You are on page 1of 83

Noli Me

Tangere

Group 4:

Bobzer San Juan


Micaela Almario
Ashley Castronuevo
Kristelle Marie C. Marquez
Paula Jen Panlasigue
Pagsusuri
sa Noli Me
Tangere

i.
Table of Contents

May Akda ………………………………………………………………………..1

Kaligirang Pangkasaysayan ………………………………………………….....2

Mga Tauhan ……………………………………………………………………..5

Buod (Bawat Kabanata)………………………………………………………....8

 Kabanata 1 (pg. 9)
 Kabanata 2 (pg. 10)
 Kabanata 3 (pg. 11)
 Kabanata 4 (pg. 12)
 Kabanata 5 (pg. 13)
 Kabanata 6 (pg. 14)
 Kabanata 7 (pg. 15)
 Kabanata 8 (pg. 16)
 Kabanata 9 (pg. 17)
 Kabanata 10 (pg. 18)
 Kabanata 11 (pg. 19)
 Kabanata 12 (pg. 20)
 Kabanata 13 (pg. 21)
 Kabanata 14 (pg. 22)
 Kabanata 15 (pg. 23)
 Kabanata 16 (pg. 24)
 Kabanata 17 (pg. 25)
 Kabanata 18 (pg. 26)
 Kabanata 19 (pg. 27)

ii.
 Kabanata 20 (pg. 28)
 Kabanata 21 (pg. 29)
 Kabanata 22-23 (pg. 30)
 Kabanata 24 (pg. 31)
 Kabanata 25 (pg. 32)
 Kabanata 26 (pg. 34)
 Kabanata 27 (pg. 35)
 Kabanata 28-29 (pg. 36)
 Kabanata 30 (pg. 37)
 Kabanata 31-32 (pg. 38)
 Kabanata 33 (pg. 39)
 Kabanata 34 (pg. 40)
 Kabanata 35 (pg. 41)
 Kabanata 36 (pg. 42)
 Kabanata 37 (pg. 43)
 Kabanata 38 (pg. 44)
 Kabanata 39 (pg. 45)
 Kabanata 40 (pg. 46)
 Kabanata 41 (pg. 47)
 Kabanata 42 (pg. 48)
 Kabanata 43 (pg. 50)
 Kabanata 44 (pg. 51)
 Kabanata 45 (pg. 52)
 Kabanata 46 (pg. 53)
 Kabanata 47 (pg. 54)
 Kabanata 48 (pg. 55)
 Kabanata 49 (pg. 56)
 Kabanata 50 (pg. 57)

iii.
 Kabanata 51 (pg. 61)
 Kabanata 52 (pg. 62)
 Kabanata 53 (pg. 63)
 Kabanata 54 (pg. 64)
 Kabanata 55 (pg. 65)
 Kabanata 56 (pg. 67)
 Kabanata 57 (pg. 68)
 Kabanata 58 (pg. 69)
 Kabanata 59 (pg. 71)
 Kabanata 60 (pg. 73)
 Kabanata 61 (pg. 74)
 Kabanata 62 -63(pg. 76)
 Kabanata 64 (pg. 77)

Mga Aral na Natutunan…………………………………………………………73

iv.
May-Akda

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay


isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga
magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang
ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay
at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos
siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may
mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa
matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang
bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang
dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga
pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal.
Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng
samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya
sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon
siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat
niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa
pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang
papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong
Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong
siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan
ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon
laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang
“Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang
henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose
P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

1
Kaligirang Pangkasaysayan Ng Noli Me Tangere

Noli Me Tangere, Ito ang kauna- unahang nobelang isinulat ni Rizal.


Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito.

Ang Ideya ng Pagsulat

Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa tatlong aklat na


nagbigay sa kaniya ng inspirasyon: The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin,
Biblia. Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The Wondering Jew (Ang Hudyong
Lagalag) ay nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa
natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol. EUGENE SUE. Ang The Wandering Jew ay
tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota.
Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang
walang tigil. Tungkol ito sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga
Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa
pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino.
Ang pamagat na ‘’Noli Me Tangere’’ ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa
wikang Filipino ay ‘’huwag mo akong salingin’’ na hango sa Bibliya sa
Ebanghelyo ni San Juan: dicit ei Iesus “noli me tangere” nondum enim ascendi
ad Patrem meum vade autem ad fratres meos et dic eis ascendo ad Patrem meum
et Patrem vestrum et Deum meum et Deum vestrum” Iohannes 20:17. Inilathala
ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim na taong gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga
Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa simula, binalak ni Rizal na ang
bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakakabatid
sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging
nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito,

2
sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong. Bago matapos ang taong
1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo’y natapos niya nag kalahati
ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos
ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng
nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887. Natapos niya ang Noli Me
Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kanya si Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salapi
na naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa imprenta.

Pabalat ng Noli Me Tangere


Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela. Pinili ni Rizal ang mga
elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang ang aspektong astetiko ang
kanyang naging konsiderasyon- higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo.

Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang kanyang pamilya na
baka siya’y mapahamak inibig parin niyang makabalik sa Pilipinas dahil: Una,
hangarin niyang maoperahan ang kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo
ng kanyang mata. Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit
hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula taong 1884-
1887. Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang
nobela sa kanyang bayan at mga kababayan.
Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero,1888. Sa kanyang pag-alis ay
nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon, San Francisco at New York sa Estados
Unidos, at London sa United Kingdom. Habang siya ay nasa ibang bansa ay
iniukol ni Rizal ang kanyang panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa
kanya.

Ang layunin ni Dr. Jose Rizal kung bakit niya isinulat ang Nobelang Noli
Me Tangere

1. Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng


kalayaan at kaunlaran para sa bansang Pilipinas
3
2. Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang pagkatuto
ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili,
nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa
mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.
3. Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa
kasalukuyang henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging
pag- asa ng ating bayan.

Ang Kabuluhan

Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa
kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila
sa Pilipinas.

4
Mga Tauhan

Crisostomo Ibarra – Mestisong Espanyol. May pangarap na pag-unlad para sa


bansa. Itinuring “eskumulgado.” Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na
makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego.
Elias – Nagtatago sa batas at tagapagligtas ni Ibarra sa mga tangkang
kapahamakan. Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Namatay sa pagliligtas kay Ibarra,
alang-alang sa kanyang Inang Bayan.
Kapitan Tiyago (Don Santiago de los Santos) – Pinakamagilas na maginoo.
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Tanyag sa
pagiging bukas-palad at madalas magpahanda ng salu-salo.
Padre Damaso (Fray Damaso Verdolagas) - Isang kurang Pransiskano na
napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San
Diego. Masalita at lubhang magaspang kumilos. Nagparatang kay Don Rafael ng
erehe at filibustero at siya ang tunay na ama ni Maria Clara.
Padre Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na
pagtatangi kay Maria Clara.
Maria Clara - Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na
inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Tinakdang pakasal sa isang kastilang si Linares na pamangkin ni Don Tiburcio.
Pilosopo Tasyo (Don Anastacio) - Maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego. Hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral at
maagang nabalo kaya’t ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat.
Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit. Ipinagtabuyan sa kumbento nang kanyang hanapin
ang nawawalang anak na si Crispin. Nagpalaboy at tuluyang nabaliw nang hindi
5
na niya mahanap ang dalawang anak, at hindi na nakayanan ang matinding dagok
ng kasawian.
Basilio at Crispin - Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego. Si Crispin ay inakusahang nagnakaw ng
ginto, pinarusahan ng sakristan mayor, at di na natagpuan pa o nalaman kung
buhay o patay na. Si Basilio naman ay kinupkop ng isang pamilya sa isang libis
dahil sa kanyang pagkakasakit sa loob ng dalawang buwan.

