You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity
Sheets
Araling Panlipunan 8
Quarter 4 – Week 5
Mga Kasunduang
Pangkapayapaan
D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur
depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456

Republic of the Philippines


Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Araling Panlipunan – Grade 8


Learners’ Activity Sheets
Ika-apat na Markahan – Ikalimang Linggo : Mga Kasunduang
Pangkapayapaan

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for the exploitation of
such work for a profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalties.

Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this activity sheets are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The authors do not represent nor claim
ownership over them.

Development Team of the Learner’s Activity Sheet

Writer/s: Mary Fel N. Llego

Editor/s: Lalaine S. Gomera, Luzviminda M. Bojos


Illustrator:
Layout Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy Buroysuroy
Management Team: Minerva T. Albis
Gemma A. De Paz
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Lalaine S. Gomera
Leoncio S. Malupa Jr.
Luzminda M. Pagulong

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 8
IKA-APAT NA MARKAHAN – IKALIMANG LINGGO

Pangalan: Baitang/ Pangkat: ______________


Paaralan: Petsa : _______________________
Guro: ___________________________________Puntos: ______________________

I. Pamagat: Mga Kasunduang Pangkapayapaan

II. Kasanayang Pampagkatuto: Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na


makamit ang kapayapaang pandaigdig at
kaunlaran (AP8-AKD-IVh-8)

III. Panuto: Ang mga gawain sa ibaba ay huhubog sa inyong kaalaman


tungkol sa mga pagsisikap ng mga bansa na makamit ang
kapayapaang pandaigdig at kaunlaran mula sa una at ikalawang
digmaang pangdaigdig.

IV. Mga Gawain


Gawain 1: Suriin Mo!

Panuto: Basahin at suriin ang mga mahahalagang impormasyon sa ibaba at


sagutin ang mga gawain kaugnay rito.

Mga Kasunduang Pangkapayapaan

Kasunduang Pangkapayapaan sa Paris (1919-1920)


- Ang mga pagpupulong na ito ay pinangunahan ng tinatawag na Big Four:
Pangulong Woodrow Wilson ng US; Punong Ministro David Llyod George ng
Great Britain; Vittorio Emmanual Orlando ng Italy; at Punong Ministro
Clemenceau ng France.

Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson

Binalangkas ni Pangulong Wilson ang labing-apat na puntos noong


Enero 1918 na naglalaman ng mga layunin ng United States sa pakikidigma.
Naglalaman din ito ng kaniyang mga ideya tungkol sa isang “Kapayapaang
walang talunan” para sa kapakinabangan ng lahat ng bansa. Anim sa mga
puntos na napagkasunduan ang mga sumusunod:

1. Katapusan ng Lihim na pakikipag-ugnayan;


2. Kalayaan sa karagatan;
3. Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng
mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan;
4. Pagbabawas ng mga armas;
5. Pagbabawas ng taripa; at
6. Pagbuo ng Liga ng mga Bansa

Ang Liga ng mga Bansa

- Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga bansa ay


matagal nang pangarap ni Pangulong Wilson. Nagtagumpay siya sa
panghihikayat sa mga pinuno ng mga bansang alyado naitatag at sumapi sa
Liga ng mga Bansa. Ang Konstitusyon nito ay napaloob sa kasunduan sa
Versailles na may sumusunod na mga layunin:

1. Maiwasan ang digmaan;


2. Maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba;
3. Lumustas sa mga usapin at hindi pagkakaunawan ng mga kasapi;
4. Mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan, at
5. Mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.

Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ang sumusunod:


1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden
Noong 1920, Bulgaria at Greece noong 1925, at Colombia at Peru noong
1934.
2. Pinangasiwaan nito ang iba’t-ibang mandato.
3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng
digmaan.

