You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

PROVINCIAL PROSECUTION OFFICE OF RIZAL


Cabrera Road Hilltop, Taytay, Rizal

SOUTHERN FILLERS
CORPORATION represented by NPS DOCKET NO. XV-
Karen Q. Sernero,
For : Qualified Theft, Article 310 in
Complainant, relation to 308 and 309, Revised
Penal Code
- versus -

Marvic C. Cafirma ,

Respondent

x------------------------------------x

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si CAMILLE GRACE DM BATION, nasa hustong gulang, at


kasalukuyang naninirahan sa National Road, Barangay Calumpang,
Binangonan, Rizal matapos manumpa ayon sa batas, dito ay
nagsasalaysay:

1. NA, ako ay empleyado bilang staff/encoder ng Southern


Fillers Corporation. Lakip ang aking Certificate of
Employment bilang Annex “A”;

2. Noong Setyembre 14, 2020 araw ng lunes noong mawala


ang perang nagkakahalaga ng Php129,103.00 na dapat ay
ireremit ni Mavrick Cafirma na ahente at driver. Ang nasabing
pera ay galing sa deliver kay emanok na isang outlet;

3. Sinabi ni Mavrick, noong Lunes, Setyembre 14, 2020 ay


nawawala ang pera ni emanok na deliver pa noong Setyembre
12, 2020. Hinahanap nya ang pera pero wala. Sabi nya
binilang nya ang pera duon kay emanok bago sila umalis.
Nilagay nya daw ang pera sa eco-bag na itm at nilagay nya sa
likod ng sandalan ng upuan ng truck na may plakang RBN
219;

4. Pagkagaling nila kay emanok kasama ang dalawang


pahinante na si Reynate Buslay at Richard Bansil.
Sila ay bumalik ng bodega. Tinanong ng dalawa
kung kakain muna o magkakarga muna para sa
second load (planting). Ang sabi ni Marvick ay
kakain muna sila pero wala siyang dalang eco-bag
na lagayan ng pera galing kay emanok. Pagkatapos
nilang kumain sila ay nagkarga na at nag planting sa
Sunshine Fiesta Subdivision. Meron silang apat na
customer na pinuntahan pagkatapos ay dumerteso
na sila kay Beth at Ang. Si Ang ang huli nilang
customer. Dun na sila inabot ng gabi ng sabado.

-1-
5. Dumaan ang lingo wala kaming pasok at nag Lunes,
duon na nya daw nalaman na nawawala ang pera sa
emanok noong bibilangin na nya ang pera ni
emanok. Sinabi pa nya na bakit anduon pa daw ang
pera ni Lucelle ng Byernes pa pero ang pera ni
emanok ng sabado ay wala.

6. Tinanong namin sya kung nasaan ang pera. Paulit


ulit ang sabi nya ay nakalimutan daw nya ilagay sa
vault. Nawala daw sa isip nya.

7. Ang nasabing sumbong ay puno ng batayan sa batas at


katotohan na pinatutunayan ng mga ebidensyang nakalakip
dito;

8. Dahil sa mga nabanggit hinihiling sa Kagalanggalang na Taga-


Usig na makitang may Probable Cause para maisampa ang
sumbong na paglabag sa Art. 310 na Qualified Theft o ng
kung anong paglabag na sa tingin ng taga-usig ay
nararapat;

Aking nilagdaan nitong ____________________ dito sa Taytay, Rizal.

CAMILLE GRACE DM. BATION


Nagsasalaysay

SINUMPAAN SA AKING HARAP nitong ________________________ dito


sa _______________________. Aking pinatutunayan na ang nagsasalaysay ay
aking personal na kinapanayam at naniniwala at kuntento at itong kanyang
Sinumpaang Sumbong na Salaysay ay kanyang boluntaryong ginawa at kanyang
naiintindihan ang nilalaman nito.

______________________________
Pangalawang Tagalitis

-2-

You might also like