You are on page 1of 5

(NEWS ARTICLE)

Webinar ukol sa ‘Study Habits’, nilahukan


ng mga Eusebian
ni: Azel Augustus Caliva
Pinangunahan ng Eusebio Supreme Student Government (EHS-SSG) ang paglunsad ng webinar
patungkol sa epektibong ‘Study Habits’ sa gitna ng pandemya noong Abril 30, 2021.
Layunin ng nasabing webinar na ipahayag ang mga maaaring gawin upang mapadali ang pag-
aaral ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya.
Bahagi ito ng isinagawang proyekto ng EHS-SSG para matulungan ang mga Eusebian na
makapag-aral nang matiwasay at maayos. Ang programang ito ay pinamagatang “Effective
Study Habits in time of Pandemic” at pinangunahan ng tagapagsalita na si Bb. Dyneghre
Cassola, Professor ng Psychology sa Rizal Technical University (RTU).
Sinimulan ang programa sa talakayan patungkol sa konseptong lahat ng tao ay maaaring
nararanasan ang ganitong pangyayari, dahil ang problema ay walang pinipiling edad o kasarian.
Naganap ang programa nang maayos na ipinaliwanag ni Cassola ang mga dapat at ‘di dapat
gawin ng mga mag-aaral ngayong Online Class upang makapasa nang hindi nahihirapan nang
husto.
Ayon sa University of New Hampshire (UNH), dapat bigyan ng pansin ang mga pagbabago sa
mga paraan ng pag-aaral, at ang mga ‘habits’ na ito ay kanilang irekomenda para makatulong sa
mga mag-aaral sa ilalim ng ‘remote learning’.
Pinaunlakan ni Cassola ang mga manonood ng webinar na sundin at gawin ang mga gawaing ito
nang sa gayon ay mapadali ang kanilang pag-aaral.
Natapos ang programa sa palarong “Facts and Myth about Mental health” na kung saan isinaad
niya ang mga haka-hakang paniniwala ng ibang tao sa Mental Health at kaniyang binigyang
linaw ang katotohanan patungkol dito.
Natapos ang programa kung saan nagbigay ng oras si Cassola para magtanong ang mga
manonood sa kanya ukol sa napag-usapan, at mataguyod na binigay ng mga mag-aaral ang
kanilang mga hinanain ngayon ‘remote learning’ para sila ay malinawan sa mga bagay na hindi
nila masyadong naiintindihan.
(NEWS ARTICLE)

Mental Health Webinar, pinangunahan ng Eusebio SSG


ni: Ghelo Legaspi
Nagsagawa ng isang webinar ang Eusebio High School Supreme Student Government (SSG) na
tumatalakay sa kalusugang pangkaisipan o mental health noong ika-31 ng Mayo 2021.
Isinagawa ang webinar na pinamagatang “Mental Health in an Unequal World” kasabay ng
paggunita sa “World Mental Health Month” noong Mayo, at ang Head ng Psychology
Department ng Rizal Technological University na si G. Christian Paul Pagal ang nagsilbing
tagapagsalita.
Nagsimula ang progama sa pagtatalakay ng konseptong lahat ng tao ay makaranas ng iba’t-ibang
mga pangyayari sa kanilang buhay dahil ang problema ay walang pinipiling edad o kasarian.
Ayon sa National Center for Mental Health (NCMH), mas dumoble ang bilang ng tumatawag sa
kanilang tanggapan kumpara noong bago mag simula ang pandemya. Tumaas ng limang bilang
ang dami ng tawag sa kanila mula sa 80 bago mag pandemya hanggang sa 400 sa kasalukuyan.
“Kahit ano pang edad mo o kasarian, may nararamdan ka kaya mag sabi ka sa taong marunong
makinig”, ani Pagal.
“minsan ang problema ay nanggagaling sa ating bahay, katulad ng problemang pinansyal na
madalas nararanasan ng kahit sino sa atin.”, saad pa nito.
Nagpakita siya ng litrato mula sa “PH Wealth and Income Inequality” na nagsasaad ng
buwanang kita ng isang trabahador mula sa mataas na posisyon hanggang sa mababa. Kaniyang
tinanong ang mga manonood kung saan nabibilang ang magulang nila sa graph na nagsasaad ng
kita. Lumabas na mas madami ang nabibilang sa sampung libo buwanang kita na nagsasanhi ng
problema sa isang tahanan.
Nagtapos ang programa sa palarong “Facts and Myth about Mental health” na kung saan isinaad
niya ang mga haka-hakang paniniwala ng ibang tao sa Mental Health at kaniyang binigyang
linaw ang katotohanan patungkol dito.