Mga Lihim Na Kasunduan Lingid Sa Kaalaman Ni Pangulong Wilson:

Pormal itong naganap nang mabuo ang kasunduan sa Versailles. Naisagawa ang
sumusunod na pangyayari:
1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Germany. Ibinigay ang mga teritoryong
Posen, Kanlurang Prussia, at ang Silesia sa bagong Republika ng Poland. Ang
Danzig ay naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga Alyado bilang
nandato
2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa France. Ang Saar Basen ay napasailalim sa
pamamahala ng Liga ng mga Bansa.
3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark
5. Lubhag pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa lupa at sa dagat
5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-
internasyonal
6. pinagbawalang gumawa ng mga armas at anyunisyon ang Germany
7. ang Germany ay pinagbayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala
nito bilang Reparasyon.
Ang layunin ng mga gumawa ng kasunduang ito ay upang lubusang pilayin ang
Germany nang hiindi na ito muling mangtangkang gambalain ang kapayapaan ng
daigdig.

Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)

Naisip ni Pangulong Roosevelt ng United States na muling magtatag ng


isang samahang pandaigdig na papalit sa Liga ng mga Bansa. Bumalangkas
nang deklarasyon, ang Atlantic Charter, sina Pangulong Roosevelt at Punong
Ministro Winston Churchill ng England na siyang saligan ng 26 na bansa sa
nilagdaang Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa (United Nations).

Sa isang kumperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, ang United States,


Great Britain, at Soviet Union ay nagkasundo na pairalin at panatilihin ang
kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis. Sinundan ito ng Deklarasyon ng Apat
na Bansa, kasama ang China, para maitatag ang isang pangkalahatang
samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa
mundo. Limangpung bansa ang nagpulong sa California, United States, upang
balangkasin ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa. Noong ika-24 ng Oktubre,
1945 ay itininatag ang Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations (UN)

May apat na layunin ang United Nations:


(1) panatiliin ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad;
(2) paunlarin ang mabuting pagsasamahan ng mga bansa;
(3) makipagtulungan sa paghahanap ng solusyon sa mga suliraning pandaigdig
at sa pagtataguyod ng respeto para sa karapatang pantao;
(4) at maging sentro ng pagkakasundo ng mga bansa. Humahanap ang United
Nations ng mga paraan upang solusyunan ang mga pandaigdigang labanan o
tunggalian at bumabalangkas ng mga polisiya na may epekto sa buhay ng mga
tao sa mundo.

Ang lahat ng kasaping bansa o estado sa United Nations—malaki man o maliit,


mayaman man o mahirap, at iba’t iba man ang relihiyon, paniniwalang pulitikal, at
sistemang panlipunan—ay mayroong boses at boto sa samahan. Ang United
Nations ay nagsusumikap na itaguyod and mga karapatang pantao, bawasan ang
kahirapan, bakahin ang mga sakit, at protektahan ang kapaligiran.
Pinamumunuan din ng United Nations ang mga pandaigdigang kampanya kontra
sa terorismo at paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay.

1. Pangkalahatang Asemblea (General Assembly)


Ang sangay na tagapagbatas ng samahan. Binubuo ito ng mga kinatawan
ng lahat ng mga kasaping bansa, at ditto isinasagawa ang mga
pangkalahatang pagpupulong.

2. Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council)


Ang sangay tagapagpaganap. Binubuo ito ng 11 kagawad na ang lima ay
permanenting miyembro, samantalang ang anim ay inihalal sa taning na
panunungkulan na dalawang taon.

3. Kalihim (Secretariat)
Ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N. na nagpapatupad
sa mga gawaing pang-araw-araw.

4. Pangdaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of


Justice)
Ang siyang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa
alitan ng mga bansa.
5. Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC)
Ay binubuo ng 54 na kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa
aspekto ng pangkabuhayan, panlipunan, pang-edukasyon, siyentipiko, at
pangkalusugan ng daigidig.

