Professional Documents
Culture Documents
06 ESP9 - Month 7 8 - 31pp
06 ESP9 - Month 7 8 - 31pp
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
KATARUNGANG PANLIPUNAN
PAMAMAHALA SA PAGGAMIT
NG ORAS
Sinasaad sa Batas Republika 8293, section 176: “No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency
or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.”
Ang mga hiniram na kagamitan gaya ng awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng mga
tatak, at iba pa na nakalagay sa kagamitang ito ay pagmamay-ari ng kani-kaniyang tao na
may karapatang-ari sa mga iyon. Ginawa ang lahat ng magagawa upang matunton at
makahingi ng permiso sa mga nagmamay-ari ng mga nabanggit na kagamitan upang
mailagay sa kagamitang ito. Ang mga may-akda at naglimbag nito ay walang pag-aangkin na
anoman sa mga nagtataglay ng karapatang-ari niyon.
2
UNANG LINGGO
Layunin:
3
5. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
a. Pinag – usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa
sistemang legal na bansa.
b. Inaalam ng mga mag – aaral ang kanilang tungkulin at Karapatan sa lipunan
c. Binisita ng guro ang mag – aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin
siya at ang kanyang mga magulang na bumalik ito sa pag- aaral.
d. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing
Sabado ng hapon upang maglaro ng basketball.
10. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahuluga
ng pahayag na ito?
a. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay
nabubuhay.
4
b. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang
sundin ang lahat ng mga ito.
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya
ang mga itinakda na batas.
d. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at
hindi upang diktahan nito ang kanyang buhay.
5
Balikan
Tuklasin
Suriin ang mga paglabag sa katarungang Panlipunan ng mga tagapamahala at
mamayan sa mga sumusunod na artikulo.
EPEKTO SA EPEKTO SA
BALITA SANHI O DAHILAN
BUHAY LIPUNAN
1.
Inuman ng 3 lalaki… 2.
3.
1.
Nanlaban
2.
(Kian Delos Santos)
3.
6
Suriin:
Mas madalas nating naririnig sa mga balita ang ilang rally o welga o panawagan sa
paghingi ng kataranungan mula sa usaping lupa, ari-arian lalo sa buhay. Katarungan ang
sigaw kapag inaapi, may di patas o pantay na pagtingin o turing sa tao. Minsan, mas madaling
banggitin ang kawalan ng katarungan lalo sa negatibong mga halimbawang nabanggit. May
sinasabi ito sa atin: (1) ang usaping "katarungan" ay lumalabas lamang sa diskursyo kapag
nawawala na ito o kapag umiiral ang inhustisya (kawalang-katarungan), at (2) sa maraming
panahon na hindi nawawala ang katarungan, ang ibig sabihin nito ay umiiral ang katarungan
Ano ang katarungan? Ang KATARUNGAN o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran
(binabaybay din ang katwiran, pagiging wasto o kawastuhan o katumpakan, at
pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman.
Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang parehas na
paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o trato, o kaya ng
karampatang pagkilala kaugnay o katumbas ito ng mga salitang pagwawasto, kaparehasan,
kaganapan, at kapangyarihan.
Ang katarungan ay hindi hinihingi o inaasahan mula sa labas. Bagaman iginagawad
din ng panlabas na estruktura tulad ng pamahalaan, ang katarungan ay kailangang makita
bilang isang kilos na nagmumula sa loob ng bawat isa. Hindi bilang karapatan ko lamang
bilang miyembro ng lipunan kundi bilang kilos ng pagpapahalaga ng sarili dahil ako ay may
halaga sa sarili at sa komunidad.
Ano ang Katarungang Panlipunan? Ito ay nagiging pamantayan ng isang indibiduwal
kung nilalabag ba ng makapangyarihang tao, grupo o institusyon ang iyong karapatan at
dignidad na nakasaad sa ating konstitusyon. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr, ito ay nauukol hindi
lamang sa ugnayan ng tao sa kanyang kapwa kung hindi sa ugnayan din niya sa
kalipunan.
Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang
makagawa, makabuo, at makalikha. Kakailanganin sa katarungang panlipunan ang mga
batas upang maingatan ang mga indibidwal na karapatan ng tao, ang pamahalaan upang
masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa, ang pulis upang magbantay sa
kalayaan ng mga tao. Ngunit, higit pa dito, ang pinakasentro ng lahat ay ang mga malalalim
na ugnayan ng tao sa loob ng komunidad.
