You are on page 1of 4

TANGERINE JAM

MGA SANGKAP:
1. Apat (4) na tamang sukat na jar.

2. Hugas na organikong tangerines 1,200 gramo

3. Asukal 600 gramo

4. Katas at buto ng dalawang lemon

5. Tubig
HAKBANG SA PAG GAWA:

1. Ilagay sa kaldero ang tubig at pakuluin ito.


2. Ilagay ang mga organikong tangerine sa kumukulong tubig at hayaan ito kumulo ulit ng 20
minuto.
3. Pagkatapos kumulo tanggalin ang mga tangerine at hayan lang lang ang tubig. Magtira lang
ng sapat ng tubig.
4. Tanggalin ang mga buto ng organikong tangerine at hiwain sa gitna ang lemon.
5. Pigain ang organikong tangerine at lemon. At ilagay ang katas sa isang mangkok.
5. Ilagay ulit sa kumulong tubig ang katas ng tangerine at katas ng lemon. Hayaan kumulo ng
limang minuto.
6. Ilagay ang asukal.
7. Pakuluin ito hanggang 18-20 minuto habang hinahalo ng dahan dahan. At hintayin hanggang
sa maging malapot ito.
8. Pag ito ay malapot na ilagay na sa jar at palamigin sandali.
9. Ipalaman sa tinapay.
PAGLALARAWAN SA PRODUKTO

Kathryn Johnary B. Bernardo


Marami kang makukuhang benepisyo sa produktong ito. Ang produktong ito ay masustansya
dahil ito ay may vitamin C, maganda sa ating balat at nakakatulong sa ating panunaw at sa
pagdudumi. Wala rin itong halong preservatives. Ito rin ay magugustuhan ng mga bata dahil sa
matamis na lasa nito. Maaring ipalaman sa tinapay at gawing dip sa biskwit.

You might also like