You are on page 1of 4

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Matrix ng Saliksik 2020


Petsa: Ika-31 ng Mayo Taong 2021___

I. PAMAGAT
“Sosyolohikal na Sipat sa Epekto ng Relasyong Birtwal ng mga Piling Mag-aaral sa
Akademikong Pagganap ng Ika-11 SHS Batasan TP 2020-2021”

II. RASYUNAL/MGA LAYUNIN NG PAG-AARAL:


Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tumalakay sa Epekto ng Relasyong Birtwal ng mga Piling Mag-
aaral sa Akademikong Pagganap. Gayundin, ang pagkakaroon ng tunay na kaliwanagan hinggil sa
epekto ng relasyong sosyal sa ibat ibang dimensyon at naglalayong magbigay impormasyon sa iba
pang mag-aaral, magulang, at iba pa.
Ang pag-aaral na ito ay may mga tiyak na layunin na matugunan ang sumusunod:
1. Upang malaman ang dahilan o sanhi sa pagkakaroon ng relasyong sosyal sa sekondaryang
paaralan ng Batasan Hills Senior High.
2. Upang malaman ang mga epekto sa iba’t-ibang aspeto ng isang mag-aaral ang pagkakaroon ng
relasyong birtwal sa ika-11 Baitang ng Sekondaryang Paaralan ng Batasan Hills.
3. Upang matuklasan ang mga maaring positibo at negatibong epekto ng relasyong birtwal sa pag-
aaral ng isang estudyante ng ng ika-11 Baitang ng Sekondaryang Paaralan ng Batasan Hills.
4. Upang makita ang iba pang suhestiyon o rekomendasyon ng mga piling mag-aaral hinggil sa
pagkakaroon ng relasyong birtwal sa pagtupad sa tungkulin ng isang mag-aaral ng ika-11
Baitang ng Sekondaryang Paaralan ng Batasan Hills?
5. Upang magkaroon ng karagdagang kaalaman sa mag-aaral , magulang at iba pa kung
nakakatulong ba ang barkada sa pagbuo ng isang kumpletong personalidad ng isang mag-aaral
ng ika-11 Baitang ng Sekondaryang Paaralan ng Batasan Hills. (Transporte)

III. PAGLALAHAD NG SULIRANIN:


Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng relasyong birtwal ng mga piling mag-aaral sa
akademikong pagganap ng mag-aaral sa ika-11 baitang Senior High ng Sekondaryang paaralan ng
Batasan Hills ay naglalayong alamin ang mga sumusunod na suliranin:
1.Ano ano ang mga kadahilanan ng mga piling mag-aaral sa pagkakaroon ng relasyong sosyal
partikular sa birtuwal na lunsaran sa kanilang pagganap akademiko?
2. Paano nakaapekto sa mga sumusunod ang mga dahilan ng mga piling mag-aaral sa pagkakaroon
ng relasyong sosyal kaugnay ang akademikong pagganap?
2.1. Emosyonal
2.2. Mental
2.3. Pisikal
3. May tiyak bang kabutihan o kasamaang dulot ang pagkakaroon ng relasyong sosyal partikular sa
birtwal na lunsaran sa akademikong pagganap.
4. Ano ano ang mga suhestiyon o rekomendasyon ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng relasyong
sosyal na kaugnayan nito sa akademiko.

IV. METODOLOHIYA
a. Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay isang deskriptibo at kwalitatibong pananaliksik. Ito ay
naglalayong bigyang-linaw at unawaing mabuti ang mga maaring dahilan o sanhi ng epekto ng
relasyong birtwal ng mga piling mag-aaral sa kanilang pagganap akademiko . Ang pananaliksik
na ito ay mayroong sapat at eksaktong datos na makapagbibigay ng wastong kasagutang
kinakailangan ng mga mananaliksik para sa pag-aaral na ito.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matuklasan ang mga maaaring kabutihan at kasamaang
naidudulot ng pagkakaroon ng relasyong birtwal sa mga piling mag-aaral sa kanilang pagganap
akademiko. Gayundin, ang makapagbahagi ng mga bagong ideya tungkol sa nasabing paksa.
Ang pag-aaral na ito ay isinaalang-alang para sa mga mag-aaral na kasalukuyang mayroong
relasyong sosyal sa mismong lunsaran ng kanilang akademikong pagganap. Ang napiling
estratehiya sa pag-aaral ay ang pagsasagawa ng panayam sa mga piling mag-aaral sa
pamamagitan ng google forms sapagkat ito ang angkop na paraan upang malaman kung ano ang
kanilang mungkahi, saloobin o nararanasan tungkol sa ibinigay naming mga katanungan tungkol
sa paksa. Isa ring dahilan ng pagpili ng estratehiya ay ang kasalukuyang nagaganap sa ating
kapaligiran na kung saan ang malawakang pandemya sa ating bansa. Ang mga piling mag-aaral
na siyang magiging respondente ng pag-aaral ay may bilang na sampu (10) at ito ay magmumula
sa ika- 11 baitang ng SHS Batasan taong panuruan ng 2020-2021. Ang mga respondente ay
mapipili sa pamamagitan ng paggamit ng paraan ng purposive sampling.
(Escobilla& Transporte)

b. Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng talatanungan o pagsasagawa
ng panayam gamit ang google forms na naglalayong makapangolekta ng mga mahahalaga at
kinakailangang impormasyon sa mga piling respondente na may kaalaman sa paksa.
Ang magiging nilalaman ng talatanungan o sarbey-kwestyuner ay binubuo ng 10 katanungan
hinggil sa paksa ng pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng panayam nang sa
gayon ay matuklasan at tuluyang maunawaan ang mga ideyang nakapaloob sa Epekto ng
pagkakaroon ng relasyong birtwal Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ika-11 Baitang
ng Sekondaryang Paaralan ng Batasan Hills . (Salvador&Transporte)
c. Respondente ng Pananaliksik
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga piling mag aaral sa Ika-11 Baitang ng
SHS ng Batasan Hills sa taong panuruan ng 2020-2021. Ang pananaliksik na ito ay may sampu
(10) ang bilang ng magiging respondente at sa pamamagitan ng purposive sampling ay mapipili
ang mga inaasahang respondente. (Isorena)

d. Paraan ng Pangangalap ng Datos/Impormasyon


Sa pamamagitan ng pagbuo ng talatanungan na gamit ang google forms, ang mananaliksik ay
magsasagawa ng panayam para sa mga piling mag-aaral ng SHS Batasan. Sa pamamagitan nito,
ang mga mananaliksik ay makapangangalap ng mahahalagang impormasyon at datos para sa
pagbuo ng pag-aaral na ito. Ang mga katanungan na gagamitin sa panayam ay binubuo ng pitong
(7) katanungan. Na kung saan ang mga katanungang ito ay ibinase sa nalikhang suliranin at
layunin ng pananaliksik na ito. Upang mailahad at maipaliwanag ng wasto ang mga
kinakailangang datos o impormasyon, ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong
pamamaraan. Ang mananaliksik ng pag-aaral na ito ay pumili ng mga karapat-dapat o naaangkop
na respondente na kung saan ang mga piling mag-aaral ng SHS Batasan nang sa gayon ay
matugunan ang inaasahang resulta ng pag-aaral na ito hinggil sa sosyolohikal na sipat sa epekto
ng relasyong birtwal ng mga piling mag-aaral sa akademikong pagganap ng ika-11 baitang ng
SHS Batasan. (Lodivico)

e. Etikal na Konsiderasyon sa Pananaliksik


Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng etikal na konsiderasyon sa mga kasapi dahil lahat ng
mga personal na impormasyon ng mga kasapi sa pag-aaral na ito ay itinuturing na kumpidensyal
at nanatiling kumpidensyal sa buong pag-aaral. Naipaliwanag ng mga mananaliksik ang layunin
ng pananaliksik na ito sa mga kasapi at binigyan sila ng paunawa na maaaring sensitibo ang
paksa. Bilang paggalang sa mga respondente, may karapatan silang tumanggi o may ibang
katanungan na sensitibo sa pag aaral na ito. Walang magaganap na sapilitang senaryo sa
pagsagot ng mga katanungan sa isasagawang panayam ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito.
Dahil dito, ang mga kasapi sa pananaliksik na ito ay nag boluntaryo o walang pagpipilit sa
kanilang pagtanggap ng interbyu. Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay sinisigurong
mailalahad at maipapaliwanag ng wasto at tapat ang mga datos na nakalap mula sa naisagawang
panayam. At ang mga mahahalagang impormasyong ito ay pangangalagaan ng walang pag-
aalinlangan (Aguilar at Deniega)

Mga tala ng komento at puna:


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________

Binigyan pansin ni: G. DENIS C. SUANSING


Dalubguro sa Pananaliksik

You might also like