IKALAWANG LINGGO
PAGYAMANIN
Gawain 2: Sa Matrix na nasa ibaba, magsulat ng mga makatarungan at di- makatarungang
ginagawa ng ng tao sa kasalukuyan panahon ng pandemya. Sundin ang tala sa ibaba.
1.
2.
3.
4.
5
7
Isaisip
Gawain 3. Kumpletuhin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop
na mga salita sa bawat bilang.
1. Ang katarungan sa sarili ay .
2. Ang bawat mag-aaral ay nagiging makatarungan kapag .
3. Ang pagsunod sa batas trapiko ay halimbawa ng katarungang panlipunan dahil
.
4. Ngayong panahon ng pandemya, maipapakita ko ang katarungan sa
.
5. Kung ako ang nasa pamahalaan, paiiralin ko ang katarungan sa pamamagitan ng
.
Isagawa
Isulat sa kahon ang mga personal na kabutihan ng pagkakaroon ng katarungan sa
kasalukuyan panahon. Sa kabilang hanay naman, isulat kung paano mo maiaalay at
maitatalaga ang bawat isa sa pagapapatupad ng katarungang panlipunan sa kasalukyang
sitwasyon ng ating bansa.
Tayahin
A. Isulat kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Ang katarungang panlipunan ay nagsisimula sa paglalagay sa ayos ng iyong sarili.
2. Ang mga gawaing lumalamang sa kapwa ay nagpapakita ng katarungang panlipunan.
3. Ang katarungan ay hustisya na dapat makuha ng bawat isa.
4. Ang buhay na binigay ng Diyos ay kailangan alagaan upang maging makatarungan.
5. Ang katarungan ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kanyang kapuwa
kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan.
8
b. Tumawid sa tamang tawiran
c. Ikulong ang mga lumalabag sa batas.
d. Patawarin silang mga humihingi ng tawad.
11. Ngayon panahon ng pandemya, maraming mga kabataan, magulang, empleyado ang
nasa tahanan upang mag-aral at magtrabaho. Ang pangungusap ay tama o mali?
a. Tama, dahil ito ay kagustuhan ng mga nagtratrabaho at magulang.
b. Tama, upang maipagpatuloy at mapahalagahan ang buhay ng bawat isa.
c. Mali, pamahalaan lang ang may gusto ng work from home.
d. Mali, wala naman namamatay sa COVID 19 na mahirap.
9
13. Suriin ang sitwasyon, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng
katarungan?
a. Nagkaroon ng rally at hindi nasunod ang physical distancing sa isang
pagpupulong.
b. Hindi pinapasok sa palengke ang isang senior citizen dahil walang face shield.
c. Ayon sa balita, hinuli ng kapwa pulis ang isang pulis na hindi naka proper uniform.
d. Patuloy ang pag-aaral sa kabila ng pandemya.
Karagdagang Gawain
Ngayon na alam mo na ang kahulugan at palatandaan ng katarungan panlipunan, ikaw
ay may potensyal na palawakain ang iyong kaalaman. Nais kong gawin mo ang karagdagang
gawaing ito.
Panuto: Gamit ang iyong karanasan bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang
katarungan sa loob ng paaralan.
10
IKATLONG LINGGO
Layunin:
SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong . Piliin ang titik at bilugan ang
pinakatamang sagot.
11
a. Pamamahala ng oras
b. Nagagawa ang lahat na gawaing bahay
c. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan
d. Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura
4. Si Allen ay nagsisikap na gawing “On time” ang “Filipino time.” Alin sa sumusunod
niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
a. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay
b. Maaga siyang gumigising dahil nagsasanay na siya sa gawing ito.
c. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.
d. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na
pagtatasa
6. Si Mau ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga
asignatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa
sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa pagkakataong ito?
a. Magtaka ng tunguhin
b. Gumawa ng prayoritisasyon
c. Bumuo ng iskedyul
d. Pamahalaan ang pagpapabukas-bukas
7. “Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong
gawin at lahat na kaloob sa iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa
kaunlaran ng bansa. “ Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa.
b. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.
c. Gamitin ang oras upang tuklasin ang kanyang gawin sa pagpapaunlad
sa bansa.
d. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para
sa bansa.
