You are on page 1of 5

How Coronavirus works

1. When the corona virus finds a suitable cell, it injects a strand of RNA that contains the whole
coronavirus genome
2. The genome of the new coronavirus is less than 30,000 “letters” long. (The human genome is
over 3 billion.)
3. The sequence of RNA letters includes just the different combinations of “A, U, C, and G” para
makabuo ng protein.

4. Sa kasalukuyan, 29 proteins pa lang ng COVID19 ang nalalaman ng mga scientists. Yung first
sequence nung RNA letters ng COVid19 ay nagrerecruit ng mga RNA sa cell ng tao para maging
coronavirus proteins.

Astig yun, kasi inuutusan nung virus yung cells natin na maging parts nya at sumusunod sa
program na gusto nya.

ETO SILA:

1. ORF1ab – yan ang grupo ng mga proteins

Yung unang viral protein na nalikha sa infected cell ay actually 16 proteins lang na pinagsama-sama nung
virus. Dalawa sa proteins na ito ay tagahiwalay ng protein ng cell, tagakabit nung mga hinawalay na cell
sa mga gusto nyang pairs at pagpapakawala sa nabuong bagong cell para manghawa ulit ng bagong cell.

2. NSP1 – Sabotahe

Pinababagal nito ang infected cell para magproduce ng bagong cell kasi gagamitin nya yung pagbagal na
ito para magproduce ng marami pang virus proteins at pigilan ang cell nay un na makagawa ng antiviral
proteins

3. NSP2 – Misteryong protein

Hindi sure ang mga scientists pero dalawa sa nakakabit na proteins ditto ay gumagawa ng molecules na
puno ng bula paikot sa cell.

4. NSP3 – Untagging and Cutting

Una tagahiwalay ng mga viral proteins para gumawa na sila ng bago.


Pangalawa, tinatanggal nito yung “tags” nung mga old proteins kasi nakaprogram na syang sirain ng cell
kaso nga dahil tinatanggal nung virus yung tags, kaya hindi natatanggal yung mga lumang cells. Nasisira
tuloy yung balance.

5. NSP4 – Dalgona Coffee (Bubble Maker)

Kasama ang iba pang proteins, gumagawa ito ng fluid na puno ng bubbles sa loob ng infected cell, sa
loob ng bubbles, minamanufacture yung bagong virus.

6. NSP5 – Protein Scissors

Tagaputol din sya nung mga virus para makalaya yung ibang NSP proteins (di ko alam kung ano yun) para
gawin yung mga trabaho nila. Mas madalas sya ang tagaputol kesa sa ibang proteins. (Siguro mas
magaling syang barbero).

7. NSP6 – Bubble Factory

Katuwang ng NSP3 and NSP4 sa paggawa ng bubbles para gawing virus factory.

8. NSP7 and NSP8 – Tagagawa ng Kodigo (Copy Assistants)

Tumutulong sa NSP12 para gumawa ng bagong kopya ng RNA genome na ilalagay sa loob ng bagong
viruses para may copy sila na kokopyahin.

9. NSP9 – Nasa Puso ng Cell

Pumapasok sya sa nucleus ng cell (lalagyan ng ating genome) pero hindi sure ang mga scientists kung
anong ginagawa nito sa loob. Maaaring iniimpluwensyahan nito ang galaw ng mga molecules palabas o
papasok (so parang influencer sya or baka pumasok sya kasi nanonood sya ng porn).

10. NSP10 – Genetic Camouflage

Ang human cells ay may antiviral proteins na naghahanap ng viral RNA at sinisira ito. Kaso itong si NSP10
ay nakikipagtulungan kay NSP16 para gumawa ng camouflage sa virus’s genes para hindi sila maatake.
11. NSP12 – Xerox 3-in-1 with Tank (Copy Machine)

Sya ang nagbubuo ng mga kinalas na genetic letters para gawing bagong virus genomes. (hindi ko lang
sure kung hanggang ilang print kaya nyang gawin or kagaya lang din sya ng Epson or Canon).

12. NSP11

Hindi rin sila sure so tingin ko ako na lang mag-aassign nung gamit nya (siguro sya yung PACC
Commissioner)

13. NSP13 – Doctor Kwak-Kwak (Unwinding RNA)

Dahil ang RNA ay palupot at paikot-ikot, tingin nung mga scientists, ang trabaho nung NSP13 ay taga
unwind para mabasa nung proteins yung sequence nung virus at makagawa sya ng bagong kopya.

14. NSP14 – Viral Proofreader

Minsan nagkakamali ang NSP12 sa pagkopya ng coronavirus genome, so ang ginagawa nitong NSP14,
tagaalis sya ng mga errors para mapalitan ng tamang letters. (parang grammarian, pero di sure nung
mga scientists kung 7k din ang bayad sa kanya pag nagpapaedit).

