You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST 2

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

Naipapakita ang wastong pamamaraan


(EPP4AG-
sa pagpapatubo/pagtatanim ng 50% 10 1-10
Od-6)
halamang ornamental

Naipakikita ang wastong pamamaraan


(EPP4AG-
sa paggawa/paghahanda ng lupang 50% 10 11-20
0d-6)
taniman

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE IV – EPP
SKAI KRU

SUMMATIVE TEST NO.2


GRADE IV – EPP
SKAI KRU

Pangalan:__________________________________________________ Grade and Section:_________

I. Basahin ang mga sumusunod at isulat ang titik tamang sagot:

_____ 1. Ang mga sumusunod ay mga magagandang katangian na maaari natin makuha sa pagtatanim
ng halamang ornmental maliban sa isa.
a. Ang mga halamang ornamental ay nakakaganda ng kapaligiran.
b. Ang mga halamang ornamental ay maaari ding pagkakitaan.
c. Ang mga halamang ornamental ay maaaring gawing pananggalang sa sikat ng araw.
d. Ang mga halamang ornamental ay perwisyo sa mga miyembro ng pamilya.

_____ 2. Ano ang mga magagandang naidudulot ng pagtatanim ng halamang ornamental?


a. Nagsisilbi itong palamuti sa bakuran
b. Nagdudulot ito ng kaligayahan sa ibang tao
c. Nagbibigay ng lilim sa ating tahanan
d. Lahat ng nabanggit

_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang uri ng halamang ornamental?


a. namumulaklak o di namumulaklak
b. maaaring ito ay mababa o mataas
c. maaaring ito ay mdaling tumubo
d. lahat ng nabanggit

_____ 4. Kung gusto mong magtanim ng halamang ornamental na magsisilbing lilim na rin sa iyong
tahanan ano ang maaari mong itanim?
a. santan b. lotus c. ilang-ilang d. cactus

_____ 5. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag ang bawat mag-anak ay magtatanim ng iba’t-ibang
halamang ornamental sa kanilang bakuran.
a. magkakaroon ng magandang pamayanan
b. magkaka-inggitan ang bawat pamilya
c. magkakaroon ng kompetisyon at awayan
d. wala sa nabanggit

_____ 6. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakakapagbigay ng malinis at sariwang hangin


sa ating pamayanan.
a. Tama b. Mali c. Maaari d. hindi sang-ayon

_____ 7. Si Jose ay may maliit na fishpond sa kanilang tahanan. Anong halamang ornamental ang
maaari niyang ilagay sa kanyang fishpond.
a. rosas b. waterlilies c. gumamela d. orchids

_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng halamang ornamental?


a. santan c. pine tree
b. cosmos d. lahat ng nabanggit

_____ 9. Kapag nais mong pagandahin ang iyong bakuran ano ang maaari mong piliing itanim dito?
a. halamang baging c. halamang gamot
b. halamang ornamental d. halamang gulay
_____ 10. Sino sa mga sumusunod na pamilya ang may mithiing mapaganda ang kanilang bakuran?
a. Ang Pamilya delos Santos ay pinutol lahat ang kanilang mga punong ilangilang.
b. Ang Pamilya San Agustin ay hinayaan lamang na matuyo ang mga orchids sa kanilang
bakuran.
c. Ang Pamilya Dela Cruz ay tulong tulong sa pagtatanim ng mga namumulaklak na halaman
gaya ng rosal at santan sa kanilang bakuran.
d. Ang Pamilya De Jesus ay walang pakialam kung kainin ng alagang kambing ang mga
halamang nakatanim sa kanilang bakuran.

II. Isulat ang TAMA kung ang payag ay nagsasaad ng wastong pamamaraan sa paghahanda ng lupang
taniman at MALI naman kung hindi.

_____11. Mahalagang masuri muna ang lupa bago ito tamnan.


_____12. Ang loam ay uri ng lupang angkop tamnan sa paghahalaman.
_____13. Ginagamit ang asarol sa pagpatag ng lupang pagtataniman.
_____14. Piliin ang lugar na hindi nasisikatan ng araw sa paghahanda ng taniman.
_____15. Ang paglalagay ng pataba ay isang paraan upang pagyamanin ang lupang pagtataman.
_____16. Diligin ang naihandang lupang taniman gamit ang regadera.
_____17. Ang pala ay mainam gamitin sa pagdurog ng matitigas at malalaking tipak na lupa at sa
paghuhukay ng mga ugat at batong malalaki.
_____18. Sa pagbubungkal ng lupa, ginagamit ang asarol upang ito ay mabuhaghag.
_____19. Ang pangunahing kagamitan sa paghahalo ng lupa, dumi ng hayop at patabang ornganiko ay
ang piko.
_____20. Lagyan ng pataba ang lupa at diligin ito matapos itong ihanda.

ANSWER KEY:

1. D 11. TAMA
2. D 12. TAMA
3. D 13. MALI
4. C 14. MALI
5. A 15. TAMA
6. A 16. TAMA
7. B 17. MALI
8. D 18. TAMA
9. B 19. MALI
10. C 20. TAMA

You might also like