12
c. Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras.
d. Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa Gawain upang maging maayos ang
Kalalabasan ng ginawagawa.
12. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa SMART na dapat gamitin sa pagtatakda
ng tunguhin ( goal).
a. Specific – Measurable – Attainable – Realistic – Time Bound
b. Specific – Measurable – Attainable – Realiable – Time Bound
c. Specific – Manageable – Attainable – Time Bound
d. Specific – Manageable – Attainable – Reliable -Time Bound
13. Ano ang tumutukoy sa pagsisikap ng isang tao na gawin o tapusin ang isang
gawain ng buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa
a. Disiplina sa Sarili b. Kasipagan c. Pagtityaga d. Pagtitiwala sa Sarili
15. Ano ang tumutukoy sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang
gawain o produkto?
a. Pagkatuto bago ang paggawa c. Pagkatuto sa kabuuan ng gawain
b. Pagkatuto habang ginagawa d. Pagkatuto pagkatapos ng gawin ang
isang gawain
13
BALIKAN
1. M L K H I N A A I -
2. W A L F O Y G O O L C E -
3. P P G P H A G A A L A A A -
4. A W G A G P A -
5. Y A S A A N A K N -
TUKLASIN
Panuto: Gamit ang talahanayan, tukuyin mo ang iyong sariling paraan ng pamamahala
sa paggamit mo ng oras sa paggawa. Gawing batayan ang mga ginawa mo sa
nagdaang mga araw . Isulat ang mga hinihingi na impormasyon ng bawat kolum.
Paraan ng Napamahalaan
Mga Gawain Paggamit ng Dahilan ang Oras Naidudulot sa
Oras Oo / Hindi Akin at sa Iba
Halimbawa:
2. Pag-aaral
sa mga Gumawa ng Nais kong Oo Naging handa sa
asignatura sa iskedyul ng mapag- pagsusulit at naging
unang mga aralan lahat mataas ang mga
markahan asignaturang bago pa ang marka
pinag-aralan araw ng
Unang Natuwa ang
Markahan mga magulang
14
2. Ano ang natuklasan mo sa iyong paraan ng pamamahala ng paggamit ng oras sa
paggawa? Ipaliwanag.
IKAAPAT NA LINGGO
SURIIN
1. Specific ( Tiyak) – Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang
iyong nais na mangyari sa iyong paggawa.
15
PANGANGASIWA O PAMAMAHALA NG ORAS
Prayoritasyon. Ito ang pagtatakda kung anong mga gawain ang dapat gawin at
tapusin sa takdang oras . Sa pamamagitan nito , mapamahalaan mo ang paggamit ng
iyong oras at matupad ang iyong mga tunguhin.
16
● Pag-aayos ng mga kongkretong hakbang o plano ng pagkilos upang matapos ng
maayos . Magtakda ng araw kung kalian tatapusin ang gawain . Iwasang malihis sa
ibang gawain. Mag-focus.
● Gumawa . Itakda ang oras . Gantimpalaan ang sarili sa tuwing may natatapos na
gawain.
● Tasahin kung nagawa ang nararapat gawin. Maging matiyaga at kapaki- pakinabang
. Huwag susuko.
PAGYAMANIN
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno.
1. Ipaliwanag: Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.”
17
ISAGAWA
ISAISIP
Panuto: Isulat sa journal . Bilang isang mag-aaral , bakit kailangan ang kagalingan sa
paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang
sarili , mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga
talentong kanyang kaloob ?
18
TAYAHIN
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa kuwaderno.
1. Ano ang mabisang paraan upang mapangasiwaan ang mga bagay na mahalaga
sa iyo at sa iyong paggawa ?
A. Pagkakaroon ng iskedyul
C. Pagsisimula sa tamang oras
B. Pagpapabukas- bukas ng mga Gawain
D. Pagtapos ng Gawain bago ang takdang oras
6. Ano ang mabuting maidudulot kung matatapos mo ang mga gawain sa takdang
panahon?
A. Makakapagpahinga agad C. Makagagawa ng madami
B. May panahon para sa sarili D. Magkakaroon ng balance sa buhay
19
8. Ano ang dapat mong itinakda upang masimulan ang epektibong pamamahala sa
paggamit ng oras?
