You are on page 1of 11

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REGIONAL TRIAL COURT


NATIONAL CAPITAL JUDICIAL REGION
BRANCH 109, PASAY CITY
  

PEOPLE OF THE PHILIPPINES,      


                                        Plaintiff,
CRIMINAL CASE NO. 
R-PSY-21-98765-CR   
               - versus -                        FOR:  MURDER
   
TOMMY MADRIGAL y VICERAL, 
                                      Accused.
x- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -x  
 

PANG-HUKUMANG SINUMPAANG SALAYSAY


NI JERRIE OLIVARES MENDOZA 
 
Ako si JERRIE OLIVARES MENDOZA, Pilipino, apatnapung
taong gulang, walang asawa, nagtratrabaho bilang isang events
host at nakatira sa 11 Donada street, Barangay 36, Zone 3,
Pasay City, pagkatapos kung manumpa na naayon sa batas, ito
ang aking mga salaysay:

MGA PAUNANG SALITA

Na ayon sa A.M. No. 12-8-8-SC, na nag-aatas sa paggamit


ng pang-hukumang salaysay na magsilbing direktang
eksaminasyong salaysay ng isang saksi. Ang salaysay na ito ay
puwedeng gamiting basehan ng kabilang kampo sa pag
croseksaminasyon sa nagsasalaysay. Aking isinagawa ang pang-
hukumang salaysay na ito sa pamamagitan ng isang tanong at
sagot na ayos;

Na, alinsunod sa Seksyon 3 (b) ng nasabing A.M. No. 12-8-


8-SC, akin ding sinasaad na si Senior Assistant City
Prosecutor Claire J. Tolentino ng Office of the City Prosecutor
imbestigador ng Lungsod ng Pasay ay siyang nangangasiwa sa
eksaminasyon ng nagsasalaysay.

Na, alinsunod din sa Seksyon 3 (c), akin ding sinasaad sa


ilalim ng parusang pagsira sa banal na pangako (perjury) na sa
pag sagot sa mga tanong sa akin, na makikita sa ibaba, lubos
kung alam na ang pagsasalaysay kong mga iyon ay naayon sa
ilalim ng panunumpa sa batas at na ako ay mahaharap sa
criminal na pananagutan para sa pagsira sa banal na pangako
(perjury);
AT SA ILALIM NG PANUNUMPA, AKO AY NAGSASABI
SA MGA SUMUSUNOD:

T1: Nangangako ka ba na nagsasabi ka ng totoo at pawang


katotohanan lamang?
S1: Opo

T2: Ano ang iyong pangalan, edad, at kung saan ka nakatira.


S2: Ako po si Jerrie Olivares Mendoza, tatlumpung taong gulang,
nakatira Donada St., Pasay City.

T3: Ano ang iyong trabaho


S3:Ang trabaho ko ho ay events hosting, ako po ang madalas na
kinukuha ng mga barangay o kada may events bilang emcee ng
okasyon. (Manifestation:

Your Honor, the certified true copy of Certificate of Appreciation


dated 01 August 2019, has been marked as Exhibits “J-1”, “J-2”,
J-3”.)

T4: Kilala mo ba ang biktima sa kasong ito?


S4: Opo

T5: ano ang relasyon mo sa biktima?


S5: ang biktima ay aking ka barangay.

T6: Kilala mo ba ang akusado?


S6: Opo. Ang akusado po ay aming din pong kapitbahay at aking
kababata.

T7: Bilang kababata, ano ang iyong pagkakakilanlan sa akusado?


S7: Noong elementary kami ay mahilig kaming maglaro ng baril-
barilan sa kanto ng Menlo at Donada. Inaaya ho niya ako
palaging inaaya, lagi kaming nag aaway kasi ayaw niyang mag-
patalo sa mga laro. (Manifestation:

Your Honor, the certified true copy of picture of letter dated 01


August 2019, has been marked as Exhibit “K”.)

T8: Paano naman si Tommy noong tumanda na kayo?


S8: Noong tumanda naman na kami nakapag-aral ako at nakapag
tapos ng highschool ngunit si Tommy ay hindi pinalad makatapos
ng elementarya. Nagkaron kami ng ibang landas ng buhay.

T9: Paano kayo nagkahiwalay ng landas ng buhay?


S9: Sa pagtanda namin nag-iba na aking gusto sa buhay hindi na
tugma sa kinalakihan at gawi ni Tommy. Pag laki ay nakahiligan
ko ng sumama sa mga beauty pageants.
T10: Ano ba ang kinalakihan at gawi ni Tommy?
S10: Si Tommy ay kilalang tambay, basag ulo, manginginom, at
siga sa aming lugar. Mapanakit din si Tommy sa kanyang asawa
at anak kapag naka-inom. May mga pagkakataon pong
napapasama siya sa gulo gawa ng kanyang kalasingan. Ilang
beses na din pong naikreklamo o naipa barangay si Tommy dahil
sa kanyang mga kilos na nagdudulot ng gulo sa aming barangay.
(Manifestation:

Your Honor, the certified true copy of barangay blotter log book
dated 01 August 2019, has been marked as Exhibit “L-1”, “L-2”,
“L-3”, “L-4”, and “L-5”.)

