You are on page 1of 2

Loraine May S.

Gamis
10-Rizal
FILIPINO
16

KUWARTER 2
Pangwakas na Awtput
(Akda tungkol sa aking karanansan sa lockdown)

Ang North Korea ay isa sa mga bansang napaka strikto sa pamamahala at sa paraan
ng pamumuhay.

Marahil ay pamilyar na tayo sa bansang ito, ngunit mas marami pang bagay ang
talagang hindi natin alam tungkol rito. Sa akdang ito, tatalakayin natin ang ilan sa mga hindi
pangkaraniwang bagay sa North Korea.

Ang unang bagay na hindi pangkaraniwan sa North Korea ay ang pagbabawal sa sa


pagsuot ng blue jeans. Ipinagbabawal ito dahil ito ay sumisimbolo sa imperyalismo ng
America, ang kanilang mortal na kaaway. Pangalawa naman ay ang pagpayag sa eksistensiya
ng marijuana. Maaari itong itanim at mabibili mo rin ito kahit sa daan lamang. Kung sa atin ay
banta ito sa kalusugan, ang mga nga North Koreans ay itinuturing itong isang medisina. Higit
pa rito, alam mo ba na ipinagbabawal din ang musika sa bansang ito? Lalong lalo na sa mga
banyagang kanta. Kaya naman kung iisipin ay napakatahimik ng bansang ito sa nakakatakot
na paraan. Ang isa pa sa nakakagulat na bagay sa North Korea ay ang hindi nila paggamit ng
kuryente sa tuwing gabi, kahit na para sa ilaw lamang. At ang pinakamalala para sa akin ay
ang umiiral nilang 3 Generation Punishment Rule kung saan ang residenteng nagkakasala ay
lalo pang nagdurusa dahil hindi lamang siya ang mapaparusahan kundi pati ang kaniyang
buong angkan.

Dahil sa nakakasakal na pamamahala sa North Korea, ang mga residente ang higit na
naaapektuhan. At bilang isang maalalahaning mag-aaral, hinihiling ko na sana’y darating ang
araw na mas magiging bukas ang bansang itosa kanilang residente at sa iba pang karatig na
bansa nang sa gayon ay matamasa na ng mga na ng mga mamamayan nito ang matagal na
nilang minimithing kalayaan.

You might also like