You are on page 1of 4

2.

2 Pagsusuri

Karakter: Labaw Donggon

Claim: Mapagpursigi

Quote: “Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.”

Pagpapaliwanag: Mapagpursigi si Labaw Donggon dahil tinanggap niya ang hamon ni Buyung
Saragnayan upang maging asawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ang ugnayan
naman nito sa ating kasalukuyan ay ang mga pilipino ay mapagpursigi parin tulad nalang ng mga
nagtratrabaho ngayon sa gitna ng pandemya. Kahit alintana pa man ang banta ng covid 19,
nagpupursigi parin sila mag trabaho upang masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Claim: Kaugalian sa panliligaw

Qoute: "Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-
ayon upang pumayag lamang na makasal ang dalawa.”

Pagpapaliwanag: Nagpapakita ng kaugaliang panliligaw si labaw donggon upang mapapayang


niya ang ina ng kanyang kasintahan na makasal silang dalawa. Ang ugnayan naman nito sa ating
kasalukuyan ay hindi naiiba sa paraan ng panliligaw noon dahil binibigyan parin ng maraming
regalo ang pamilya at ang nililigawan.

Claim: Paniniwala sa kababalaghan

Qoute: "Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at


pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan.”

Pagpapaliwanag: Naniniwala si Labaw Donggon na ang puso ng baboy ramo ay ang hininga ni
Saragnayan kaya hindi niya matalo-talo si Buyung Saragnayan pag sila ay naglalaban. Ang
ugnayan naman nito sa ating kasalukuyan ay may iilan parin na tao ang naniniwala sa
kababalaghan ngunit unti-unti narin itong nawawala sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay sa
siyensya na naniniwala.
Claim: Pagkamalpit sa pamilya

Qoute: "Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na


napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.”

Pagpapaliwanag: Malapit sa pamilya si Labaw Donggon sa pagkat kahit matagal siya’ng


nawala at di nakita ang kanyang asawa’t anak, minahal parin siya ng mga ito. Ang ugnayan
naman nito sa ating kasalukuyan ay malapit sa pamilya ang pinaka ugali ng Pilipino. Handang
magpursigi, maging matapang at maging maparaan ang isang Pilipino para sa kanilang pamilya.

Claim: Mapangahas

Qoute: "At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya
na may kapangyarihan din.”

Pagpapaliwanag: Mapangahas si Labaw Donggon sapagkat nais niyang agawin ang asawa ng
iba. Ang ugnayan naman nito sa ating kasalukuyan ay may mga iilang Pilipino parin ang
mapangahas, gustong mang agaw ng asawa ng iba.

Karakter: Anggoy Doronoon

Claim: Mapagbigay

Quote: “Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay
nanganak sa kanilang panganay.”

Pagpapaliwanag: Binigay nila ang kagudtuhan ng kanilang asawa na magkaroon pa ng isang


anak na lalaki. Ang ugnayan naman nito sa ating kasalukuyan ay sa ngayong panahon marami
rami narin ang pumapayag na makasal sa iba ang kanilang asawa sapagkat nakasunod nadin ito
sa kanilang kultura na pwedeng magka-asawa nang isa o higit pa, ito ay legal sa kanilang kultura.

Karakter: Abyang Ginbitinan

Claim: Martir

Quote: “Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay
nanganak sa kanilang panganay”
Pagpapaliwanag: Sa pananaw naman ni Abyang Ginbitinan kahit alam nyang dalawa sila ngunit
okay lang sa kanya dahil iniirog niya si labaw ng lubusan. Ang ugnayan naman nito sa ating
kasalukuyan ay marami na ang mga martir dahil lamang sa mga kadalihanang, upang hindi
masira ang kanila pamilya at para nalamang ito sa mga anak nila.

Karakter: Buyung Saragnayan

Claim: Pagkamatapat

Quote: “Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa
kanya.”

Pagpapaliwanag: Matapat si Buyung sakniyang asawa dahil hinde nya basta nalang ito isinuko
kay Labaw Donggon. Ang ugnanyan naman nito sa ating kasalukuyan ay ang mga Pilipino sa
kasalukuyan ay matapat parin, halimbawa nalang ay sakanilang mga pamilya, minamahal at sa
dyos.kagaya parin dati ang mga pilipino sa kasalukuyan ay hinde basta-basta nalang nangiiwan

Claim: Pagkamatapang

Quote: “Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi
mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay
Labaw.”

Pagpapaliwanag: Matapang si Buyung dahil hinde sya takot na ipaglaban ang kanyang asawa
kay Labaw Donggon. Ang ugnauan naman nito sa ating kasalukuyan ay ang mga Pilipino ay
likas parin na matatapang sa kasalukuyan. Hinde basta umaatras handang lumaban sa kahit na
anong problema ang dumating sa buhay. Halimbawa nalang sa nangyayaring pandemya ngayon
ang mga pilipino ay patuloy paring lumalaban upang mapuksa ang sakit.

Claim: Mapagmahal sa pamilya

Quote: “Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa
kanya.”

Pagpapaliwanag: Mahal na mahal ni Buyung ang kanyang asawa at hinde nya hinayaang
mapunta ito sa iba ng wala syang ginagawa.Ang ugnayan naman nito sa ating kasalukuyan ay
ang mga Pilipino sa kasulukuyan ay likas parin na mapagmahal sa kanilang mga pamilya.
Handang mag sakripisyo ang bawat isa lalo na ang mga magulang, titiisin lahat mapabuti lang
ang kalagayn kanyang pamilya.

Claim: Paniniwala sa kababalaghan

Quote: “Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at


pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan.”

Pagpapaliwanag:Itinatago at pinangangalagaan ang hininga ni Buyung ng isang baboy ramo sa


kabundukan. Ang ugnayan naman nito sa ating kasalukuyan ay ang kaugaliang paniniwala sa
kababalaghan ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay unti-unti ng nawala, ngunit meron paring mga
lugar sa bansa na naniniwala sa mga ganitong bagay lalo na sa mga bukid at probinsyang lugar.

Claim: Mahabagin

Quote: “Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan.”

Pagpapaliwanag: Dahil kahit na tinalo nya sa labanan si Labaw Donggon ay hinde nya ito
pinatay, sa halip ay itinali at ikinulong nya lamang ito sa kanyang kulungan ng baboy.Ang
ugnayan naman nito sa ating kasalukuyan ay ang mga Pilipino ay likas parin na mahabagin sa,
lalo na ngayon sa panahon ng pandemya ang mga Pilipino ay nag tutulungan nag papakita ng
pagmamahal sa bawat isa handang tumulong lalo na sa mga nangangailangan.

You might also like