A. Layunin B. Takdang Araw C. Iskedyul D. Tunguhin (Goal)
20
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
KAGALINGAN SA PAGGAWA
Sinasaad sa Batas Republika 8293, section 176: “No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency
or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.”
Ang mga hiniram na kagamitan gaya ng awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng mga
tatak, at iba pa na nakalagay sa kagamitang ito ay pagmamay-ari ng kani-kaniyang tao na
may karapatang-ari sa mga iyon. Ginawa ang lahat ng magagawa upang matunton at
makahingi ng permiso sa mga nagmamay-ari ng mga nabanggit na kagamitan upang
mailagay sa kagamitang ito. Ang mga may-akda at naglimbag nito ay walang pag-aangkin na
anoman sa mga nagtataglay ng karapatang-ari niyon.
2
IKA-LIMANG LINGGO
Sa modyul na ito mas lalo kang bigyan ng sapat na pagkaunawa sa mga katangian
na dapat taglayin ng isang manggagawa. Sa pamamagitan nito matutulungan ka hindi lamang
upang mapaunlad ang iyong sarili kundi mapaunlad ang bansa na iyong kinabibilangan at
mula rito ay masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit mahalaga ang Kasipagan,
Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok?
Handa ka na ba? Simulan mo nang tuklasin ang susi ng iyong pag-unlad. Sa
modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at
pag-unawa.
Layunin:
1. Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag , nagpupunyagi sa paggawa,
nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok (EsP9KP-IIIe-12.1).
SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Piliin ang titik at bilugan ang
pinakatamang sagot.
1. Ano ang ibig sabihin ng saknong ng isang tula?. “Marami ang nagtuturing na mahirap
daw itong buhay. Araw- araw ay paggawang tila rin walang humpay, Datapuwat isang
pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masiklay.”
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
3
2. Alin ang hindi kahulugan ng kasipagan ?
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain,
kapwa, at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala
sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan ,at disiplina.
5. Alin ang may kahulugan na ang pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o
layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi
6. Alin ang kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na
makapagbibigay sa iba.
a. Pag-iimpok b. Pagtulong c. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa
8. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow. The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera ?
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad
sa buhay lalo na sa hinaharap.
d.Lahat na nabanggit.
4
9. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit dapat na mag-impok ang tao ayon kay
Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro c. Para maging inspirasyon sa buhay
b. Para sa hangarin sa buhay d. Para sa proteksiyon sa buhay
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling
katamaran?
a. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay , o trabaho
b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay
c. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan
d. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
11. Isa sa kilalang kumpanya sa Valenzuela ang Uratex . Ang may-ari nito na si Robert
ching ay nagsimula lamang sa pagtitinda ng mga retaso ng foam ngunit ngayon siya ay
isa na sa mga tanyag na personalidad sa ating lungsod. Anong katangian ang kanyang
ipinamalas?
a. Kasipagan c. Pagtitipid
b. Pagkamalikhain d. Tiwala sa sarili
12. Sino sa mga sumusunod ang nagpanukala na ang pag-iimpok ay isang obligasyon at
hindi opsiyonal?
a. Abraham Maslow c. Francisco Colayco
b. Dr. Rafael Guerrero d. Sandy Javier
15. Paano n’yo ginagamit sa mabuti ang sarili ninyong pera na ipinagkakatiwala ng
Diyos sa inyo? maliban sa:
a. Pinambibili ng pangangailangan sa bahay tulad ng pagkain
b. Pinambabayad sa kuryente at tubig
c. Ibinabayad sa upa ng bahay
d. Ipinambibili ng masamang bisyo tulad ng droga, alak at sigarilyo.
BALIKAN
Natuklasan mo ang kahalagahan sa kagalingan sa paggawa na may kaakibat
na wastong pamamahala sa oras. Ito ay nagsisilbing instrumento upang ang sarili ay
maiangat at mapaunlad ang ekonomiya ng isang bansa . Ang isang tao na nagpapakita
ng kagalingan sa paggawa ay nakapagtatapos ng isang produkto o gawain na may
kalidad.
5
TUKLASIN
Panuto:
1 .Tingnan ang mga larawan. At iayos ang mga letra ,isulat sa kwaderno.
