You are on page 1of 4

Samantha Catiloc Prof. Chem R.

Pantorilla
PAN 201 Pananaliksik Pampanitikan

DIKURSO NG EKSPRESYONAL NA PAG-IBIG SA PILING SUGILANON


Discourse of Expressional Love in some Visayan Love Stories

Introduksyon
Sa pag-usbong ng panahon, hindi maiiwasan ang mga makabagong pamamaraan sa
pamumuhay, gawi, kultura at kung ano pa na maaaring makitaan ng isang bagong
pagpapahalaga. Sa kasalukuyan, tumatakbo ang lahat ng pangyayari sa buhay ng tao na may
kaugnayan sa teknolohiya. Malawak na saklaw ngunit ang lahat ng pagbabagong nakikita at
naisasagawa ng karamihan ay nakikita rito dahil sa ito’y may malaking impluwensya sa lipunang
ginagalawan. Patuloy na ginagamit, naisasabuhay kung kaya hindi mawala-wala ang mga
bagong aspeto o konsepto sa buhay at sa kapaligiran. At dahil halos karamihan sa kabataan
ngayon ay nauugnay sa mapupusok na bahagi ng buhay, nakitaan ito ng samo’t saring konsepto
na kung saan may malalimang pag-unawa. Sa paglabas ng mga bagong balitang “cheating
boyfriend/girlfriend” nagiging balisa ang kabataan kung saan hindi maiwala-wala ang atensyon
sa pagkilatis nito. Nagsimula sa mga tinatawag na “vlogs” ang impluwensya ng balitang ito na
kung saan tinatawag ring influencial people ang mga gumagawa nito kung kaya napaparami ang
sumusubaybay dahil kasabay ito sa napapanahong kagustuhan ng nakararami. Sa lawak ng
impluwensya, napagtuonan ng pansin ang diskurso ng teksto at di-berbal na aspetong
analisasyon. One of the characteristics of discourse analysis is that it describes text and talk in
terms of theories developed for the several levels or dimensions of discourse . Nakikita sa teksto
ang layunin ng bawat pariralang gamit. Sa madaling salita, isa itong paglilinang sa nakakubli o
bagong kaisipan na maaaring makapupukaw ng isip at damdamin na siyang maghahatid sa
panibagong kaisipan sa isang sitwasyon o pangyayari. Sa bahaging ito, nakatuon ang diskursong
nasabi sa aspetong love o pag-ibig kung saan matutukoy ang iba’t ibang ipinapakahulugan ng
bawat ekspresyonal na pampag-ibig.
Ang love o pag-ibig ay isang makapangyarihang emosyon na naghahatid ng iba’t ibang
kaugalian. Nababatay sa kung papaano nararamdaman o gaano kabugso ito. Maraming aspeto
nito at iba-iba rin ang ideolohiyang iniaabot. Sa aspeto ng romantiko, ang pag-ibig ay isang
mapusok na damdamin kung saan nakikita palagi’t lagi sa aksyon, ugali, pag-iisip at iba pang
maaaring sangkot o bahagi nito.  Love is also complex, and exists in different forms. One type
of love is passionate love. This form of love causes an individual to erotically idealize
another individual with the idea that this feeling will not end (Jankowiak & Paladino,
2008; Fisher, 1992, 2004). Tumutugon ang konseptong ito sa potensyal ng pangmatagalang
damdamin. Sa madaling salit, isang ideyal sa usaping pag-ibig na konkretong damdamin na
kailanmay hindi maglalaho o magbabago. Tulad ng nasabi, maraming aspekto ang bahaging ito
ngunit mayroong pagkakatulad sa bahagi ng damdamin na nahahatid naman ng gawi o aksyon.
Sa kabilang dako, nasabi sa unahan ang napapanahong isyu kung saan nahahalina o bukas
ang mata, tainga, bibig at mga kamay ng kabataan upang magsulong ng mga napapanahong
balita. Kaya naman isa ito sa napansing nagkukulang sa piling literaturang nabasa –ang
eksperyunal na bahagi ng kapusokan o pag-ibig. Itinuon ang problemang ito sa panitikang
kwento na pumapatungkol sa pag-ibig. Kwento na kung saan espisipikong itinugon sa piling
sugilanon. Isang uri ng panitikan na wikang bisaya at nangangahuugang kwento ng isang
naturang pangyayari. Sa madaling salita, ito ay isang maikling kwento na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Ang maikling kwento ay karaniwang mayroong limang
bahagi. Ang panimula –bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang
maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa. Ang saglit na
kasiglahan –bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning
inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa at madama niya
ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin. Ang suliraning
inihahanap ng lunas –karaniwang tatlo. Kung minsan ay humihigit sa tatlo, depende sa
sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang mababasa ay napapagitna sa mga
pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang mga pangyayaring ito ang siyang bumubuo sa
mga suliraning inihahanap ng lunas at lumilikha ng isang kawilihang pasidhi nang pasidhi. Ang
kasukdulan –bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay dapat
ilarawan nang mabilisan, tiyak, o malinaw at maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan, ito
ay di-dapat magkaroon ng anumang paliwanag. Ang kailingan lamang ay ang maayos na
pagkakaugnay-ugnay ng mga suliraning inihahanap ng lunas.
Ang kakalasan –panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay hindi
rin dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip at hayaang
siya ang magbigay ng wakas sa kwento. Sa kasalukuyan, nagging mapusok ang bawat kwentong
naililimbag maging sa spoken poetry, kwento, dula at kahit anong anyong panitikan. Kung kaya
sa bahaging ito makikilatis ang aspeto ng kwentong pampag-ibig sa mga kwentong bisaya gamit
ang pragmatika ng linlang.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Bunsod ng pagbabago, nakaangkla sa diskurso ang linlang na makikita sa naturang
kwentong bisaya. Masasabi ito sapagkat nasa konteksto ang mga linlang na siyang gumagalaw sa
diskurso nito. Ito’y bilang berbal at di-berbal na pag-aaral na aspeto sa diskurso. Niminsan,
hindi naging disiplinang mapag-isa ang pragmatika ng linlang sa bahaging ito. Isa itong patuloy
na umuunlad na kung saan naghahanap ng paglilinang at pagbabago sa prinsipyong nauugnay sa
makabagong kaalaman tungo sa kaugnayang disiplina. Isasagawa ang pag-aaral na ito bunsod ng
kapusokan ng kabataan sa kasalukuyan na pawang sa kahit saang anggulo, napag-uusapan ang
bahaging ito. Kaya naman nakabatay sa bisayang anyong panitikan ang pag-aaral bagkus
mayroong pagkakatangi sa mga salita na kung saan masasabing nakakantig damdamin lalo na ng
mga taong napapabilang sa kulturang Cebuano at Bisya.