Alperes - Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina - Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-


abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Ninanais
makapangasawanng dayuhan kaya’t napangasawa niya si Don Tiburcio.
Ipinagmamalaking isang doctor ang asawa upang tawagin siyang “doktora.”
Donya Consolacion - Napangasawa ng alperes; dating labandera na may
malaswang bibig at pag-uugali. Katawa-tawa kung manamit at ikinahihiyang
isama ng alperes. Nagpapalagay na siya’y higit na maganda kay Maria Clara.
Don Tiburcio de Espadaña - Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa
Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya
Victorina. Nagpanggap na doctor ng medisina at espesyalista sa lahat ng sakit,
ngunit ang totoo’y hindi man lamang nakapag-aral ng medisina, ni ultimo
nakaranas manggamot.
Linares - Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre
Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo - Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan - Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas - Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay


kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno - Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

6
Tiya Isabel - Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria
Clara.
Donya Pia Alba - Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na
kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng - Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan Heneral - Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng


pagka-ekskomunyon si Ibarra. Hindi kinikilala ng mga prayle. Tumulong
mapawalang-bisa ang excomunion ni Ibarra.
Don Rafael Ibarra - Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre
Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino - Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni
Elias.
Mang Pablo - Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio - Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at
Kapitan Valentino
Tinyente Guevarra - Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na
nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria - Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni
Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla - Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni
Ibarra.
Albino - Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

7
Buod

8
Kabanata 1: Ang Pagtitipon

Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni


Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing
handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang
sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na
kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng
Anluwage. Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa
lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan.
Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga
mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at
sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake.
Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de
Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Sa lahat ng mga panauhin ng
Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina
Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang
magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang
tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani-kaniyang
paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin,
humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing
iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang
tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila
ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas,
monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang
pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon
sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng
paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal
ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Padre
Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga
erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad
na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral.

9
Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat
pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang
erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit
ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang
kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na
pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa


ayon sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng
kaugalian, humalik siya sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla,
lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan
Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan
na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-
aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra
y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa
bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at
bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at
nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng
kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang
pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang
tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang
hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra.
Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng
kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San
Diego sa araw na iyon.

10
Kabanata 3: Ang Hapunan

Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at


nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa
isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre
Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at nataamaan tuloy ang isang
kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing
pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito
namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis
sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa
masarap na handa ng Kapitan. Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa
pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera. Pinagtalunan
naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng
kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya
ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran
nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa
kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na tinanggihan naman
ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit magalang itong
tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang
napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay
mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga
pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang
kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng
kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa
iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito,
ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng
kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na
dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma
sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa
kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika
at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang

11
kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos
naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong
matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng
salapi. Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na
lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa
kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman
nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni
Ibarra. Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni
Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-
alipusta si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng
Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.

Kabanata 4 - Erehe at Pilibustero

Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila


ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang
kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang
natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang
bayang iyon. Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama.
Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don
Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at
maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit
dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso.
Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay na
lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila doon na walang kaalam-alam,
palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor.
Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya
kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga bata at
ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba
ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at

12
inawat niya ang artilyero. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang
Kastila hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato.
Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at
natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil,
ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway.
Kabilang sa mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero,
pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang
pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin,
pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari,
pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog.
Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging
si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng
paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin
ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael.
Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang
mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang
masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at
nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng
hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit.
Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay
na kapamilya o kaibigan.

Kabanata 5: Isang Tala sa Gabing Madilim

Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa


kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan
ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na
tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa
niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at
kubyertos at tugtog ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago

13
ay nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si
Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata,
mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat
ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang
marangyang kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si
Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre
Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang
palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan
ni Maria Clara. Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman
ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang
isipan si Maria Clara.

Kabanata 6: Si Kapitan Tyago

Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag-


iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya
pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya
ng isang paring dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang
kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay
nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag
bilang pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan.
Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong
pangangatawan, pandak, at bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng
pananabako at pag-nganga nito. Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at
kasama sa kanyang paglilingkod ay ang hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang
mga Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing din ng Kapitan na siya ay isa nang
Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio. Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila
ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga.
Kaibigan siya ng lahat ng mga may kapangyarihan, lalong lalo na ang mga pari.
Kung kaya't hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin

14
ang langit. Nabibili niya ang kabanalan at mga santo na kanyang maibigan. Ang
kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San
Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio
Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-
anak (Hesus, Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya
ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito
ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang
pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. Sa kabila ng magandang
buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila
nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni
Padre Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa
kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao.
Makalipas ang kaunting panahon ay nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay
na rin ni Padre Damaso bagamat ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan).
Ngunit ang babae ay naging masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay
manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel.
Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle. Lumaking
magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan.
Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento
ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa
Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay
nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman
tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.

Kabanata 7: Suyuan sa Asotea

Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel.


Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si
Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng
nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga kasulatan tungkol sa kabuhayan si

15
Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang ama upang
malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at
siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta.
Napagpasyahan na siya ay magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang
pista doon. Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang
nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman siya ni Tiya
Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan.
Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang
mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa
alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel. Masinsinang nag-usap ang
dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-
isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na
pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa
isa't-isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra
upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak
papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan. Kabilang sa sulat ang
layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang
makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin itong
magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang
kanyang hangarin. Dito natigilan si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at
marami siyang kailangang gawain. Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni
Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay
magbabakasyon doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa
pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si
Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.”

Kabanata 8: Mga Alaala

Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda


ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng

16
kanyang mga alaala. Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na
kanya nang nakita: mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe,
salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may
mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay kababaihan
na nagtitinda ng prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na kasama
sa paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago,
ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang
mga karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga
pari, kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya ni Kapitan Tinong
kung kayat binati siya nito. Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at
naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din
siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang
hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan
ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga
gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa
kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay
matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin
sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan- kung
ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat
lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.

Kabanata 9: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng


araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan
na silang makaalis ng siya namang pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli
ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong
ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Sinalubong siya ng Kapitan at
inabot nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus
ay sinabi kaagad nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan.

17
Dito ay sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si
Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil
ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na
and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga
kaaway. Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng
Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra
pauwi sa bayan ng San Diego. Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila
sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang
pari na may matinding sakit. Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan,
katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tyago.
at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at pakikipag-alyansa
kay Padre Damaso. Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang maysakit, at
dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang
kanilang mga kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa paghawak
ng ari-arian.

Kabanata 10- Ang San Diego

Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa


baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao
sa bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa
pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan
ang buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin pansin dito ang isang
gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran. Katulad ng ibang bayan sa Pilipinas,
pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito.
Si Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang
bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas
na tungkulin at kinikilala sa bayang iyon, ang mga Kastila at ilang mayayamang
Pilipino. Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng
San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat

18
sa pook na iyon at pinambayad ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas
at salapi. Hindi nagtagal ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng
isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao
doon kaya't sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang
kanyang mga alahas sa ilog. Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na
nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-
arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila nanirahan sa
San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni
Ibarra. Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap
nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang
pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang
mga kaibigan.

Kabanata 11- Ang mga Makapangyarihan

Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa


bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa
kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael,
Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang
pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng
marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si
Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng
lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na
pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon
naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa
halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang
makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan
at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si

19
Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang
pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre
Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay
lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-
asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha.
Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na
may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita
ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Kabanata 12: Araw ng mga Patay

Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na palayan at


nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may
malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa
sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Isang
napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-
abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang
sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang
ginagawa. Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng
sikmura sa pagdura at paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang
kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay
hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang
hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng
mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si
Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa
libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na
buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito sa lawa. Mabibilang
lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San
Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa
pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at

20
ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa
bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin
siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na
may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng
banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon
sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng
gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa
na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San
Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang
puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang
batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre
Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron
mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero,
mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito
ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa
agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may
palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng
dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Kabanata 13: Mga Babala ng Bagyo

Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama


ang kanilang matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si
Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga
bulaklak ng adelpa at sampaga. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at
tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng sepulturero
na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa
libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na
ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa
matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at ng makasalubong niya

21
si Pari Salvi ay hindi nito napigilang daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag
si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng
kanyang ama. Ipinaalam naman ng huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre
Damaso.

Kabanata 14: Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo

Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin
ang puntod ng kanyang asawa. Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo
Tasyo, kilala ng lahat ng tao sa San Diego sa kakaiba nitong personalidad. Lagi
itong laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami rin itong sinasabing
pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na hindi nauunawaan ng
karamihan kayat tinawag nila itong baliw. Matalino ang matanda at matalinghaga
kung manalita. Galing siya sa isang mayamang pamilya at nag-aral ito sa
unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa
paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang
Diyos. Minarapat din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binata, bagay ni
sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng
isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawang muli ay inilaan
na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na nito ang
minanang kabuhayan mula sa kanyang ina. Kapansin pansin ang kakaibang
kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at
pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Matalinghaga rin ang kanyang
sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na ang bayo ang siyang
lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa
sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes
na mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog ng
mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan naman
siya ng bawat makarinig. Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon ay

22
naabutan niya ang dalawang bata at sinabihan niya ito na kung maari ay umuwi
sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng isang espesyal na hapunan.
Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito dahil na rin sa
tungkulin sa simbahan. Patuloy na naglakad lakad si Tasyo hanggang sa
makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila ang
pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman niya ang
paghihinagpis ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng kanyang ama. Sinabi rin nito
na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama nito. Napadako ang kanilang
usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi pinaniniwalaan ng
Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya naniniwala dito ay
nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang ang tao
ay mabuhay ng malinis. Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang
masiglang lumakad palayo sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na
kulog.

