You are on page 1of 26

88 Filipino

Unang Markahan – Modyul 1


Filipino
Karunungang-bayan: Salawikain,
Sawikain, at Kasabihan
Unang Markahan – Modyul 1
F8PB-Iabc-22
Karunungang-bayan: Salawikain, Sawikain, at
Kasabihan
Filipino– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: KARUNUNGANG-BAYAN: SALAWIKAIN, SAWIKAIN, AT
KASABIHAN
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Erwin D. Sulit
Manunulat:Editor:
Erwin Maria
D. Sulit
Socorro C. Japone / Ethel V. Reyes
Tagasuri:
Editor: Maria MariaC.
Socorro Socorro
JaponeC. /Japone / Ethel
Ethel V. V. Reyes
Reyes
Tagaguhit: Erwin D. Sulit
Tagalapat:
Tagasuri: Erwin D.C.
Maria Socorro Sulit
Japone / Ethel V. Reyes
Tagaguhit: Erwin
Tagapamahala: D. Sulit
Tagalapat:
Gregorio ErwinJr.,
C. Quinto, D. EdD
Sulit
Chief, Curriculum Implementation Division
Tagapamahala:
Rainelda M. Blanco, PhD NICOLAS T. CAPULONG, Ph.D, CESO V
Education Program Supervisor - LRMDS Regional Director

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS-Division
ELIZABETH ADM CoordinatorEd.D.
M. PERFECTO, MA. EDITHA R. CAPARAS, Ed.D. NESTOR P. NUESCA, Ed.D.
CLMD Chief Regional EPS In Charge of LRMS Regional ADM Coordinator
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Anastacia
GREGORIO N.C.
Victorino,
QUINTO,EdD
JR., Ed.D. RAINELDA M. BLANCO, Ph.D. AGNES R. BERNARDO, Ph.D.
EPS – Filipino CID Chief Division EPS In Charge of LRMS Division ADM Coordinator

Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8
Filipino
Filipino
Unang Markahan – Modyul 1
Karunungang-bayan:
Karunungang-bayan: Salawikain,
Salawikain,
Sawikain, at Kasabihan
Sawikain, at Kasabihan
F8PB-Iabc-22
F8PB-Iabc-22
Paunang Salita

Gawain Para sa Tagapagdaloy

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Karunungang-bayan: Salawikain, Sawikain, at
Kasabihan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

1iv
Para sa Mag-aaral

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Baitang 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Karunungang-bayan: Salawikain, Sawikain,
at Kasabihan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsasanay na ito, masusukat natin ang


iyong kaalaman sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang araling
ito sa modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay iyong


matutunghayan sa iba’t ibang pamamaraan
tulad sa pagbasa ng isang ng kuwento,
awitin, tula, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa.

Naglalaman ito ng mga katanungan.


Maaaring punan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso
kung ano ang iyong natutuhan mula sa
aralin.

5
2
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay pagsasanay na naglalayong masukat
ang antas ng iyong pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, ang panibagong gawain ay
makatutulong upang madagdaganang iyong
Karagdagang Gawain
kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

36
Alamin

Pagbati!

Isang panibagong taon upang hasain ang iyong isipan at kilitiin ang iyong
imahinasyon ng mga araling magbibigay sa iyo ng mga kaalaman sa tinatawag
ngayong New Normal na pag-aaral. Isa sa mga layunin ng modyul na ito ay matuto
ang bawat mag-aaral sa pinakasimpleng paraan na hindi nawawala ang kalidad ng
edukasyon.

Sa pagsisimula ng aralin, ating alamin ang mga karunungang-bayang


sumasalamin sa ating lahi. Ating tuklasin ang mga aral ng kahapon na naging daan
upang magpatuloy sa buhay natin ngayon.

Tara na! Sabay-sabay nating alamin ang mga karunungang-bayang malapit


sa puso natin.

