You are on page 1of 3

Lesson 3

DEFINITION OF ACCOUNTING- BASICS IN ACCOUNTING MODULE

Hello again everyone, we’ve already discussed the Generally Accepted Accounting Principles.
So ano naman ngayon ang ibig nung sabihin nung Accounting? So, we’re going to define accounting
based on the definition given by the Philippine Financial Reporting Standards, so ano sabi don?
“Accounting is a service activity, it’s function is to provide quantitative information about economic
entities there is intended primarily financial nature that is intended to be useful in making economic
decisions and making reason choices among alternative courses of action.” Medyo mahirap ano? Ano
nga ba ang ibig sabihin ng definition na yun? Parang ang lalalim ng mga terms, nung nag aaral ako ang
definition lang ng accounting is the art of recording, the art of uh..analyzing, recording, summarizing
yun lang eh ang dali daling intindihin yung mga words analyzing, recording eh ngayon eh service
activity ano ba ibig sabihin ng service activity? Pag sinabi nating service activity ang lawak eh, diba?
Pero ito service activity ang ibig lang sabihin sa service activity na word ay, it is doing something for
others, ginagawa natin ang accounting works dahil para sa ibang tao at hindi para sa sarili natin lang so,
nagbibigay tayo ng service sa ibang tao.

Its function is to provide quantitative information, nako malalim nanaman anong ibig sabihin ng
quantitative information? When you say quantitative it pertains to quantity pwedeng volume, figures,
numbers, amount. So pag sinabi naman nating information it could either be data or facts. Anong
pagkakaiba ng facts? Anong pagkakaiba ng data sa facts? Okay pag sinabi nating facts, incontrovertible
truth, hindi mapapasubaliang katotohanan, hindi mo pwede kontrahin totoo yun eh, wala kang magagwa
sa isang katotohanan tatanggapin mo lang. You cannot argue against the truth. Eh ano naman yung data?
Is data a truth? Data is not a perfect truth but it is an approximation of truth, pwedeng maging isang
katotohanan ang data. Kumakandidato si president Duterte ano ba ang sabi ng survery? SWS survey
mananalo siya is that a fact? Hindi pa hindi pa nagaganap eh pero pwedeng mangyari because of the
data. So nung nanalo na siya at binilang na ng Comelec ang kanyang mga boto yung data na yun ay isa
ng katotohanan nung na proclaim na siya ng ng Comelec na winner that is already a truth.

In accounting ba ano, ang ginagamit natin facts or data? Pareho kasi hindi lahat ng information
ay perfect truth may mga financial information na kailangan pa natin iapproximate kasi wala talagang
perfect truth na makukuha tayo katulad ng Depreciation. Yung allowance for depreciation, eh hindi
naman nating pwedeng kwentahin yung halaga ng nasira doon sa isang gamit natin or isang asset natin
through depreciation, kunyari natuklap yung natuklap yung uh... yung pintura magkano yung halaga
nung natuklap na pintura hindi natin malalaman ‘yon, kunyare natanggalan ng isang turnilyo yung ating
lamesa eh hindi natin mapepresyohan yun, mahirap. Pwede pero napakahirap na gawin so, we use an
allowance for depreciation, hindi yung actual depreciation yung ginagamit natin, Allowance for
Depreciation. So, yung Allowance for Depreciation is an example of a data at ang facts, ano yung mga
example? Other items like cash, accounts receivable, eh… yun yung mga katotohanan. Another example
ng data ay yung Allowance for Uncollectible Accounts, kung ang ginagamit ay allowance method kasi
kung direct write-off method eh… actual truth yun, kung magkano yung di nabayaran yun yung talagang
expense, pero kung gumagamit ng allowance method then the allowance for uncollectible account is a
data.
Lesson 3
DEFINITION OF ACCOUNTING- BASICS IN ACCOUNTING MODULE

Ano yung next na term na idedefine natin? About Economic Entities, oh ano bang ibig sabihin ng
economic entities? Alam ng maraming terms na palagi nating naririnig pero hindi natin nauunawan
talaga natin nang lubos. Katulad ng economic entities, yung word na entities at yung economic, madalas
natin yang marinig pero ano nga bang ibig sabihin niyan sa accounting? So, yung Economic Entities ang
ibig sabihin ay persons doing business, yung mga naghahanap-buhay na tao. So, sa accounting tatlong
klaseng tao yan. Persons alone, you call it Sole Proprietor. Persons with other persons, Partnerships.
And in a group of persons, Corporation.

So, another word used in the definition it is to be useful, it is intended to be useful in making
reasoned choices. Ano na naman yung reasoned choices na yun? Hindi na lang choices, may reasoned
pa, bakit may reasoned pa? Hindi na lang choices eh pumili na lang tayo nang pumili ng gagawin natin
based on accounting information. Kasi ang tao dalawa ang source ng actions or decision, yung action
natin minsan is based on reason or emotion. Sa accounting hindi tayo pwedeng magdecide based on
emotion, ang decision natin ay based on reason kaya nga dinefine na uh.. based on reasoned choices
among alternative courses of action, nandoon talaga yung word na reason. Kunyare nakita natin yan sa
illustration ano pagkakaiba ng accounting information sa ibang information? Kunyare ay ikaw ay
nagdadrive ng iyong kotse napadaan ka sa Quiapo, nakakita ka ng magsasampaguitang bata na payat na
payat naawa ka bumili ka ng sampaguita, yung pagbili mo ng sampaguita san nakabase? Doon sa
naramdaman mo para sa bata, wala kang need sa sampaguita pero bumili ka dahil sa awa. What if isa
kang Catholic, at nakita mo na yun iyong kotse na may rosaryo ay walang sampaguita na palagi mo
namang nilalagayan ng sampaguita, nakakita ka ngayon ng batang magsasampaguita doon sa Quiapo
bumili ka ng sampaguita, ano ang naging basehan ng action mo doon? Yung awa ba para sa
magsasampaguita o doon sa pangangailangan mo para sa sampaguita. You performed the same action
pero yung purpose mo alin ba? At ano ang motivating factor para gawin mo yung bagay na yun, doon sa
una emotion, sa pangalawa reason because you have a need so you have to do that.

