You are on page 1of 8

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

PAGTAAS MULI NG KASO


NG COVID-19 SA METRO
MANILA

Inihanda ni: Ladch Roy Teriote

Ipinasa kay: Gng. Cristelyn C. Siona


DAHILAN:

Ayon sa datus ng Kagawaran ng Pangkalusugan (DOH) Isa sa naging dahilan ng


pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID 19 sa Metro Manila ay ang ngdaang "holiday
season" dahil marami parin ang ngkakaroon ng mga Salo Salo, pagtitipon at
selebrasyon.
Isinisisi ng mga awtoridad ang pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa hindi pagsunod ng
publiko sa mga pinapaalalang hakbang o health protocols ng pamahala an upang
masumpo o hindi lumaganap ang sakit Lalo na at may mga bagong iba't-ibang pili o
variant ng COVID 19 virus na nkapasok sa bansa. Una at Lalo dapat na maging
maingat ang publiko dahil Ayon sa DOH Mas matindi ang ang epekto ng mga bagong
pili na ito. Hindi sapat ang pagpapabakuna lamang bagkos na is ng gobyerno na
ipagpatuloy ang mga hakbang upang malabanan ang sakit. Matatandaan na muling
isinailalim ang buong metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine
(MECQ) matapos humiling ang mga awtoridadsa Pangkalusugan. Isa kasi sa mga labis
na naapektuhan ngayon ang mga manggagawang nasa Pangkalusugan tulas ng mga
doktor, nars, at mga ngtatattabho sa mga ospital dahil sa sila ang nandoon upang
gamutin ang mga may COVID na mga pasyente. Na a bahala ang Pandaigdigang
Organisasyon sa Pangkalusugan o WHO sa estado ngayon ng naitatalang kaso sa
Pilipinas. Ayon sa WHO papunta na sa Tina tawag na "Red Line" ang pagbulusok ng
mga positibong kaso ang Pilipinas at kung ito ay lalagpas na sa Tina tawag na "Red
Line" ito ay mangangahulugan ng paglalagay sa panganib at mahirap na kalagayan ang
mga doktor, nars at mga empleyado ng ospital o mga FRONTLINERS.
Sa pagsisiyasat naman ng isang pribadong kumpanya na OCTA RESEARCH
Company, pumalo sa 3,000 kaso bawat araq ang naitatalang ngayon kumpara noong
kasagsagan ng pag pasok ng COVID 19 sa bansa noong nakaraang buwan ng Agosto
2020. Sa muling pagbubukas ng mga negosyo upang unti unting makabawi ang
ekonomiya ng bansa naging bukas din upang dadami ang mga taong lumabas sa kani-
kanilang mga tahanan at nakikipagsalamuha upang magtrabaho at kumita para sa
pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang
Metro Manila ang sentro ng kalakalan ng ating bansa kung Kaya at maraming mga Tao
o malaki ang populasyon. Sa panahong ang mga mama Ayan ay matagal namirmihan
sa loib ng kanilang mga tahanan ang nagsilabasan at gumalaw, sa gani tong sitwasyon
nalalabag ang mga pangunahing bantayan na naging sanhi ng transmisyon ng
nakakahawa at nakakamatay na sakit. Marami ang hindi ngsusuot ng facemasks at
faceshield. Makikitang marami na rin ang mga nagkukumpulan sa mga pamilihan lalo
na ang mga socially active generation o iyong mga nasa edad 20-40 taong gulang.
Umabot sa 7,103 ang COVID 19 na kaso na naitala noong Marso 19, 2021
pinakamaraming kaso ng naitala sa isang araw sa kasaysayan ng pandemya sa
Pilipinas.
EPEKTO:

Ang epekto ng pandemya sa ating bansa ay hindi nagtatapos sa mga pasyenteng


napupunta sa mga ospital. Ito ay makikita rin sa kabuhayan ng mga Pilipino. Sa datos
ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE) limang milyong Pilipino ang nawalan
ng trabaho dahil sa pandemya. Malaki ang ikinabagsak ng ekonomiya ng Pilipinas ng
Maranasan ang pandemyang dulot ng COVID19. Sa ulat ng Philippine Statistics
Authority o PSA lagpak sa negatibong 9. 5 porsento ang Gross DOMESTIC Product o
GDP ng bansa noong 2020.Ito ay ang pinakamababang nakamit ng bansa mula ng
matapos ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Malayo sa anim n porsyentong GDP
noong 2019 kung saan Isa ang Pilipinas sa mgabansang nasa Asya na may
magandang ekonomiya. Pumalo sa 1.4trilyong pesos ang nawalang kita ng bansa dahil
sa ipinapatupad na lock down. Marami ang mga kumpanya at pagawaan ang nagsara
at walang produksyon dahil sa bawal lumabas ang mga tao. Lalo na sa Metro Manila
kung saan ang mga pagawaan at mga kumpanya.
Pero kumpyansa pa rin ang gobyerno na makakabangon ang ekonomiya bago matapos
ang taong ito. Sinabi ni NEDA Secretary Karl Kendrick Chua Para umusad ang
ekonomiya ng bansa kailangan hanapin ang balanse ang kalusugan ng manggagawa at
kalusugan ng ekonomiya. Sa pag balik sa Metro Manila sa MECQ 350,000 na naman
mga Pilipino ang pinangangambahang maghihirap at magugutom. Ang hanay ng mga
negosyante ay nalulu got sa muling pagpapatupad ng paghihigpit ng gobyerno. Sabi ng
president ng Employers Confederation of the Philippines, may mga kumpanya sa bansa
na nananatiling nkabiti sa mga panahong ito dahil walang katiyakan ang takbo ng Eko
omiya lalo na at pumalo na naman ang kaso sa Metro Manila.
SOLUSYON:

Ang gobyerno ay may nakatuon na fat long stratehiya upang maiwasan ang ang
oaglaganap ng sakit na COVID 19 Ayon Kay Undersecretary Leopold Viega ng
Kagawaran ng Pangkalusugan. Una, ay ang pagbabatid sa transmisyon sa oamamgitan
ng masusing contact tracing at paghihiwalay ng mga positibo sa kanilang komunidad.
Pangalawa, ang pagpapalawak ng testing capacity o iyong paglalagay ng marami pang
laboratory upang Mas marami ang masusuring indibidwal. Ang pagpapadami rin ng
mga quarantine facilities ng mga pribado at publikong ospital. Ang pagpapabakuna ng
COVID-19 vaccine ay makatutulong din sa iyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng
malubhang sakit kahit na magkaroon ka man ng COVID-19.Ang pagbabakuna ng
COVID-19 ay isang mahalagang paraan upang makatulong tayo na makabalik sa
normal.
Maghugas ng Iyong mga Kamay
Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang karamdaman ay dapat iwasan na
malantad (o mailantad sa iba) sa virus na ito. Una, magsanay ng simpleng kalinisan.
Regular na maghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20
segundo - lalo na pagkatapos ng pagpunta sa banyo, bago kumain, at pagkatapos ma-
ubo, pagbahing, o pagsinga. Alamin kung paano maghugas ang iyong mga kamay
upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus at iba pang mga karamdaman. Kung
walang maaaring magagamit na sabon at tubig, inirerekumenda ng Centers for Disease
Control and Prevention na gumamit ang mga konsumer ng mga sanitizer na nakabatay
sa alkohol na naglalaman ng hindi bababa sa 60% porsyento ng etanol (kilala rin bilang
ethyl alkohol).
Magsuot ng Mask at Iwasan ang Maraming Tao. Iwasan ang maraming tao at ang mga
lugar na walang gaanong bentilasyon. Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnay (manatili
ng hindi bababa sa 6 na talampakan, o halos dalawang braso, ang layo) sa mga taong
hindi nakatira sa iyo, kahit na hindi sila mukhang may sakit, sa parehong loob at labas
na mga espasyo. Ang ilang mga tao na walang sintomas ay maaaring maikalat ang
coronavirus.Ang pagsusuot ng mga mask sa publiko ay maaaring makatulong na
mapabagal ang pagkalat ng virus. Makatutulong ang mga ito na panatilihin ang mga
taong maaaring may virus at hindi alam ito mula sa paglipat nito sa iba sa pamamagitan
ng pagtulong na maiwasan ang mga respiratory droplets mula sa paglalakbay nito sa
hangin at papunta sa ibang tao kapag ikaw ay umubo, bumahing, o makipag-usap.
Magbigay/Magdonate ng Dugo at Plasma
Ang pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo ay mahalaga sa kalusugan ng publiko.
Ang mga nagbibigay ng dugo ay tumutulong sa mga pasyente ng lahat ng edad at uri -
aksidente at ang mga biktima ng pagkasunog, operasyon sa puso at mga pasyente ng
transplant ng organ, at ang mga nakikipaglaban sa kanser at iba pang mga kondisyon
na nagbabanta sa buhay.
REPLIKSYON/REAKSYON:

Sa panahon ngayon, maaaring tumaas ang panganib na magkaroon ng depresyon


kung nababalisa o nagigipit.Maaaring magdulot ng kalungkutan ang quarantine - lalo na
sa mga matatanda at mga taong mag-isa sa buhay.Pananatiling konektado sa kanilang
mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagtawag, video o messaging ay
makapagbibigay ng ginhawa sa mga taong na-diagnose ng COVID-19.Panatilihin nating
malusog ang ating mga frontline at mga essential workers at lalong lalo na ang ating
mga sarili. Higit sa lahat ang taimtim na panalangin sa Maykapal upang matapos an
ang pandemyang ito an mgbalik na ang normal na pamumuhay nating lahat.

You might also like