You are on page 1of 4

Awit ng Sinapupunan

Takdang Oras – 3 oras

Talaan ng Gawain
1. Makapagbigay ng kahulugan sa mga piling parirala.
2. Makasulat ng paraphrase ng tula.
3. Makapagbigay ng tamang sagot sa mga tanong pag-unawa
4. Makapagpalawak ng karanasang pampanitikan
5. Makasulat ng dayalogo sa pagitan ng puso at isip.
=================================================

Hawan sa Balakid
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na parirala:
1. nag-apoy ang kidlat__________________________
2. tsokolate at singsing na panghele_______________

Titig at Muni sa Teksto

Awit ng Sinapupunan
Alicia A. Asaytuno

Patak ng ulan sa takip-silim


Balisa si Marco, naghihintay si Babe
Sa kanya’y kulay rosas ang paligid
Monthsary nila, dapat matuwa ang mahal nya
Tsokolate, at singsing na panghele
Inaninag ang daan , galit ang kulog
Nag-apoy ang kidlat
Sa harap ni Babe,
Si Marco ay nanikluhod
Garalgal ang tinig, kamay ay nanginginig
“Lahat ng naisin mo ibibigay ko”
“Kunin mo ang puso ng nanay mo”
Lakad-takbo tinahak ang daan pabalik
Walang alinlangan,
Dibdib ng ina ay binuksan
“Ito, ang magpapaligaya sa mahal ko”
Pabalik kay Babe, madulas ang daan
Isang iglap. sa baba ng burol,
Tumilapon ang katawan

Sigaw sa sakit namilipit


Tangan pa rin ang kaligayahan ng sinta
Mula dito may bulong sa kanya
Anak ko, nandito lang ako
Akin na lang ang sakit na nadarama mo
Sa aking kanlungan, pawis mo ay pupunasan
Ihehele kitang muli, sa yakap iduduyan
Tulad ang ikaw , ay nasa akin pang sinapupunan.

Yakap sa Kabuuan
Sumulat ng paraphrase ng tula.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________

Kanlong sa Diwa

1. Ano ang simbolismo ng mga sumusunod:


a. tsokolate
b. singsing
c. ulan
d. kulog
e. kidlat
2. Ano ang ipinahihiwatig ng “bulong” mula sa puso ng ina? Ipaliwanag
_________________________________________________________
________________________________________________________
3. Isulat ang iba pang ideya kaugnay sa pagpatay sa ina ang
ipinararating ng tula?
__________________________________________
---------------------------------------------------------
4. Anong katotohanan ang ibinabahagi ng mga sumusunod? Ipaliwanag
a. anak _______________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
b. ina________________________________________________
_____________________________________________________
____________________________________________________

Sulyap sa Sining
A. Sa ibang dimensyon, kailan nadudukot ng anak ang puso ng
kanyang ina? Ipakita sa pamamagitan ng picture collage.

.
Kriskros sa Himaymay
Batay sa tula, sumulat ng dalawang (2) minutong dayalogo sa pagitan
ng isip at puso. Pumili ng kapartner at ipakita ang tunggalian nila.
..

You might also like