You are on page 1of 4

Misteryo

Sino ba ang mga manananggal?

Bali-balita sa aming lugar na may lumilitaw raw na manananggal kapag sumasapit na ang gabi. At dahil
sa takot ay napilitan si kapitan na magpatupad ng curfew sa aming barangay. Kaya naman pagtungtong
pa lang ng alas otso ng gabi ay halos wala ng tao na naglipana sa labas.

Ngunit isang gabi, habang kabilugan ng buwan at taglay nito ang kagandahan ng liwanag na tanging
pahiram lang ng araw sa kanya, ay naakit kami ng mga kaibigan ko kaya’t naisipan naming maglaro ng
tagu-taguan. At si Buboy ang taya. “It purikit batang singkit, pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo!
Isa! Dalawa! Tatlo!” Habang siya ay nagbibilang ay abala naman kame sa paghahanap ng
mapagtataguan, hindi na alintana ang oras at dilim ng paligid. At ilang saglit lang ay naghuhumiyaw na
ang isa naming kaibigan na si Allen. “Ahhhhh! Manananggal! Manananggal! Nandyan na ang mga
manananggal!!!” Pagkarinig nito ay dali-daling lumabas ang lahat sa kani-kanilang pinagtataguan at
kumaripas ng takbo pauwi sa kani-kanilang mga bahay. Maliban sa akin. Oo, bagamat puno ng takot ay
pinili kong manatiling nakatago sa likod ng puno dahil sa kagustuhan kong makita ang itsura ng mga
manananggal.

At sa aking paghihintay, habang nanginginig ang aking mga tuhod at kumakabog ang aking dibdib, labis
akong nagulat sa aking nakita: bitbit-bitbit ng mga manananggal si Buboy… at wala silang pakundangang
tinanggalan ng buhay ang kaawa-awa naming kaibigan.

Hindi tulad ng inaasahan ko at mga nakikita ko sa pelikula, ang mga manananggal na ito ay hindi lang
basta kalahati ang katawan, sila ay tila mga nakauniporme at may mga baril pa.

Sila pala ang mga manananggal. Ngayon alam ko na.


“Midnight Duty”

Lumalalim na ang gabi

Tila ba ang mga kulisap ay nagmamadali

Nagnanais na masabayan ang buwan

At ang hanging patungo sa silangan

Lumalalim na ang gabi

At pilit na isinasayaw ng halaman ang sarili

Sumasabay sa tugtog ng musika ng katahimikan

Habang mga dahon ay nagpapatihulog sa daan

Lumalalim na ang gabi

Shhhhhhhhh…..

Nandyan na sila –

Ang mga elementong mapagsamantala.


Goryo

Alas otso y media na ng gabi kaya naman napagisipan na ni Aling Bebe na magsara ng tindahan. Dahil
bukod sa nanlalata na ang kaniyang katawan ay wala na ring bumibili.

Sinimulan na niyang ipasok sa loob ang mga panindang kanina pa nasa labas at pag-aalisin ang mga
nakasabit sa rehas. At nang handa na siyang ibaba ang bintana ng tindahan, may biglang humaharurot
ng takbo at naghuhumiyaw, “Aling Bebe, sandali!” dahilan at napapitlag ang matanda, “pautang daw ho
muna ng tatlong stick ng Marlboro”

“Pambihira kang bata ka! Aatakihin ako sa puso dahil sayo” saad ni Aling Bebe habang nakahawak sa
dibdib, “Sino bang may sabi?”

Kakamut-kamot sa ulo ang bata at itinuro ang kapreng nakasalamin at nakajacket na maong, “si Goryo
po”.
Preso ng kailaliman

Malapit nang sumikat

Ang araw sa dakong silangan

Ngunit patuloy pa rin sa pagtakbo

Ang kamay ng orasan

Walang tigil sa pag-ikot ang mundo

Maging ang hangin

Sa kanyang paglalakbay

Ang mga maya sa parang

Ay tila mga walang kapaguran

Tulad ng mga rosas na pula

Sa kanilang pamumukadkad

Ang lahat ay abala

Sa pagiging malaya

Ngunit ako ay mananatiling

Preso ng kailaliman

Hanggang sa paglubog ng araw

Sa dakong kanluran

You might also like