama o mabuti depindi sa intensiyon. Posibleng
magdala ng sakit o kaya nama’y panganib sa taong nagtatago nito.

b. Mental Reservation-Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa


pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa
nakikinig kung may katotohanan nga ito.

c. Prinsipyo ng Confidentiality- Sa prinsipyo ng confidentiality, ang pagsasabi ng


totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay
maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang
taong nagpapahalaga sa katotohanan.

d. Evasion- pag-iwas
e. Equivocation-paglilihis ng mga maling kaalaman

5
Marami ang napapahamak sa pagsisinungaling. Marami ang nadadaya,
natatapakan, at namamatay. Marami ang gumagawa ng mga bagay na taliwas sa
paggalang sa katotohanan. Ang napakalungkot isipin ay iyong mismong mga
naririnig at nakikita natin sa mga balita na iyong mga nasa kapangyarihan o
posisyon ay gumagawa ng mga bagay na taliwas sa pagiging totoo kung saan sila
sana ang maging modelo sa pagiging tapat at totoo. Isa-isahin natin ang mga
isyung lumalaganap ngayon sa ating lipunan.

1. Plagiarism. Ito ay ang pangongopya at pag-angkin sa mga datos, ideya,


pangungusap, buod, at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa
ngunit hindi kinilala ang pinagmulan. Ito ay maituturing na pagsisinungaling dahil
sa pag-angkin ng hindi sa iyo (Atienza, et al, 1996). Ito ay paglabag sa Intellectual
Honesty (Artikulo, A.et al, 2003). Halimbawa nito ay ang pangongopya ng mga
pangungusap sa artikulo na makikita sa internet at kopyahin sa ginagawang
research paper.

2. Intellectual piracy. Isang halimbawa nito ay ang pagrerecord ng movie o


pelikula sa sinehan at itoy inilipat sa cd, at ibinenta. Ang paggamit ng walang
pahintulot mula sa mga taong orihinal na gumawa ay maituturing na pagnanakaw.
Ito ay maaaring sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi at
panggagaya sa pagbuo ng bagong likha. Ang mga taong gumagawa ng ganitong
mga gawain ay lumalabag sa batas– Karapatang-ari (Copyright infringement).
Copyright holder-tawag sa taong may orihinal na gawa o may ambag sa anumang
bahagi at iba pang mga komersiyo.

Mga dahilan ng kung bakit nakagagawa ng ganitong uri ng pagnanakaw.


a. presyo, b. kawalan ng mapagkukunan, c. kahusayan ng produkto,
d. sistema/paraan ng pamimili, e. anonymity

3. Whistleblowing. Isang akto ng paghahayag ng mga maling gawaing


nagaganap o hindi naaayon. Whistleblower naman ang tawag sa taong nagsiwalat
sa illegal na gawain.

Maraming nagaganap na rebelasyon sa ating lipunan. Yung iba ay mga


rebelasyon ng mga ginagawang salungat sa batas ng mga nasa posisyon. Sa
ginagawang aksyon ng whistlebower ay maaaring manganib ang kanyang buhay.
Maaaring mabangga niya ang mga mataas pa sa kanya na pweding maging
dahilan ng pagkakatanggal niya sa trabaho at mawalan ng kabuhayan.

Paano nga ba ang mga ito masusugpo?

Ang tao ay may kakayahang kumuha ng buod o esensiya. Kaya dapat ay laging
ipanig ang sarili sa mga bagay at kilos na tama, mamuhay sa katotohanan,
sumunod sa mga batas, at tanggapin ang pagkakamali.

6
Samakatwid, isiwalat ang nararapat isiwalat sa simple at matapat na pamamaraan
at gaya nga ng kasabihan “the truth will set you free.”

Pagyamanin

Sagutin ang sumusunod. Ilagay sa kalahating papel.

1. Naranasan mo na bang magsinugaling sa iyong kapamilya o kaklase o kaibigan?


Bakit mo nagawang magsinungaling?
2. Naranasan mo na rin bang nagsinungaling ang iba sa iyo? Ano ang iyong
naramdaman?
3. Bakit ganun na lamang ang iyong naramdaman?
4. May kinahihinatnan ba ang iyong pagsisinungaling sa iba? Idetalye.

Isaisip

Napag-alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________

7
Isagawa
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon na makikita sa ibaba. Ibigay ang
iyong saloobin. (10 puntos bawat sitwasyon)

Rubriks sa pagmamarka:
Nilalaman--------- 5 pts.
Organisasyon-----3 pts.
Wika------------------2 pts.
Kabuuan------------10 pts.

1. Si Sam at Tony ay matalik na magkaibigan. Si Sam ay nakaimbento


ng isang makina, at kinilala siya para dito. Dahil sa kanilang pagiging
matalik na magkaibigan ni Tony, sinabi nya dito lahat ng mga paraan sa
paggawa nung makina. Naging interesado si Tony sa paggawa ng
makinang iyon. Naghanap si Tony ng mga taong interesado sa mga
kakaibang imbensiyon sa internet at iprenisinta niya ito.

a. Tama ba ang ginawa ni Tony?


b. May pananagutan ba si Tony sa ginawang hakbang?

