You are on page 1of 10

n I

4
laa L
ah
a
I BI
a m
P GB
ar
in
g
NA
a I
Pa
g -
I IP
I ND
H
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 5
Linggo : 5
Kahulugan ng Gawaing Pansibiko

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ika-Apat na Markahan - Modyul 5 Linggo :5- Kahulugan ng Gawaing Pansibiko
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul sa Araling Panlipunan 4

Author: Honey Lou S. Parel

Editor: Nicolasa R. Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Chona H. Dilangen
Susan I. Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 5 Linggo: 5
Kahulugan ng Gawaing Pansibiko

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampubliko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Hinihikayat
naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon
na mag-email ng kanilang puna, komento at rekomendasyon
sa Kagawaran ng Edukasyon sa region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
z

Aralin
Kahulugan ng Gawaing
1 Pansibiko

Tuklasin

Sa ibaba ay makikita ang kahon 1 na may mga letra at may


katumbas na simbolo sa bawat letra nito. Ang pangalawa at
pangatlong kahon ay naglalaman ng mga simbolo. Itugma ito sa
kahon 1 upang makabuo ng isang salita na may kaugnayan sa
kagalingang pansibiko.

Kahon 1

Kahon 2

3
Kahon 3

Anong salita ang iyong nabuo?

_____________________________________________

Suriin

Kahulugan ng Kagalingang Pansibiko

Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin


ay mamamayan.
Noong unang panahon sa lipunang Pranses, tinatawag na
civique ang isang mamamayang nakapag-buwis ng buhay para sa
kaniyang kapwa. Naipagpalit ito sa salitang civil o sibilyan na isang
indibidwal na wala sa serbisyo ng pamahalaan o hindi nanunungkulan
bilang sundalo subalit nakakatulong nang malaki sa kanyang bayan.
Ang salitang sibiko ay kadalasang ikinakabit sa katagang
“kagalingan” o welfare. Tinutukoy ng civic welfare o kagalingang
pansibiko ang pinakamataas na kabutihang makakamit at
mararanasan ng mga mamayan. Ang kabutihang ito ay natatamasa
sapagkat nanggagaling sa madaling pagtugon at pagmamalasakit sa
kapwa mamamayan.
Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may
pananagutan sa kaniyang kapwa. Ang pagkukusang-loob, pagtulong
ng walang inaasahang kapalit at bayanihan ay mga susing katangiang
dapat taglayin sa gawaing pansibiko.
Maaari ding tingnan ang gawaing pansibiko bilang malawakang
pagsasama-sama ng mga tao upang tiyaking nasa pinakamahusay
silang pamumuhay lalo na ang pinakamahirap.

4
Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang mga
usapin hinggil sa edukasyon, kalikasan, kabuhayan, pampublikong
serbisyo at kalusugan.
Ang isang maliliit na bagay tulad ng pagtulong sa isang
matandang tumatawid sa kalye hanggang sa malalaking bagay tulad
ng pagplano para sa pagtatayo ng kabuhayan sa isang komunidad ay
maituturing na kagalingang panlipunan na nag-uugat sa gawaing
pansibiko.

Pagyamanin

Lagyan ng tsek (√) ang patlang bago ang bilang kung ang
pahayag ay may kinalaman sa kagalingang pansibiko at ekis (x)
naman kung hindi.
_______ 1. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods.
_______ 2. Pagtitinda upang kumita.
_______ 3. Pagpapakain sa mga batang lansangan .
_______ 4. Panonood ng sine..
_______ 5. Pagbebenta ng tiket para sa isang benefit show.

Isaisip

Panuto: Pillin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong
acitivity notebook.

kapalit sibiko kagalingan


pananagutan pampublikong serbisyo

1. Ang salitang ___________ ay mula sa salitang Latin na ang ibig


sabihin ay mamamayan.

5
2. Ang salitang sibiko ay kadalasang ikinakabit sa katagang
____________ o welfare.

3. Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may


_____________ sa kanyang kapwa.

4. Ito ay ang pagkukusang-loob, pagtulong na walang inaasahang


____________.

5. Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang mga usapin


hinggil sa edukasyon, kalikasan, kabuhayan ______________
at kalusugan.

Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa activity notebook


ang iyong sagot.

1. Ipaliwanag ang pinagmulan at konsepto ng kagalingang pansibiko.


___________________________________________________
___________________________________________________

2. Anu-ano ang sakop ng kagalingang pansibiko?


__________________________________________________
___________________________________________________

3. Magbigay ng halimbawa ng isang gawaing pansibiko ukol sa


edukasyon.
___________________________________________________
___________________________________________________

4. Ano ang katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko?


___________________________________________________
___________________________________________________

5. Magbigay ng halimbawa ng gawaing pansibiko na kaya mong


gawin bilang isang mag-aaral.
___________________________________________________
___________________________________________________

6
Tayahin

Gawain 1: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa


iyong activity notebook.

1. Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay


_____________.
a. kapwa c. kagalingan
b. civique d. mamamayan

2. Gawaing paglilingkod sa iba na kusang inihahandog ng indibiduwal.


a. Gawaing Pisikal c. Gawaing Kamay
b. Gawaing Pansibiko d. Lahat ng nabanggit

3. Ang kagalingang pansibiko ay isang sitwasyon kung saan taglay ng


mga mamamayan ang kamalayan na may ___________ sila sa
kanilang kapwa.
a. kaunlaran c. pananagutan
b. kakayahan d. wala sa nabanggit

4. Ang gawaing pansibiko ay mga kilos at paglilingkod sa iba na


_______ inihahandog ng mga indibiduwal.
a. pilit c. kusang
b. kapwa d. wala sa nabanggit

5. Mahalaga ang pagkakaroon nga kagalingang pansibiko dahil tanda


ito ng kakayahan ng isang lipunang namumuhay ng ___________.
a. matiwasay c. pagmamalasakit sa kapwa
b. nangunguna sa kaunlaran d. lahat ng nabanggit

Gawain 2: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang payahag ay may


kinalaman sa kagalingang pansibiko at MALI kung hindi. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.

_______1. Pagsuporta sa programa ng inyong barangay.


_______2. Pagiging makasarili
_______3. Maraming bata ang namamalimos sa kalsada.
_______4. Mapayapang kapaligiran
_______5. Pag boto ng tama sa naganap na SGC election.

7
8
Isagawa Isaisip
1. .salitang sibiko ay mula sasalitang latin na 1. sibiko
ang ibig sabihin ay mamamayan kung saan 2. kagalingan
taglay ng mga mamamayan ang kamalayan
3. pananagutan
na may pananagutan sila sa kanilang kapwa
2. ang sakop ng kagalingang pansibiko ang 4. kapalit
mga pangangailangan sa edukasyon, 5. pampublikong serbisyo
kalikasan, hanapbuhay at iba pa.
3. pagtuturo sa mga bata sa lansangan kung Pagyamanin
paano bumasa o sumulat
1. /
4. pagkusang loob, pagtulong nang walang 2. x
inaasahang kapalit at bayanihan 3. /
5. pagsama sa clean up drive sa baranggay
4. x
5. /
Tayahin Tuklasin
1. c 1. kagalingang pansibiko
2. b
2.
3. c
4. c
5. a
6. tama
7. mali
8. mali
9.tama
10. tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Adriano, Ma. Corazon V. Marian A. Caamppued, Charity A.


Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos,
Belen P. Dado, Ruth A. GoZun, Rodante S. Magsino, Maria Lucia L.
Manalo, Jose B. Nabaza, Wvelyn P. Naval. (2015). Araling Panlipunan
4 Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc.

Obreque Grace Ann G & Jolie G. Chua 2019, Araling Panlipunan


Yunit 4-Aralin 5 Kahulugan ng Kagalingang Pansibiko, Schools
Division Office of Bacolod City, Department of Education.

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

You might also like