(NEWS ARTICLE)

Programang pagbibigay food packs, sinimulan sa Pasig


ni: Catherine Noscal
Naglunsad ng programang pangkalusugang pinamagatang "Malusog na Batang Pasigueño" ang
Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga pampublikong paaralan sa Pasig mula ika-17 hanggang
ika-20 ng Mayo, 2021.
Kabilang ang Eusebio High School sa 20 na paaralan sa Pasig na nabigyan ng pagkakataong
magbahagi ng food packs sa mga mag-aaral nito.
Pormal na sinimulan ang pamamahagi ng mga food packs sa paaralan noong ika-19 ng Mayo sa
pamumuno ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kasama ng Rosario Barangay Council at Brgy
Chairman Aquilino "Ely" Dela Cruz, Sr.
Naglalaman ang mga food packs ng bigas, mga masusustansyang pagkain tulad ng veggie canton
at nutri-milk, pati na rin ng isang hygiene kit, na sinigurong bawat isang mag-aaral ay
makatatanggap.
Matagumpay na naisagawa ang programa sa tulong ng iba't ibang mga guro, staff, at mga PTA
ng Eusebio High School sa pangunguna ni PTA President Nick C. Parani.
Ayon sa Pasig City Information Office, hangad ng programang ito na masigurong nakakamit ng
mga batang Pasigueño ang "basic nutrition requirements" laban sa malnutrisyon, na kung saan
maaaring makaapekto sa "academic performance" ng bawat mag-aaral.

(FEATURE WRITING)