2. Sagutan ang mga sumusunod na tanong :
a. Sa inyong palagay tinataglay n’yo ba ang mga iyan? Pangatwiran.
b. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa paggawa? Ipaliwanag.
Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang mga comic strip sa ibaba. Isulat ang iyong mga posibleng sagot sa
speech ballon . Gawin ito sa kwaderno.
Ate, maari ba na
ikaw muna ang
gumawa ng
pinagagawa ni
nanay?
6
Sumama ka
sa amin
bukas ng
gabi. Mag-
videoke tayo.
Mga Tanong:
IKAANIM NA LINGGO
SURIIN
Ano ng ba ang kahulugan ng kasipagan?
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ibinibigay niya ang kaniyang puso
sa kaniyang ginagawa – ibig sabihin, Naroroon ang kaniyang malasakit.
7
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Hindi na niya kailangan pang utusan o sabihan
bagkus siya ay mayroong kapalit.
PAG-IIMPOK. Ito ay paraan upang makapag -save o makapag ipon ng salapi,na siyang
magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.
Tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ng tao , ayon kay Francisco
Colayco (financial expert):
1. Proteksiyon sa buhay.
2. Hangarin sa buhay
3. Pagreretiro
Ayon kay Francisco Colayco , kinakailangan na tratuhin ang pag- iimpok na isang
Obligasyon at hindi Opsiyonal. Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay Obligasyon natin
sa sarili ang pag-iimpok.
PAGYAMANIN
Panuto: Gumawa ng Journal , paano kung ang isang tao ay hindi nagtataglay ng
kasipagan , pagpupunyagi, pagtitipid , at wastong pamamahala sa naimpok. Ano kaya
ang mangyayari sa kaniyang buhay ?
8
ISAISIP
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gamit ang pormat sa ibaba.
ISAGAWA
Panuto: Isulat sa chart ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung ito ay
natutupad ng may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang kung paano
mo ito isasagawa.
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo
TAYAHIN
I. Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
9
2. Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin
sa buhay. Alin ang hindi kalakip nito?
a. Pagtitiis b. Kasipagan c. Pagmamalasakit d. determinasyon
3. The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera . Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow?
a. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguruhan upang maayos ang
kaniyang buhay sa hinaharap.
b. Ang pera ay makakatulong sa tao na maramdaman ang kaniyang
seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
c. Ang pera ay nagsisilbing kailangan pantulong sa araw-araw.
d. Ang pera ay dapat nating ingatan
5. Ang ______ ay tumutukoy sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao.
a. Pagpupunyagi b. Kasipagan c. Pag-iimpok d. Pagtitipid
6. Bakit kailangan na mag- impok ang tao ng pera?. Ayon sa isang financial expert na
si Francisco Colayco, maliban sa:
a. Para sa proteksiyon sa buhay c. Para sa pagreretiro
c. Para sa mga hangarin sa buhay sa buhay d. Para makatulong sa kapuwa
10. Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat ng oras ang iyong kasipagan
sa iyong gawain , at tiyak na makaramdam ka ng hirap , pagod ng katawan at isipan, mga
pagsubok at mabibigat na problema , ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hindi
dapat sumuko sapagkat ang pagsuko ay ________ .
10
a. Kaginhawaan b. Karuwagan c. Katakutan d. Kahusayan
II. Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang mensahe
ng pangungusap.
B. Ang mga hirap , pagod at pagdurusa ay nadadaig ng 12. _______ tungo sa pagtupad
ng itinakdang mithiin.
C. Bilang isang birtud, ang 13. _________ ay nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay
nang masagana, kundi gamitin ang perang natipid upang makatulong sa mga
nangangailangan.
D. Ang wastong 14. _________________ ay isang obligasyon sa sarili dahil ito ang
makapagbibigay ng masaganang kinabukasan at siguridad sa panahon ng 15. _____ .
SANGGUNIAN
3. Mga Imahe:
4. https://us.123rf.com/450wm/yupiramos/yupiramos1811/yupiramos181109841/12764
3379-stock-vector-beautiful-little-girl-character-vector-illustration-design.jpg?ver=6
5. https://i.pinimg.com/736x/8e/0f/a9/8e0fa92dd054bfd6653ba6060829f404.jpg
6. https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRDhTuCDeNyC0ST8jhkOblNhn-
k5Z8bfAfSqA&usqp=CAU
11
NOTES