You are on page 1of 35

ISANG PANANALIKSIK SA KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG BARANGAY

ZAPOTE II, LUNGSOD NG BACOOR, PROBINSYA NG CAVITE

Ipinasa Kay

Ginoong Narciso L. Cabanilla

Bilang bahagi ng pagtupad sa Pang-huling Pangangailangan sa Readings in Philippine History

GEED 10033

Ipinasa nina

Aldeguer, Carla Marie

Amolong, Gerelyn

Del Mundo, Marl Jade Kenneth

Manilay, Kenneth

Sacbibit, Angelou

BSMA 1 – 2
PAGKILALA

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay hindi tuluyang maisasakatuparan kung hindi


dahil sa mga taong naghatid ng kanilang tulong.

Una sa lahat, ang mga mananaliksik ay nais magbigay ng pasasalamat kay Ginoong
Narciso Cabanilla, na lubos na sumuporta sa pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbabahagi
ng kanyang mga kaalaman.

Sa pamilya ni Bb. Carla Marie Aldeguer, kami ay lubos na nagpapasalamat, na taos


pusong binuksan ang kanilang tahanan para sa mga mananaliksik at sa mainit na pagtanggap
habang isinasagawa ang pananaliksiksik.

Sa mga opisyal ng Barangay Zapote II at sa mga residente nito, pasasalamat ang hatid ng
mga mananaliksik para sa kanilang naging kooperasyon, pakikiisa at pagbibigay ng mga
impormasyon na lubos na nakatulong para sa pananaliksik na ito.

Sa mga magulang, na patuloy na nagbibigay ng suporta at pagmamahal.

At higit sa lahat, ang mga mananaliksik ay abot-langit na nagpapasalamat sa Diyos, para


sa Kanyang patuloy na pag-gabay at pagbibigay ng kaalaman.

2
PAGHAHANDOG

Inihahandog ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito sa mga residente ng Barangay


Zapote II, Lungsod ng Bacoor, na sumuporta at nakiisa sa paggawa ng pananaliksik na ito.

At sa mga mananaliksik sa hinaharap, nawa ay magsilbi ang pananaliksik na ito bilang


dagdag kaalaman para sa mga susunod pang gagawing pananaliksik sa Barangay Zapote II.

3
TALAAN NG NILALAMAN

GEOGRAPIKAL NA LOKASYON

OPISYALES NG BARANGAY

Maikling Kasaysayan ng Bacoor

Ang Bacoor ay dating parte ng bayan ng Palanyag na ngayon ay kilala bilang Parañaque.
Ang Bacoor ay nagmula sa salitang “bakod” na ang ibig-sabihin sa Filipino ay harang o sa
ingles ay fence. Sapagkat noong unang panahon, ang Bacoor ay nahaharangan ng mga
matatabang bamboo grove mula Zapote hanggang Sitio Talaba.

Naging malaki rin ang kontribusyon ng Bacoor ng paglaya ng Pilipinas. Noong ika-15 ng
Pebrero 1897 ay naganap ang Battle of Zapote Bridge na pinangunahan ni Heneral Emilio
Aguinaldo. Nagtagumpay ang rebolusyon ng mga Pilipino sa pagbawi ng Cavite sa mga Kastila
at tuluyang pagsakop ng mga Amerikano rito. Pagsapit ng ika-4 ng Hulyo taong 1898 ay
tinagurian ang Bacoor bilang kapital ng Philippine Revolutionary Government. Noong ika-1 ng
Agusto taong 1898 ay nagpatawag si Heneral Emilio Aguinaldo ng pagpupulong upang
panumpain ang mga halal na municipal at provincial president at tuluyang pagtibayin ang
bagong Act of Independence na isinulat ni Apolinario Mabini. Ang pagpupulong na ito ay
tinawag na Bacoor Assembly of 1898 – the Solemn Proclamation of Independence by the
Filipino People na pinirmahan ng 200 delegado at ni Heneral Emilio Aguinaldo na kalaunan ay
ipinagtibay sa Malolos Congress.

Noong ikaw-28 Setyembre taong 1671 ay ganap na naging bayan ang Bacoor. Taong
2010 ay naging lone district ang Bacoor at taong 2012, ika-23 ng Hunyo naman nang idineklara
bilang lungsod ito.

4
BARANGAY PROFILE

Maikling Kasaysayan ng Barangay Zapote

Ang Lungsod ng Bacoor ay ganap na nahati sa 73 Barangays sa ilalim ng Provincial


Ordinance No. 24 Series of 1990. Isa sa mga barangay na ito ay ang Barangay ng Zapote II na
kabahagi ng Zapote V (Hilagang Bahagi), Zapote IV (Timog na Bahagi), Zapote I (Silangang
Bahagi) at Zapote III (Kanlurang Bahagi).

