You are on page 1of 6

UNANG PAGBASA Pahayag 11:19a; 12:1-6a, 10ab

Lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda.

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag.

N abuksan ang templo ng Diyos sa langit,


at nakita ang Kaban ng Tipan.

Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda:


isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan;
ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin.
Malapit na siyang manganak
kaya’t napasigaw siya sa matinding sakit at hirap.

Isa pang tanda ang lumitaw sa langit:


isang pulang dragon na napakalaki.
Ito’y may pitong ulo at sampung sungay,
at may korona ang bawat ulo.
Sinaklot ng kanyang buntot
ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit
at inihagis ang mga iyon sa lupa.
Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan
ng babaing malapit nang manganak
upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y isilang.
At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki,
ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos,
sa kanyang trono.
Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa
sa pamamagitan ng kamay na bakal.
Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang,
sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.

At narinig ko ang isang malakas na tinig


buhat sa langit na nagsasabi,
“Dumating na ang pagliligtas ng Diyos!
Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari!
Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!”

Ang Salita ng Diyos.


SALMONG TUGUNAN Salmo 97: 1, 2-3ab. 3kd-4

Tugon: Panginoong nagliligtas


sa tanang bansa’y nahayag.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,


pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Tugon: Panginoong nagliligtas


sa tanang bansa’y nahayag.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,


sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Tugon: Panginoong nagliligtas


sa tanang bansa’y nahayag.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.


Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Tugon: Panginoong nagliligtas


sa tanang bansa’y nahayag.
IKALAWANG PAGBASA Roma 8:28-30

Alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya.


Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma.

M ga kapatid:
alam nating sa lahat ng bagay,
ang Diyos ang gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya,
ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti.
Sapagkat mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya;
ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Amak,
at sa gayun, naging panganay natin siya.
At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag.
Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala,
at ang kanyang mga pinawalang-sala
ay kanya namang binigyan ng karangalan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA Lucas 11:28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA Lucas 11:27-28

Mapalad ang mga babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan.

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag.

N oong panahong iyon,


samantalang nagsasalita si Hesus sa mga tao,
ay isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya,
“Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan,
at nagpasuso sa inyo!”
Ngunit sumagot siya,
Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng DIyos
at tumutupad nito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Inihandog sa atin ng Diyos


ang kapayapaan ng pakikipagkasundo
sa pamamagitan ni Hesus, ang Anak ni Maria.
Ipanalangin natin na manatili sa atin ang kapayapaan.
Tugon: Diyos ng kapayapaan, basbasan mo kami.
1. Ang mga pinuno ng Simbahan,
sa ilalim ng pagtangkilik ng Birhen ng Fatima,
nawa’y higit nang mailapit ang Bayan ng Diyos
kay kristo at sa isa’t-isa.
Manalangin tayo sa Panginoon: (T)
2. Ang mga pinuno sa buong mundo
nawa’y patnubayan ni Maria, ang Birhen ng Fatima,
sa kanilang pagsisikap na magkaroon
ng pangmatagalang kapayapaan ang mga bansa.
Manalangin tayo sa Panginoon: (T)
3. Ang mga Kristiyanong pamayanan
nawa’y magsikap na makamit ang kapayapaan ni Kristo
sa pamamagitan ng pagpapakita
ng pagmamahal at malasakit sa isa’t-isa.
Manalangin tayo sa Panginoon: (T)
4. Ang mga nagdurusa
sa mga espiritwal o pisikal na kahinaan
nawa’y kahabagan ni Maria.
Manalangin tayo sa Panginoon: (T)
5. Tayo nawa’y lukuban
ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu
upang makita sa ating mundo
ang handog na kapayapaan.
Manalangin tayo sa Panginoon: (T)
Pari: Ama, nalalaman namin na nagmumula sa iyo
ang lahat ng mabubuting bagay,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan
sa tulong ng makapangyarihang pamamagitan ni Maria.
Hinihiling namin ito
sa pammaagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Bayan: Amen.

You might also like