6. Trusteeship Council
Nang maitatag ang UN noong 1945, mayroong 11 teritoryo (na ang
karamihan ay nasa Pacific Ocean at Africa) na pinasailalim sa
pamamahalang internasyonal at tinatawag na Trust Territories. Ang Trust
Territories ay mga teritoryo o kolonyang isinailalim sa pamamahala ng isa
o higit pang mga bansa batay sa komisyon ng United Nations.

Gawain 2: I- Tama ang Mali!

Panuto: Isulat ang Tama kung ang/mga salitang nakasalungguhit ay


nagsasaad ng katotohanan. Kung mali naman, i-Tama ang
salita/mga salita upang maging wasto ang ideya ng pahayag.

1. Si Pangulong Roosevelt ang bumuo sa Liga ng mga Bansa.


2. Ang Karta ng Bansang Nagkakaisa ay nabuo noong ika-24 ng
Oktubre 1945.
3. Ang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa
alitan ng mga bansa ay Security Council.
4. Ang Pangkalahatang Asemblea ay binubuo ng mga kinatawan ng lahat
ng mga kasaping bansa, at dito isinasagawa ang mga pangkalahatang
pagpupulong.
5. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark
6. Ang labing-apat na puntos ay binalangkas ni Pangulong Wilson
noong Enero 1918 na naglalaman ng mga layunin ng United States
sa pakikidigma.
7. Ang Konstitusyon Liga ng mga Bansa ay nakapaloob sa kasunduan sa
Paris.
8. Ang United States, Great Britain, at Soviet Union ay nagkasundo na
pairalin at panatilihin ang kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis.
9. Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan ay binubuo ng 54 na
kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa aspekto ng
pangkabuhayan, panlipunan, pang-edukasyon, siyentipiko, at
pangkalusugan ng daigidig.
10. Ang Japan ay pinagbayad ng malaking halaga sa mga bansang
napinsala nito bilang Reparasyon.
Gawain 3: Compre-NATIONS

Panuto: Batay sa tekstong nasuri sa Gawain 1, paghambingin ang dalawang


pangunahing samahan ng daigidig.

Liga ng mga Bansa Bansang Nagkakaisa

Pagkakatulad

Gawain 4: Be-United !

Panuto: Isulat ang mga layunin ng United Nations at ang mga maaaring
suliranin na kanilang haharapin na may kinalaman sa kapayapaan at
magbigay ng solusyon.

Layunin Posibleng Suliranin Mungkahing Solusyon


1.

2.

3.

4.
Gawain 5: Para Sa Bayan !

Panuto: Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng mga pagsisikap ng mga


bansa na makamit ang kapayapaan pagkatapos ng ikalawang digmaang
daigdig.
Isulat ang mga naging hadlang at suliraning kinaharap ng mga bansa sa
buong mundo sa muling pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan.

Rubrik sa Pagmamarka ng Collage

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos

Naipapakita ang
Nilalaman pagsisikap ng mga 5
bansa na makamit
ang kapayapaan

Presentasyon Maayos at malinis 5


ang presentasyon

Malikhaing Pagbuo Gumamit ng mga 5


angkop na disenyo

Naglalaman ang
Caption/ Pahayag pahayag ng mga
angkop na 5
paliwanag ukol sa
paksa.

V. Panapos na Gawain: 3-2-1 Exit Ticket!

Panuto: Punan ang mga detalyeng hinihingi ng sumusunod na exit ticket.

Mga bagay na natutunan ko…


3 1.
2.
3.

Mga bagay na nagagalak akong malaman…


1.
2 2.

Bagay na gusto ko pang malaman..


1.
1
Mga
Sanggunian

Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.


Espiritu,Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina
C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Araling Panlipunan:
Kasaysayan ng Daigdig . Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc.
https://ourhappyschool.com/ANG%20UNITED%20NATIONS%3A%20ISANG
%20PAGPAPAKILALA

Project Ease Araling Panlipunan VIII


Susi sa Pagwawasto

You might also like