You are on page 1of 3

Pondo sa SDMP Inilaan Para sa Pagtatanim ng mga Namumungang Punong Kahoy

Humigit sa kalahating milyong piso ang inilaang pondo galing sa SDMP 2021 budget ng FCF
Minerals Corporation para sa pagtatanim ng fruit bearing trees sa pitong(7) barangay, itoy ang
Caliat, Aurora, Darubba, Maddiangat, Dagupan at Buliwao ng bayan ng Quezon, Nueva
Vizcaya at ng barangay ng Tadji, Kasibu Nueva Vizcaya.
Layunin nitong madagdagan ang kita ng mga benepisaryo ng proyekto pag namunga na ang
mga pananim kasabay ng pangangalaga ng ating kalikasan.
Ang naturang pondo ay ibinili ng ibat-ibang uri ng fruit bearing trees at gagamitin sa
paghahanda ng lupa at pagtatanim. Ang barangay ng Buliwao at Caliat ay nakahingi ng cacao
seedlings galing sa FCF Minerals Corporation sa pamamagitan ng Mine Environmental and
Enhancement Office (MEPEO), kung kayat’ ang pondo ay kanilang ginamit sa paghahanda ng
lupa at pagtatanim.
Ang ibang barangay ay kanilang ibinili ng mga ibat-ibang uri ng fruit bearing trees gaya ng
durian, guyabano, avocado, lanzones, rambutan at satsuma at ibinigay sa mga napiling
benepisaryo.
Para sa pagpapanatili ng magandang implementasyon ng nasabing proyekto, ang mga napiling
benepisaryo at ng Barangay Local Government ay may Memorandum of Agreement na
kanilang pinirmahan.

Brgy. Darubba
Brgy. Dagupan

Brgy. Maddiangat
Brgy. Tadji

You might also like