T11: Ano ang iyong ginagawa sa pasayaw?


S11: Ako po ay naimbitahan bilang emcee para sa pasayaw ng
aming barangay.

T12: Sino ang nagimbenta sa iyo sa pasayaw?


S12: Ang nag imbita ho ay ang Sangguniang Kabataan para mag
emcee.

T13: Ano ang iyong katibayan na ikaw ay inimbitahan na maging


emcee ng naturang event?
S13: Meron ho akong invitation letter mula sa SK. (Manifestation:

Your Honor, the certified true copy of letter dated 01 August


2019, has been marked as Exhibit “M”.)

T14: Saan naganap ang pasayaw?


S14: Ito po ay naganap sa covered basketball court sa Donada
St.

T15: Anong oras ka dumating sa pasayaw?


S15: Ako po ay dumating bandang alas otso ng gabi para
magprepare sa event.

T16: Ano ang iyong mga napansin sa pasayaw kung meron?


S16: Ang mga tao ho ay nagkakasiyahan, may dekorasyon ang
buong covered court malapit sa Donada St., mayroon din pong
mga inarkilang lights and sounds, catering, mayroon din hong
kumukuha ng mga litrato at video ng naturang okasyon.

T17: Bilang ang pagkakakilanlan kay Tommy sa inyong barangay


na magulo, bakit siya naimbita sa inyong proyekto na pasayaw?
S17: Ang layunin po ng pasayaw ay maka likom ng pondo para
sa mga proyekto kaya naman po lahat ay imbitado, matanda o
bata basta kabaranggay.

T18: Ano ang mga nangyari nung andun na si Tommy sa


pasayaw?
S18: Nakita ko po siya na sumasayaw sa gitna at bilang
nagkakasiyahan naman po at kababata ko siya ay inaya ko
siyang sumayaw.

T19: Habang kayo ay nagsasayaw ni Tommy ano ang iyong mga


naobserbahan kung mayrron man?
S19: Papalapit pa lamang po ako sa kanya ay amoy na amoy na
ang alak tila kanina pa po ito nakainom bago pa magpunta sa
sayawan.

T20: Ano ang nangyari habang kayo ay sumasayaw ni Tommy?


S20: Habang kami po ni Tommy ay sumasayaw biniro ko ho siya
ng “Tommy naka inom ka na naman”

T21: Ano ang sagot ni Tommy sa iyo kung mayroon?


S21: Ang sabi po niya ay “Ay nako pina inom ako ng alak ni Ka
Tonyo, iyong jeepney association president namin”.

T22: Ano pa ang nangyari habang kayo ay nag sasayaw?


S22: Habang kami ay sumasayaw tinanong ko siya kung bakit na
naman siya uminom, sumagot naman po siya na kaya daw po
siya uminom ay dahil gusto niyang magpalamig ng ulo dahil
meron daw hong nangnakaw ng antenna ng kanyang jeep at
kilala daw ho niya ito.

T23: Nabanggit ba niyo kung sino ito?


S23: Ang sabi po niya ay ang biktima daw ho noong nakatambay
sila ng kanyang mga kaibigan sa loob ng kanyang jeep bandang
alas nuebe ng gabi.

T24: Ano pa ang nangayari kung mayroon?


S24: Bigla hong uminit ang ulo ng akusado ng panahong naalala
niya ang pangyayari. Pilit ko pong pinapakalma si Tommy habang
kami ay sumasayaw at dun ko hindi sinasadsyang mapahawak sa
kanyang bewang at may nakapa akong matigas na bagay na
hubog ng isang baril sa bandang likod.

T25: Ano ang ginawa mo ng panahon na iyon kung mayroon?


S25: Nagulat ako at tinanong ko siya kung ano iyon

T26: Ano naman ang kanyang sagot kung mayroon?


S26: Ang sabi naman po ng akusado ay “wala lang iyan.”
T27: Ano ang mga sumunod na kaganapan kung mayroon?
S27: Matapos ang sayaw ay bumalik na ako sa stage at kinuha
ang aking cellphone upang magselfie mula sa stage kasama ang
mga tao. (Manifestation:

Your Honor, the copy of picture dated 11 August 2019, has been
marked as Exhibit “N”.)

T28: Matapos ang iyong pagseselfie ano pa ang iyong napansin


kung mayroon?
S28: Nakita kong naglalakad si Tommy papunta sa kinauupuan ni
Ruel.

T29: Ano ang iyong mga napansin kung mayroon?


S29: Noong halos isa o dalawang dipa na lamang ang layo ni
Tommy sa kinauupuan ni Ruel ay biglang nagbrownout.

T30: Ano ang nangyari nung panahong nawala ang kuryente?


S30: Malapit po sa kinauupuan ni Roel ay may nakita akong
spark na halos sabay ng tunog ng pagputok ng baril.

