You are on page 1of 4

DEACONESS REPORT

C.Y 2020- 2021


Magandang buhay sa buong kapatiran ng Muzon UMC!

Ang inyong lingkod kasama ang ating pastor at Nurture Committee ay


magkakasamang tumutugon sa mga pangangailangang espirituwal ng ating
iglesya.

I. MGA GAWAING NAISAGAWA

A. Online VCS. Mayroon po tayong siyam na batang nakibahagi sa ating


Online VCS kung saan ginamit namin ang video material ng QCPACE
Deaconesses. Ginanap ito noong May 18- 29, 2020 at ang mga bata ay
sina:
1. Floyd Sarmiento
2. Zion Sarmiento,
3. Russel Sarmiento
4. Adam Lucas Estudillo
5. Kate Enriquez
6. Rio Santos
7. Sophia Cristobal
8. Jacob Panuncio
9. Margaux Riano

Kakaunti lamang ang nakadalo sa gawaing ito sapagkat hindi lahat ng


mga bata ay mayroong wifi sa tahanan o kaya ay walang cellphone lalo na
ang mga bata natin sa Vicencio Extension.

B. Stewardship Sunday (concert). Binigyang tuonpo naming ang pagiging


mabuting katiwala sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iba’tibang
talent.

C. Pagbuo ng grupong manunugtog : Bells Ensemble – The Sound of


Praise na binubuo ng mga kababaihan at ilang kabataan. Naging
layunin po naming tumugtog noong buwan ng Disyembre upang mas
maramdaman ng mga miyembro ang diwa ng kapaskuhan at amin
pong ministeryo ang tumugtog ng isang beses sa isang buwan. At nais
din po naming makatugtog sa gawain ng distrito kung loloobin ng
Diyos.

D. Pagkakaroon ng virtual Choir Adult and Children.

E. Pagtuturo ng mga Imno: Nagkaroon akong ilang serye ng pagtuturo ng


hymns online na nakasama sa Gawain ng ating Midweek Service.
F. CHILDREN’S CHRISTMAS GIFT GIVING. Tayo po ay nakapagbigay sa
mga bata ng ating iglesya ng 100 mga regalo noong Disyembre 23,
2020. Ang laman po ng ating mga regalo ay tumbler, pencil case, erase,
glue at mga candies at cookies. Taos pusong pasasalamat po ang ating
ipinapaabot sa ating sponsor na si Gng. Salvador Victoria. Ang Diyos po
ang magpala sa inyo.

G. SIMBANG UMAGA. Naging napakamabunga ng ating Simbang Umaga


na may Temang “ Time to Change” binigyang kahulugan ito ng ating
mga speakers at ng mga special number na nakatalaga sa bawat
umaga. See the complete information on the attached sheet.

II. MGA GAWAING NAGPAPATULOY

A. Midweek Service, Adult Sunday School at Children’s Worship at


Children’s Sunday School PAC.
Tayo po nagkakaroon ng 60 pataas na viewers kada Linggo sa
ating Childrens online worship at mayroon din po itong magandang
feedback tulad ng magagandang awit at story na nasa video. Ang
online worship ng mga bata ay isang magandang pagkakataon at
training sa mga bata upang maging tagapanguna. Mayroon din pong
parte si Pastor upang maipanalangin ang mga bata, mga magulang
at iba pang taong kasama sa video.

B. Broadcasting ministry in-charge every Thursday and Friday.


C. Kids virtual Sunday School @2pm ng Linggo.
D. Kids Bible Study - Sabado, 5pm.
Ang kids BS at Sunday school ay isang magandang pagtatagpo
naming ng mga bata. Kami ay mayroong sharing of experiences at
nakakatuwa ang kanilang mga ibinabahaging kwento. Nakikita ko
rin na sila ay mayroong pananampalataya sa ating Panginoong
Hesus. Dalangin ko na mas maraming mga bata pa ang
makapagparticipate sa gawaing ito.

Ang mga mangagagwa at Nurture Committee ay nagpapasalamat sa


pagsisikap at dedikasyon ng mga taong kasapi ng Social Media Team. Sila po
ang mga frontliners ng ating iglesya sa pagsulong ng ating mga gawain
online. Sila po ay ang mga sumusunod: Mr. Kenneth Marcelino, JL
Garduque, Sheena Nievera, Engle, Chie, Jaden at Darlene Flores, Chris,Jill
and Hans Domingo, Aaron Jan Martinez, Glen Tan, Bong Diaz,Ian Diaz at
Christelle Lazaro.

III. IBA PANG MGA GAWAIN

Dahil sa tawag ng pangangailangan sa panahon ng pandemya ay


sinikap kong matutong mag edit .Ako po ay kabahagi ng iba’t – ibang gawain
sa distrito tulad ng paggawa ng Sunday school online ng mga bata,
Coordinator ng Virtual Choir ng mga Dyakunisa, naging Virtual Choir editor
din ng WSCS district.

Nais ko pa pong mapalawak ang aking ministeryo sa paglilingkod sa


ating Panginoon at dalangin ko na matapos na ang pandemyang ito.

God bless us all!

Nag-uulat,

Dss. Jessica S. Estudillo


Feb. 21, 2021

You might also like