You are on page 1of 2

Batang lalaki sa QC, minolestiya umano ng

kapitbahay; suspek, arestado


 Hunyo 29, 2021 8:40am GMT+08:00




Arestado ang isang 57-anyos na lalaki sa Quezon City matapos umanong molestiyahin
ang isang 7-anyos na batang lalaki na kapitbahay niya.

Ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes, nabisto ang krimen nang
magsumbong ang biktima sa kaniyang lola.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang pangmomolestiya nang pumasok sa trabaho ang


ama ng bata at umalis naman ang lola para magtrabaho bilang labandera.

RELATED STORIES

Noynoy Aquino, parang ordinaryong tao kahit pangulo na, ayon sa


kaniyang photographer

COVID-19 vaccine na itinurok sa braso ng isang tao sa Makati, 'di


napindot ang gamot

Babae, tinakbuhan ang tindahan matapos mag cash-in ng P8,500

Binibigyan daw ng pera o pagkain ng suspek ang biktima para pumasok sa kanyang
bahay.

Umamin ang suspek na dalawang beses na niyang minolestiya ang bata. Una raw noong
Pebrero at pagkatapos ay nitong nagdaang weekend.
Naisampa na ang mga reklamong rape at child abuse laban sa suspek.  —KBK, GMA
News

You might also like