Noong unang panahon, ang barangay ng Zapote ay tinatawag na “Pulong Matae” dahil
karamihan sa mga mamamayan nito ay kung saan saan lamang itinatapon ang kanilang mga
dumi. Ito rin ay dating napapaligiran ng palayan at pilapil. Nang mga panahon ding ito, hindi pa
maunlad sa aspeto ng teknolohiya ang komunidad kaya’t wala silang sistema ng patubig o water
line, kaya naman kinakailangan pa noon ng mga residenteng pumili at umigib ng rasyon ng tubig
sa tangke mula sa ibang bayan.

Ang pangunahing ikinabubuhay noon sa Barangay Zapote ay asinan, pagsasaka at


pangingisda. Dahil sa kakaunti pa lamang dati ang mamamayan ng barangay na ito, malawak ang
lupang maaring pagtaniman at pagsakahan, gayundin, malinis pa ang kilalang Zapote River kung
kaya rito ay nangingisda ang mga mamamayan upang kainin o di kaya ay ipangkalakal.

Naging bahagi rin ng kasaysayan ng Zapote ay ang Imelda Avenue, na noo’y magandang
kalsada at walang nakatirik ng mga kabahayan. Tinawag itong Imelda dahil doon nagpasyang
lumipat ang mga residente ng Imelda, Parañaque matapos gibain ang kanilang tirahan sa bayan
ng Parañaque.

5
Kwento ng mga nakatatandang mamamayan ng Zapote, ang noo’y palayan ay ang
ngayo’y paaralan ng Zapote na kilala bilang Zapote Elementary School. Ito ay naitayo sa
panahon ng panunungkulan ng Kapitan ng Barangay na si Loreto D. Fabian. Ang panunungkulan
ni Kapitan Fabian ay tumagal ng walong (8) sunod-sunod na taon mula taong 1983-1991. Napasa
lamang ang posisyon kay Kapitan Eduardo Ocampo matapos manalo ni Kapitan Fabian sa mas
mataas na posisyon bilang Town Councilor.

Isang taon ang lumipas, naganap ang kauna-unahang halalan ng Barangay Zapote II at
nailuklok si Ernerto Eusebio bilang Kapitan ng Barangay. Sya ang kauna-unahang naging
Kapitan sa pamamagitan ng demokratikong halalan. Ang panngunahing nagawa sa ilalim ng
panunungkulan ni Kapitan Eusebio ay ang pagbubukas ng mga kalsada at sariling Daycare
Center ng Barangay. Natapos ang kanyang panunugkulan noong 1997 na nagumisa noong 1991.

Sa sumunod na halalan, nabigo si Kapitan Eusebio sa kanyang muling pagtakbo at ang


naihalal ng bayan ay si Kapitan Percival Espiritu. Tumagal ang panunungkulan ni Kapitan
Espiritu mula taong 1997-2002. Sa ilalim ng kanyang termino, naipatayo ang kauna-unahang
Multi-Purpose Hall ng Barangay Zapote II at sarili nitong Barangay Hall.

Sa sumunod na pagkakataon, muling tumakbo at naihalal na Kapitan si Eusebio at


pinamunuhan ang barangay mula taong 2002-2006. Noong 2006, bagong kapitan ang naihalal sa
katauhan ni Ramos Bautista. Sa mahabang panahong panunugkulan ni Kapitan Bautista (2007-
2013) naitayo ang mga street signages at naisagawa ang rehabilitasyon ng Barangay Hall. Ngunit
sa kasamaang palad, sa gitna ng kanyang termino, noong ika-11 ng Agusto taong 2013,
namayapa si Kapitan Ramon Bautista. Kung kaya’t naipasa sa asawa nito na si Lorinda Bautista
ang panunungkulan bilang Kapitan ng Barangay Zapote II.

Sa kasalukuyan, ang Barangay Zapote II ay nasa ilalim ng panunungkulan ni Kapitan


Lorinda Bautista, ang kauna-unahang babaeng kapitan na nahalal noong taong 2013. Hanggang
sa kasalukuyang taon, si Kapitan Lorinda pa rin ang nanunugkulan sa Barangay at hindi
maipagkakaila ang maraming naging ambag ng kanyang panunungkulan sa Barangay. Sa ilalim
ng kanyang termino, naipagawa ang Barangay Outpost, paglalagay ng CCTV sa bawat kanto ng
Barangay, at maging ng mga street lights.

6
Katangi-tanging Kaganapang Pangkasaysayan

Ang tulay ng Zapote o mas kilala bilang Zapote Bridge ay tulay na nasa ibabaw ng
Zapote River na nagdurogtong ng lungsod ng Las Piñas at Bacoor, probinsya ng Cavite. Ang
tulay at ang paligid nito ay maituturing na makasaysayan sapagkat naging saksi ito sa dalawang
labanan, una ay ang tinatawag na Battle of Zapote Bridge na naganap noong taong 1897,
panahon ng Philippine Revolution at ang Battle of Zapote River, noong taong 1899, panahon ng
Philippine-American War.