T31: Ano ang ginawa mo kung mayroon ng panahong iyon?


S31: Ako po ay talagang nabigla sa aking narinig at napasigaw.
Mga wala pang isang minuto ay nagkaron din ng kuryente.

T32: Ano ang iyong napansin kung mayroon man nung bumalik
ang kuryente?
S32: Nakita ko pong dugaang nakahiga si Ruel sa sahig. Nakita
ko rin na halos isang metro ang layo ni Tommy kay Ruel.

T33: Ano pa ang iyong napansin kung mayroon?


S33: Nagkakagulo ang mga tao sa venue gawa ng may binaril at
nagsisisigaw ang mga tao.

T34: Ano ang iyong ginawa ng panahong iyon, kung mayroon?


S34: Ako ay nagmadaling bumaba sa stage at tumakbo
papalabas ng dance hall dahil sa matinding takot.

T35: Ano ang iyong ginawa?


S35: Habang ako ay papaalis at malapit na sa gate napansin
kong nagmamadali din at aligaga si Tommy na tila may
isinusuksok sa kanyang bewang.

T36: Ano ulit ang iyong ginawa kung mayroon?


S36: Sa takot ko po ay kumaripas ako ng takbo paalis ng event.

T37: Ikaw ba ay tinakot, pinangakuan, binigyan ng pabuya o ano


pa mang bagay sa pagbibigay mo ng salaysay na ito?
S37: Hindi po
T38:Handa mo bang lagdaan itong iyong salaysay upang
patotohanan na ang lahat ng iyong sinabi ay pawang
katotohanan?
S38: Opo.

Ang Exhibits “J-1”, “J-2”, “J-3”, “K”, “L-1”, “L-2”, “L-


3”, “L-4”, “L-5”, “M” at “N” ay nilakip sa Pang-Hukumang
Sinumpaang Salaysay na ito alinsunod sa Seksyon 2 ng Judicial
Affidavit Rule. 
 
---------WAKAS NG SALAYSAY----------

Bilang Saksi, aking lalagdaan ito sa ibaba ngayong ika-15 na


araw ng Hulyo, 2021 sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas. 
 
                                     (signed)
                   JERRIE OLIVARES MENDOZA
                                                                                 Nagsasalaysay 
  
NANGAKO AT SUMUMPA sa harapan ko at sa harap ng
ilang saksi ngayong ika-15 araw ng Hulyo, 2021 sa Lungsod ng
Pasay. Ako ay nagpapatunay na aking personal na sinuri ang
taong nagsasaad na si BUGOY SANTOS, na siya ay kusang-loob
na lumagda at naintindihan niya ang lahat ng kanyang mga
isinalaysay.
 

CLAIRE J. TOLENTINO
                                                          Senior Assistant City
Prosecutor
 
PATOTOO

Ako si, Senior Assistant City Prosecutor Claire J.


Tolentino ng Office of the City Prosecutor, na matatagpuan sa
Hall of Justice Building, Pasay City Hall Compound, F.B. Harrison
St, Pasay City sa aking sinumpaang tungkulin bilang
Imbestigador sa kaso, aking sinasaad:

Na, ako mismo ang nangangasiwa sa naunang


eksaminasyon sa itaas na isinasalaysay ni Bugoy Santos;

Na, aking matapat na itinala at isinalin sa wikang Filipino


ang mga tanong na ibinigay ko sa kanya at ang kanyang mga
katumbas na sagot na ibinigay nya sa aking mga tanong;

Alinman, ako o kahit sinong tao ay hindi tinuruan ang


nagsasalaysay hinggil sa kanyang mga sagot na ibinigay nya.
Bilang Saksi, aking lalagdaan ito sa ibaba ngayong ika-15 na
araw ng Hulyo, 2021 sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas.

CLAIRE J. TOLENTINO
Senior Assistant City Prosecutor

NANGAKO AT SUMUMPA sa harapan ko at sa harap ng ilang


saksi ngayong ika-15 araw ng Hulyo, 2021 sa Lungsod ng Pasay.
Ako ay nagpapatunay na aking personal na sinuri ang taong
nagsasaad na si Senior Assistant City Prosecutor Claire J.
Tolentino, na siya ay kusang-loob na lumagda at naintindihan
niya ang lahat ng kanyang mga isinalaysay.

ATTY. JANICE VILLAMAR


Pinagsumpaang Opisyal
  
Copy furnished: 
Atty. ______________
Counsel for the Accused

Exhibit “J-1” Certificate of appreciation


Exhibit “J-2” Certificate of appreciation

Exhibit “J-3” Certificate of appreciation


Exhibit “K” certified true copy of picture

Exhibit “L-1” certified true copy of barangay blotter log

Exhibit “L-2” certified true copy of barangay blotter log


Exhibit “L-3” certified true copy of barangay blotter log

Exhibit “L-4” certified true copy of barangay blotter log

Exhibit “L-5” certified true copy of barangay blotter log


Exhibit “M” Invitation Letter

Exhibit “N” Selfie Picture

You might also like