Narito ang kasanayang malilinang sa pagtahak mo sa araling ito:

Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan


sa mga pangyayari sa buhay sa kasalukuyan. (F8PB-Iabc-22)

Ang sumusunod ay iyong magagawa sa pagtatapos ng araling ito:

1. Natutukoy ang iba’t ibang karunungang-bayan.

2. Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salita at matatalinghagang


pahayag sa mga karunungang-bayan.

3. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga


karunungang-bayan sa mga makabagong pangyayari sa buhay sa
kasalukuyan.

1
4
Subukin

A - Panuto: Basahin nang may kahusayan ang mga pahayag.Piliin at isulat sa


patlang ang titik ng may pinakatamang sagot sa bawat bilang. (A-D)

_______1. Ang karunungang-bayan ay panitikan sa panahon ng ____________.


A. Espanyol C. Katutubo
B. Amerikano D. Hapon

_______2. Ang karunungang-bayan sa panahon ng mga katutubo ay nalilipat sa


sumusunod na henerasyon sa pamamagitan ng ______________.
A. pasalin-dila C. teyp rekorder
B. bidyo rekorder D. pagsulat sa libro

_______3. Alin sa sumusunod na mga pagpipilian ang HINDI kabilang sa


natagpunan ng mga arkeologo na pinagsulatan ng mga katutubo ng panitikan?
A. makapal na papel C. piraso ng kawayan
B. makinis na bato D. matibay na kahoy

_______4. Isang pangungusap o tanong na may dalawa at nakatagong kahulugan


na nilulutas bilang isang palaisipan.
A. salawikain C. kasabihan
B. bugtong D. sawikain

_______5. Ang pahayag na “Kung ano ang puno, siya rin ang bunga” ay isang uri ng
karunungang-bayan na _______________.
A. salawikain C. bugtong
B. sawikain D. kasabihan

_______6. Ang kasagutan sa bugtong na “Kinatog ko ang bangka, nagsilapit ang


mga isda” ay __________________.
A. saging C. batingaw
B. kampana D. tambol

_______7. Tinatawag din itong idyoma o matalinghagang salita dahil ito ay salita o
mga salitang nagtataglay ng malalim na kahulugan.
A. kasabihan C. sawikain
B. salawikain D. epiko

_______8. Ang sumusunod na mga panitikan ay kabilang sa uri ng


karunungang-bayan MALIBAN sa ______________.
A. epiko C. kasabihan
B. bugtong D. maikling kuwento

5
2
B – Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Hanapin at bilugan ang mga
kasagutan sa WORD SEARCH.

P A T U L A E R T T
I E A E R W I N F A
K M L S M E E I R N
S H A U H N P J X G
I A M L A A I Z A U
Y R B I R N K Q L I
O R U T P R O S A N
N Q H L O V E S M G
I P A N I T I K A N
Z H Y X R S O P T T

1. Ibang katawagan sa salitang tuluyan na uri ng panitikan.

2. Nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, at mga karanasan sa paraang


pasulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

3. Tawag sa uri ng panitikan na tumutukoy sa mga tauhan o pangyayaring


kathang-isip lamang.

4. Akdang pampanitikan na nasa anyong patula na nagpapahayag ng


kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga
kaaway.

5. Akdang pampanitikan na tumutukoy sa pagsasalaysay ng mga pinagmulan ng


mga bagay-bagay sa daigdig.

6. Ang mga akdang tulad ng tula, epiko at bugtong ay sinusulat sa paraang


______________.

7. Di-piksiyong akda na naglalaman ng mga tala sa buhay. Ito ay mga


mahahalagang impormasyon at pangyayari sa buhay ng isang tao.

3
6
Aralin
Karunungang-bayan: Salawikain,
1 Sawikain, at Kasabihan

Balikan

Panuto: Ibigay ang mga impormasyon ng bawat hanay sa talahanayan sa ibaba


batay sa hinihingi ng paksa.

Paksa: Karunungang-bayan
Know Want to know Learned
Ano-ano ang mga alam Ano-ano ang mga nais Ano-ano ang mga
na? mo pang malaman? natutuhan mo?