Labanan sa Tulay ng Zapote (Battle of Zapote Bridge)

Ang labanan na ito sa pagitan ng mga Pilipinong rebolusyonaryo na pinangunahan ni


Heneral Emilio Aguinaldo at mananakop na Kastila na pinangunahan naman ni Gobernador
Heneral Camilio de Polavieja ay naganap noong ika-17 ng Pebrero taong 1897. Lumaban ang
nasa 10,000 hukbo ng Pilipino gamit lamang ang kanilang sibat, bolo at mga sariling gawang
baril. Maituturing na panalo ito ng mga Pilipino sapagkat mayroong 441 nasawing Kastila,
humigit kumulang 870 sugatan at 313 na sundalong Kastila ang nadakip.

Labanan sa Ilog ng Zapote (Battle of Zapote River)

Ika-13 ng Hunyo taong 1899, panahon ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa


pananakop ng mga Amerikano nang mangyari ang Laban sa Ilog ng Zapote. Sa labanang ito
makikita ang kakulangan sa mga modernong armas ng mga Pilipinong maghihimagsik. Kung
kaya naman sa labanan na ito, hindi nagtagumpay ang mga makalumang armas at istratehiya ng
mga Pilipino laban sa mga moderno’t malalakas na armas ng mga Amerikano. Sa labanang ito,

7
walang nagawa ang mga Pilipino kundi umatras na lamang. Ngunit sa kabila ng pagkabigo na
ito, hindi matatawaran ang kanilang katapangan, kabayanihan at pagmamahal sa bayan.

Pag-unlad ng Barangay Zapote II

Mula sa pagiging “Pulong Mate”, lugar nang malawak na palayan, hindi maayos na
sistema ng patubig at hindi maayos na kalsada, ang Barangay Zapote ay naging isang maayos at
sibilisadong barangay - kung saan bawat tahanan ay nakatatanggap ng suplay ng tubig, may
maayos na kalsadang maaring daanan ng transportasyon at ng mamamayan nito at higit sa lahat
ay itinuring pang “3rd Placer for Cleanest & Greenest Barangay (Coastal Category)” noong taong
2018.

Kasalukuyan

Sa kasalukuyan, ang Barangay Zapote II, ang mga namumuno nito at kasama ang mga
mamamayan nito ay nagtutulong-tulong sa layunin na mas paunlarin ang kanilang komunidad sa
iba’t ibang aspeto gaya ng pang-kapaligiran, pang-edukasyon, pang-kaligtasan, at pang-
kabuhayan.

8
GEOGRAPIKAL NA LOKASYON

9
Ang Barangay Zapote II ay napapalibutan ng mga sumusunod na barangay; Barangay Zapote I sa
bandang Silangan; Barangay Zapote III sa bandang Kanluran; Barangay Zapote IV sa Timog, at;
Barangay Zapote V sa bandang Hilaga.

MGA OPISYALES NG BARANGAY

10
Kasalukuyang Opisyales ng Barangay Zapote II

Lorinda G. Bautista
Barangay Captain

Marilyn D. Garcio
Barangay Secretary

Laylani F. Al Saadi
Barangay Treasurer

Mga Kagawad:

Ordan O. Kasan

Medel D. Fabian

Mial A. Tindugan

Christian A. Quevada

Joselito B. Alvarez

Norberto G. Migar

Marissa A. Pasa

Kasalukuyang Sangguniang Kabataan ng Barangay Zapote II

11
Rad Wesley C. Eusebio
SK Chairman

Mark Lester
SK Secretary

Jonathan Lopez
SK Treasurer

SK Kagawad:
Marlon Brando Sabater

Dean Morris Oraliza

Erol Giganto

Lea May Dalina

Kristoff Desinganio

Melchor De Jesus

Jimmy Castillo

12
Barangay Zapote II Organizational Chart

13
Mga Namuno

Barangay Capt. Loreto D. Fabian Barangay Captain Ernesto A.


Eusebio
1983-1991 1991-1997 & 2002-2006

Barangay Captain Percival Espiritu Barangay Captain Ramon T. Bautista


1997-2002 2007-2013

Barangay Captain Lorinda G. Bautista


2013- Present
SAKLAW NG BARANGAY

14
Pisikal na Katangian

Ang Barangay Zapote II ay isa sa pitongpu’t-tatlong (73) barangay sa Lungsod ng Bacoor.


Ito ay may lawak na 309 hektarya. Ang hangganan nito ay; sa Kanluran ay Barangay Zapote I, sa
Silangan ay Barangay Zapote III, sa timog ay ang Barangay Zapote IV, sa hilaga ay ang
Barangay Zapote V. Mapapansin na magkadikit-dikit lang talaga ang mga nasabing barangay.

