You are on page 1of 7

Banal na Oras 1

PAMBUNGAD
Kapag natitipon na ang sambayanan, at nakahanda na ang Pari at ang iba pang tagapaglingkod, tatayo ang
lahat at pupunta ang Pari sa gawi ng tabernakulo at kukunin ang Banal na Sakramento.

PAGTATANGHAL SA BANAL SA SAKRAMENTO


Sa pagbukas ng pinto ng tabernakulo, luluhod ang lahat at sisimulan ang pag-awit ng O Salutaris Hostia (O Ostiya
ng Kaligtasan). Matapos itanghal ang Banal na Sakramento sa dambana, luluhod rin ang Pari at iinsensuhan ito.

AWIT: O SALUTARIS HOSTIA


O salutaris Hostia,
Quae caeli pandis ostium:
Bella premunt hostilia,
Da robur, fer auxilium.
Matapos itanghal ang Banal na Sakramento sa dambana, luluhod rin ang Pari at iinsensuhan ito.

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna gloria,
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria.
Amen.
PAANYAYA SA PAGSAMBA
Pari: Purihin natin ang Amang makapangyarihan,
na pinagmumulan ng lahat ng biyaya.
Bayan: Amen.
Pari: Purihin natin si Kristo, bukal ng lahat ng pagpapala.
Bayan: Amen.
Pari: Purihin natin ang Banal na Espiritu,
Panginoon at tagapagbigay ng buhay at kabanalan.
Bayan: Amen.
2 Banal na Oras

PANALANGING PAMBUNGAD
Tatayo ang Pari. Ang lahat kaisa ng Pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandal,
ilalahad ng Pari ang kanyang kamay at ipahahayag ang Panalanging Pambungad.

Pari: Makapangyarihang Diyos, maawaing Ama.


Kami iyong mga abang anak
ay natitipon sa harapan ng iyong bugtong na Anak,
ang Panginoong Hesus.
Buong kababaang-loob
na kami ay tumutugon sa kanyang paanyaya,
“Hindi ba kayo makapagpuyat na kasama ko
nang kahit isang oras lamang?
Magpuyat at manalangin
para hindi kayo madaig ng tukso” (Mateo 26:40).
Sa iyong mahal na harapan, O Panginoong Hesus,
liwanagan po ninyo ang aming mga isipan,
pag-alabin ang aming mga puso,
buksan ang aming mga kamay.
Upang sa gayon ang lahat ng aming balakin,
sasabihin at gagawin,
ay tungo sa kaluwalhatian ng Diyos Ama,
para sa kadakilaan ng iyong Pangalan,
tungo sa kabutihan ng samabayanan,
at sa aming pansariling kabanalan.
Hinihiling namin ang mga ito sa tulong ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
ALELUYA
Tatayo ang lahat bilang paggalang sa MAabuting Balita habang inaawit ang Aleluya.
Banal na Oras 3

MABUTING BALITA Mateo 11:28-30


Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Mateo.
Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus:
“Lumapit kayo sa akin,
kayong lahat na napapagal
at nabibigatan sa inyong pasanin,
at kayo’y pagpapahingahin ko.
Pasanin ninyo ang aking pamatok,
at mag-aral kayo sa akin;
ako’y maamo at mababang-loob
at makasusumpong kayo ng kapahingahan
para sa inyong kaluluwa.
Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok,
at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
TAHIMIK NA PANANALANGIN AT PAGNINILAY
Uupo ang lahat at tahimik na mananalangin at magninilay sa harapan ng Banal na Sakramento.

Pagkatapos na mahabang oras ng tahimik na pananalangin at pagninilay, tatayo ang lahat.

Pari: Manalangin tayo.


Ang lahat kaisa ng Pari ay tahimik na mananalangin ng saglit. Pagkalipas ng ilang sandalI,

O makapangyarihang Diyos, butihing Ama,


kinikilala namin ang iyong kadakilaan.
Tinatanggap namin ang kagandahang-loob mo sa amin.
Ang lahat ay nanggaling, nagmula sa iyo.
Ang aming buhay ay likha ninyo.
4 Banal na Oras

Ibinabalik namin sa iyo ang lahat ng papuri at parangal.


