You are on page 1of 3

Norkiya G.

Limintap
BEED-II
Mati Doctors College
National Highway, Dahican, Mati City
Baghay Aralin sa Filipino 6

I- Layunin: Sa pagkatapos ng apatnapu’t limang minuto(45minuto), ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

A. Nakapagbibigay ng mga kahulugan ng Aspekto ng Pandiwa


B. Nakapagsasagawa ng gawain gamit ang tatlong Aspekto ng Pandiwa.
C. Natutukoy ang Aspekto ng Pandiwa sa pangungusap.

II. Paksang Aralin


Paksa: Aspekto ng Pandiwa
Kagamitan: Visual Aid
Sanggunian: Filipino Ngayon at Bukas pahina 155-156

III-Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati sa Guro
3. Pagtatala ng Liban
a. Pagsasanay
b. Balik-Aral
Ano ang iyong natutunan sa nakaraang leksyon?
B. Panlinang na Gawain
Pangganyak o Motibasyon
Pipili ang guro ng tatlong mga mag-aaral na syang tutukoy kung
nasang aspekto ng pandiwa ang may salunguhit.

 Aspetong Panganagdaan /Naganap/Perpektibo


 Aspetong Pangkasalukuyan/ Nagaganap/ Imperpektibo
 Aspetong Panghinaharap/ Magaganap/Kontemplatibo

1. Si Carmen ay bumili ng karneng baka at mga gulay.


2. Ang sabaw sa kaserola ay kumukulo na.
3. Si Mae ang maghahati ng mga kamatis at sili.

Paglalahad
Ang Pandiwa po ay nagsasaad ng kilos o galaw. Ito po ay may tatlong
aspekto, una kontemplatibo na ang ibig sabihin po ay gagawin o magaganap pa
palang, ang imperpektibo naman po ay kasalukuyang nagaganap at ang huli po
ay ang perpektibo na ang kilos ay naganap o tapos ng gawin.
Malaki ang naitutulong ng aspekto ng pandiwa sa pagbuo ng
pangungusap. Dahil isa ito sa sangkap sa pagbuo ng isang pangungusap na
naglalaman ng kilos.
Sa pamamagitan din po ng aspekto ng pandiwa natutukoy ang panahon
kung kailan nangyari ang isang kilos.

Paglalahat
1. Ano ang tawag sa aspekto ng pandiwa na nagsasaad ng kilos na gagawin pa lamang
?
2. Anong aspekto ng pandiwa naman ang nagsasaad ng kilos na kasalukuyang
ginagawa na ?
3. Ano ang pandiwang nagsasaad ng kilos na tapos ng gawin?

Paglalapat

 Bakit mahalagang malaman ang mga aspekto ng pandiwa?

IV-Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa ginamit sa pangugusap.
1. Kaarawan ng aking minamahal ngayon, ibibili ko siya ng tsokolate at
bulaklak.
2. Magkakamping sa isang linggo ang mga batang iskwat.
3. Nabitiwan ni Rizza ang hawak niyang cellphone nang mapadaan sa
kanyang tagiliran si Lysa.
4. Ang tagal namanag dumating ni Nanay, marahil siya ay nasa trabaho.
5. Ang tubig ulan ay dumadaloy sa alulod ng aming bahay.
6. Maraming puubi ang nanghihingi ng limos sa kalye.
7. Balitang-balita ang paghahanda ni Don Santiago ng hapunan sa isa sa
huling araw ng Oktubre.
8. Sa panahon ngayon, marami na sa ating gobyerno ang nangungurakot.
9. Nakausap ni Padre Damaso ang isang Espanyol na mapula ang buhok.
10. Si Tiya Isabel ang tumatanggap ng mga regalo ko mula sa mga panauhin.

V- Takdang- Aralin
Gumawa ng storya na kung saan ay nagagamit ang mga aspekto ng pandiwa.

You might also like