Kabanata 15: Ang Mga Sakristan

Ang dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang
kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan
ng kanilang ina. May matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at
ito ay lubos na nagdudulot ng kawalang pag-asa sa magkapatid, lalo na kay
Crispin, ang nakababata sa dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari na
nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay
dalawang piso sa isang buwan, kung kayat hindi niya mababayaran ang
nawawalang salapi, at ang pataw na multa ng tatlong beses. Hiniling nito sa
kanyang kuya na tulungan siyang bayaran ang ibinibintang sa kanya ng pari,
bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan niya itong ibigay sa
kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang lahat
sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang ina, na kung ito ay kapiling
nila tiyak niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng mga pari. Naisip rin niya

23
na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang nawawalang pera at ng sa gayon
ay maibabalik pa niya ito at mamatay man siya sa palo ay may maiiwan naman
siya sa kanyang ina at kapatid. Nag-aalala naman si Basilio sa galit ng ina kapag
nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kanyang kapatid. Buo naman
ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na ginawa niya iyon,
dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang katawan dahil sa palo ng
kura, pati ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na ang tangi niyang pera ay
isang kuwalta lamang na aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko, at pati ito ay
pinag-interesan ng ganid na prayle. Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin,
gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya pinapakain mula ng siya ay
pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa kanilang
kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig
nito ang kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio
dahil daw sa salang maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi naman nito
kay Crispin na hindi siya makakauwi hanggat hindi niya ibinabalik ang ninakaw
na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay na nakapagpahamak pa sa
kanya sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng gabi. Ang
desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit
na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago
sumapit ang ika-siyam ng gabi. Pagkasabi nito ay kinaladkad na ng sakristan si
Crispin at hindi na magawang makiusap ni Basilio sa pangamba at awa sa kapatid.
Dinig na dinig nito ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na
nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang matulala at balutin ng matinding
paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may magawa siya para tulungan at
baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay
tumindi ang pagnanais na makapag-araro sa bukid upang maka-alis sa kalupitan
ng simbahan. Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagpapatihulog ni Basilio mula
sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng kampana.

Kabanata 16: Si Sisa

Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing
24
ina nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang
likas na ganda nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya
ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong
nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong
pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin
kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng
kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos.
Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na
hindi nila madalas matikman sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga
bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo
at isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, mula sa kagandahang
loob ni Pilosopo Tasyo. Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay ang
kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang
mga anak. Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at
bagkus ay inihabilin pa na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata.
Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala na wala
na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang mga anghel.
Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata
pagdating nito mula sa simbahan. Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip
sa paghihintay ay nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.

Kabanata 17: Si Basilio

Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina
na siya ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito
nagawang huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel.
Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat
ang tunay na nangyari. Napag-alaman din ni Sisa na napag-bintangan si Crispin
na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa
kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni

25
Crispin sa kamay ng Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at
bagkus ay nag-alala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating ang
kanyang ama. Alam kasi nito ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang
ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay naisambulat nito na mabuti pang mawala na
ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Sa ganitong kalagayan ay
mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang pinagdamdam ni Sisa. Para sa
kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang
magkakasama silang lahat. Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at
pagod. Binangungot ito sa kalagitnaan ng tulog sapagkat nakita niya sa kanyang
panaginip ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila
ng yantok si Crispin sa ulo hanggang ito ay duguang humandusay sa lapag.
Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at pinagtapat na lamang niya ang
pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto na sa
pagsasakristan kasama ni Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag-
aari ni Ibarra, at pagsapit niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid,
siya ay hihiling ng kapirasong lupa para sakahin. Pauunlarin niya ang sakang
iyon hanggang sa umunlad ang kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin
kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay hihinto na sa pananahi. Bagamat
nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina, lihim naman itong nasasaktan dahil
hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa mga plano nito.

Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap

Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga
matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na
makausap ang Padre. Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si
Padre Damaso ba or si Padre Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga
matatanda ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga
namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang
indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na kaligtasan mula sa

26
pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila
namalayan ang pagdating ni Sisa. May dalang handog si Sisa para sa mga prayle.
Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa kanyang mga tanim at pako na
paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng kumbento upang iayos ang
kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan at mga
tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman
niya na maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa
nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos
nitong magnakaw ng dalawang onsa. Alam na ito ng mga gwardiya sibil at
kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang mga
anak. Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang
magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang
kwentang asawa.

Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro

Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung
saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang
nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don
Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si
Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo
nuong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning
kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng
panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na
akma upang makapag-aral ng walang balakid ang mga bata, ang kakaibang
pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan
tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng
mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro
ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga
estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre

27
Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag
nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga
bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan
ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at
pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo
ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang
magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral.
Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego,
kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng
kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang
kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo
tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra
na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang
kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa
paanyaya ni Tinyente Mayor.

Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal

Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at


pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong
araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang
kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na
pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa
pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa
gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at
aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan.
Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang
makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad
na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito
ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga

28
gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa at
magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo.
Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging
lalong kasiya siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang
mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing marapat na
tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga gaganap sa
programa ay dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal
ay dapat mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang
inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura
tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon,
tatlong misa mayor at isang komedya.

Kabanata 21: Mga Pagdurusa ni Sisa

Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang


bahay. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain na dadamputin ng
mga gwardiya sibil ang kanyang mga anak at ang bintang na pagnanakaw ng
salapi ng dalawang bata. Namataan niya ang mga gwardya sibil na papalayo sa
kanilang bahay, bagay na nakagaan sa kanyang takot sapagkat hindi nito kasama
ang kanyang mga anak. Nang magpang-abot sila ng gwadiya sibil sa daan, pilit
siyang pinaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak.
Bingi ang mga gwardiya sibil sa kanyang pagmamakaawa at pangangatwiran
kung kaya't kinaladkad siya ng mga ito papuntang kwartel. Hiyang- hiya si Sisa
habang kinakaladkad ng mga gwardiya sibil sa harap ng taong-bayan, lalo na ng
sa oras na iyon ay natapat na tapos na ang misa at ang mga tao ay kasalukuyang
lumalabas ng simbahan. Lahat ay napapatigil sa nagaganap na eksena sa
lansangan at walang magawa si Sisa kundi panghinaan ng loob at mag-iiyak.
Pagdating sa kwartel ay inihagis siya ng mga ito at nagsumiksik na lamang siya
sa isang sulok. Bingi ang lahat sa kanyang pakiusap at pagmamakaawa. Tanghali

29
na ng pakawalan siya ng Alperes. Umuwi si Sisa sa kanilang bahay at muling
hinanap ang kanyang mga anak. Ngunit ala ni anino o tinig ng mga bata kahit sa
bakuran. Pumanhik muli siya ng bahay at namataan niya ang punit na damit ni
Basilio na may bahid ng dugo. Hindi niya matanggap ang nasilayan at nilamon ng
pighati ang kanyang katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang
sinasambit ang pangalan ng kanyang mga anak.

Kabanata 22: Liwanag at Dilim

Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang
mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating
sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na
pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni
Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap.
Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga
kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat
siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan
ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay
dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang
mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong
sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa
kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng
tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.

Kabanata 23: Ang Piknik

Madaling araw pa lamang ay masigla ng nagsisigayakan ang mga kababaihan at


kabinataan para sa kasiyahan sa araw na iyon. Magkakasamang naglalakad ang

30
mga kababaihan, hiwalay sa kalalakihan. Kasama rin sa piknik na iyon ang mga
kawaksi at matatandang babae. Sasakay sila sa dalawang bangka habang
mangingisda sa ilog. Magkakasama ang matatalik na magkaibigan na sina Maria
Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Hindi mapigilan ang
kanilang mga tawanan at kwentuhan, bagay na nag-uudyok kay Tiya Isabel
upang sila ay sawayin. Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang
bangkang sinasakyan ng mga kalalakihan kung kaya't sila ay napalipat sa bangka
ng mga dalaga. Nagkaroon naman ng katahimikan sa panig ng mga dalaga
sapagkat sila ay inatake ng hiya. Si Elias naman ay patuloy lamang sa pagsagwan
sa bangka. Upang hindi mainip at maaliw ang lahat, umawit si Maria ng
Kundiman at ang lahat ay parang idinuyan sa awitin. Malapit ng maluto ang
agahan, kung kaya't gumayak na ang mga kalalakihan upang mangisda. Sa
kasamaang palad, ni isang isda ay wala silang nahuli sapagkat may buwayang
naroroon. Nabahala ang mga kababaihan sa paglitaw ng buwaya at lalo na ng
nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog, ngunit higit na malakas ang
buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias.
Napatigagal naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at tila ba tumigil na rin
ang kanyang paghinga. Natalo naman ng dalawa ang buwaya at nagpatuloy sila
sa pangigisda hanggang sa sila ay makahuli ng sariwang isda. Masayang nag-
pananghalian ang mga magkakaibigan sa ilalim ng mga puno malapit sa batisan.