Unahin kami! Sigaw ng Kalusugang Pangkaisipan


nina: Jan Paolo Balilla at Ellaiza Mae N. Cañete
Sa palapit na pagtatapos ng Online Classes, karamihan sa mga estudyante ay mayroong isang
pinagkakasunduan at iyon ang katotohanan na hindi ito maganda para sa ating isipan at katawan.
Walang sino man ang handang humarap sa ating kasalukuyang kinakaharap na tinatawag na
‘new normal’. Lahat ay napilitang sumunod sa mga bagay na inihanda ng Department of Health
(DepEd), sa kadahilanang hindi nila tayo binibigyan ng pagkakataon na magsalita para sa ating
sarili. Hindi man lang nila isinaalang-alang ang mga masamang epekto nito sa mga estudyante.
Ang gusto lamang nila ay ipagpatuloy ang edukasyon, dahil takot na maiwan ang bansa natin sa
larangan ng edukasyon, sa mga bansa na mayroong sapat na kagamitan at internet para sa
tinatawag nating Online Classes.
Ang mga paaralan at klase ay ginaganap na sa pamamagitan ng mga cellphone, tablet, at iba
pang gadget. Maraming estudyanteng nakakaranas ng ganitong uri ng pamumuhay ngayon,
ngunit nakakabagot ito sa maraming paraan. Araw-araw nakikita natin ang pare-pareho mga tao,
iisang lugar, mga gawaing-bahay, at paggawa ng kinakailangang mga gawain sa paaralan.. Ito ay
maaaring magkaroon ng sanhi at makapagdudulot ng masamang epekto sa ating kaisipan at
pisikal na kalagayan.
Ang bawat mag-aaral ay nagbababad sa gadget na siyang ginagamit sa Online Classes, na
mayroon ring mas malaking pagkakataon para sa mga mag-aaral na madaling ma-distract sa
social media o iba pang mga site. Ito ay maaaring magsanhi ng mas mahabang oras nang
paggamit ng gadget. Sa higit walong oras na klase, walong oras din gumagamit ng gadget ang
bawat estudyante, kaya naman nawawalan na ng oras makapag unat unat ng katawan ang mga
mag-aaral, at ito ay makapagsasanhi ng mahinang pangangatawan. Mataas rin ang posibilidad na
marami sa bawat estudyante ang makaranas ng stress at depresyon, dahilan ng mga gawaing
ibinibigay ng mga guro.
Mayroong mga masamang epekto na mabubuo sa mga sanhing tinuran. Unang-una na dito ang
pagkaranas ng mga estudyante ng ‘strain’, marahil ang epekto ng maraming oras na pagkatuon
sa mga gawain na ibinibigay ng guro kaya’t nakakalimot na ang mga estudyante na magpahinga
at tumigil sa paggawa. Nakakaapekto ang labis na pag-aalala o strain sa gana sa pagkain,
pamumuhay, pakikipagkapwa, pagtulog at pati na rin sa pokus ng pag aaral.
Sumunod rito ang maagang pagkasira ng mga mata, ito ay dahil sa mahabang oras na pag-aaral
sa tulong ng gadgets. Bago pa man nagkaroon ng pandemya, 1 o 2 oras lamang ang iginugugol
ng mga estudyante sa harapan ng screen. Ito ay may epektong masama na tinatawag na computer
fatigue. At ang ika-huli ay ang hindi mapamahalaan ang oras na may epektong kakulangan sa
tulog, pagaaliw ng sarili, at higit sa lahat ang pagkain sa tamang oras.
Alam nating lahat na ang Online Classes ay nagbibigay sa ating kaisipan ng strain at bilang
estudyante, kadalasan ay hindi natin ito binibigyang pansin sa kadahilanang mas inuuna natin
ang ating gawaing pang-paaralan imbes na unahin ang problemang ito. Kung ating ipagpapatuloy
ang gawaing ito, darating ang panahon na hindi na natin ito kakayanin. Hindi ito maganda, at
nararapat lamang na mas unahin natin ang ating sarili kahit paminsan minsan. Ngunit ano nga ba
ang ating maaaring gawin para mabawasan ang strain na ito?
● Huminga ng malalim at magpahinga. Kahit kailan ay hindi naging masama ang pagtigil
sa mga gawain lalo na kung ito ay para sa ating sarili.
● Maglaan ng oras para sa iyong mga ‘hobbies’. Ang hobbies natin ang isa mga bagay na
maaaring magbigay ng katahimikan sa ating isipan. Paglalaro, pagsusulat, panonood,
pagtugtog, pagguhit, o anumang hobbies mayroon kayo ay dapat din ninyong bigyan ng
oras.
● Kausapin ang mga kaibigan. Kahit na paminsan minsan ay nakaka stress ang pag kausap
sa mga kaibigan, masasabi rin natin na isa sila sa mga tao na nagbibigay ng kapayapaan
sa ating isipan.

Isaisip sana natin na walang sino man ang nakakaalam kung hanggang kailan tatagal ang
ganitong uri ng pag-aaral, ngunit dapat ring isaalang-alang ng mga guro ang pagbabago ng
paraan ng kanilang pagbibigay marka o grado sa mga mag-aaral sa ganitong kinakaharap nating
mahirap na sitwasyon, upang maisaalang-alang ang tunay na mga isyu sa kalusugan na
kinakaharap ng bawat mag-aaral.
Tulad ng mga mag-aaral na umaangkop sa mga guro na sumusubok sa mga online na
pamamaraan sa kauna-unahang pagkakataon, mukhang makatarungang ring dapat na ibigay ng
mga guro ang parehong kakayahang umangkop pabalik sa mga mag-aaral. Kaya’t kinakailangan
ng mga estudyante at mga gurong magka-isa, nang sa gayon mairaos ang Online class ng
maganda at masaya.

You might also like