You are on page 1of 2

Metodong Pinakagamitin sa Pagsasalin (Peter Newmark)

Ang pagsasalin ng mga teknikal na salita ay isa sa mga malalaking hamon sa


pagsasalin. Ayon kay Albason, madalas na napagdedebatihan ang pagsasalin sa mga
teknikal na salita dahil laging may mga mga posibleng dalawa o higit pang pagsasaling
teknikal ang nabubuo at napag-uusapan sa mga pagpupulong at palihan ng pagsasalin.
Sinabi niya rin na sa pagsasalin ng teknikal na salita, nararapat na bigyang pang-unawa
ang simulaang lenggwahe (SL) para sa makabuluhang pagsasalin at angkop na
katumbas sa tunguhing lenggwahe (TL) (Albason, 2020). Sa pagpapatibay ang
kaniyang sinabi ay maaaring maihambing ang akda ni Peter Newmark na A Textbook of
Translation kung saan nabigyang pansin ang mga paraan ng pagsasalin na nakatuon
sa SL at Tl. Binigyang diin ni Newmark ang semantiko at komunikatibong paraan ng
pagsasalin. Sa ika-limang kabanata ng akda ni Newmark, sinabi na ang semantik at
komunikatibo ang mga paraan ng pagsasalin na pinakanaaayong gamitin para sa
kaganapan ng ideya at ekonomiya. Para sa kaniya, ang dalawang paraan ng
pagsasalin na nabanggit ay maaaring makapagbatid ng kaalaman (komunikatibo) at
damdamin (semantik) sa mga mambabasa (Newmark, 1988). Sa buod ni Albason, ang
semantik ay nakatuon sa SL at ang komunikatibo naman ay nakatuon sa TL na
sumasang-ayon sa itinala ni Newmark na Equivalent Effect na nangangahulugang
nararapat na magkaroon ng pantay na epekto ang SL (semantik) at TL (komunikatibo)
sa mga mambabasa na hinango ni Newmark sa Dynamic Equivalence na teorya ni
Eugene Nida.
Sanggunian

Albason, C.R.S. (2020). Kagamitang Panturo: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


(GEED 10113). PDF.

Newmar, P. (1988). Chapter 5: Translation Methods. A Textbook of Translation (pp. 45-


53). https://www.academia.edu/27388860/Peter_Newmark_Textbook_Of_Translation.

You might also like