Sa gawaing ito, nasubukan mong maisa-isa ang iyong mga bagay na Alam
na at Nais pang malaman tungkol sa paksa. Sa pagtatapos ng talakayan sa aralin
na ito, maisusulat mo rin ang mga Natutuhan mo sa KWL tsart.

4
7
Tuklasin

Kay
ni Erwin Sulit

Gising na ngunit ‘di parin matinag


sa pagkakahiga si Joel. Ano kaya itsura ng
Mataas na Paaralan
ng Bagong Pag-asa Joel! Bumangon ka na.
ngayon? mahuhuli ka na sa klase
mo!

Anak, huwag tulog mantika. Mag-ayos


ng sarili mo at mag-almusal ka na.
Mag-uumpisa na ang online class n’yo.

Opo Ma. Gusto ko Ok. Sige mag-almusal ka na


Oh! Ba’t nag-uniporme
lang po kasi na pero maghugas muna ng
Mama, ka pa? Online class kayo
maramdaman na kamay. Sa panahon ngayon,
nakaayos na di ba?
parang nasa “Ang ikahahaba ng buhay,
po ako. nasa paghuhugas ng kamay.”
paaralan ako.

85
Totoo yun. ‘Di lang yan. Sa Yung unang sinabi ni Mama tungkol
Ma… sa kamay, ok na, gets ko na. Pero
ngayon masasabi mong, “Sa
larangan ng digmaan, ito, ano yun? Bakit may digmaan eh
nakikilala ang tapang.” pandemya ang meron ngayon.

Sa online class sa Filipino 8, inumpisahan ni Bb. Sino sa inyo ang nakarinig ng isang
Santos ang talakayan sa pagbibigay ng isang tanong.
pahayag mula sa taong inyong kausap,
tapos hindi n’yo naman maintindihan ang
ibig ipakahulugan ng kanyang sinabi?

Ako po Mam.
Kanina lang po
ung Mama ko.

Oh. Ano naman kaya Yung una po niyang sinabi, “tulog mantika” tapos,
yung sinabi ng Mama “’Kapag naghugas ng kamay, hahaba ang buhay.”
mo na nagbigay sayo Naiintindihan ko po at alam kong sawikain at
ng kalituhan? kasabihan iyon. Pero ung isa po, hindi ko talaga
maintindihan Mam. Sabi nya “Sa larangan ng digmaan,
makikilala ang tapang.” Wala naman pong digmaan
ngayon Mam.

96
Sino sa inyo makapagbibigay ng Ang kahulugan po non Mam, lumalabas ang galing o
kahulugan ng pahayag na iyon? abilidad ng isang tao sa oras o panahon na
Ano kaya ibig kakailanganin ito. Halimbawa po ngayon may
pandemya, lumalabas po ang puso ng isang bayani
sabihin non?
sa mga tao upang makatulong sa kapwa.

Magaling Pat! Kung ang pahayag na “Sa Salawikain po


paghuhugas ng kamay, hahaba ang Mam.
buhay” ay tinatawag na kasabihan, at
ang “Tulog mantika “ ay sawikain,

Ano naman ang


tawag sa pahayag na
“Sa larangan ng
digmaan, makikilala
ang tapang”?

Magaling Carlo! Ang kasabihan, sawikain, Karunungang-bayan Mam!


at salawikain ay tinatawag na _________
na isang matandang panitikan.

Mahusay Joel!

Wakas
7
10
Pagpapaunlad ng Kaisipan:
Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang
buong papel.
1. Ano ang kaugnayan ng pamagat sa nilalaman ng binasang diyalogo?
2. Sa iyong palagay, naging mabisa ba para sa mga mag-aaral tulad ng
pangunahing tauhan ang pagkatuto sa distance learning (online class) batay
sa akdang binasa? Patunayan.
3. Sa new normal setting na distance learning, ano ang nais ipabatid na
mensahe ng binasang komiks sa mga mag-aaral na katulad mo?

