You are on page 1of 1

GALVEZ, LADY XYRILLE S.

BSECE 2-5

Madaming mga kwento ang bumubuo sa ating paligid na maaaring pamilyar tayo o hindi.
Sa tulong ng pinayamang panitikan, ito ay mas naging madali itong makamit at matuklasan.
Pasulat, pasalita o sa paraang pagtatanghal man ay epektibo nitong naipapahayag saatin ang mga
naratibong ating magagamit para sa ating pansariling kapakinabangan o layunin. Ngunit tila ang
pinakamadaling paraan nito ay ang pagsasalin-salin mula sa mga tao na pinagbubuklod ng iisang
kultura at kasaysayan. Sa mga taong nakapaligid sa atin, tiyak ay madami tayong makukuha at
malalaman na mga istorya. Aking tinanong ang akong Ina ng isang halimbawa ng kwento na
naisalin sa kaniya, at nagsimula ang kanyang kwento sa malumbay na paraan. Sinabi nya saakin
na noong panahon ng pananakop ng Hapon, ang aking Lola ay may kinaharap na isang kakaibang
pagsubok, siya ay tila ba nawalan sya ng karapatan sa pag ganap na isang babae. Delikado at
komplikado ang lahat para sakanila noon. Bilang solusyon, siya at ang kaniyang kapatid ay
napilitan na gumanap bilang isang lalaki. Nag-gupit ng buhok, nag-iba ng kasuotan at iniba ang
kanilang kilos at galaw. Noong una ay hindi ako naniwala, paano naging posible na mangyari
iyon? Tila ba ang sitwasyon ay sobrang lala para sa katulad nila. Hindi ko lubos maisip na
kinakailangan nila iyong gawin para sa kanilang seguridad. Dahil dito, napukaw ang atensyon ko
at naging interesado muli ako sa pangyayari ng nakaraan. Mula rito, nalaman ko din ang mga
kalunos-lunos na sinapit ng karamihan sa kababaihan noon. At natitiyak ko, hindi lamang ang Lola
ko ang napilitan sa pag-gawa nito nung panahon na iyon. Madaming babae sa ilang parte ng bansa
ay napilitang itago ang sariling kasarian at kalayaan kapalit ng kaligtasan. Naging tulay ang
kwentong ito tungkol sa ng aking Lola upang hindi makalimot, na hindi na muling dapat mag-pa
api at ipaglaban ang aking karapatan bilang babae. Na sa panahon ngayon, tuloy parin ang
pakikipaglaban tungo sa pantay na pagtingin at pagtrato saamin sa isang patriyarkal na lipunan. At
sinisigurado ako, kung mabibigyan ng pagkakataon, ay layon kong ibahagi ang kwentong sa mga
kabataan na bubuo ng susunod na henerasyon.

You might also like