You are on page 1of 3

Unahin kami!

Sigaw ng Kalusugang Pangkaisipan

Sa palapit na pagtatapos ng Online Classes, karamihan sa mga estudyante ay


mayroong isang pinagkakasunduan at iyon ang katotohanan na hindi ito
maganda para sa ating isipan at katawan. Walang sino man ang handang
humarap sa ating kasalukuyang kinakaharap na tinatawag na ‘new normal’.
Lahat ay napilitang sumunod sa mga bagay na inihanda ng Department of
Health (DepEd), sa kadahilanang hindi nila tayo binibigyan ng pagkakataon na
magsalita para sa ating sarili. Hindi man lang nila isinaalang-alang ang mga
masamang epekto nito sa mga estudyante. Ang gusto lamang nila ay
ipagpatuloy ang edukasyon, dahil takot na maiwan ang bansa natin sa
larangan ng edukasyon, sa mga bansa na mayroong sapat na kagamitan at
internet para sa tinatawag nating Online Classes.

Ang mga paaralan at klase ay ginaganap na sa pamamagitan ng mga


cellphone, tablet, at iba pang gadget. Maraming estudyanteng nakakaranas ng
ganitong uri ng pamumuhay ngayon, ngunit nakakabagot ito sa maraming
paraan. Araw-araw nakikita natin ang pare-pareho mga tao, iisang lugar, mga
gawaing-bahay, at paggawa ng kinakailangang mga gawain sa paaralan.. Ito ay
maaaring magkaroon ng sanhi at makapagdudulot ng masamang epekto sa
ating kaisipan at pisikal na kalagayan.

Ang bawat mag-aaral ay nagbababad sa gadget na siyang ginagamit sa Online


Classes, na mayroon ring mas malaking pagkakataon para sa mga mag-aaral
na madaling ma-distract sa social media o iba pang mga site. Ito ay maaaring
magsanhi ng mas mahabang oras nang paggamit ng gadget. Sa higit walong
oras na klase, walong oras din gumagamit ng gadget ang bawat estudyante,
kaya naman nawawalan na ng oras makapag unat unat ng katawan ang mga
mag-aaral, at ito ay makapagsasanhi ng mahinang pangangatawan. Mataas rin
ang posibilidad na marami sa bawat estudyante ang makaranas ng stress at
depresyon, dahilan ng mga gawaing ibinibigay ng mga guro.

Mayroong mga masamang epekto na mabubuo sa mga sanhing tinuran.


Unang-una na dito ang pagkaranas ng mga estudyante ng ‘strain’, marahil ang
epekto ng maraming oras na pagkatuon sa mga gawain na ibinibigay ng guro
kaya’t nakakalimot na ang mga estudyante na magpahinga at tumigil sa
paggawa. Nakakaapekto ang labis na pag-aalala o strain sa gana sa pagkain,
pamumuhay, pakikipagkapwa, pagtulog at pati na rin sa pokus ng pag aaral.
Sumunod rito ang maagang pagkasira ng mga mata, ito ay dahil sa mahabang
oras na pag-aaral sa tulong ng gadgets. Bago pa man nagkaroon ng pandemya,
1 o 2 oras lamang ang iginugugol ng mga estudyante sa harapan ng screen. Ito
ay may epektong masama na tinatawag na computer fatigue. At ang ika-huli ay
ang hindi mapamahalaan ang oras na may epektong kakulangan sa tulog,
pagaaliw ng sarili, at higit sa lahat ang pagkain sa tamang oras.

Alam nating lahat na ang Online Classes ay nagbibigay sa ating kaisipan ng


strain at bilang estudyante, kadalasan ay hindi natin ito binibigyang pansin sa
kadahilanang mas inuuna natin ang ating gawaing pang-paaralan imbes na
unahin ang problemang ito. Kung ating ipagpapatuloy ang gawaing ito,
darating ang panahon na hindi na natin ito kakayanin. Hindi ito maganda, at
nararapat lamang na mas unahin natin ang ating sarili kahit paminsan
minsan. Ngunit ano nga ba ang ating maaaring gawin para mabawasan ang
strain na ito?
● Huminga ng malalim at magpahinga. Kahit kailan ay hindi naging
masama ang pagtigil sa mga gawain lalo na kung ito ay para sa ating
sarili.
● Maglaan ng oras para sa iyong mga ‘hobbies’. Ang hobbies natin ang isa
mga bagay na maaaring magbigay ng katahimikan sa ating isipan.
Paglalaro, pagsusulat, panonood, pagtugtog, pagguhit, o anumang
hobbies mayroon kayo ay dapat din ninyong bigyan ng oras.
● Kausapin ang mga kaibigan. Kahit na paminsan minsan ay nakaka
stress ang pag kausap sa mga kaibigan, masasabi rin natin na isa sila sa
mga tao na nagbibigay ng kapayapaan sa ating isipan.

Isaisip sana natin na walang sino man ang nakakaalam kung hanggang kailan
tatagal ang ganitong uri ng pag-aaral, ngunit dapat ring isaalang-alang ng mga
guro ang pagbabago ng paraan ng kanilang pagbibigay marka o grado sa mga
mag-aaral sa ganitong kinakaharap nating mahirap na sitwasyon, upang
maisaalang-alang ang tunay na mga isyu sa kalusugan na kinakaharap ng
bawat mag-aaral.

Tulad ng mga mag-aaral na umaangkop sa mga guro na sumusubok sa mga


online na pamamaraan sa kauna-unahang pagkakataon, mukhang
makatarungang ring dapat na ibigay ng mga guro ang parehong kakayahang
umangkop pabalik sa mga mag-aaral. Kaya’t kinakailangan ng mga estudyante
at mga gurong magka-isa, nang sa gayon mairaos ang Online class ng
maganda at masaya.

You might also like