You are on page 1of 10

Pambu-bully o Pangungutya ng mga Mag-aaral ng Baitang 8, Pangkat Pasteur sa

Mataas na Paraalan ng New Rizal

Isang Proposal na Panaliksik

Na Iniharap Kay

Elma P. Tamse

Kagawaran Ng Edukasyon

Mataas na Paaralan ng New Rizal

New Rizal, Mlang, Cotabato

Bilang Bahagi ng Pangangailangan Sa Asignaturang Filipino

(Pagbabasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik)

JANNAHBILL V. CASTILLO

Marso, 2017

1
Talaan ng Nilalaman

Pahina

Talaan ng Larawan…………………………………………………………………………..i

TSAPTER

1. Introduksyon
1.1. Paglalahad ng suliranin……………………………………………………….1
1.2. Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………...2
1.3. Saklaw at Delimitasyon…………………………………………………........3
1.4. Terminolohiyang Ginamit…..…………………………………………………3

TSAPTER

2. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


2.1. Mga Kaugnay na Pag-aaral………………………………………………….4
2.2. Mga Kaugnay na Literatura…………………………………......................5
2.3. Batayang Teoritikal…………………………………………………………...5
2.4. Batayang Konseptuwal……………………………………………………….6

TSAPTER

3. Metodolohiya ng Pag-aaral
3.1. Lugar ng Pag-aaral…………………………………………………………..7
3.2. Mga Respondante…………………………………………………………...7
3.3. Pangangalap ng Datos……………………………………………………...7

Sangunian…………………………………………………………………………………….8

Talaan ng Larawan

Pahina

Tsart ng Pagkukumpara………………………………………………………………………6

2
Tsapter I

Introduksyon

Maraming kabataan ang nakakaranas ng pambu-bully o pangungutya. Maraming

estudyante ang nawawalan ng tiwala sa sarili o lakas ng loob sa pag-aaral,

makakaapekto ito ng malaki sa pag-aaral ng bata, may mga batang nato-troma dahil sa

pambu-bully, may mga bata ring nagpapakamatay dahil sa mga gawaing ito.

Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng bagay sa

mundo,hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng

mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa kanyang

paligid, laganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga

kabataan ang madalas na nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na

“bullying”. Ayon kay Cristina L. Dela Cruz (2014) ang pag-uugali ng isang bata ay

nakukuha sa mga kaugalian ng mas nakakatanda sakanila, mga nagaganap sa

kanyang sarili o kanyang kapaligiran. Ang pambubully at paulit-ulit na panunukso ay

isang agresibong pag-uugali nanagdudulot ng negatibong epekto sa taong

dumaranas nito. Ito’y maaaring humantong sadepresyon na maging sanhi

ng pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay.Nakakagambala ito

sa kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad ng batang may ganitong asal atmaging sa

batang naaapi. Ang pangungutya ay isang uri ng karahasan laban sa mga bata. Batay

sa Kagawaran ng Edukasyon ( http://scribd.com/doc/213844283/BULLYING-PAPEL-

PANANALIKSIK) matatawag na bullying ang paulit-ulit na pangungtya, pananakit nang

pisikal o pagbibitiw ng masasakit sa salita sa isang indibidwal. Karamihan sa mga

3
nabibiktima ay mga mahirap, tahimik, mahiyain, may kapansanan at hindi marunong

lumaban na nagtutulak sa mga bully na apihin sila dahil alam nilang hindi sila lalabanan

nito. Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring maapektohan ang biktima sa kanyang

pisikal, emosyonal, sosyal, at moral sa aspeto kung saan maaari silang humantong sa

matinding depresyonat kung malala pa ay umabot pa ito sa kanilang kamatayan.

Layunin

Hinahangad ng pag-aaral sa kasong ito na maiparating sa mga kabataan at mga

magulang kung ano ang mga magiging sanhi at magiging epekto ng pambu-bully o

pang-aapi sa mga mag-aaral ng New Rizal High School Baitang 8 pangkat Pasture.

Naniniwala ring magkakaroon ng solsyon upang mabawasan o di kaya’y mawala na

ang ugaling pangungutya o pambu-bully.

Nilalayon na matugunan ang sumusunod:

Natutukoy ang mga dahilan ng pambu-bully o pangungtya ng mga mag-aaral.

Bigyang atensyon ang mga hinanaing ng mga biktima.

Bigyan ng importansya ang mga nararamdaman ng mga nabu-bully.

Alamin ang mga komento ng mga magulang ng nabibiktima at ng mga batang

gumagawa nito.

4
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral nito ay napakahalaga hindi lamang sa mga nabibiktima, sa mga

guro, sa mga magulang kundi higit sa kaninoman sa mga mag-aaral na siyang sentro

ng pangungutya o pang-aapi. Matutuldukan ang gawaing ito kung ang mga batang ito

ay may kaalaman tungkol sa pambu-bully, kung ito ay may kaalaman sa mga magiging

epekto nito sa mga nabibiktima. Nakasalalay sa mga magulang ng mga kabataang

nabu-bully ang pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Sila din ang may responsibilidad

sa pagtuturo ng mabuting pag-uugali. Nakaalalay din ang mga guro sa pag-didisiplina

sa mga estudyante upang iwasan na nila ang gawaing katulad ng pambu-bully o

pangungutya.

Saklaw at Delimitasyon

Sasaklawin lamang ng pag-aaral na ito ang pangangalap ng impormasyon upang

mabatid ang mga epekto na dala ng pang-aapi sa mga mag-aaral ng Baitang 8,

Pangkat Pasture sa Mataas na Paaralan ng New Rizal.

Terminolohiyang Ginamit

Mag-aaral- mga nabibiktima ng pambu-bully o pangungutya.