Ang Barangay Zapote II ay matatagpuan sa 14.4610, 120.9653 metro sa kalakhang Luzon


at may taas na umaabot sa 7.4 metro o 24.3 ft. above mean sea level. Halos kalahati ng lupa sa
Barangay ay residential areas at ang natira ay lupang pangkomersyo.

Mga Pasilidad ng Barangay Zapote II


Maraming pasilidad sa Zapote II ang nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan nito. Ang
ilan sa mga mga pasilidad na ito ay matatagpuan sa mismong barangay kung saan mayroong
isang gusali lamang at may dalawang palapag. Ang mga pasilidad na ito ay namamalagi. Narito
ang mga pasilidad na mayroon ang Barangay Zapote II:

Facilities Quantity
Barangay Hall 1
Open Court (Whole Court) 1
Open Court (Half Court) 1
Public Elementary School 1
(Zapote Elementary School)
Chapel 1
Health Center 1
Daycare Center 1
Multi Purpose Hall 1

15
Dokumentaryo ng mga Ilan sa Pasilidad ng Barangay Zapote II

BARANGAY MULTI-PURPOSE HALL ZAPOTE ELEMENTARY SCHOOL

16
DAYCARE CENTER BASKETBALL COURT

Mga Mahahalagang Establisyemento ng Barangay Zapote II

Establisyimento Bilang

Malls -

Bangko -

Ospital -

Convinience/Sari-Sari Stores 36

Simbahan 1

Pribado -
Paaralan
Pampubliko 2

Pabrika -

Gasolinahan -

Palengke at Talipapa 2

Government Institutions 2

Foreign Government Embassy -

Utility Company -

17
Pamamahala sa Basura

Ang Barangay Zapote II ay nagsasagawa ng “Proper Segregation or Waste Management”


o ang pagtatapon ng mga basura sa mga itinakdang tapunan gaya ng mga trash bins na makikita
sa bawat kanto ng buong barangay at paghihiwalay ng mga basurang nabubulok, di-nabubulok at
nareresiklo. Mayroon din silang karampatang multa sa mga mahuhuling lumabag sa kanilang
ordinansa ukol sa pamamahala sa basura. Karagdagan pa sa mga ito, may mga street sweepers
din na itinalagang mag-linis sa bawat bahagi ng barangay.

18
Kapayapaan at Kaayusan

Ayon sa panayam ng mananaliksik kay Kapitana Lorinda, araw at gabi ay may umiikot
na mga barangay tanod upang siguruhin ang kapayapaan ng barangay. Gayundin, sinisiguro rin
nila ang kaayusan sa pamamagitan ng pagsugpo ng kaguluhan o di kaya ay di pagkakaunawaan
sa pagitan ng mga mamamayan ng Baragay Zapote II. Ipinagmamalaki ng barangay na malapit
na maisakatuparan ang layunin nitong maging drug-free ang barangay. Sa tulong ito ng mga
CCTV na nakalagay sa iilan sa kanilang mga poste sa barangay na nasusubaybayan ang mga
tao. Mayroon din silang ordinansa na sinusunod kagaya ng pagbabawal ng paggamit ng karaoke
o kahit anong sound system na maaaring makapagdulot ng distorbo o ingay sa mga kapitbahay.

May ipinapatupad silang curfew para sa mga kabataang nasa edad 18-taong-gulang
pababa. Pagsapit ng alas nuwebe ng gabi ay may umiikot na patrol mobile upang hulihin ang
mga na kabataan na gumagala nang lagpasa sa itinalagang curfew hours. Itong mga ordinansang
ipinapatupad ay may malaking tulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Barangay
Zapote II.

19
DEMOGRAPIYA

Populasyon

Ayon sa 2015 Census, ang Barangay Zapote II ay may tinatayang 4,298 na bilang ng
populasyon. Ito ay 0.72% na bahagdan ng kabuuang populasyo ng Lungsod ng Bacoor.
Ayon pa rin sa 2015 Census, ang grupo ng edad na mayroong pinaka-mataas na bilang ng
populasyon ay edad na 5-9 taong gulang, na mayroong 499 na indibidwal. Habang ang edad 80
pataas ay mayroong pinaka-mababang bahagdan ng populasyon na mayroon lamang 14 na
indibidwal.
Historikal na Populasyon
Ang populasyon ng Zapote II ay lumago mula sa bilang na 3,084 noong taong 1995
haanggang sa 4,298 noong taong 2015. Nagkaroon ng positive growth rate ng 1.98% o 420 na
pagtaas ng bilang ng indibidwal mula sa dating 3,878 na bilang noog taong 2010.

20
Edukasyon
Ang Zapote Elementary School ay isang pampublikong primaryang paaralan para sa
mamamayan ng Barangay Zapote na itinatag noong 1993. Ito ay matatagpuan sa Opal Street,
Zapote II, Lungsod ng Bacoor.

