You are on page 1of 1

Di ko man maibalik ang nagdaang

Mga panahon na ika'y sakin nariyan


Subalit ako'y umaasa
Na ikaw ay babalik

At muli sabay nating babalikan


Muli nating itutuloy ang ating nasimulan
At pareho tayong muli sasaya
Sa pagkakaibigan na ating natagpuan

Parang nasayang, nakakapanghinayang


Sayang naman kung wala na
Parang nasayang, nakakapanghinayang
Sayang naman kung magtatapos lang

Ang saya natin dati


Bakit tila kumupas na
Di alam ang nangyari
Kung ako ba ang nag kulang

O sadya ka lang nag iba


Nakaramdam ng pagkasawa
Pareho tayong nagkamali
Pakiusap ako'y pagbigyan

At muli nating bubuuhin


Muli nating patatagin
Muli nating ibabalik
Ang sigla sating pagsasamahan

Parang nasayang, nakakapanghinayang


Sayang naman kung wala na
Parang nasayang, nakakapanghinayang
Sayang naman kung magtatapos lang

Alam ko naman na dati ako'y mahal mo pa


Pero bakit bilang kang nag iba
Hindi ka na ba masaya sa atin
O baka ika'y may iba na

Ako'y nalilito hindi ko matanto


Kung bakit tayo nagkaganito
Pakiusap akoy pagbigyan
At muli natin ibalik ang nagdaan

Parang nasayang, nakakapanghinayang


Sayang naman kung wala na
Parang nasayang, nakakapanghinayang
Sayang naman kung magtatapos lang

Ako'y nasasayangan
Bakit kailangan mo pa akong iwan
Kung maaari din lang naman
Na ikaw ay manatili sa akin

Hindi ka ba nasasayangan
Na sayo'y parang wala lang
Sana naman muling pagbigyan
Ang pagkakaibigan na ating nasimulan

You might also like