At kaming lahat ay taos-pusong nagpapasalamat
sa iyong kabutihang-loob sa amin.
Sa banal na oras na ito
na tugon namin sa iyong paanyayang
“maging handa at magdasal” (Mateo 26:41)
alam namin na ikaw ay kapiling,
ikaw rin sa amin ay nakatingin.
Kasama ka namin sa aming pag-iisa, pagta-trabaho
at kahit sa maraming tao.
Kaisa ka namin
ano pa man ang nangyayari sa aming buhay.
At dahil dito nagtitiwala kami
na kami ay iyong pagpapalain.
Magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap.
Inyong sasagutin ang aming
mga kahilingan at panalangin.
Aming matatagpuan ang aming hinahanap.
Darating sa aming buhay
ang kaginhawaan at kagalingan.
Mararanasan namin ang tagumpay at kaayusan sa buhay.
Mapapawi ang aming kalungkutan,
paghihirap at pagluha.
Mararanasan na namin ang kaligtasan
at dadaloy na sa amin
ang iyong walang hanggang awa at pagpapala.
Bayan: Amen.
AMA NAMIN
Ipahahayag ng Pari nang magkadaop ang mga kamay.

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas-loob:
Ilalahad ng Pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:
Banal na Oras 5

Lahat: Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama.
Luluhod ang lahat.

PAGBABASBAS
Pagkatapos ng panalangin, luluhod ang Pari sa harap ng dambana at lalagyan niya ng insenso ang insensaryo.
Samantalang siya’y nakaluhod, iinsensuhan niya nang tatlong ulit ang Banal na Sakramento habang inaawit ang
Tantum Ergo.

AWIT: TANTUM ERGO


Tantum ergo sacramentum
veneremur cernui,
et antiquum documentum
novo cedat ritui;
praestet fides supplementum
sensuum defectui.
Iinsensuhan ng Pari ang Banal na Sakramento.

Genitori, Genitoque
laus et iubilatio,
salus, honor, virtus quoque
sit et benedictio;
procedenti ab utroque
compar sit laudatio. Amen.
Pari: Binigyan mo sila ng tinapay mula sa langit.
Bayan: Na puno ng kanyang katamisan.
PANALANGIN
Tatayo ang Pari.
6 Banal na Oras

Pari: Manalangin tayo.


O Panginoon na iniwan sa amin
ang ala ala ng iyong mahal na pasyon
sa isang sakramento,
ipagkaloob na igalang namin
ang mga misteryo ng iyong katawan at dugo
na lagi naming nadama sa aming kalooban
ang hiwaga ng iyong Espiritu,
ngayon at magpakailan pa man.
Bayan: Amen.
Pagkaraa’y ilalagay sa balikat niya ang balabal. Itatanghal ang Banal na Sakramento sa kanyang kamay at
babasbasan sa pamamagitan nito ang sambayanan. Matapos ay babnalik siya sa kaniyang lugar sa harap ng
dambana at aanyayahan sambayanan sa pagpupuri sa Diyos.

PAGPUPURI
Lahat: Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang Kamahal-mahalang Puso.
Purihin ang kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang santa’t di narurungisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit
kay Santa Mariang Birhen.
Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel
at kanyang mga santo.

PAGBABALIK SA BANAL NA SAKRAMENTO SA TABERNAKULO


Tatayo ang Pari. Ilalagay uli ang Banal na Sakramento sa siboryo at isasauli iyon sa tabernakulo, habang inaawit
ng sambayanan ang sumusunod:
Banal na Oras 7

AWIT: O SACRAMENT MOST HOLY


O Sacrament most holy,
O Sacrament divine
all praise and all thanksgiving,
be every moment thine,
be every moment thine.
Tatayo na ang lahat matapos isara ang tabernakulo. Matapos makapagbigay-pitagan kaisa ng mga
tagapaglingkod, siya ay hahayo.

REGINA CAELI AT
Darasalin o awaitin ang Regina Caeli

ORATIO IMPERATA: PRAYER FOR PROTECTION AGAINST COVID-19


Darasalin ang Oratio Imperata: Prayer for Protection Against Covid-19

You might also like