Bully- mga nangungutya at nang-aapi sa kanilang biktima.

Magulang- mga dapat na magdisiplina sa kanilang mga anak at dapat na mag-turo ng

mabuting pag-uugali sa mga bata.

Guro- Katulong ng mga magulang sa pagdidisiplina sa mga kabataan.

5
Tsapter II

Sa kabanatang ito makikita ang pag-aaral at literature kaugnay ng pananaliksik.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Ben Tulfo, ang bullying ay pagpapakita ng pagiging dominante ng

isang tao. Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia kaya’t dahil sa lumalalang kaso

ng bullying, nagpasyahan ng DepEd o Department of edia.org na ang pang-aapi ay

isang uri ng pang-aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase, emosyonal,

makadiwa at pisikal. Dagdag pa ni Ross (2002, p.107) nagsasaad sa kanyang

pananaliksik na 15% hanggang 20% sa mga estudyante na nakakaranas ng pang-aapi

sa mga panahong nag-aaral sila at sa pagitan ng 10% at 20% ng kabataan ay

nakaranas ng pambu-bully ay kadalasang itinuturing na seryoso itong problema. Ayon

naman kay Harris at Hathorn (2006, p.55) nagsasabi na kadalasang kumukunti ang

pambu-bully sa mga estudyante habang sila ay tumatanda. Iniulat nila na “ kadalasang

nagyayari ang pang-aapi sa mga lalaki ay kumukunti mula 50% sa mga kabataang 8

taong gulang hanggang 7.5% nang sila ay naging 18 tang gulang” at “kadalasang

nangyayari ang pang-aapi sa mga babae ay kumukunti mula 35% nang sila ay 8 taong

gulang hanggang 14.5% nang sila ay 18 taong gulang na”. Kahit na mabababang

numero ang, 7.5% at 14.5% ito parin ay malalaking numero; ito lamang ay nasa ilalim

ng isang sangkapat ng populasyon ng mga estudyante na gugamit parin ng pang-aapi

na ugali.

6
Kaugnay na Literatura

Nabanggit sa isang blog na pinamagatang Kapamilya News Ngayon ni Ted

Failon€, talamak na ang nagaganap na pan gbubully sa loob ng Pilipinas. Ayon dito,

maraming dahilan kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao. Maaaring

nabubully sila dahil sa kakulangang pinansyal, pisikal na kaanyuan, at kapansanan. Sa

nasabing blog, maaaring nambubully ang isang tao dahil sa inggit, galit o kaya⠀™y

impluwensya ng barkada sa kanya. Karaniwan na ngang laman ito ng mga pahayagan

at telebisyon.. Dagdag pa sa nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat

ni Dr. Jose Rizal, ang mga Kastila noon ay parating nang-aapi sa mga Pilipino. Ang

tingin nila sa Pilipino ay isang mababang uri na lahi at nararapat lang na maging alila

nila.

Batayang Teoritikal

Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na “ecological systems”,

isinasaad na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran

na kinabibilangan ng kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura.

Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayanang mga tao sa pamamagitan ng “reciprocal

interaction” kung saan maaaring maging salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal,

partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga “social

system” na nabanggit ay kinabibilangan ng mga indibiduwal na makaiimpluwensya sa

7
mga mag-aaral at lugar na kung saan ang bata ay isang aktibong kalahok, tulad sa

tahanan at paaralan, at sa iba pang mga kapaligiran na maaaring magkaroon ng di-

tuwirang epekto sa mga bata.

Batayang Konseptuwal

Ipinapakita sa iskima ng paradaym na 80% ng mga mag-aaral ang nakararanas ng

pang-aapi at 20% naman ang hindi nakakaranas. Sa gagawing pananaliksik

maipapakita ang tumpak na porsyento ng mga mag-aaral na nakararanas ng pang-aapi

at ng mga hindi nakakaranas. Ito ang gagamiting batayan para sa grapikong

representasyon ng mga datos.

8
Tsapter III

Disenyo ng Pag-aaral

Ang gagawing pananaliksik ay gagamitan ng deskriptibong metodolohiya. Napili

ng mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit

ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala

ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang napili sapagkat mas

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

Mga Respondante

Mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng New Rizal Baitang 8, Pangkat

Pasteur.

Lugar ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay ginawa sa Mataas na Paaralan ng New Rizal, Mlang, North

Cotabato.

Instrumento ng Pananaliksik

Gumamit ng Computer para sa pananaliksik, at Gagamit ng talatanungan

(questonarie) ang mananaliksik.

A. Paglilikom

Magtatakda ng araw sa pagsasagawa ng pananaliksik. Pagkatapos

kakanin ang mga datos na iyong nakita. At magtatakda ng araw sa pagsasagawa ng

9
pananaliksik. Pagkatapos, pasasagutan ng mananaliksik ang mga respondante sa

inihandang talatanungan at ang kanilang mga kasagutan ay itatala upang mabatid ang

kani-kanilang mga kadahilanan upang maging batayan sa paksa ng mananaliksik.

Sanggunian

http://www.philstar.com/psn-opinyon/2016/05/24/1586432/editoryal-uniporme-ng-mga-
bata-sa-public-school-huwag-alisin

https://ianzigen.wordpress.com/2016/02/28/ang-pagsusuot-ng-uniporme-sa-
eskwelahan-ay-hindi-dapat-argumentatibo/

http://blockiiastudz.blogspot.com/2008/10/ang-tamang-pagsuot-ng-uniporme-nina.html

https://www.google.com.ph/?

gfe_rd=cr&ei=fczEWKRs0NTwB7T1krAG&gws_rd=ssl#q=+dahilan+ng+hindi+pagsusuo

t+ng+uniporme&*

10

You might also like