15. NSP15 – Cleaning Up

Tantya ng mga eksperto, pinuputol nito ang mga tirang virus RNA para hindi ito makita ng infected cells
nang sa gayon ay hindi ito makagawa ng antiviral defenses.

16. NSP16 – May damit na to ng sniper (More Camouflage)

Works with NSP10 to help virus’s genes hide from proteins that chop up viral RNA.

17. SPIKE PROTEIN * S

Ito ang outer layer ng coronavirus and it protect the RNA inside. The structural proteins also help
assemble and release new copies of the virus. Gumagawa ito ng nakausling mga patusok (groups of 3)
Yung parang crown na itsura nito ang dahilan bat sya tinawag na CORONAVIRUS.

--------------
Yun, yun lang talaga gusto ko sabihin bat sya tinawag na coronavirus. Siguro kung mas maliit lang yun,
baka TIARAVIRUS lang sya. Pwede ring STAFFVIRUS kung isa lang.

--------------

SIGE TULOY NA NATIN

This coronavirus attach itself to the cell and then invade the cell.

18. ORF3a – Escape Artist

It pokes a hole in the membrane of an infected cell, para makalabas.

19. ENVELOPE PROTEIN * E

Tagatulong para gumawa ng oily bubble of the virus

20. MEMBRANE PROTEIN * M

Outer coat of the virus

21. ORF6 – Signal blocker

This protein blocks signals that the infected would send out to the immune system. Inaatake nito yung
virus-fighting proteins, similar sa ginagawa ng polio at influenza (Tingin ko, parang ito rin yung protein
na sinisira ng leprosy).

22. ORF7a – Ito yung teacher ng mga liberated (Virus Liberator)

Kapag ang virus ay papalabas ng cell, kaya ng cell lambatin yun gamit ang “tetherin” kaso lang ang
ORF7a ay tagapigil ng supply ng tetherin. So, mas maraming virus ang makakalabas. At sabi ng mga
researchers (tandaan mo Villar ha!, researchers ang nagsabi), ang protein na ORF7a ay kaya ring utusan
ang cell na magcommit ng SUICIDE. Kaya nga pagnakarecover ka sa covid19, possibly DAMAGED pa rin
yung lungs mo.

Kaya habang maaga pa, dapat magamot sya agad kasi paginabot sya ng mga 11am, hindi na maaga yun.
Dapat mga hanggang 8am lang.
23. ORF8 – Mystery Protein

Actually, nagdedebate pa yung mga researchers kung anong gamit nyan. So in times like these, maybe
we can count on Villar.

24. NUCLEOCAPSID PROTEIN * N

It protects the virus RNA, keeping it stable inside the virus.

25. ORF10 – Mystery Protein Ulit

Source: https://www.nytimes.com/interactive/2020/04/03/science/coronavirus-genome-bad-news-
wrapped-in-protein.html

Sabi sa taas 29 pa lang yung nakikitang sa genome pero 25 lang yung nakasulat. Haha

Pero at least may nahanap pa rin na 29 out of 30,000 letters long. O ha at least meron na.

---------

Ang hirap nitong gawin kung gawang tao man to. Isa syang mahusay na terorista.

Actually, alam naman na natin siguro lahat na ang mga nilalang sa mundo ay kombinasyon lang ng iba’t-
ibang sequence ng DNA na gumagawa ng RNA na gumagawa ng proteins na bumubuo ng nilalang.

Minsan itong mga RNA na ito, ay nagiging parts ng ibang nilalang or nagiging parts natin, depende kung
ano yung RNA nung kinakain natin or nasisinghot natin (Youtube). So parang balang-araw magiging parts
tayo ng uod, kalabaw, halaman etc. (Hinduism)

May mga malilit na buhay sa loob ng katawan natin at sa dami nila, parang may universe sa loob ng
bawat katawan natin (Taoism’s Microcosm). So I can say, na ang galing ni Mother Nature (pantheism) or
ang galing ni God (theism). That if we want to see how God works, we need to study math and science
(Masonic).

Marami na sa mga scientists natin ang nagagalaw na ang mga sequence na ito (Jurrassic Park). Siguro
nga kung makakarating tong ilang scientists na ito sa ibang planeta tas kailangan nila ng tao as laborers
at nakakita sila ng primates, madali na lang sa kanila gumawa ng bagong tao (Zecharia Zitchin – Planet
Nibiru). Siguro lang.

Siguro sasabihin nila, “Likhain natin sila base sa wangis natin” (bible).

You might also like