Mayroon din silang Daycare Center na naghahandog ng libreng preschool education para
sa mga batang nasa edad 3-4 taong gulang. Ang Daycare Center ng Barangay Zapote II ay
mayroong sapat na mga kagamitang kailangan upang masigurong ito ay nagbibigay ng early
childhood education na mahalaga upang maihanda ang mga bata para sa primaryang edukasyon.

21
MGA SASAKYAN AT KAGAMITAN NG BARANGAY

Mga Sasakyan

Ang Brgy. Zapote II ay mayroong fire truck at ambulance na laging nakahandang


rumesponde sa mga di inaasahang sakuna. Mayroon din silang mga patrol unit o patrol mobile na
ginagamit ng mga tanod sa pagiikot-ikot para siguruhin ang kaayusan at kapayapaan ng
barangay.

Mga Kagamitan

MGA KAGAMITAN BILANG

Fire Extinguisher 8
Whistle 5
Oxygen Tank 2
Mega Phone 2
Nozzle 1
Fire Hose 6
Ladder 1
Rope 1
Water Pump 1
Life Jackets 6
Wheel chair 1
Safety Helmets 5
2-way Radio 3

22
Mga Parangal ng Barangay

Proven by good governance and discipline, Barangay Zapote II received an award last
Barangay Day 2015 as follows: 2nd Placer for Cleanest & Greenest Barangay (Coastal Category)
& 10th Place in the Search for Outstanding Barangay. And last 2016, we received the following
awards: 8th Place in Most Outstanding Barangay and 7th Placer for Barangay Seal of Good
Governance.

Last 2017, the current administration is striving and working hard for the betterment and
development of Zapote II. And again, we received the following awards: 2nd Placer for Cleanest
& Greenest Barangay (Coastal Category), 11th Placer for Barangay Seal of Good Governance &
7th Placer for Most Outstanding Barangay.

And last 2018 Barangay Day, we, again receive some recognitions and awards that shows
how hard our administration is, we again receive the following awards: 3rd Placer for Cleaniest
& Greenest Barangay (Coastal Category), 4th Placer for Child Friendly Barangay, 10th Placer
for Lupon Tagapamayapa Incentives Awards, 5th Placer for Barangay Seal of Good Governance
& 4th Placer for Most Outstanding Barangay.

Dokumentaryo ng mga ilan sa mga Parangal na Natanggap ng Barangay Zapote II:

23
24
25
26
METODOLOHIYA
Disensyo ng Pananaliksik

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya at gumamit


ng talatanungan upang makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop
ang disenyong ito para sa paksa ng pananaliksik sapagkat sa pamamagitan ng disensyong ito,
lubos na nailarawan ng mga pananaliksik ang naging historikal na pag-unlad ng Barangay
Zapote II.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na naglalaman ng mga katanungan


tungkol sa kasaysayan at kasalukuyan na kalagayan ng Barangay Zapote II. Ang talatanungan na
ito ay ginamit sa pakikipanayam o interbyu sa pagitan ng mananaliksik at respondente. Ang mga
naging panayam o interbyu. Upang masiguro ang katumpakan ng mga datos na nakuha ng mga
mananaliksik ay ni-record ang naging mga panayam sa pamamagitan ng audio at video na sya
namang pinahintulutan ng mga respondente.

Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente

Ang mga mananaliksik ay pumipili ng mga respondente na nasa edad 50 taong gulang o
pataas at ipinanganak o matagal nang naninirahan sa Barangay Zapote. Ito ay upang lubos na
masiguro na malaman ang naging kalagayan ng Barangay Zapote II noon hanggang sa ngayon
nang sa gayon ay malaman at mailarawan ang naging historikal na pag-unlad ng Barangay
Zapote II. Gayundin, ang mga mananaliksik ay pumili ng isang opisyal ng barangay sa
kasalukuyan, ito naman ay upang lubos na malaman ang kasalukuyang kalagayan ng barangay sa
iba’t-ibang aspeto.

27
MGA KATANUNGAN PARA SA MAKAPANAYAM
Mga maaring itanong para sa Punong Barangay:
• Ano po ang inyong pangalan?
• Anong pong posisyon ninyo sa inyong Barangay at ilang taon na po kayong
nanunungkulan?
• Bilang Punong Barangay, ano po ang inyong tungkulin?
• Ano po ang karaniwan o madalas na problema na kinakaharap ng mga taga Barangay
Zapote?
• Ano ang maipagmamalaki ng inyong Barangay?
• Ano pong nalalaman ninyo sa kasaysayan ng inyong Baranggay? (Saan nagmula ang
pangalan na Zapote, lang taon na ang Baranggay? Anong malaking pagbabago ang
naganap? at iba pa.) - [Maari po kayong magdagdag pa]
• Anong mga programa ang inilalaan ng Barangay para sa inyong sinasakupan?
• Masasabi po ba ninyong umunlad ang inyong Barangay? At sa paanong paraan?
• Anong pinaka-malaking bagay ang na-achieve ng inyong Barangay noong nakaraang
taon?
• Ano pong plano nyong makamit sa taong 2020?

