You are on page 1of 2

Jess: Ang sabi ng isang kasabihan “When a child is born a mother is born” isang katotohanan ng

kapayagan na ang isang babae ay magiging ganap na ina kapag ang sanggol na nasa kanyang
sinapupunan ay naipanganak na.

Glen: Maraming pagbabago ang pagdating ng sanggol na inaabangan ng mag- asawa. Nariyan
ang puyat, at maraming adjustments sa oras at pag- aalaga sa kanya.

VILMA: Sa kabila ng lahat ng iyon ay tunay na kagalakan naman ang nadarama ng mag-asawa.
Sa lahat ng kinakaharap ay doon masusubukan kung ang kanilang sinumpaan ay talagang
magsasama sa hirap at ginhawa.

BABY: Ating tunghayan ang iba’t ibang karanasan ng mga- ina o tinatawag ding ilaw ng tahanan
na may pamagat na ang Diary ng isang Ina.

Jess: Aray! Huwag mo akong saktan! Iyan ang sinasabi ko sau tuwing nag- aaway tayo at hindi
nagkakaintindihan. Pinagbubuhatan mo ako ng kamay at pinag sasabihan ng kung anu-ano.
Masaya naman tayo noong una. Tuwing uuwi ka galing trabaho ay may pasalubong kang dala-
dala. Lagi pa nga akong kinikilig sa iyong mga pambobola. Subalit ano ang nangyari? Bakit sa
paglipas ng panahon ay nagbago ka? Unti-unti ka ng naging seloso at patindi ng patindi ang
reaksyon mo kapag nagagalit ka.Ang sabi mo ay hindi mo ay hindi mo ako sasaktan, sabi mo
sasamahan mo ako sa lahat ng bagay, sabi mo dalawa tayong tutupad sa mga pangarap natin.
Nasaan na ang mga ipinangako mo?

Gusto kong magtrabaho pero ayaw mo Ayaw mo rin akong magpaganda. Kaya lahat ng
ginagawa ko ay patago. Nag aastringent ako ng pasekreto Humuhgot ako sa perang
ipinapahawak mo ng sandali ng papiso piso hanggang makaipon ako at sekretong makabili ng
pampaganda ko. Gusto mo nasa bahay lang ako. Makakalabas lang ako ng bahay kapag kasama
ka. Lahat ng ito ay bale wala sa akin sapagkat may mga anak tayo na tumitingin sa atin.
Nahihiya ako sa kanila sa mga pagkakataon na hindi tayo ayos. Natatakot ako na pati sila ay
matrauma, sa atin ay magtanim sila ng loob o kaya naman sa paglaki nila ay gayanin tayo kung
sakaling sila ay mayroon na rin silang sariling pamilya.

Sa patuloy nating pagsasama ay binalot ako ng matinding takot…. Matinding


pananakit…. Traumang trauma ako. Paanong hindi? Nakikita o naghahasa ka ng mga gulok at
kutsilyo. Tuwing galit ka itatabi mo ito at tatakutin ako na papatayin ako. At pagkatapos ay
ikakabit ako kung kani kanino….

Ano ang ginawa mo sa isip ko? Sa pagkatao ko? Mahalaga ba talaga ako? Gusto ko ng
umalis at iwanan ka… Minsan sinubukan kong iwanan ka dahil di ko na matiis ang buhay ko
sa’yo. Pero, palagi akong nagbabalik…. Sa loob ko… paano ang mga anak ko….. Sinong mag-
aalaga at mag-aasikaso…. Paano ka? Paano tayo? Lahat iyon sinubukan kong timbangin. Naisip
ko handa akong magsakripisyo…. Kahit anong hirap… sakit… pasakit ay babatahin ko… huwag
lang masira ang pamilyang binuo natin sapagkat kung pababayaan ko ito hindi lamang buhay ko
ang masisira kundi pati ang sa mga anak ko.

Ayusin natin ang buhay natin. Simple lang naman ang pangarap ko bilang isang ina. Ang
magkaroon ng masaya, nagkakaisa at nagtutulungang pamilya. Araw- araw ay ipinagdadasal ko
na maging maayos na tayo. Huwag mo na rin akong saktan sapagkat batid ko na hindi lamang
ako ang nasasaktan. Nakikita ko sa mata ng mga ank natin awa, takot at habag. At alam mo ang
pinaka ipinag-aalala ko? Baka magalit rin sila sa’yo. Kaya tama na. Tama na ang lahat ng ito.
Hindi ako masaya. Hindi ito ang pangarap ko.

You might also like