You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REGIONAL TRIAL COURT


National Capital Judicial Region
Branch 14, Makati City

PEOPLE OF THE PHILIPPINES, CRIM.CASE NO. RP-PS5-101356 Plaintiff,

-versus-

Ortega, Justine & Viloria, Kyle For: Violation of Sec. 5 & 11 Accused, of Republic Act No.
9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act)

x-----------------------------------------------------------------------------------------x

JUDICIAL AFFIDAVIT OF KAGAWAD JERIC BONDOC

Ako si KAGAWAD JERIC BONDOC sapat ang gulang, walang asawa at naninirahan sa #27
Fulgencio St. Barangay Valenzuela, Makati, Makati, Metro Manila, ay isa sa mga saksi ng
prosekyusyon sa kasong ito, nagsasalaysay at nanunumpa sa mga sumusunod:

PRELIMINARY STATEMENT
Ang taong nagtanong sa akin ay si Prosekyutor Ivan Frasser S. Guevarra na may opisina sa
22/F Second Avenue Corner 30th Street, Crescent Park West, Taguig, Metro Manila. Ang
mga panayam at pagsisiyasat rito ay naganap sa nasabing opisina. Sinagot ko ang mga
katanungan na may kusa at lubos na nauunawang ito ay sa ilalim ng panunumpa at maari
akong malagay sa kriminal na pananagutan dahil sa bulaang pagtotoo at pagsisinungaling.

PAKAY: Ito ang pahayag ni KAGAWAD JERIC BONDOC na isa sa mga saksi ng
prosekyusyon sa kaso na ito, isinumite upang magbigay ng patunay sa mga nakasaad sa
sumbong laban kina Justine Ortega at Kyle Viloria.

Q1: Maari bang banggitin mo ang iyong pangalan para for the record?
A1: Ako po si Kagawad JERIC BONDOC, sapat na gulang, walang asawa, naninirahan sa
#27 Fulgencio St. Barangay Valenzuela, Makati, Makati, Metro Manila,, at ipinanganak
noong ika-15 ng Marso, 1984 sa Commonwealth, Quezon City.

Q2: Ano po ang kaugnayan niyo sa kasong ito?


A2: Ako ay isa sa mga saksi ng prosekyusyon sa kaso na ito.

Q3: Paano niyo naman po nasabi na kayo ay isa sa mga saksi?


A3: Ako ay isa sa mga kagawad na nag-witness nung nakuha ang mga droga galing sa mga
akusado.

Q4: Bilang panimula, saan ka nagtratrabaho at ano ang iyon posisyon sa iyong trabaho?
A4: Ako po ay nagtratrabaho bilang kagawad sa Barangay San Fernando, Pasay City.

Q5: Gaano ka na katagal sa bilang kagawad?


A5: Dalawang taon na.

Q6: Naging involved na ba kayo sa buy-bust operation?


A6: Oo. Naging witness na din ako sa mga buy-bust operation dati.

Q7: Ano ang ginagawa niyo bilang witness sa isang buy-bust operation?
A7: Sa mga buy-bust operation, kami ay witness upang mapanigurado na ang dignidad ng
ebidensya ay mapanatili. Masyadong sensitibo ang ebidensya dito.

Q8: Kailan at kanino mo nalaman ang posibleng involvement ni Justine Ortega at Kyle Viloria
sa droga?
A8: Noong Ika-1 ng Agosto, 2019. Nagpadala ng isang telegrama si PMAJ JOHN RENAN G.
HINGAN.

Q9: Ano ang nakasaad sa telegrama na ito?


A9: Ayon sa telegrama na ito, ako ay magiging witness sa buy-bust operation na gaganapin sa
Ika-19 ng Agosto 2019.

Q10: Kilala niyo po ba kung sino ang mga huhulihin sa nasabing buy-bust operation?
A10: Hindi. Ang kanilang identity ay hindi nakasaad sa nasabing telegrama.

Q11: May mga kasama po ba kayong ibang witness sa buy-bust operation?

A11: Meron. Ang alam ko dalawa kaming kagawad bilang witness. Yung iba ay yung mga
police officer.

Q12: Alam niyo po ba kung ano ang pinag-usapan sa kanilang briefing?


A12: Ang alam ko lang ay may kanya-kanyang assignment ang mga pulis. Hindi ko rin alam
ang buong detalye, pero may kanya-kanyang task din kami.

Q:13: Ano po ang pinag-usapan sa briefing, na gagawin ng mga witness?


A:13 Ang aming partisipasyon ay magsisimula kapag nakuha na ang ebidensya na droga mula
sa mga akusado.

Q:14: Ano naman ang iyong parte sa operasyon?


A15: Bilang kagawad, kailangan kong siguraduhin na sinusunod ng mga pulis ang proseso sa
pag-kuha ng ebidensya na droga sa buy-bust operation.

Q14: Ano po ang ginawa niyo matapos ang briefing?


A15: Hindi kami kasama sa briefieng na iyon. Pero pagkatapos ng briefing ng mga pulis, kami
ay pumunta dun sa lugar kung saan isasagawa ang buy-bust operation.