Mga Tala para sa Guro


Isa ang distance learning sa mga paraan upang maipagpatuloy ang
pag-aaral sa kabila ng sitwasyon ng ating mundo sa kasalukuyan.
Hindi solusyon ang takot sa mga pagbabago. Kailangan natin itong
tanggapin at yakapin upang maihanda ang ating mga sarili sa mas
magandang bukas.

Suriin

Alam mo ba?
Ang salawikain, sawikain, at kasabihan ay kilala rin sa tawag na
karunungang-bayan. Ang karunungang-bayan ay panitikan sa
panahon ng katutubo. Tinatawag din itong matandang panitikan.
Sumibol ang panitikang ito bago pa man dumating ang mga
dayuhang Español sa ating bansa noong taong 1521.

Ito ay tumutukoy sa gawi o paraan ng pamumuhay ng mga


sinaunang Pilipino. Masasalamin rin sa karunungang-bayan ang
kaugalian, aral, at paniniwala na nagmimistulang gabay sa buhay
ng ating mga ninuno.

Ang mga panitikang ito ay nalilipat sa sumusunod na mga


henerasyon sa pamamagitan ng pasalin-dila. May mga
natagpuan ang mga arkeologo na panitikang nakasulat sa piraso
ng kawayan, matibay na kahoy at makikinis na bato ngunit ang
karamihan nito ay pinasunog ng mga dayuhang prayle nang
dumating sa ating bansa sa pag-aakalang gawa ang mga ito ng
masamang espiritu.

8
11
Salawikain – ito ay katutubong tula na may tugma at hitik sa mga gintong aral sa
buhay. Ito ay nagtataglay ng malalalim na pahiwatig o tagong kahulugan at mga
aral sa buhay.
Halimbawa:
1. Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang
tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal ng pagsasama ng magkasintahan,
mauuwi rin sa kasalan.
2. Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Kahulugan: Sa panahon ng kagipitan, matutong pagkasyahin o
tipirin kung ano lang ang meron ka.
3. Kung hindi uukol, hindi bubukol.
Kahulugan: Huwag asahang makamtan ang swerte kung hindi
naman nakalaan para sa iyo.

Sawikain – salita o mga salitang nagtataglay ng hindi literal na


kahulugan. Tinatawag din itong matalinghagang salita na may layuning
hindi makasakit ng damdamin ng iba.

Halimbawa:

1. Itaga mo sa bato.
Kahulugan: Tandaan

2. Ilista mo sa hangin.
Kahulugan: Kalimutan

3. Balat sibuyas
Kahulugan: pagiging manipis o maramdamin

Kasabihan – isang pahayag na nasa anyong patula. Tulad ng salawikain na


naglalayong magbigay aral at maging gabay sa buhay ngunit ito ay may
mababaw na kahulugan at mga salita ay ginagamit sa araw-araw na
pakikipag-usap.
Halimbawa:

1. Ang batang makulit, pinapalo sa puwit.


Kahulugan: Ang bata ay makakatikim nang palo kung siya
ay makulit.
2. Ang batang matalino, nag-aaral nang husto.
Kahulugan: Kung ikaw ay mag-aaral ng mabuti, ikaw ay
tatalino.
3. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
Kahulugan: Kung ayaw mong makaranas ng hirap sa
buhay, ikaw ay magsikap sa pagtatrabaho.

9
12
Pagyamanin

Ating subukin ang antas ng iyong pang-unawa matapos mong basahin ang
mga pahayag tungkol sa karunungang-bayan.

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Pagtapatin ang kahulugan sa Hanay A na tutugma sa salita sa Hanay
B. Gumamit ng linya para rito.

Hanay A Hanay B

Pahayag na nasa anyong tula. Salawikain


Nagbibigay ng aral sa buhay at
1. literal ang kahulugan

Kasabihan

Salita o mga salitang


matatalinghaga
2.
Panitikan

Isang matandang panitikan na


nagbibigay ng aral sa buhay at may
3. malalalim na kahulugan Sawikain

Pang-isahang Pagsusulit 1
Panuto: Tukuyin isa-isa ang mga katangian ng mga karunungang-bayan.
Isulat ang sagot sa tamang talahanayan sa ibaba.