Kabanata 24: Sa Kagubatan

Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na


nito tinapos ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe.
Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang
makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais na
mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga
binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang
kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang

31
mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik.
Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't
nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay
pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo
sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan
nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng
una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga
bata. Pumagitna na sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang
dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro ng
Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan
ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang.
Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at
pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at
ibinigay kay Maria Clara at Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang
hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, malaking kasalanan ang maniwala sa
nilalaman nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura na mas malaking
kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman kaagad
ang kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay
dumating naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay
Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si
Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing
walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon kung sino ang
nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil ang
kagubatan ngunit ala silang nakitang Elias.

Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo

Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo


tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala
sa pagsusulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng
matanda at siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga

32
sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang mga susunod na
henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sa kanya, ang
mga susunod na salinlahi ay mga walang piring sa mata at gising sa nangyayari
sa lipunan. Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki,
ramdam niya na palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't
kailangan niya ang payo ng matanda sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao.
Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang
kanyang mga binabalak sa mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura.
Magbigay man ng masasamang payo ang mga makapangyarihan sa bayan,
maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay ayon
sa pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na
pakunwari na lamang siyang sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga
iyon. Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat naniniwala
siyang ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot na
gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng
mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng
nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang kapangyarihan ng
simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya
dito na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na
yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang
mangyari sa kanyang mga balakin. Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa
kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay ideolohiyang
liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga ganitong
prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari
ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang nasasakupan. Inihalimbawa ni
Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa rosas na yumuyuko
rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung hindi ito ay mababali
lamang; at sa puno ng makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit
ang mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi niya ito gagawin ay ibubuwal lamang
ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa siyang punong
itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya
ng makakapitan at masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa

33
kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam
iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi makabangon.
Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng
simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng
simbahan sa pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang
mga binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo
Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na
pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. Nagpaalam na si
Ibarra pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.

Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista

Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa


lamang ng Pista ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng
kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati
na mga minana at antigong kagamitan. Ang hapag-kainan naman ng mga
mayayaman ay punong-puno ng mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin,
panghimagas at mga inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa.
Inilalaan ang mga pagkaing ito para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang
maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis at
makintab, sadyang pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat. Maya't maya
rin ang pagpapaputok ng kwitis, batingaw ng kampana at tugtugan ng mga banda
ng musiko. Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay
pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng simbahan na
nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa
pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa
kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan
Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang
magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap ay iginayak ang kanilang
mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.

34
Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra
malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat
ang gastos dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga
mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng
mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa
pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa
mga batang mag-aaral. Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami
din naman ang palihim niyang naging kaaway.

Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim

Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat


ikinasisiya niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang
mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa
ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa mga pahayagan. Samu't
saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa ang nasa kanyang
tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling
bato. Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam
naman si Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at
kinumbida ng mga ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni
Kapitan si Ibarra na duon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso, na
magalang namang tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang magkatipan kasama
ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at ito ay
sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang liwasang bayan,
sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si
Maria at binigay niya dito ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka
ng kanyang mga kasama. Lumapit naman ang walang katinuan na si Sisa at
kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing anduon ang
kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan na rin
ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria. Napag-isip isip ni Maria na
marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay naging lingid sa
kanyang kaalaman.
35
Kabanata 28: Sulatan

Ang pagsusulatan ay isang kaugaliang Pilipino at ang paraan ng ligawan noong


kapanahunan ni Rizal. Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila
ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang
kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at
mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang
komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila
lamang ang nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang
Kastila. Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi
naman dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng
prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa na pinamunuan ni
Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan
Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli. Sinulatan ni Maria si Ibarra
sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay
dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata
ng bahay-paaralan.

Kabanata 29: Ang Kapistahan

Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya
at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga
siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na
para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na
kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat
tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa
ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera
at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit
pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi

36
natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala siyang
lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga
tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili
na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat.
Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit.
Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng
umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o
diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon.
Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman
nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

Kabanata 30: Sa Simbahan

Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at mahahayap


na ugali ng mga prayle noong panahong iyon. Bagamat siya ay tumatangkilik sa
relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga kagaspangan ng pag-uugali ng mga
prayle. Inilalarawan din ang matapat na pagtangkilik ng mga Pilipino sa
relihiyong nakagisnan, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang kabuhayan.
Buod: Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa
kabila ng init at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa
kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng
magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay
makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya.
Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor.
Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat.
Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya
ay dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre
Damaso. Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa
pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng
mayabang na padre na higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin.
37
Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang.

Kabanata 31: Ang Sermon

Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at
nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre
Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na
sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na
mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na
binibigkas sa wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami
sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat
ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat
karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre,
hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tyago. Si Maria at
Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga
mata. Sinimulan na din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog.
Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya
pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang
ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi
naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito
upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon.
Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating
oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim
naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si
Ibarra na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari
niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.

Kabanata 32: Ang Panghugos

Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa


38
paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan.
Angistrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay
nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng
malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng
taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si
Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang
batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi.
Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid.
Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang
araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa
mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi
ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at
relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok
naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na
may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw
ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng
importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang
sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong
pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa
kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at
nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng
malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng
alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa
lahat.

Kabanata 33: Malayang Kaisipan

Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay


Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayanang
katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim
na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga
kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga
39
kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas
niya sa balak ng taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa
paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong
kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama".
Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napag-alaman nito na
prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang
mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw
sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay
na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman
ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng
interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang
kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang
kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya
ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng
katapatan kay Ibarra.

Kabanata 34: Ang Pananghalian

Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago.


Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa
magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si
Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag
sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle,
mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka
naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Habang
kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi
pagdating ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga
kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung
ano-ano pa. Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa
kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni

40
Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang
alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari.
Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang
nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay
na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang
sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang
hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.

Kabanata 35: Mga Usap-usapan

Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na usapan sa buong


bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat ayon
sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si
Kapitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat
walang sinuman ang hindi makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin.
Ang mga matatandang babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang
pari sapagkat baka sila ay mapunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang
nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga
magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na hindi matuloy ang paaralan, na
ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga anak. Inihayag ni Don
Filipo sa pag-aakalang hangad ni Ibarra na tumanaw ng utang na loob ang taong
bayan sa ginawang kabutihan at ng ama nito. Ganunpaman, ala pa ring katwiran
si Ibarra sapagkat laging ang tama ay ang mga prayle. Isa pa, ang mga
mayayaman at prayle ay may pagkakaisa, hindi katulad ng taumbayan na watak-
watak kung kayat mananalo ang mga pari. Kumalat ang usap-usapan na tinawag
nang Pilibustero ng mga prayle si Ibarra, hindi naman ito madalumat ng mga
mahihirap.

41
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

Isinasaad sa kabanatang ito ng Noli me Tangere ang desisyon ng mga prayle na


paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang ma-exkomunikado ang
binata. Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan
Kapitan Tiyago kayat naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang
nararapat na pag-istima sa panauhin. May nalalabi pang oras upang makapag-
gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay
patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay
Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang-aalo ni
Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang
sumulat sa Papa aty magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang
ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan upang
magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at
isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang
nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos
naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng
kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito
ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi
makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman
ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre
Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa.
Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at
pinagsabihan ito na hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan.
Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit
sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito pakikinggan kundi ang
desisyon lamang ng mga pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap ang
paghahanda sa bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan-
Heneral at napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria
naman ay pumasok sa loob ng silid at taimtim na nananalangin ng pasukin ni
Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang harapin ang Kapitan Heneral sapagkat
ipinapatawag ito. Sumunod naman ang dalaga.

