You are on page 1of 1

Galvez, Lady Xyrille S.

BSECE 2-5
Hindi maitatanggi ang impluwensya ng panitikan sa paghubong ng ating pagkatao o sa
kung ano tayo sa ngayon. Ito ay naging ating gabay tungo sa pagbuo ng ating mga gawi,
paniniwala, o kaya naman ay mga opinyon na ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay.
Bilang isang estudyante, isang gawi na para saakin ang maatasan na tumuklas at gumamit ng mga
iba’t-ibang anyo ng panitikan na kung saan ay ang bawat isa nito ay natatangi. Kamangha-mangha
ang karamihan sa mga ito ngunit ang aking napiling panitikan ay isang libro na aking binasa para
sa aking oras ng paglilibang. Ang librong ito ay ang “7 Habits of Highly Effective People” na
isinulat ng Amerikanong autor na si Stephen Covey. Isa itong “self-help” o “self-improvement”
na libro na kung saan milyon-milyong tao na ang nakabasa kabilang na ang ilang mga sikat na
personalidad at mga kagalang-galang na mga lider ng isang bansa at mga tanyag na kompanya. Ito
ang kauna-unahang libro na aking nabasa mula sa ganoong kategorya at nilampasan nito ang aking
mga inaasahan. Sa librong ito ay tinalakay kung paano masolusyonan ang mga kinakarap na
problema mula sa malalim na perspektibo ng tao at nang sa gayon ay magiging tulay ito sa pag-
unlad ng sarili. Dito ko natutunan na hindi dapat sa mga kung ano-anong pansamantalang
motibasyon ko ibabatay ang aking pamumuhay at perspektibo kundi sa mga mahahalagang
prinsipyo na binuo at nilinang mula pa sa dating panahon. Ito ay palaging mananatiling totoo at
maaasahan at maaaring maging pundasyon ng pagbuo ng sariling karakter. Higit sa lahat, dito ko
natutuhan ang kahalagahan ng aksyon, sapagkat hindi sapat ang pag-konsumo o pag-babasa
lamang, upang ito ay maging ganap, nararapat na isabuhay ang natutuhan.

You might also like