You are on page 1of 1

Backpack na may lamang laptop, cellphone

at wallet, tinangay sa loob ng simbahan


 Hunyo 29, 2021 10:25am GMT+08:00




Isang backpack na pag-aari ng isang katekista ang ninakaw sa loob ng isang simbahan sa
Cavite City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Laman ng backpack ang isang laptop, cellphone at wallet.

RELATED STORIES

Babae, nalapnos ang halos buong katawan dahil sa 'sumabog' na tangke


ng LPG

Batang lalaki sa QC, minolestiya umano ng kapitbahay; suspek, arestado

BTS fans na ARMY, 'di lang mga idol ang sinusuportahan

Sa kuha ng CCTV, makikitang isang babae ang pumasok sa simbahan at umupo sa huling
hilera ng mga upuan. Maya-maya ay kinuha na ng babae ang backpack ng biktima na
nakalagay sa tabi ng altar.

Ayon sa biktima, inilapag niya ang kaniyang backpack matapos magkaroon ng seminar
ukol sa binyag.

Umaasa ang biktima na mahahanap agad ang suspek sa tulong ng CCTV. —KBK, GMA
News

You might also like