You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
CLAVER DISTRICT
URBIZTONDO ELEMENTARY SCHOOL

EPP 5
Second Quarter
First Summative Test

Name: ____________________________________ Score:___________

Grade & Section: _________________________

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang dapat gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?
a. ayusin ang pleats ng palda c. basta nalang umupo
b. ipagpag muna ang palda d. ibuka ang palda
2. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pangangalaga sa damit maliban sa:
a. ihanger ang mga malinis na damit panlakad
b. punasan ang mga uupuang lugar bago umupo
c. pabayaan ang mantsa na dumikit sa damit
d. pahanginan ang mga damit na basa ng pawis
3. Ano ang nararapat gawin kung ang damit ay nangangamoy?
a. ilagay sa labahan b. pahanginan c. plantsahin d. tiklupin at ilagay sa cabinet
4. Alin sa mga sumusunod ang gagawin kung may sira o butas ang mga damit?
a. ihanger ang damit sa cabinet
b. sulsihan o kumpunihin ang mga butas ng damit
c. isuot at gamitin ang mga damit
d. ipamigay ang mga damit sa kapitbahay
5. Bakit kailangang pangalagaan ang ating kasuotan?
a. upang mapakinabangan ito sa loob ng mahabang panahon
b. upang ikaw ay kaaya-ayang tingnan
c. upang mapanatili ang kagandahan ng kasuotan
d. lahat ay tama
B. Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at isulat ang TAMA kung ito ay nagpapahiwatig ng
tamang pangangalaga sa kasuotan at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bawat aytem.
__________ 1. Ang paglalagay ng sapin sa uupuang lugar ay mabuti upang mapangalagaan ang
kasuotan.
__________ 2. Hinahayaan ang mga mantsa, tastas, sira o punit ng damit.
__________ 3. Ihalo ang lahat ng mga uri ng damit, damit-pambahay at panlakad sa iisang
lalagyan.
__________ 4. Tinatanggal kaagad ang mantsa ng damit habang sariwa pa bago labhan.
__________ 5. Plantsahin ang mga damit na malinis na ngunit gusot na gusot.

EPP 5
Second Quarter
First Performance Task

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga paraan sa pangangalaga ng kasuotan?

______________________________________________________________________________

2. Bakit kinakailangan pangalagaan ang mga damit/kasuotan?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Panuto: Kompletuhin ang dayagram.

Mga paraan upang mapanatiling malinis

ang mga kasuotan

You might also like