Layunin
Karaniwang naitutugon ang bahagi ng pag-ibig sa ekspresyonal na intension. Nakikita sa
aksyon, pag-uugali, aktibidades nap ag-ibig. Sa pag-aaral na ito, tinitingnan ang ekspresyon
ngayon na nasa ibang banda, ang ekspresyonal na intension ng mangingibig sa iniibig sa
pamamagitan ng mga pariralang nasa sugilanon. Ito ay nagtataglay ng mga linggwistikong
aspekto na naghahatid naman sa pagkakaroon ng kahulugan ng mga salita sa loob nito. Upang
maisakatuparan ang pag-aaral, nilalayon nito ang sumusunod;
1. Ano ang mga ekpresyonal na pag-ibig ang makikita sa piling sugilanon?
2.Ano-anong kalikasan ng pag-ibig ang nasa ekspresyonal na nabanggit?
3. Ano ang sosyal epekto na paggtangap ng kalikasan ng pag-ibig na may moral na
kahalagahan?
Nakatuon ang pag-aaral sa pagkalap ng sugilanong pampag-ibig upang matukoy ang nasa
kabilang aspekto ng ekspresunal nap ag-ibig. Kung saan maghahatid naman sa uri at kalikasang
taglay ng pag-ibig sa nabanggit na ekspresyunal at ang kahalagahan nitong sosayl. Nagtataglay
ng mga salita na mula sa ekpresyunal na tugon.
Kaugnay na Literatura

Batayang Teorya
Bahagi ng pag-aaral ang paglapat ng batayang teorya. Sa pag-aaral na ito, bibigyang-diin
ang istrukturang nakapaloob sa mga kwento gamit ang wika –sa pragmatika ng linlang. Peters,
Lyons (1985, 4) defines emotion as a functional model expressed in words. Thus, emotions
are feelings directed outward and toward whatever causes them to come out. Gamit ang
teoryang istrukturalismo, kikilatisin ang wikang lumilitaw sa makabuluhang kahulugan o
mensahe ng mga kwento. Nakaugat ito sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari lamang
mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura –ang istruktura ng wika. John,
2014. Hindi mapagkakaila na ang istruktura rito ay ang paulit-ulit na lumilitaw sa isang teksto na
siyang ginamit upang mabigyang-diin ang kabuoan nito. Nakaangla rin ang literaturang teksto sa
sosyal at kasaysayang gamit nito, dagdag pa nina Zima 1999:27; Davis at Schleifer 1991:129,
Literature is an autonomous work of art. Kung kaya hindi nababatid ang negatibo o positibong
dala ng isang teksto bagkus nakapokus o mas nabibigyang pansin sa pansariling pagpapahalaga
nito.

You might also like