You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

BOAC, MARINDUQUE

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO, si ARLENE SALES, may wastong gulang, Pilipino, nakatira sa


Bacung-bacong, Gasan, Marinduque, matapos makapanumpa ng naaayon
sa batas, ay nagsasaad ng mga sumusunod:

1. Na ako ang kapatid ni JEOMAR ADONIS, at kilala ko rin ang


Nagrereklamong si KRISTINA SALDUA dahil siya ang asawa ni
JEOMAR at matagal ko na rin siyang personal na nakakahalubilo
noong sila ni Jeomar ay minsang tumira sa bahay namin.

2. Na bilang nakatatandang kapatid, ako ay napag-utusan ng aking


kapatid na si Jeomar na pumunta sa bahay ni kristina sa barangay
tres (paltukan) upang ayusin ang problema ng aking kapatid tungkol
sa mga nababalitang hindi mabuting ginagawa ni Kristina.

3. Na minsan ko nang naabutan sa bahay ni Noriel Delos Reyes si


Kristina. Hating-gabi na ay pumupunta pa sya sa bahay ni Noriel.

4. Na mayroon pang isang insidente na aking tinanong kay Kristina ay


noong umalis ang aking kapatid, na bago umuwi si Kristina ng
Marinduque ay nag SM-Lucena pa siya kasama ang pamilya ni
Noriel at sa kanyang pag-uwi doon siya dumiretso sa bahay ni
Noriel at doon natulog dahil si Kristina daw ay inaantok na kaya
doon siya natulog sa bahay ni Noriel. Kahina-hinala ito dahil naka
door-to-door si Kristina at mas nauunang daanan ang bahay nila
kaysa bahay nila Noriel.
5. Na nakita din ni Delano Sales mula sa bintana ng kwarto ni Noriel
na si Kristina ay nasa loob ng bahay ni Noriel at nakahiga sa kama
ni Noriel. Nang muli niyang mapansin ang naturang bintana ay
isinara nakasara na ang kurtina ng kwarto ni Noriel.

6. Na handa kong patotohanan ang mga impormasyon sa itaas at


isinusumite ko ang salaysay na ito para sa anumang layuning
kailanganin ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, lumalagda ako sa ibaba nito ngayong


ika-___ ng Hunyo, 2021 sa Boac, Marinduque.

___________________________
ARLENE SALES
Nagsasalaysay

PINANUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-___ ng


Abril, 2021 sa Boac, Marinduque,

You might also like