Mga maaaring itanong para sa mga Residente


• Ano po ang pangalan ninyo at ilang taon na po kayo?
• Ilang taon na po kayong naninirahan sa Barangay Zapote?
• Ano po ang nalalaman ninyo sa kasaysayang ng inyong Barangay?
• Ano po ang malaking pagbabago na nakita ninyo sa Barangay Zapote?
• Ilarawan ang kapaligiran noon at ngayon
• Ano po ang pinagkaiba ng mga taong naninirahan dito noon at ngayon?
• Ano po ang pinagbago ng makasaysayang ilog ng Zapote na inyong nasaksihan?

28
MGA NAKAPANAYAM

Pangalan: Lorinda G. Bautista


Punong Barangay ng Zapote II
Edad: 61 years old

Ang Zapote II ay isa sa mga umuunlad na barangay sa lungsod ng Bacoor sa probinsya ng


Cavite. Ang nasabing barangay ay pinamumunuan ng mga masisipag na opisyales kaya naman
ay makikita ang pag-unlad ng barangay sa paglipas ng panahon. Nakadaupang palad ng mga
mananaliksik ang ngayon ay nanunungkulan bilang Barangay Captain ng Zapote II sa katauhan
ni Gng. Lorinda G. Bautista. Sa halos limang taon niyang masusi at matapat na panunugkulan ay
naging isa siya sa malaking kasangkapan sa magandang nakamit at nakakamit ng barangay sa
ngayon.

Ayon sa kanya, Ang buong barangay ng Zapote ay tinawag noon bilang Pulong Matae na
kalaunan ay napagpasiyahang hatiin sa sa lima, ang Barangay Zapote I, II, III, IV at V.

Kagaya ng ibang barangay, ang Zapote II ay nahaharap din sa iba't ibang mga problema,
hamon at suliranin. Marami ang problemang hinarap ng barangay sa unang pag-upo ng Barangay
Captain. Isa na rito ang pag-gamit ng droga lalong-lalo na ng kabataan. Sa pamamagitan ng

29
kooperasyon ng mga mamamayan at pati na rin sa mga ordinansa na insinusulong ng barangay,
nakontrol at nabigyan ng tuldok ang problemang nangunguna sa barangay.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod ng mga mamamayan at sa magandang


pamamahala ng mga opisyal ng barangay Zapote II ay nagdulot ito ng malaking pag-unlad sa
barangay. Bukod sa pagkakaroon ng magandang balita na nasugpo ang problema patungkol sa
pag-gamit ng mga ipinagbabawal na gamot lalong-lalo na sa kabataan at ang barangay bilang
bagsakan ng mga droga, ang mga tao na mismo ng nasabing barangay ang nagsasabi na malaki
ang ini-unlad ng kanilang barangay. Malaki ang pasasalamat ng mga opisyal lalong-lalo na ng
Barangay Captain ng Zapote II simula noong umupo si Pangulong Rodrigo Duterte. Mas
natuunan ng pansin ang pangunahing problema ng barangay, ang droga, at patuloy na nabibigyan
ng tamang atensyon at disiplina ang mga tao. Bukod dito, iminungkahi rin ng Barangay Captain
na talagang umunlad na ang Zapote II. Ang mga gusaling naitayo, mga maayos na kalsada at
mga streetlight na nagbibigay liwanag sa mga tao tuwing gabi. Bukod diyan, napaloob din ng
Barangay Captain na mayroon silang mga surrender. Ang iba sa kanila ay tinuturuan gumawa ng
basahan at ang iba naman ay marunong nang gumagawa. Sa pamamagitan nito, nabubuo ang
magandang pakikitungo sa kapwa at natutulungan din silang ituon ang atensyon ng mga
surrender sa ibang bagay. Ang mga ito ay ang mga pruweba na umunlad at patuloy na umuunlad
ang barangay.

Ang magandang pamumuno at patuloy na pag-unlad ng isang barangay ay hindi lamang


nakatuon sa mga pagpapaganda ng lugar at iba pa kundi pati na rin sa mga kilos na gagawin para
sa mga nasasakupan nito. Ang Zapote II ay may mga programa, batas at ordinansa para sa
ikatatahimik at ikabubuti ng mga naninirahan dito. Ayon sa Barangay Captain, marami ang
kanilang ordinansa at kabilang na rito ang tungkol sa kalinisan ng palagid, kabataan at maging na
rin sa mga gala na hayop. Sa pagbibigay pansin sa mga ordinansa na ito, ang mga halimbawa
nito ay ang pagbabawal sa kabataan na bumili ng sigarilyo at ang pagbawal ng pagtapon ng
basura lalong-lalo na sa mga bata. Bukod diyan, mayroon silang ordinansa patungkol sa oras ng
paggamit ng videoke. Ang mga ito ay bahagi lamang ng hakbang na isinusulong ng barangay
upang magkaroon ng maayos at tahimik na lugar.