Q15: Ano po ang ginawa ninyo nang makarating kayo sa Parish Church?

A15: Pumunta kami sa carinderia at naghintay.

Q16: Paano nagsimula ang kanilang operasyon?


A16: Nagsimula ang operasyon sa pagsasabi sa “asset” na sabihan ang akusado na “mayroon
siyang kaibigan na gustong bumili ng shabu”.

Q17: Paano mo nakilala ang akusado?


A17: Hindi ko po kilala ang akusado. Hindi naman sinabi sa amin kung sino ang seller ng
droga.

Q18: Ano ang nangyari pagkatapos?


A19: Itinaas ni PCMS DESCARTIN ang kanyang sombrero, na ang pre-assigned singal.

Q19: Nang ibigay ang pre assigned signal ano ang nangyari?
A19: Ang mga pulis ay rumesponde at hinuli sina Justine Ortega at Kyle Viloria. Sinubukang
tumakas ng mga akusado.

Q20: Ano ang nangyari paghuli kina Justine Ortega at Kyle Viloria?
A20: Sila ay tumakbo sa mag kaibang dereksyon pero nahuli pa din ng buy-bust team. Hinabol
ng mga pulis sina Justine Ortega at Kyle Viloria.

Q21: Ano ang mga nakuha sa katawan ng mga suspect?


A21: Isang Five Hundred Peso bill na may serial number CZ007415 at dalawang sachet ng
pinaghihinalaan na shabu.

Q22: Sinu-sino ang nandun nang kapkapan mo ang mga suspect?


A22: Ang mga pulis na kasama sa buy-bust operation at ang isa pang kagawad. Hindi
dumating ang media sa operasyon.

Q23: Pagkatapos nito ano ang nangyari?


A23: Idinala ng mga pulis ang mga akusado sa kanilang inquest.

Q23: Ano naman ang nangyari sa mga droga na nakuha?


A24: Yun po ang dinala ng mga pulis sa Pasay Crime Laboratory.

Q24: Sino ang tumanggap ng ebidensya?


A24: Si PMAJ IVY ROSE D. DE LEON isang forensic chemist.

Q25: Ano naman ang kanyang parte?


A26: Siya ang gagawa ng confirmatory test kung ang nakuhang ebidensya nga ay shabu.

Q26: Ano ang naging resulta ng test?


A26: Positive ang resulta ng test para sa shabu.

Q27: Mayroon po ba kayong proof na kayo ay naging witness sa buy-bust operation


na iyon?

A27: Nakalagay sa mga joint-affidavit ng mga pulis na kami ay tumayo bilang


witness.

Q28: Paano niyo po mapapatunayan na ito nga ang inyong testimony?


A28: Ito ay in line sa mga sinabi ko ngayon para sa aking judicial affidavit. Ang testimony ko
ay parehas sa mga sinabi sa joint-affidavit na ‘yun.

Ginawa ko itong sinumpaang salaysay upang magpatotoo sa tunay na nangyari at para sa


ibang legal na layunin at hangarin.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand this 29th day of September 2020 at
Crescent Park West, Taguig, Metro Manila, Philippines

KAGAWAD JERIC M. BONDOC


Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 29th day of September 2020 in Crescent
Park West, Taguig, Metro Manila, Philippines, affiant exhibiting to me his SSS ID No. 3216,
1 October 2024 known to me to be the same person who executed the foregoing and
acknowledged that the same is his voluntary act and deed after the contents thereof were
explained to him in the language he understood.
PROSECUTOR IVAN FRASSER S. GUEVARRA
22/F Second Avenue Corner 30th Street,
Crescent Park West, Taguig, Metro Manila.
PTR NO. 6875214
Roll No. 343400
IBP Lifetime No. 567321
MCLE Compliance IV-0003060

Doc. No: ____;


Page No: ____;
Book No. ___;
Series of 2020.

I HEREBY ATTEST that I asked the questions from the affiant in the language he understood
and faithfully caused the same to be recorded including the answers the affiant gave to my
questions. The affiant was not coached nor assisted when he gave his/her answers to the
questions asked.

Taguig, Metro Manila, Philippines, September 29, 2020.

PROSECUTOR IVAN FRASSER S. GUEVARRA


SSS ID No. 77-3349375
SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 29th day of September 2020 at Taguig,
Philippines.

ATTY. ARIAN JY ARSON D. ARCILLA


NC-6789-765 for MLA/NCR. Until Mon. 01, Aug
PTR No. 786576/67-87-19/ NCR
IBP No. 5678940/10-24-65/ NCR.
Roll No. 9087654321;
TIN No. 675-098-876
MCLE Compliance No. V-543217/ 87-29

Doc. No: ____;


Page No: ____;
Book No. ___;
Series of 2020.

Copy Furnished:

ATTY. CELLESTER KAYE B. BARTOLOME


Counsel for Accused
BARTOLOME BUGARIN
TANCHULING & TOLENTINO LAW OFFICE
Unit 2020 Arellano Corporate Center
Taft Avenue Corner Menlo St., Pasay City

You might also like