So, sa accounting kasi may pangangailangan ka doon sa information or may pangangailangan


yung ibang tao sa information kaya mo yun ginagawa, hindi mo yung ginagawa dahil passion mo.
“Passion ko ‘tong accounting.” Meron bang ganon? Acting can be a passion! Art can be a passion! Pero
accounting talaga hindi yan pwede maging passion because it based on reason. Ito yung hanapbuhay na
talagang palaging nasa isip mo ang desisyon mo. Hindi katulad ng ibang hanapbuhay na kasama na yung
passion kung ano yung nararamdaman, dito sa accounting wala tayong passion dito, ang passion natin
siguro eh yung makatulong tayo sa ibang tao sa pamamagitan ng financial information na ibibigay natin.
Makatulong tayo sa pamahalaan, makatulong tayo sa negosyante, at makatulong tayo na maging
maganda yung panananaw nila sa sistema ng komersyo at pagbubuwis sa ating bansa. I hope you find
the definition of accounting na… mas mauunawaan niyo na, hindi… hindi katulad kapag binasa mo it is
a service activity na napakalalalim na mga salita. So, gumagawa tayo para sa ibang tao ng information
about financial activity nung tao base sa katuwiran.

Okay, that will be all for today and our next topic will be the accounting cycle. So, alam na natin
yung accounting, ang purpose natin is to provide quantitative information. So, paano natin maipoprovide
yung quantitative information na yon? Paano natin madedeliver yun? Para bang journalism lang yan na,
Lesson 3
DEFINITION OF ACCOUNTING- BASICS IN ACCOUNTING MODULE

oh may balita dun, sasabihin ko na agad na ganoon? No. Mahabang proseso yan, yun ang pag-aaralan
natin sa susunod yung accounting cycle. Paano ba natin isasalansan yung mga financial information na
yan. Sa financial information na ipoprovide natin eh yung merong apat na ano na financial statements na
tinatawag iyon yung; income statement, balance sheet, capital statements, statement of cash flow. Sa
income statement doon mo makikita yung net income ng business, paano ba siya ng nagperform during
the period kumita ba o nalugi? Eh yung balance sheet o statement of financial position doon naman
makikita kung ano ang assets, liabilities, and capital ng business. Magkano ano natira sa assets?
Dumami ba yung utang? o lumakiba yung capital? doon makikita sa balance sheet o statement of
financial position. Now, sa capital statement naman makikita yung pagbabago ng capital. Lumaki ba
yung capital o lumiit? Saan ba nanggaling yung mga capital o magkano ba yung mga naging drawings
or declaration of dividends kung corporation. So, ang last financial statement na kailangan ay yung cash
flow statement, eto naman eh kung paano saan ano ang sources ng capit- ng cash at saan ginamit yung
cash. So, ito yung mga importanteng financial statement para sa pagbuo ng isang magandang desisyon
para paandarin pa, paunlarin pa, o idevelop pa ang business. Okay next time we're going to discuss the
accounting cycle, eto yung medyo mahirap ‘to kailangan hihimayin natin talaga kasi iba-ibang
pamamaraan paano binubuo yung accounting cycle.

Sa tinagal-tagal ko ng pagtuturo ko sa Polytechnic University of the Philippines ng basic


accounting nakadevelop ako ng paraan kung paano ipresent yung accounting cycle na madaling
mauunawaan ng mga istudyante, sayang nga lang nagkaroon ng covid eh. Sana itong semester na ito sa
susunod na semester na ito sana maipepresent ko pero di ko alam kung maipepresent ko pa ito sa school
marami magiging pagbabago. Pero dito sa Youtube maswerte kayo dahil magagamit ko ito sa inyo
matututunan niyo at sana present kayo sa next uhm video ko manood kayo.

Please kung nagustuhan niyo itong aking video paki like and subscribe lang po para manotify
kayo sa mha susunod na videos natin at thank you nga pala doon sa mga nagbibigay ng comments and
feedbacks sa akin. Thank you to my cousin Arnie Ong for a well-meant suggestion, ganoon din kay Ms.
Christine Constante and to my college of the classmate, Cynthia Catimgbang, thank you very much
kung nakatulong sa anak mo yung mga video- last video natin. Thank you very much, etong mga
comments and suggestions niyo ay talagang naaapreciate ko dahil ito yung nagbibigay sa akin ng
inspiration para bubuoin itong module na ito sa inyo, maibigay sa inyo ito ng kumpleto at maayos.
Maraming maraming Salamat!

You might also like