42
Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral

Ipinapakita sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ang makataong pamumuno ng


Kapitan Heneral, na siyang may pinakamataas na pwesto sa lipunan ngunit hindi
naghahari-hariang katulad ng mga prayle. Minarapat niyang magkaroon ng
pantay na katarungan para sa lahat. Buod. Naunang kinausap ng Kapitan Heneral
ang binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay lumabas sa kalagitnaan ng
sermon. Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos niyang
makausap ang Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid. Sumunod
niyang hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla, Pari Martin,
Pari Salvi at iba pang mga prayle. Nagpakita naman ng buong paggalang ang
mga pari sa pagyuko nila sa Kapitan. Binanggit din nila ang pagkakasakit ni
Padre Damaso kaya't wala siya sa araw na iyon. Sumunod namang humarap sa
Heneral sina Kapitan Tyago at Maria Clara. Pinuri ng Heneral ang katapangan
nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Damaso, at ang pagbabalik ng hinahon ni
Ibarra dahil na rin sa kanya. Binanggit nito na dapat siyang gantimpalaan sa
kanyang ginawa, na tinanggihan naman ng dalaga. Kalaunan ay dumating na rin
si Ibarra upang makausap ng Heneral. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang
binata ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin ng pari at sa halip ay ipinaabot
ang pagbati kay Padre Damaso. Pagkatapos ay umalis ang mga pari na hindi
naibigan ang ipinakita ng Heneral. Malugod na binati ng Heneral si Ibarra at
pinuri sa ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng
Heneral na kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging excomulgado ng
binata. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais
itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde
na samahan siya nito sa paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng binata at Kapitan
Heneral na kilala ng binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya.
Ipinamalas din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat
iminungkahi ng huli na mas makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat
ang kanyang kaisipan ay nararapat lamang sa kaunlaran ng ibang bansa.
Magalang namang tumanggi si Ibarra at sinabing higit na matamis ang mamuhay

43
sa sariling bayan. Ilang sandali pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na
kausapin si Maria at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis
naman si Ibarra upang puntahan ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng
Heneral sa alkalde mayor na protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito
ang mga layunin ng binata. Tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod.
Dumating naman si Kapitan Tyago at pinuri ito sa pagkakaroon ng mabuting
anak at mamanugangin. Nagprisinta rin ang Heneral na maging ninong sa kasal.
Samantala, si Ibarra naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya
ni Sinang na isulat na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras na
iyon ay gumagayak sila papunta sa dulaan.

Kabanata 38: Ang Prusisyon

Ang mga kaganapan ay nakasentro sa idaraos na prusisyon at mga nakatakdang


gawain ng Heneral ng araw na iyon. Buod Ang mga paputok at sunod-sunod na
pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng
nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol
sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena,
San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San
Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang
Kapitan Heneral, mga kagawad, Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang
huli ay napilitang sumama dahil na rin sa pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng
bahay ni Kapitan Tyago ay may isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng
tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Pinangungunahan ng tatlong sakristan
ang pila ng prusisyon, na sinusundan naman ng mga guro, mag-aaral at mga
batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay
may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa
hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para
gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago inihinto ang
mga karo at andas ng mga santo. Isang batang lalaking may pakpak, nakabotang

44
pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas upang simulan ang pagpupuri
sa wikang Latin, Kastila at Tagalog. Sumunod naman ay ang pag-awit ni maria at
lahat ay nabighani sa ganda ng kanyang tinig. Ramdam naman ni Ibarra ang
pighating nararamdaman ng kanyang katipan sa boses nito. Napukaw ang
atensyon ng binata ng ito ay kausapin ng Heneral tungkol sa hapunan kung saan
kailangan nilang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang sakristan na sina
Crispin at Basilio.

Kabanata 39: Si Donya Consolacion

Ang kabanatang ito ng Noli me Tangere ay inilaan sa paglalarawan kay Donya


Consolacion. Sinisimbulo ng kanyang personalidad ang mentalidad ng mga
Pilipinong walang pagmamahal sa sariling kultura kung kayat binibihisan ang
kanilang mga sarili ng ugaling dayuhan. Buod Si Donya Consolacion ay asawa ng
alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa pamamagitan ng
paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din ang
pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan
kaninuman, kahit pa kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay
dating labandera na nakapag-asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon.
Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali. Ng araw na
iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila na alam
nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit
sa kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa
kanyang kaalaman na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang
pag-alipusta at pagmura nito sa kanya. Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito
ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na dalawang araw ng nakakulong.
Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi naman
maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito
niya ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa.
Hinampas niya ito ng latigo at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa

45
sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod sa kapritso ng donya. Walang
nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin ito, na sinunod
naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin
ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat
naman ng gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya
ito. Hinarap naman niya si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay
hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa
at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat. Ang pangyayaring ito
ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang
kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito.
Ang pag-aalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra
kinabukasan.

Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas

Bandang ika-sampu ng gabi sinimulang sindihan ang mga kuwitis na hudyat ng


pagsisimula ng dula. Pinangasiwaan ni Don Filipo ang gabi ng pista. Ng mga
oras na iyon ay magkausap ang tinyente at si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-
ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama ang loob ng tinyente na hindi
tinanggap ng Kapitan ang kanyang pagbibitiw. Nagsidatingan na ang mga
malalaking tao sa bayan kung kaya't nagsimula na ang palabas na pinangunahan
nina Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Lahat ay nakatuon ang
pansin sa dula samantalang si Padre Salvi ay lantaran ang pagkakatitig kay Maria
Clara. Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula nang dumating si Ibarra.
Nakatawag pansin ito sa mga pari at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra.
Tinutulan naman ito ni Don Filipo sapagkat malaki ang abuloy ni Ibarra at higit
siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral kaysa sa utos nila. Sa inis
ay umalis ang mga pari sa kalagitnaan ng dula. Ilang saglit pa ay nagpaalam na
rin si Ibarra sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara upang paroonann ang
nalimutang tipanan. Nangako siya na babalik bago matapos ang dula. Sa

46
kalagitnaan ng dula ay may lumapit na dalawang gwardya sibil kay Don Filipo at
iniuutos na itigil ang dula dahil nabubulahaw sa pagtulog sina Donya Consolacion
at alperes. Hindi ito mapagbigyan ni Don Filipo kung kaya't nagkaroon ng gulo.
Nang pagtangkaang patigilin ang mga musikero, hinuli ng mga kuwadrilyero sa
tribunal ang dalawang gwardiya sibil. Nagkataon na nakabalik na rin si Ibarra sa
mga sandaling iyon at hinanap kaagad si Maria. Kumapit naman kaagad ang
sindak na dalaga sa mga bisig ni Ibarra habang si Tiya Isabel ay naglitanya ng
panalangin. Sa galit ng mga kalalakihan doon ay pinagbabato nila ang mga
gwardya sibil na huminahon lamang sa pakiusap ni Elias, na inabisuhan naman ni
Ibarra sapagkat wala silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon. Ang
pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at ibinalita rin ito
ng kanyang tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay tao si Maria at si
Ibarra ang kumarga sa dalaga. Sa ganoong pangitain ay nagmistula itong baliw at
nagtatakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tyago upang makasiguro na hindi totoo
ang kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita niya ang
anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng Kapitan. Umuwi
na ito ng masigurong hindi kasama ng dalaga si Ibarra.

Kabanata 41: Dalawang Panauhin

Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang


naganap kung kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo.
Ilang sandali ay dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na
ipagbigay-alam kay Ibarra na may sakit si Maria Clara, at kung may ipagbibilin
ang binata bago siya pumunta sa Batangas. Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra
kung paano niya nasugpo ang kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala
niya ang magkapatid at napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan. Napahinuhod
naman ang magkapatid na gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay
Elias. Umalis na rin si Elias makalipas ang ilang sandali. Nagmamadali naman na
gumayak si Ibarra upang tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay

47
nasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si
Ibarra tungkol sa salapi na makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay
ng kanyang kapatid. Sinagot ito ng maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa
isang araw sapagkat siya ay patungo sa maysakit. Ngunit sadyang mapilit si
Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago pa man mawala ang pagtitimpi ng huli ay
tumalikod na lamang ito. Naiwan si Lucas na nagpupuyos ang kalooban, at sa
kanyang isipan ay iisa ang dugong nananalaytay sa ugat ni Ibarra at ang lolo nito
na nagparusa sa kanilang ama. Maari lamang silang maging magkaibigan kung
magkakasundo sila sa salaping ibabayad ni Ibarra.

Kabanata 42: Ang Mag-asawang De Espadana

Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara.