Ang barangay ay hindi lamang nakatuon sa mga nasasakupan nito kundi pati na rin sa
kalikasan. Nabanggit ng Barangay Captain na mayroon silang mga proyektong pangkalikasan.

30
Dahil dito, sila ay mahigpit na nagbabawal sa pagtapon ng basura kung saan-saan. Naibahagi rin
ng Barangay Captain ang kanilang pinakamahalagang nakamit noong nakaraang taon ng 2019.
Nilinis nila ang kanilang munting ilog na rati raw ay puno ng lupa. Naibahagi niya rin na malaki
ang pagbabago simula noong nalinis na ang ilog. Malaki ang pasasalamat ng Barangay Captain
sa mga taong nahingan nila ng tulong upang magawa at maisakatuparan ang kanilang mga
proyekto. Malaki ang pasasalamat niya lalo na sa congressman, sa mayor, sa kapitolyo at sa
kanilang gobernador.

Ang kaligtasan ng mga tao ay lubhang kailangan upang makamit ang kwalidad ng buhay.
Ang Zapote II ay nakikiisa sa kaligtasan ng mga tao sa pamamagitan ng curfew na nagaganap
pagsapit ng alas diyes ng gabi. Mas nagiging mabisa ang curfew na ito dahil sa mga wangwang
at sirena na sumisenyas lalo na sa mga kabataan. Ito ay nagaganap o nangyayari gabi-gabi kaya
naman ay batid na ito ng mga tao sa Zapote II lalo na ng mga kabataan.

Ang Zapote II ay isang barangay na hindi gaano kalaki. Kahit na ganito ito, sinisigurado ng
mga opisyal ng barangay na may mga plano silang tatahakin para sa mga nasasakupan nito.
Kabilang sa planong ito ay ang pagpapatayo ng covered court sa kanilang barangay. Malaki ang
maitutulong ng covered court sa mga barangay dahil maaari itong magsilbing lugar para sa iba't
ibang pangyayari at ganap sa kanila. Ibinahagi rin ng kapitan na ito ang kanilang kahilingan.
Hindi man kalakihan ang barangay, sinisigurado parin nila na mapupunan nila ang serbisyo na
nararapat para sa mga taong naninirahan sa Zapote II.

Wala nang mas gaganda pa sa barangay na mayroong plano pagdating sa panahon ng


sakuna. Ayon sa kapitan, sila raw ay handa sa mga kalamidad. Maging ito man ay baha, bagyo o
sunog. Naibahagi rin niya na ang barangay ay may fire hydrant kung kaya naman ay handa sila
sa oras ng sakuna.

Iminungkahi ng kapitan na ang barangay ng Zapote II ay suportado ng mga nanunungkulan


sa taas. Kabilang dito ang mayor, congressman at pati na rin ang gobernador. Nasabi niya na ang
mga nanunungkulan sa taas ay suportadong-suportado sila kung kaya naman ay nakukuha ng
barangay ang mga kailangan upang maging mas maunlad ito. Ang mga nanunungkulan ay bahagi
ng tulay upang makamit ng barangay ng Zapote II ang katiwasayan at kaunlaran. Naibahagi niya
na malaking tulong ang mga CCTV sa kanilang lugar sapagkat ito ang nagsisilbing mata para sa
mga nangyayari sa lugar. Dahil dito, nabawasan at nakontrol nila ang barangay na noon ay

31
tapunan ng mga ipinagbabawal na gamot. Dahil sa mga CCTV, mas namomonitor nila ang mga
bata na gumagala tuwing oras na ng curfew. Malaki ang naitulong ng mga CCTV sa barangay
dahil natulungan silang itrace ang mga taong hindi sumusunod sa mga ordinansa na itinakda ng
kanilang barangay.

Sa huling bahagi ng pakikipanayam ng mga mananaliksik sa barangay captain ay kinilala


rin ng barangay captain ang Sangguniang Kabataan na naging katuwang nila sa mga adhikain
para sa kabataan. Binigyang diin din niya ang walang sawang partisipasyon ng Sangguniang
Kabataan sa mga nangyayari sa barangay. Halimbawa na lamang sa mga ito ay mga mga palaro
at gift giving na nagtatatag ng mabuting pakikitungo ng mga tao lalo na ang kabataan sa isa't isa.

Ang barangay ng Zapote II ay kabilang sa mga barangay sa Bacoor na patuloy na


umuunlad. Ang mga nanunungkulan dito at pati na rin ang mga taong nagbibigay kooperasyon sa
mga plano at adhikain ng barangay ang nagsisilbing tulay tungo sa bumubuting barangay.