Salawikain Sawikain Kasabihan

10
13
Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na karunungang-bayan. Isulat sa
patlang ang kung ito ay salawikain, kung kasabihan, at kung
sawikain.

_____1. Taingang- kawali


_____2. Bato-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.
_____3. Pusong-mamon
_____4. Ang batang iyakin, nagiging mutain.
_____5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
_____6. Lahat ng gubat ay may ahas.
_____7. Matalas ang dila
_____8. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
_____9. Magbiro na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
_____10. Ang batang malinis sa katawan, malayo sa karamdaman.

Pang-isahang Pagsusulit 2
Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na karunungang-
bayan. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.

1. Pusong-bato

2. Ang tumatakbo nang matulin, kung matinik ay malalim.

3. Ang batang matalino, nag-aaral nang husto.

4. Kabiyak ng dibdib

5. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.

11
14
Pang-isahang Gawain 3

Panuto: Piliin ang wastong karunungang-bayan na tumutukoy sa pahayag o sitwasyon sa


bawat bilang. Itiman ang puso na nagpapakita ng iyong sagot.

1. Pinigilan ni Jose ang kanyang kamag-aral sa ginagawa nitong pambu-bully sa


ibang mga bata.

Kung ano ang hindi mo gusto, huwag gawin sa iba.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

2. Minabuti ni Kaloy na ipagtapat sa kanyang ina ang katotohanan kahit alam niyang
siya ay maaaring mapagalitan.

Kung hindi uukol, hindi bubukol.

Walang lihim ang hindi nabubunyag.

3. Gumawa ng isang palatandaan ang magkaibigang Nadia at Karen na nagpapakita


ng kanilang matatag na pagkakaibigan.

Ilista mo sa hangin.

Itaga mo sa bato.

4. Bumalik si Doktor Jane Cruz sa kanyang bayang sinilangan upang magsagawa ng


panggagamot sa mga naapektuhan ng pandemya.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.

5. Ang mga frontliners ay handang magbigay nang tulong sa mga mamamayang


apektado ng pandemyang Covid-19.

Bukas-palad

Butas ang bulsa

15
12
Pang-isahang Pagsusulit 3
Panuto: Ibigay ang literal at nakatagong kahulugan ng sumusunod na karunungang-bayan.

Karunungang-bayan Literal na Kahulugan Nakatagong kahulugan

1. Nasa Diyos ang


awa, nasa tao ang
gawa.

2. Sala sa init, sala


sa lamig.

3. Mabulaklak ang
dila
4. Magbiro kana sa
lasing, huwag lang
sa bagong gising.
5. Kung ano ang
itinanim ay siyang
aanihin.

Isaisip

Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. Mahalaga ba ang karunungang-bayan sa buhay ng mga Pilipino?


Pangatwiranan ang sagot.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Ano ang naitutulong ng mga karunungang-bayan sa kabataang tulad mo?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga ng
mga kabataang tulad mo sa ating panitikan tulad ng karunungang-bayan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

1613
Isagawa

Isang pagbati dahil matagumpay mong natapos ang ilang bahagi para sa
araling ito. Ngayon ay susubukin ang iyong galing sa isang gawaing susukat sa
iyong kamalayan tungkol sa mga pangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan.

Pumili ng isa sa tatlong paksa at sumulat ng talata na naglalaman ng iyong


sariling saloobin tungkol sa paksang napili. Gumamit ng karunungang-bayan sa
iyong sulatin ayon sa napiling paksa.

Ang iyong sinulat ay mamarkahan ayon sa mga pamantayan na nakatala sa


ibaba.