Tumawag na ng doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay kasalukuyang
pinagpipilian nila ni Tiya Isabel kung saan maglilimos: sa Krus ng Tunasan na
himalang lumaki, o sa Krus na Matahong na nagpapawis. Sa bandang huli ay
napagpasyahan ng dalawa na parehong lumisan ang mga ito upang gumaling
kaagad si Maria Clara. Dumating na ang doktor na si Tiburcio de Espadana at
ang kanyang maybahay na si Victorina. Nagmiryenda muna ang mag-asawa bago
tingnan ng 'doktor' ang kalagayan ni Maria. Kasama rin nila ang kamag-anak na
si Linares na dumating pa mula sa Espanya. Kasunod nilang dumating si Padre
Salvi at ipinakilala ng mag-asawa si Linares, nag-aaral ng pagka-manananggol sa
Espanya at pamangkin ni Don Tiburcio. (Dumating ito sa Pilipinas sa gastos na
rin ni Donya Victorina.) Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang ng
Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Lubos na nanghinayang ang ambisyosang
ginang at nahiling na sana ay nuon pa nagkasakit si Maria Clara disin sana ay
nakadaupang palad nila ang Heneral. Hinanap naman ni Linares si Padre Damaso
kay Padre Salvi, upang ibigay ang hatid niyang sulat mula sa Espanya.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinuntahan nila si Maria na binabantayan
ng mga kaibigan nito. Sinimulang eksaminin ng doktor si Maria at sinabing

48
maysakit nga ito. Inirekomendang igamot kay Maria ang liquen at gatas, Jarabe
de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Si Linares naman ay natulala at
nabighani ng husto kay Maria, na ipinakilala naman ni Victorina sa dalaga. Tila
nagising pa si Linares sa pagkatulala ng ibinalita ni Padre Salvi na dumating na si
Padre Damaso. Ang Pari ay hindi pa lubusang magaling ngunit inuna nitong
gawin ang pagdalaw kay Maria Clara. Ating ilarawan si Donya Victorina, na
napagkakamalang isang Orofea at may gulang na 45. Ikinakaila nito ang tunay na
edad, bagkus ay sinasabing siya ay 32 taong gulang lamang. Noong kabataan ng
Donya ay masasabi rin na maganda ito ngunit pangarp na nito talagang
makapangasawa ng isang mayamang dayuhan. Sa pamamagitan nito, siya ay
mapapabilang sa alta-sosyedad at titingalain din ng karamihan. Sa kasamaang
palad, napangasawa niya ay isang mahirap pa sa daga na Kastila, si Tiburcio. Sa
edad nitong 35, higit pa itong matandang tingnan kaysa kay Donya Victorina. Ito
ay isang maralita at mal-edukadong taga-Espanya na itinaboy ng kanyang mga
kababayan sa Extremadura at naging palaboy, hanggang mapadpad siya sa
Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sapagkat hindi naman sanay sa byahe, labis
siyang nahilo at nahirapan sa kanyang paglalayag. Nabalian pa siya ng paa. Ika-
15 araw na niya mula ng dumating sa Pilipinas ng siya ay natanggap sa trabaho
dahil na rin sa mga kapwa Kastilang kanyang nakapalagayang-loob. Pinayuhan
din siya ng mga ito na magpanggap na lamang na mediko sa mga nayon na ang
tanging puhuhan ay ang kanyang pagiging Kastila. Dahil sa ala naman siyang
alam sa anumang propesyon, at hindi naman din siya nakapag-aral, lakas loob na
lamang siya na nagpanggap na doktor sa nayon. Ang totoo, dati lang siyang
tagalinis at tagapagpa-baga ng mga painitan sa pagamutan ng San Carlos sa
Espanya. Ngunit pagdating sa Pilipinas, naging ganap siyang isang doktor dahil
na rin sa katangahan at tiwala ng mga Indiyo. Nagsimula sa mababang paniningil
hanggang sa tumaas ng tumaas at naging kakompetensya pa niya ang mga
totoong doktor. Nagalit ang mga ito at isinumbong sa Protomediko de Manila.
Napilitan siyang tumigil sa panggagamot at nawalan na rin siya ng
pasyente.Ngunit nakilala naman niya si Donya Victorina at sila ay nagpakasal.
Pagkatapos ng kasal, lumipat sila sa bayan ng Sta Ana upang idaos ang kanilang
pulu't-gata, at upang duon na rin manirahan. Si Donya Victorina rin ang

49
sumuporta sa kanyang asawa, ibinahay, binihisan at ibinili pa ng mga karwahe.
Ang kanyang pangalan ay ginawang Victorina delos Reyes de Espanada. Binago
na rin niya ang kanyang anyo upang maging mukhang taga-Europa. Kinulayan
nito ang mukha at nagpalamuti sa katawan. Makalipas ang ilang buwan, siya
kuno ay naglilihi at kailangan pa sa Espanya manganak upang hindi matawag na
rebolusyunaryo ang kanyang anak. Ngunit walang panganganak na nangyari
sapagkat ang Donya ay hindi naman talaga buntis. Lumapit na rin siya sa mga
hilot at manggagamot ngunit walang nangyari. Kung kaya't walang nangyari sa
ambisyon na makapunta sa Espanya ang ginang bagkus ay manatili sa tinubuang
lupa, na kung tawagin niya ay "lupain ng mga salbahe". Wala rin siyang tiwala sa
mga kapwa Pilipino kung kaya't humirang pa siya ng Kastilang taga-pangasiwa
ng kanyang mga ari-arian. Sa pagkabigo ng kanyang pangarap ay pinagbuntunan
ng ginang ang kanyang asawa, na pumapayag naman maging andres de saya at
taga-salo ng alburuto ng asawa. Mas mabuti na ang ganong kalagayan kaysa
naman ang mamalimos sa kalye. Inuutus-utusan din niya ito at may mga
pagkakataon na sinasaktan niya ito ng pisikal, na tinatanggap na lamang ng
lalaki. Pati ang kapritso ng ginang na magpagawa ng karatulang marmol na may
nakaukit na: DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE
DE ENFERMEDADES. Walang nagawa ang lalaki kahit labag sa kalooban nito
na ianunsyo sa publiko na siya nga ay isang manggagamot, sapagkat siya nga ay
nagpapanggap lamang.

Kabanata 43: Mga Balak o Panukala

Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-


tuloy itong pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa
anak na hindi ito mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso,
hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong ugali ay marunong pala itong
umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila na mahal na mahal talaga ng
pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang pari at nagtungo ito sa silong ng
balag upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni Padre Damaso ay

50
sinamantala ito ni Donya Victorin at ipinakilala si Linares. Sinabi ng huli na
inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares ang sulat at
dito ay nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho. Madali
lamang na matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso sapagkat ito ay
naging abogado sa Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing
kakausapin niya si Kapitan Tyago. Bagay naman na ikinalungkot ni Padre Salvi.
Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi upang isangguni ang marapat na
katarungan para sa kanyang kapatid. Umarte itong kaawa-awa at pilit na
pinapatulo ang luha upang mabaghan sa kanya ang pari. Sinabi nito na binigyan
lamang siya ng P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid. Hindi
naman ikinatuwa ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya't pinagtabuyan niya
iyon. Walang nagawa ang oportunistang si Lucas kung hindi bumulong bulong at
napahiyang nilayasan ang pari.

Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi

Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo
ay walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman
siyang inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago
naman ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang
pagbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang
araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang
mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung
kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa.
Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at
napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay
Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama
ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari
noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita
sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Sinalungat naman ito ni

51
Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang
panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman siyempre nagpatalo ang pari at
sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga
gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang
kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala namang naisago ang
Pari kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si
Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan
itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara at ininom nga
nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya ang pag-
inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay
Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito
kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel
upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito
tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria
Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa
sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba
inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre
Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.

Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig

Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan


pagkatapos ng anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin
ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob
niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho rin silang nag-iisa na sa
buhay. Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na maisama ito sa mga
lupain ng katutubo. Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng
mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya.
Tinanggihan naman ito ng matanda at matiim itong nanindigan na ipaghiganti
ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan. Hindi

52
siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng katarungan ang kaawa-awang
sinapit ng kanyang pamilya. Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at
dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang
anak na dalaga. Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung
kayat nagpunta ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman diumano ng nakawan sa
kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man
napatunayan ang nasabing nakawan, hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng
pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. Hindi tinugon ni Kapitan Pablo ang
mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang
kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay
hindi man lamang naparusahan kundi inilipat lamang ng panibagong lugar. Ang
isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Sa kasamaang
palad, may isang pagkakataon na hindi nito nadala ang kanyang sedula kung
kaya't hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng hindi na makayanan ay
kinitil nito ang sariling buhay. Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala nang
mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak.
Lulusob sila sa bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga kapus-palad na
pinag-uusig ng pamahalaan. Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang
simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na ring hinangad ni Elias ang
paghihiganti, ngunit sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang
paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito. Ayon kay Kapitan Pablo, madali
itong gawin para kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng sinapit. Si Elias ay
bata pa at walang namatay na mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias na
walang madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti. Isinawalat din ni
Elias kay Kapitan Pablo ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra.
Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng
pamilya nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si
Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-
ayon naman ang matanda at malalaman niya ang resulta ng pakikipag-usap ni
Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw. Ang mga tauhan ng
Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang maipag-bigay alam sa matanda ang

53
sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon ng katarungan ang
kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na sasama sa
kanilang layunin.

Kabanata 46: Ang Sabungan

Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga


Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang
mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan
nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na
siyang ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin
nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang
lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan.
Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at
pagkatapos ng bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda,
na pinagdarausan ng mga sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na
katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. Ng araw na iyon, ilan lamang sa
naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at Lucas. Dala ng
tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang
kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong at
pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay nagkasundo
sa pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan
kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon.
Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang pula. Naiinggit
naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang
makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal,
ngunit nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama
sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas
malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya
magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang

54
lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. Noong una ay hindi pumayag
ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral.
Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas
ng salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin
nakatiis ang magkapatid sa tawag ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng
mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago.
Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa kondisyon.
Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan,
ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw.
Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.

Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora

Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at


Don Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa
maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi
pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa
sa tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya
Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang
maybahay nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito
si Donya Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang
alperes habang ang huli naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap
nang asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas ni Donya Consolacion ang
pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina.
Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang
kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang kanilang away
ay sadyang nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang dalawa.
Sinagot naman ng alperes ang kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang
Carliston’. Si Victorina naman ay inutusan ang kanyang asawa na hamunin ang
alperes ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil dito ay nahablot na

55
naman ang kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan
Tyago ang mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara
at mga kaibigan nito. Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at
inutusan ito na hamunin ang alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang
tunay niyang pagkatao. Hindi naman malaman ni Linares ang kanyang gagawin.
Habang humihingi ng paumanhin ang binata sa Donya ay siya namang dumating
ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal tungkol sa
nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin
ng binata ay marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi
bagay si Maria Clara sa isang duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara
dahil sa narinig mula sa Donya. Madilim na ng umalis ang mag-asawang Tiburcio
at Donya Victorina, dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan
Tyago sa panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi
matahimik sa gipit nitong sitwasyon.

Kabanata 48: Ang Talinghaga

Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at


Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging
excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang
tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla naman ang binata ng siya ay
mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing
paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara
naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na
magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman
sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si
Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan. Umalis si Ibarra na
may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa
ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na wala
silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan. Sinagot
naman siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga para sa
56
kanila, sapagkat lahat sila ay mga excomulgado rin. Namataan ni Ibarra si Elias
na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na may nais
siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang
talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang
mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni
Ibarra. Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi
nakalista doon ang pangalan ni Elias.

Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya,
kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi
ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na
magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya.
Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng
alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa
kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria. Hindi na nag-aksaya ng panahon
si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan
Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang
kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang
pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal
na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang
pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao
ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang
taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa
karapatang pantao. Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na
makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang
kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang
Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang

57
magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na
iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman
nilang masasamang kailangan. Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang
isang tulad ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na masamang kailangan na para
bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang
makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala,
kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay
malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang
isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at
hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas.
Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis
sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At
kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang
katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga
sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil
ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at
pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang
cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay
manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao
dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga
sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle
at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na
may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan
ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-
kapangyarihan. Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila
mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap
ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang
daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala
na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

58
Kabanata 50: Ang mga Kaanak ni Elias

Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na
siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang
kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng
kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa
Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya.
Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang
kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na
nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang
asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang
paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang
nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit
hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping
pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae.
Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng
asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban
sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya,
ginawa ang hatol. Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng
batas, lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay
naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti
nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot
sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na
haliparot,delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na
lamang anak ng ina. Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na
patay na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay
nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay
ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang
dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-
lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa
Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang
nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali. Siya ay masikap

59
at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan hanggang
sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat.
Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan.
Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa
ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang
nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang
ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng
pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae
at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na
ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay
namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may
kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na
babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng
panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kaya’t umuwi
silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda ang
kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa
binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa
kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang
malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay
pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama.
Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang
naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay
naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid. Lalong binayo ng
matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa
iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t sukat.Lumipas
ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng
babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang
kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga
ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa.
Dito natapos ang salaysay ni Elias. Nagpalitan pa ng iba’t-ibang pananaw ang

60
dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa
kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming.
Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay
di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay
mayroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si
Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang
kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at
sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang
pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang
oras ng pakikibaka sa mga Kastila.

Kabanata 51: Mga Pagbabago

Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng


liham mula kay Donya Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya.
Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na
maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang
kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na
makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya. Dumating si
Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa
sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra
kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may
kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si
Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap
sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa
silid kasama si Victoria. Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago
pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod
naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi
nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata
at lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong

61
kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na
siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang
kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.

Kabanata 52: Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong
tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na
paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung
nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito
sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang
anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila
ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang
makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng
lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may
mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao
na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang
may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod. Pagdating sa lugar ng
tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na
sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga
dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng
sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng
pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan. Nang
dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon
palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong.
Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan
upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw
ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si
Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal
sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si

62
Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman. Nang gabing
iyon dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang
tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo
sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito
pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat
ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang
nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias
na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang
kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa


libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni
San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at
pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa
libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang
tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo. Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas
na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt
naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa
tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang
ang pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya,
ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo.
Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na
ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging
bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga
kabataan sa Europa ay nadadma na rin . Ang mga kabataang nakapag aral sa
Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika,
Agham, wika at iba pang uri ng kaalamn na itutring na enerhiya noong una. Kaya
na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalwan at

63
tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang
nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang
sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.
Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon,
sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod
sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung hindi
nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya.
Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay ay hindi na
nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan.
Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa
loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman
ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang
kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi
nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.

Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng


Parusa

Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong
gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na
pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang
alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang
kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa
kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat.
Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing
iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal
sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil
dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob
ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang
itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal

64
upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang
mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang
paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at
bituin sapagkat ganap silang nakahanda. Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang
mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat
ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na
ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang
nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at
nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat
ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot
at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil. Tinulungan ni
Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang
relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin
ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito
ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding
kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip
niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan
ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong
tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si
Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.

Kabanata 55: Ang Pagkakagulo

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya
niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang
palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa
paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain
noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang "multong" si
Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng

65
gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang
ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi
malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig
upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot.
Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na
lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang
Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan
Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may
kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na
‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang
magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan.
Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at
bintana ng biglaan. Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura.
Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng
alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog
ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa
silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad
ng binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa
may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa
kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.
Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong
na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang
kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria.
Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang
siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na
kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang
kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating
na kawal. Isinama. Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok
siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya
ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at
ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang duwag.
Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang

66
balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong
naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra,
nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na
patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril.
Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa
bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni
Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel,
Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban. Ang mga kawal ay
nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng
walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng
husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at
mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na
nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog.
Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang
mga katulong ni Ibarra.

Kabanata 56: Ang mga Sabi at Kuro-kuro

Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego.
Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na
tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na
magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata,
nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay
ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong
mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw
ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya
dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may
tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan
ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya
kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa

67
tulong ng mga sibil. Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking
kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan
nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw
ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa
bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay
ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang
nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

Kabanata 57: Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig

Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga
batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip.
Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na
halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na
naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag
batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging
buhay na nabihag ng mga sibil. Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni
Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob.
Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa
ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil
dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling.
Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na
asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy
itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos
sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo
ang buong katawan nito. Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa
bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at
tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang
nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot
ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya

68
lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang
parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at
nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno
at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang
alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata.
Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang
makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba
sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese
ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang
pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan.
Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang
bilanggo. Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya
napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng
biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos
itong ipasok na muli sa karsel.

