You are on page 1of 2

DAPAT AY LAGING HANDA

Ni: Andrei G. Yabut

May dalawang magkapit-bahay, ang pamilya

Lopez at pamilya Dizon. Ang pamilya Lopez

ay laging makikita na nagkakasiyahan o may

party sa tahanan. Sila ay laging bumibili ng

mga mamahaling bagay. Madalas din silang

mag-regalo kung kani-kanino. Samantalang

ang pamilya Dizon ay simple lamang. Ang kanilang pinagkakagastusan ay mga

pangangailangan lamang. Kapag may handaan sila ay payak lamang. Hindi rin sila

nag-aaksaya. Bagkus, sila ay nag-iimpok sa bangko. Nagtitipid rin sila sa mga gamit

nila. Sila rin ay nakahanda sa anumang sakuna. Isang araw, biglang nagkaroon ng

malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay hindi

pinansin ng pamilya Lopez, ngunit ito ay

pinaghandaan ng pamilya Dizon. Hindi

nagtagal, binaha ang loob ng bahay ng

pamilya Lopez. Nabasa at nasira ang lahat ng

gamit nila. Kaya, napilitan silang makisilong

sa kapitbahay nila na pamilya Dizon kahit pa man sila ay nahihiya. Malugod naman

silang tinanggap ng pamilya Dizon. Dito nabatid na mahalaga ang pagiging simple at

laging pagiging handa.

You might also like