32
Pangalan: Josita Custodio Manzano
Residente ng Zapote II
Edad: 54 years old

Isa sa mga malugod na pinaanyayahan ang panayam ng mga mananaliksik ukol sa


historya at ilang mga natatanging kaganapan sa barangay na kanyang tinitirhan ay si Mrs.
Manzano. Mula pagkabata ay dito na siya nanirahan kung kaya’t alam niya kung pano nagsimula
ang barangay Zapote. Dito ay sinariwa niya kung paanong ang dating bukirin at bilang na mga
tao ay unti-unting nagbago dahil sa panahon. Ang dating bukin ay naging bayan at ang dating
malinis na ilog ay narungisan ng samu’t saring mga basura. Ayon sa kanya, ang Zapote ay
maroon lamang kakaonting bahay at bilang lamang ang mga tao. Sinariwa niya rin ang dating
ilog na napakalinis ay minsan nilang ginawang hanapbuhay sa pamamagitan ng pangingisda, dito
rin ay naranasan nilang maligo at magtampisaw.

Dito ay binigyan niya rin ng ideya ang mga mananaliksik na ang Zapote Bridge, na sa
panahon pa ng Katila, ay minsang tinawag na Tulay na Putol dahil sa hindi pa naman daw ito
dinudugtong ang mga bayan ng Zapote, Las Pinas at Zapote, Bacoor. Natapos lamang itong
gawin sa panunungkulan sa ilalim ni Vhong Revilla at Cynthia Villar at ngayon ay
napapakinabangan na ng mga taga roon.

Masasabi rin na malaki na ang pagbabago ng Baranggay Zapote 2 dahil sa pagdagsa ng


mga tao rito na ayon sa kanya ay mga dayo na lamang mula sa Paranaque at Pasay, na mas
piniling manirahan dito. Isa rin sa kanyang nabanngit ay ang pagbabago sa panunungkulan ng
barangay nito. Ikunuwento niya na ang Zapote ay isang buong barangay na pinamumunuan ng
iisang Barangay Captain, ngunit sa kasalukuyan ay nahahati na ito sa lima ang Baranggay Zapote
1, 2, 3, 4, at 5. Hawak pa ng lahat sa ilaim ni Valentin Espiritu ang buong Zapote, aniya dahil
nga ang mga tao raw noon ay kakaonti pa lamang at mga pawang mga disiplinado mas madali na
mapasunod ang mga ito, hindi kagaya sa ngayon na halos dumami na ang dayo sa lugar matapos
bumili ng rights.

33
Sa isang mamamaya ng Barangay Zapote, lubos na mahalaga sa kanya ang kung paano
ang isang pinuno ay lubos na nahahawakan ang kaniyang nasasakupan. Mahalaga sa kanya ang
aspeto ng pagsunod sa pinuno gayon din ang pagiging makatao ng isang mahusay ng pinuno.
Hangad lamang niya na sa ay kung gaano kayos ang kanilang barangay noon ay maging ganon
din sa ngayon. Bagaman mahirap maisakauparan dahil sa iba’t ibang dahilan ay umaasa pa rin
siya sa lubusan pang pag-unlad ng kanilang barangay.

KONKLUSYON
Hindi naging mahirap para sa mga mananaliksik ang pagkalap ng iba’t ibang

impormasyon na ninanais alamin sa buong durasyon ng pagsisiyasat. Ang mga datos na

minimithing makamtan ay natamo dahil sa tulong ng mga taong nakapanayam at pagsasaliksik sa

ibang iba’t pamamaraan. Ang kooperasyon ng mga nakapanayam, at ang mabilis na pagbibigay

34
ng impormasyon ng mga nasa katungkulan ay naging sangkap upang mapadali ang pagaaral na

ito.

Sa pangkalahatan, natuklasan ng mga mananaliksik ang iba’t ibang makabuluhang mga

pangyayari sa Zapote. Ito ay patuloy na magsisilbing pundasyon ng Barangay. Ang hindi

nabibigyang pahalaga at kung minsan ay ipinagsasawalang bahalang Battle of Zapote Bridge ay

patuloy na magiging paalala sa makulay at madugo nitong kasaysayan.

Ang Barangay Zapote II, Bacoor City, Cavite ay hindi lamang kilala sa mayaman na

kasaysayan, dahil ito’y mayaman rin sa iba’t ibang parangal at pagkilala. Mula sa mga

impormasyon nakalahad, makikita ang tuloy tuloy na pagunlad ng barangay dulot ng mga

naglipanang establisyimento na nakapaloob dito.

Sa pagtatapos ng pagaaral na ito, ang mga mananaliksik ay tagumpay sa kanilang lubos

na minimithi: ang maisakatuparan ang malalim na pagaaral sa historikal na tulay ng Zapote at

ang pagaaral patungkol sa Barangay Zapote II na kinapapalooban nito.

35

You might also like