Paksang Pagpipilian:

1. New normal setting ng edukasyon sa Pilipinas (Salawikain)


2. Gampanin ng mga frontliners sa panahon ng pandemya (Sawikain)
3. Pakikipagkapwa-tao sa panahon ng Covid-19 (Kasabihan)

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_

14
17
Pamantayan sa Pagmamarka ng Sulatin

Pinakamahusay Mahusay Di gaanong Mahusay


PAMANTAYAN
5 puntos 4 puntos 3 puntos Marka

Nakapagbigay ng higit Nakapagbigay ng


Nakasusulat ng talata Nakapagbigay ng hindi hihigit
sa tatlong punto o tatlong punto o
sa dalawang punto o
tungkol sa napiling mensahe tungkol sa mensahe tungkol sa
mensahe tungkol sa paksa.
paksa paksa. paksa.

Naiugnay ang Lubhang naipakita ang Naipakita ang


Hindi gaanong naipakita ang
mensahe ng kaugnayan ng napiling kaugnayan ng napiling
kaugnayan ng napiling
karungang-bayan sa karungang-bayan sa
karunungang-bayan paksa ng talatang paksa ng talatang
karungang-bayan sa paksa
sa paksa ng talatang ng talatang sinulat.
sinulat. sinulat.
sinulat
Kabuuang Marka /10

Tayahin

Ang iyong kahusayan ay bunga ng iyong sipag at tiyaga sa pag-abot sa


bahaging ito ng ating aralin.

A. Panuto: Basahin nang may kahusayan ang mga pahayag.Piliin at isulat sa


patlang ang titik ng may pinakatamang sagot sa bawat bilang. (A-D)

_______1. Ito ay panitikang patula na ipinasa ng ating mga ninuno. Nagbibigay ng


paalala at aral sa buhay at ginamitan ng mga salitang hindi malalim ang kahulugan.
A. salawikain C. kasabihan
B. sawikain D. idyoma

_______2. Panitikang sumibol sa panahon ng mga katutubong Pilipino bago pa


dumating ang mga Español.
A. karunungang-bayan C. moro-moro
B. panitikan D. sarswela

_______3. Tinatawag din itong idyoma at nagtataglay ng mga salitang malalalim ang
kahulugan.
A. salawikain C. kasabihan
B. sawikain D. karunungang-bayan

_______4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa salawikain?


A. Uri ng karunungang-bayan na patula, nagtataglay ng mga aral sa buhay at may
malalalim o matatalinghagang salita.
B. Matatalinghagang salita
C. Uri ng karunungang-bayan na patula, nagtataglay ng mga aral sa buhay
D. Tula na may malalalim na kahulugan

15
18
_______5. Ang pahayag na “Kung ano ang puno, siya rin ang bunga”, ano ang
kahulugan na tumutukoy sa salitang puno sa ibinigay na pahayag?
A. lalagyang maraming laman C. anak
B. magulang D. mataas na halaman

______6. Ang sawikain na “makapal ang palad” ay may katumbas na kahulugan


na_____.
A. maraming kalyo ang kamay C. mapanakit
B. tamad maghugas ng kamay D. masipag

______7. Ano ang kahulugan ng pahayag na, “Kung anong itinanim ay siyang
aanihin.”
A. Matutong magtanim ng puno at gulay
B. Ang pagpuputol ng mga puno ay nakasasama sa kapaligiran.
C. Kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang mangyayari sa’yo.
D. Kung ano ang ugali ng ama, ganoon din ang magiging anak.

______8. Sa pahayag na “Ang mga nars ay lantang-gulay dahil walang tigil sa


pagbabantay sa ospital”, ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. nahawa ng sakit C. sobra ang pagod
B. natuyot na gulay D. taong ‘di kumakain ng gulay

______9. Ano ang mensahe ng kasabihan na “Nasa paghuhugas ng kamay ang


ikahahaba ng buhay.”?
A. Sa palaging paghuhugas ng kamay makaiiwas na mahawa ang tao sa sakit tulad
ng Covid-19.
B. Humahaba ang buhay ng tao dahil sa malilinis na mga kamay.
C. Nagiging immortal ang tao kapag malinis ang kamay.
D. Nakagagaling ng sakit ang may malilinis na mga kamay.