Kabanata 58: Ang Sinumpa

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa


kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa
kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan
na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang
kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit
kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang
mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng
silbi. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis.
Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana
Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay
pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni
Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si

69
Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman
ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan
ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si
Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si
Ibarra. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang
baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga
hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at
sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak
ng bilanggo. Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton.
Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha
pang batiin ng naka ngiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa,
pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang
si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay
napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong.
Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay
naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit
nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na
tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa
ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na
gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga
pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas
na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal
na umaalalay sa kanya. Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang
na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis
at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa
ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito
ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng
nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng
piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain. Waring walang ibig
dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio.
Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon

70
nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at
magandang kinabuhasan. Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid
si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot.
Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang
sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol
patay na si Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.

Kabanata 59: Pag-ibig sa Bayan

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala


sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba
ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa
talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento
ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at
gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay
nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib.
Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-
AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala,
ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng
isang mitra. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-
aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa
isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito
ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya
ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa
isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging
lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito
ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik. Malapit ng mabanas ng
husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan si

71
Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin.
Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong
mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa
pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at
niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng
maraming tao at sinabing sila magkaibigan. Sinabi ni Don Primitivo na dapat
napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan
dahil sa mga masasama. Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang
gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong
dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni
Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas
atidahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na
maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni
Ibarra sa kanyang mga kasulatan. Boto silang lahat sa payo. Sa kabilang dako sa
isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga
anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap
na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay
Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang
ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kaya’t di dapat silang
ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang
pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong
kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman
ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang
singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at
tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga
paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay
tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago
na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.

72
Kabanata 60: Ikakasal na si Maria Clara

Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man


lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya
ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del
Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang
kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay
inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-
ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain,
namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil
nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang
ganitong sinapit ni Tinong. Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-
asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon
ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina
si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa
pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago.
Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa
napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na
ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa
palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo
ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga
tao.Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at
intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at
dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang
mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente
Guevarra ng mga sibil. Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na
kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang
babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan
lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat
kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria

73
lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing
nag-uusap. Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura
ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito
madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng
mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit
din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito
raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may
sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at
may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik
siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata
upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan
tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at
pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-
alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero
wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at
pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa
pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay
Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.

Kabanata 61 - Ang Barilan sa Lawa

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa
bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa
may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may
magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang
buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila
ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid.
Pero, tumanggi si Elias. Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang

74
nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan
ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at
tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na
siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura.
Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa
pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat
katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay
bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay
nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias.
Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas
upang akalaing siya ay taga-Peñafrancia. Itinapon ni Elias ang mga damo sa
pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa
pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-
Pasig at nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan
ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang
araw na tinamasa niya, may magulang, kapatid at maganddang kinabukasan.
Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato at nang
makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at mahihingi, pinaraan niya
si Elias. Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila
ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at
tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin.
Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng
direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng
Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa
pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias.
Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng
nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka. Ang atensyon
ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan
nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias
pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may
pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang
tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng
dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.

75
Kabanata 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng


hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa
pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang
Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria
na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang
kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang
sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang
mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento. Napagmuni ni Pari Damaso
na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa
kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang
kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na
pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari
Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing
totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang
parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng
kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni
Maria.

Kabanata 63: Ang Noche Buena

Si Basilio ay nailigtas ng mag-anak na nakatira sa isang bundok na nabubuhay sa


pangangahoy at pangangaso. Dalawang buwan na ang nakaraan at magaling-
galing na si Basilio. Nagpaalam siya sa mag-anak para hanapin niya ang kaniyang
ina. Malungkot na sa San Diego nang Paskong yaon. Walang parol at madilim
ang kapaligiran. Si Don Filipo ay pinawalang sala sa bintang na paghihimagsik.
Habang nag-uusap sila ni Kapitan Basilio, namataan nila si Sisa na palaboy-laboy.
Habag na habag naman si Sinang, Victoria at Iday kina Maria Clara at Ibarra,

76
Nakatanggap si Sinang ng sulat sa kaibigan pero hindi niya binubuksan, hinanap
ni Basilio ang ina nang hindi niya ito makita sa kanilang tahanan. Nakita niya ito
sa tapat ng bahay ng alperes. Tumakbo si Sisa ng makita ang sibil na inutusang
papanhikin siya. Hinabol ni Basilio ang ina hanggang makarating ito sa gubat
kung saan mayroong libingan. Niyakap ni Basilio ang ina na nakilala siya bago ito
nawalan ng malay tao. Nawalang ng ulirat si Basilio at nang mahimasmasan siya,
nakita niyang patay na ang kaniyang inang si Sisa. May lumapit na duguang
lalaki kay Basilio. Siya si Elias na nanghihina na. Inutusan niyang magsiga si
Basilio at sunugin ang kanilang bangkay. Itinagubilin niya ang salapi nanakabaon
at pinayuhan niya itong mag-aral. Gamitin niya ang salapi kung walang aangkin
nito. Si Elias ay pumanaw na nakatingin sa silangan, Sinabi niyang mamatay siya
na hindi makikita ang bukang liwayway sa lupa niyang minanahal. Natanaw ng
mga tao sa San Diego ang sigang ginawa ni Basilio para sunugin ang labi ni Sisa
at ni Elias.

Kabanata 64: Katapusan

Si Pari Damaso ay tumira na sa Maynila mula nang pumasok sa kumbento si


Maria Clara. Pinadala siya sa isang malayong lalawigan kung saan namatay siya
sa bangungot o sama ng loob. Pati si Kapitan Tiyago ay naghirap ang kalooban sa
pagpasok ni Maria Clara bilang mongha. Napabayaan niya ang kaniyang negosyo
hanggang ang bahay niya ay mailit. Wala siyang ginawa kung hindi magsabong
at magmarijuana. Nakalimutan na siya ng mga tao. Si Dona Victorina ay
nagdagdag ng kulot sa ulo. Ang kaniyang asawang si Don Tiburcio ay wala ng
ngipin wala nang ginagawa. Siya na lang ang nangungutsero

77
Mga AraL na Natutunan

Para sa akin bilang isang anak, kapatid, estudyante at higit sa lahat bilang isang
Pilipino ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga akda ni Rizal partikular na ang
Noli Me Tangere ay upang bigyang pagpupugay ang ating pambansang bayani.
Bigyang tuon ang kagitingang kanyang ipinakita sa kabila ng mga ginawa sa atin
ng mga mananakop. Una sa lahat ang mga nobela ni Rizal ang unang gumising sa
mga natutulog na isipan ng mga Pilipino, ito ang nagdilat sa mga mata ng ating
kababayan sa kung ano talaga ang nangyayari sa atin at sa inang bayan natin.
Pangalawa, ang Noli Me Tangere ay parte ng ating makulay na kahapon, isa ang
mga akdang ito sa nagpatingkad ng ating kasaysayan. Ito ang nagsilbing
inspirasyon at lakas sa ilan pa nating magigiting na bayani upang ipaglaban ang
anuman na dapat ay para sa atin. Pangatlo, may malaki itong ginampanan sa
buhay ng bawat isang Pilipino, ang mga aral na mapupulot dito ay maaari nating
magamit hindi lamang ngayon ngunit hanggang wakas ng ating buhay na maaari
pa nating maipasa sa mga susunod na henerasyon pang daraan. Napakaraming
aral ang maaari nating mapulot sa mga nobela ng ating bayani. Sa Noli Me
Tangere ang aral na mapupulot natin ay ang hindi paggamit ng anumang dahas
gaano man kalaki ang nagawang kasalanan ng ibang tao sa atin. Isa pa ang
napakamakapangyarihang mensahe ni Rizal mula pa rin sa kaniyang Noli ay ang
‘hindi paglalagay ng batas sa ating mga kamay’, para sa akin ito ang mensaheng
kumatawan sa buong nobela. Napakagandang isipin na sa kabila ng mga nagawa
ng mga kastila at pagpapakita ng kasamaan ng mga dominikong pari kay Rizal ay
ni minsan hindi niya nagawang saktan o pisikalin ang mga ito. Bagamat dawit sa
kanyang mga nobela ang mga prayle ay nagsaad lamang siya ng katotohanan.
Ang aral na nangingibabaw sa nobela ay ‘sa kabila ng mga kasalanan na ating
nagawa sa katapus-tapusan ng araw ay babalik pa rin ang loob natin sa Poong
Lumikha’ napakaganda ng bawat tagpo sa nobela kung hihimayin ang bawat
paksa dito. Ito ang mga dahilan ko para masabi na mahalaga ang Noli Me
Tangere.

78

You might also like