You are on page 1of 5

Division of City Schools

School District VI
PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

PAKITANG-TURO SA FILIPINO
IKALAWANG MARKAHAN
UNANG BAITANG
DATE:
TIME:
GRADE & SECTION: ONE-ATIS

I. Layunin:
Nagagamit ang mga panghalip pamatlig na Ito, Iyan at Iyon sa pangungusap.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Paggamit ng mga salitang kilos sa pag uusap tungkol sa ibat ibang gawain sa
tahanan,paaralan,at pamayanan.
b. Sanggunian: K-12 MELC FIWG-IIIe-5
c. Kagamitan: powerpoint at laptop
d. Pagpapahalaga:Pagtulong sa mga gawaing bahay
e. Integrasyon: ESP at MTB

III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak:
Awit: Sampung Palaka
May sampung palaka lumalangoy sila
Pataas pababa at paikot-ikot pa
Ang sabi ng nanay matulog na kayo
Ang sagot ang sagot ayaw ko ayaw ko
May sampung palaka lumalangoy sila
Pataas pababa at paikot-ikot pa
Ang sabi ng nanay kumain na kayo
Ang sagot ang sagot gusto ko gusto ko
2. Balik – Aral:
 Ano-anong mga titik ang napag-aralan natin ngayong linggo?

Magbigay nga ng mga salita na may mga titik X, Ñ, Q at


B. Paglalahad:
Tara na’t magbasa ng maikling Kwento
Sa Bukid ni Lola Zenya

Isang araw nagkatuwaan ang mga apo ni Lola


Zenya ,na dalawin siya sa kanyang malawak na
bukirin.Maraming tanim na halaman at alagang
hayop si Lola Zenya.
Wow ,sabi ng mga bata ,tayo na at libutin natin ang
bukirin ni Lola Zenya. Huwag niyong saktan ang
mga hayop .
at mga halaman,may buhay din ang mga iyan katulad
ninyo. Maari silang mamatay at hindi na
mapakinabangan . Opo lola, sagot ng mga bata . Tara
dito, ang tataba ng mga halaman . Ito ang
pinakapaborito kung gulay talong ,ang sabi ni Xeña.Iyan naman ang sa akin , sa tabi mo Xeña
kalabasa ,sabi ni Wanda.
Lapit naman tayo sa may mga hayop. Ang aamo ng mga ito ,sabi ni Quintin habang hawak-
hawak niya ang dalawang aso na bantay ni lola sa bukid. Ang gaganda ng mga iyan sa tabi
mo Quintin,mga manok sabi ni Xeña.
Iyon ang mas natutuwa ako , mga kalapati. Kay ganda nilang pagmasdan habang palipat –
lipat sa mga puno. Sa dako pa roon napakarami pang mga hayop at mga halaman.
Ang saya pala dito sa bukid. Sana ay tuwing bakasyon ay dito tayo pumunta para matulungan
natin si Lola Zenya.
Bakit ba hindi, ang sabi ni Lola Zenya.Maigi upang matuto kayo mag-alaga ng mga hayop at
magtanim ng mga halaman. At sa ganong paraan lalaki kayong kapakipakinabang.

C. Pagtatalakay:
Pagsagot sa mga tanong;
a. Ano ang maaari niyong gawin upang matuwa ang lola niyo na matagal niyo ng
hindi nakita?
b. Ikinatuwa ba ni Lola Zenya ang pagdalaw ng kanyang mga apo.? Paano ninyo
ito nasabi?
c. Ano ano ang mga nakita nila Xeña , Quintin at Wanda sa bukirin ni Lola
Zenya?
d. Paano ipinakita ng mga bata ang kanilang kasiyahan?
e. Paano natin maipapakita ang pagmamahal sa mga hayop at halaman?
f. Anong aral ang natutunan ninyo sa ating kuwento?

D. Pagsasanay:
HALINA’T SUBUKIN NATIN
A. PANUTO: Basahin natin ang mga pangungusap. Pansinin kung nasaan ang
bagay na tinutukoy. Ito ba’y hawak niya, malapit sa kausap o malayo sa
nagsasalita.

1. Ang asong ito ay mabait at maamo.


2. Ang talong na ito ay paborito ko.
3. Iyan ang pusa na gusto ko.

4. Iyan ang ulam namin ngayon.

5. Iyon ay ibon nasa itaas ng puno.

E. Paglalapat
PANGKATANG GAWAIN:
UNANG PANGKAT – Punan ng tamang pamatlig ang patlang.

_____ ay mansanas

_______ ang ibon sa puno

_______ ay paborito kong aklat

IKALAWANG PANGKAT
PANUTO: Piliin ang ginamit na panghalip pamatlig sa bawat pangungusap.
1. Ito ang ate ko.
2. Iyon ang mga gamit ko sa mesa.
3. Sa iyo ba ang mga laruang iyan?

IKATLONG PANGKAT
PANUTO: Bilugan ang mga panghalip pamatlig na ginamit.

at iyan kanya
Ito
ang iyon
sa ng
F. Paglalahat:
Ano ang Panghalip pamatlig? Ano ang gamit ng bawat isa?

Ang ito, iyan at iyon ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa mga bagay na
itinuturo. Tinatawag ito na mga panghalip pamatlig.

Ito - ginagamit bilang panturo sa mga bagay na malapit sa nagsasalita.


Iyan - ginagamit bilang panturo sa mga bagay na malapit sa taong kinakausap
Iyon - ginagamit bilang panturo sa mga bagay na malayo sa taong nag-uusap

IV. Pagtataya:
PANUTO:Tukuyin ang panghalip pamatlig na angkop sa pangungusap.

Iyon ay saranggola .

Iyan ang bahay ni Amor.

Ito ay upuan ko.

Iyon ay eroplano

Iyan ay sapatos ko

V. Takdang Aralin:
A. Pagpapayaman: Salunguhitan ang ginamit na panghalip pamatlig sa dyalogo.
Miko: Ito ang aming bahay. Dito kami nakatira.
Allan: Iyan pala ang ipinagmamalaki mong bahay. Maganda at maaliwalas nga
tingnan.
Miko: Halika sa loob para makilala mo ang aking buong pamilya at makita mo na rin
iyong bago kong bisikleta. Ang mga salitang may salugguhit ay tinatawag na
panghalip.

B. Karagdagang Gawain:
PANUTO: Aling panghalip pamatlig ang angkop sa mga sumusunod na
pangungusap..
1. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?
2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang mga (ito,
iyan, iyon).
3. Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang (ito, iyan,
iyon).
4. Nakita mo ba sa labas si Jeremy? Papasukin mo na (ito, iyan, iyon) dahil
malapit na tayong maghapunan.
5. Maganda ang relos na suot mo. Saan mo nabili (ito, iyan, iyon)?

Inihanda ni:

Zenaida Motita
MT
Iniwasto ni:

You might also like