______10. Alin sa mga sumusunod na pangyayari maaaring iugnay ang salawikaing


“Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan?”
A. Nars at doktor na nanggagamot sa mga pasyenteng nahawahan ng Covid-19.
B. Maraming tao ang buong pusong tumutulong sa iba.
C. Mga puro komento at utos ang ginawa ng mga tao sa iilang tumutulong sa
kanilang kapwa.
D. Mamamayang nagbibigay ng ayuda sa panahon ng Enhanced Community
Quarantine

B. Panuto: Muling balikan ang KWL tsart sa bahaging SUBUKIN at isa-isang


isulat ang iyong mga natutuhan sa pagtalakay sa araling ito. 5 puntos para sa
iyo. Binabati kita!

19
16
Karagdagang Gawain

Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng karunungang-bayan sa mga aspeto ng iyong


buhay. Gawing gabay ang tsart sa ibaba.

Pangalan

Karunungang-bayan

Diyos Sarili Kalikasan

Naging matiwasay ba ang iyong paghahanap sa mga bagong kaalaman?


Huwag isiping ito ang huli, sapagkat nag-uumpisa pa lamang ang iyong pagkamit sa
tagumpay. Ngunit, heto muna ang wakas, hanggang sa muling pakikibaka. Pagbati,
mahusay ka!

17
20
18 21
Subukin Balikan Pagpapaunlad ng Kaisipan
A. (Batay sa pananaw ng mag-
1. Natukoy ang iba’t ibang
1. C 5. A karunungang-baya
aaral)
2. A 6. B
3. A 7. C 2. Nabigyang kahulugan ang
4. B 8. D mga makabuluhang salita
/ matatalinghagang
B. pahayag sa mga
1. Prosa karunungang-bayan
2. Panitikan
3. Piksiyon 3. Naiugnay ang
4. Epiko mahahalagang kaisipang
5. Alamat nakapaloob sa mga
6. Alamat karunungang-bayan sa
7. Talambuhay mga pangyayari sa tunay
na buhay sa kasalukuyan
Pang-isahang Pagsusulit 1 Pang-isahang Gawain 2
Pagyamanin
Pang-isahang Gawain 1 Salawikain: 1. 6.
1. May aral sa buhay 2. 7.
1. Kasabihan 2. Anyong patula 3. 8.
2. Sawikain 3. May malalim na kahulugan 4. 9.
3. Kasabihan 5. 10.
Sawikain:
1. Salita o mga salita na may Pang-isahang Pagsusulit 2
nakatagong kahulugan (Batay sa pananaw ng mag-
2. Matalinghaga
aaral)
Kasabihan:
1. Anyong patula
2. May aral sa buhay
3. Literal ang kahulugan
Isaisip Tayahin B
Pangisahang Gawain 3
(Ayon sa guro ang
1. 4. - Natukoy ang mga
pagwawasto)
karunungang-bayan.
- Nabigyang-kahulkugan
2. 5. ang matatalinghagang
Isagawa pahayag sa karunungang-
(Pagwawasto ng guro batay bayan.
sa ibinigay na rubriks) - Naiugnay ang kaisipang
3. nakapaloob sa
karunungang-bayan sa mga
Tayahin A pangyayari sa tunay na
1. C 6. D buhay sa kasalukuyan.
Pang-isahang Pagsusulit 3 2. A 7. C
3. B 8. C Karagdagang Gawain
(Ayon sa guro ang 4. A 9. A (Batay sa pananaw ng mag-
pagwawasto) 5. B 10. C aaral)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Agnes, Wilma G., Ruiz, Florian L. at Tiongson, Pat C. (2014) Ang Batikan I Salamin ng
Kahapon, Balikan Ngayon, Educational Resources Corporation, Philippines

Canubas, Charissa L. (2018) Mga Karunungang-bayan at Kantahing-bayan, slideshare.net,


https://www.slideshare.net/CharissaLongkiao/mgakarunungang-bayan-at-kantahing-
bayan-87834924

22
19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

20

You might also like