Professional Documents
Culture Documents
Simposyum Panitikan
Simposyum Panitikan
Paksa at Tema: Ang aming napiling paksa ay ang kahalagahan ng wika. Nais naming ipakita sa lahat ang
tunay na kahalagahan nito at kung bakit kinakailangan natin itong linangin o pahalagahan. Isa sa aming
mga layunin ay ibahagi sa mga delegado na dadalo sa aming symposium kung ano nga ba ang mga
benepisyo ng ating wika maliban sa pagpapahayag ng mga saloobin ng tao.
Ibig din ng aming pangkat na ipamalas sa lahat an gaming mga nalikom na mga impormasyon ukol sa
ating wikang pambansa. Lingid sa aming kaalaman na karamhihan sa mga estudyante ngayong mga
panahon ay binabalewala na lamang ang wikang kanilang kinamulatan o kinahinatnan.
Tagapagsalita: Pumili kami ng tatlong kinatawan sa aming pangkat na sina Tristan Adriano, Lorenzo Dela
Pena at Jerome Faustino, upang magbahagi ng kanilang mga kaalaman ukol sa natukoy na paksa. Maaari
ding bigyan ng panahon ang mga delegado upang magtanong sa mga tagapagsalita upang mas
maliwanagan ang kanilang mga kaisipan.
Delegado: Ang mga delegado na dadalo sa aming simposyum ay an gaming mga kamag-aral sa ika-10 na
baiting na Archimedes.
Programa: Ang programa ay gaganapin sa pagsapit ng 12:30 ng hapon sa ika-07 ng Setyembre 2016.
Sisimulan ito sa pamamagitan ng pag-awit ng pambansang awit. Sunod, ay magkakaroon ng maikling
pambungad na pananalita ang isa sa mga kintawan ng aming grupo.