2. Si Angeline ay empleyada ng isang kompanya. Malimit siyang isinasama ng


kanyang manager kung may lakad ito patungkol sa trabaho. Alam ni Angeline
ang mga iligal na nangyayari sa loob ng kompanya ngunit pikit-mata si
Angeline sa mga nangyayari dahil natatakot siyang matanggal sa trabaho.
a. Makatwiran ba ang pagbubulag-bulagan ni Angeline?
b. Sa tingin mo, ano ba ang nararapat nyang gawin?

3.
Si Judy ay isang college student. Minabuti ni Judy na kopyahin ang
bawat nakasulat sa artikulo na nakita nya sa internet para sa kanyang
term paper upang mas madali nyang matapos ito dahil tinatamad
siyang magbasa at kunin ang kabuuang ideya base sa kanyang
pagkakaintindi.

a. Nakatutulong ba kay Judy ang kanyang ginawa?


b. Paano nya maaayos ang kanyang ginawa?

8
Tayahin

PANGWAKAS na PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Ang sumusunod ay mga dulot ng pagiging tapat. Alin ang hindi?


A. matatag na pakikipag-ugnayan
B. panatag na loob
C. maraming magtitiwala
D. inggitan at panibugho

2. Ito ay maaaring ituring na pagnanakaw dahil kinokopya lamang ang mga idea,
mga pangungusap, mga datos, mga nakasulat sa babasahin, manuscript, at iba
pa.
A. whistleblowing
B. intellectual piracy
C. plagiarism
D. fair use

3. Mga dahilan kung bakit nagsisingungaling ang mga tao at nagtatago ang
katotohanan, maliban sa isa.
A. upang pagtakpan ang pagkakamali
B. upang maging malinis sa mata ng iba
C. upang iwasan ang hindi kanais-nais na kahahantungan
D. upang malaman ng kinauukulan

4. Sila ang mga taong lakas-loob na isinisiwalat ang mga iligal o hindi naayon na
pangyayari sa loob ng pinagtratrabahuan.
A. windblower
B. voice
C. whistleblower
D. mouth

5. Mabuti ang pag-aaral ni Ken mula 1st grading hanggang 2nd grading ngunit siya ay
natutung magbarkada nang mag 3rd grading. Nalaman niyang bagsak siya sa
pasulit. Ngayong 4th grading ay may research paper silang ginagawa. Upang
makapasa siya sa takdang oras ay nangopya siya sa internet ng mga
pangungusap at mga datos.
A. plagiarism
B. equivocation
C. whistleblowing
D. intellectual piracy

6. Maaari itong ituring na labag sa katotohan, kung saan ang pagtatago ng


impormasyon na hindi pa naisisiwalat at naibubunyag ay pweding pumanig sa
masama.
A. confidential

9
B. lihim
C. evasion
D. equivocation

7. Tawag sa taong orihinal na gumawa o may ambag sa isang likha.


A. copywriter
B. copycat
C. copyright holder
D. imitator

8. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nakapagnanakaw ang mga tao
ng gawa ng iba, maliban sa isa
A. presyo
B. kahusayan ng produkto
C. kawalan ng mapagkukunan
D. pagtangkilik sa gawang orihinal

9. Ang katotohanan at katapatan ay nagdudulot ng mga sumusunod. Alin ang hindi?


A. kapanatagan
B. alinlangan
C. katiwasayan
D. kaluwagan sa buhay

10. Sa anong paraan ba dapat ihayag ang katotohanan?


A. paraang simple at tapat
B. madugong paraan
C. harass na pamamaraan
D. masalimoot na paraan

Karagdagang
Gawain

Panuto: Magtala ng mga hinihingi sa bawat hanay. Gawin sa kuwaderno.

MGA GAWAING HINDI MGA KADAHILANAN


KUMIKILING SA KUNG BAKIT MGA GAWAING
NAGSUSULONG
KATOTOHANAN NAKAGAGAWA NG
NG KATAPATAN
KASINUNGALINGAN
ANG TAO
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

10
Susi sa
Pagwawasto

Tuklasin

1. Hindi. 1. May katiwalian.


2. Oo. 2. Hindi tama, dahil wala tayong
3. Hindi, dahil maaaring karapatang dalhin ang hindi natin
magdudulot siya ng kapahamakan pag-aari, lalo na kung walang
sa mga katrabaho at mga taong permiso. Mawawala ang tiwala ng
makakasalimuha niya pati na rin sa mga katrabaho at maari pang
Subukin kanyang sarili mismo. matanggal kapag nalaman ng
kinauukulan.
:
1. c
Pagyamanin
2. d 1. Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
3. b 2. Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
3. Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
4. b 4. Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.

5. c Isagawa: Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.


Tayahin:
6. c
1. d 6. b
2. c 7. c
7. d
3. d 8. d
4. c 9 .b
8. d
5. a 10.a
9. d
Karagdagang Gawain: Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
Mga gawaing hindi Mga kadahilanan kung bakit Mga gawaing
10. a kumikiling sa nakagaga ng kasinungalingan nagsusulong ng
katotohanan ang tao katapatan
1.
2.
3.
4.
5.

Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina Mignon C. et al., 2013, Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para sa Mag-aaral-
Ikawalong Baitang, Unang Edisyon, 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig
City, Philippines 1600

Brizuela, Mary Jean B. et al., 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para sa Mag-
aaral- Ikasampung Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg.,DepEd Complex, Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Division of Negros Oriental ESP-DLP Initiated

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like