You are on page 1of 1

GALVEZ, LADY XYRILLE S.

BSECE 2-5

Mayroong dalawang anyo ang panitikan- anyong tuluyan at anyong patula. Ang pahayag
ni Kim Chu tungkol sa isyu ng ABS-CBN ay nasa anyong tuluyan na may malayang paghahabi
ng bawat pangungusap at pang-karaniwan lamang ang takbo ng kaniyang pakikipag usap sa mga
manonood. Matapos mag-viral ang video ni Chu sa Internet ay ginawan niya pa ito ng isang awitin.
Kung bibigyang pansin ang mga salita na ginamit ni Kim Chu sa kanyang pahayag ay makikita
ang pagkakahawig nito sa isang akdang nasa anyong patula. Hindi man sadya, gumamit si Kim ng
mga salitang magkakatunog sa dulo ng kanyang mga pangungusap kagaya ng batas at lumabas.
Pinaulit-ulit din jiya ang paggamit ng salitang lumabas, na parang siya ay may sinusundang
tugmaan. Madali na lamang ang naging transisyon ng pahayag niyang ito bilang isang awitin.
Nilagyan ng tono at dinugtungan pa ng ibang salita sa anyong patula. Mas humaba pa ang
pagsasalaysay niya ng kaniyang saloobin at nagsilbing chorus ang mga salitang binitawan niya sa
nag-viral na video. Tunay nga talagang nakakamangha ang mga Pilipino sa pagiging likas na
malikhain sa kahit anong aspesto ng buhay. Sinong mag-aakala na makakagawa si Kim Chu ng
iaang buong awitin dahil lamang sa mga nabitiwan niyang pahayag dala ng damdamin. Malayo
talaga ang mararating ng mga Pilipino kung patuloy kang nilang pagyayamin ang kanilang mga
talento sa buhay.

You might also like