You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region IV-A CALABARZON
Debisyon ng Quezon
LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY
__________________________________________________________________________
Detalyadong Banghay Aralin
ARALING PANLIPUNAN II
Explicit Approach

I. LAYUNIN:

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pangunawa sa kahalagahan ng kinabibilangang komunidad.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay malikhaing nakapagpapahayag/ nakapaglalarawan ng kahalagahan ng kinabibilangan na
komunidad.

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

Pagkatapos ng 50 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakakikilala ng mga sagisag at simbolo sa ating komunidad;
b. naitatala ang kahulugan ng bawa’t simbolo; at
c. nakalalahok ng masigla sa pangkatang gawain.

II. NILALAMAN:

a. Paksang Aralin: Mga Sagisag at Simbolo sa aking Komunidad


b. Sanggunian:
c. Mga Kagamitan Panturo: Cartolina,Marker,Plakards,Larawan,Lapis,Envelop
d. Pagpapahalaga: Pakikiisa

III. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A.Panimulang Gawain

a.Panalangin

Mga bata, magsitayo ang lahat at tayo ay


nananalagin. Amen.

b.Pagbati

Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga din po Ma’am.

c.Pagtatala ng Liban at Hindi Liban,


Pagsasaayos ng loob ng silid-aralan.

Mga bata ayosin ang inyong upuan, pulotin ang


kalat at itapon sa basurahan, pagkatapos ay (Susundin ng mga mag-aaral ang inutos/sinabi ng
maari na kayong maupo. guro)

Tumingin nga kayo sa inyong mga katabi, may Mayroon/Wala Po.


Nawawala ba?

d.Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating kasunod na aralin. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Sino sa inyo ang nakatanda n gating pinag-aralan Ma’am, ang pinag-aralan po natin kahapon ay tungkol
kahapon? sa isang komunidad.

Mahusay!
Ano-ano ang mahahalagang impormasyon na (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
dapat tandaan tungkol sa isang komunidad? Ma’am, ang impormasyon po na dapat tandaan
tungkol sa isang komunidad ay pangalan ng lugar, at
dami ng tao po.

Tama! Sino pa ang makakapagsabi? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)


Ma’am, dapat po alam natin kung ano ang wikang
kanilang sinasalita at relihiyon po.

Magaling! Ang lahat ng inyong sinabi ay tama. (Papalakpak ang mga mag-aaral)
Palakpakan ang inyong mga sarili.

Natutuwa ako dahil natandaan, at natutonan kayo


Sa ating mga pinag-aralan kahapon.

e.Paghahabi ng Layunin ng Aralin

Mga bata mayroon akong mga larawan dito, itaas


ang inyong kanang kamay kung sino ang nais
sumagot.

(Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga


sagisag at simbolo sa komunidad gamit ang
plakards. At sasagutin ng mga bata kung ano ang
mga ito).

Kung handa na pumalakpak nga ng tatlo ang lahat. (Pumalakpak ng tatlo ang mga mag-aaral)

(Sisimulan nan g guro ang pagpapakita ng mga


larawan)

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am, Paaralan po.

Tama!

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am, alam ko yan Simbahan po lagi po kami


napunta diyan.

Magaling!

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am, Palingke/ Pamilihan po yan.

Tama!
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am, Ospital po, napunta po kami diyan pag may


sakit po ako.

Tama!

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am, Palaruan po diyan po kami naglalaro ng


kaibigan ko.

Magaling!

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am, Bahay po, Bahay.

Tama!

Mahusay mga bata!

Ngayon araw ang pag-aaralan natin ay tungkol sa


“Mga Sagisag at Simbolo sa ating Komunidad”.

(Ididikit ng guro ang pamagat ng pag-aaralan).

B. Panlinang na Gawain

a.Pagtatalakay sa Aralin

Ngayon dadakona tayo sa ating bagong aralin.

(Ididikit ng guro ang mga larawan at sasabihin ang


kaniya-kaniyang mga sagisag at simbolo ng isang
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
komindad).
Ma’am, dapat po makikinig at huwag pong malikot.
Pero bago iyon ano nga ang ating mga
pamantayan sa pagtatalakay?
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am, dapat po huwag maingay.


Tama! Sino ang nais magdagdag.

Tumpak! Lahat ng inyong sinabi ay tama.


(Pumalakpak ng tatlo ang mga mag-aaral).
Kung handa na ang lahat pumalakpak nga ng tatlo!
Simbolo ng Simbahan -dito sama-samang
nananalagin at nagpapasalamat ang mga tao.
Ito rin ang namumuno sa mga pagdiriwang na
Panrelihiyon ang bawat sekta ng relihiyon ay may
kaniya-kaniyang simbahan. May pagkakaisa ang
lahat, kahit magkakaiba ang relihiyon at paniniwala.

Simbolo ng Palaruan –inilaan ito upang magbigay


ng aliw sa mga bata o lugar kung saan naglalaro
ang mga bata. Dahil sa palaruang ito, nabuo ang
magagandang samahan ng bawat isa.

Simbolo ng Bahay Pamahalaan –ito ang


namamahala sa kaayusan, katahimikan, at
kapayapaan ng komunidad. Sa pamumuno ng
sangguniang bayan at pinatutupad nila
ang mga batas.

Simbolo ng Pamilihan -dito namimili ng mga


pangunahing pangangailan ang mga tao sa isang
Komunidad.

Simbolo ng Tahanan -dito nakatira ang bawa’t


Pamilya. Masaya at sama-samang naninirahan dito.
Simbolo ng Ospital -dito pumunta ang mga tao
upang magpakonsulta ng kanilang mga
karamdaman. Ito rin ang nangangalaga sa
kalusugan ng mamamayan , nagbibigay ng libreng
bakuna.

Simbolo ng Paaralan – dito hinuhubog ang


kaisipan tungo pag-unlad. Pangalawang tahanan ng
mga mag-aaral

b. Pasasanay

1.1 Gawain

Ngayon alam nyo na ang mga sagisag at simbolo


sa ating komunidad.

Ngayon naman ay hahatiin ko kayo sa dalawang


pangkat, dahil magkakaroon tayo ng aktibidad
magsisimula ang bilang sa iyo.

Sa kanan magsama-sama ang unang pangkat at


sa kaliwa ang ikawalang pangkat.

Ang gating gagawin ay tatawaging, “Kilalanin mo


Ako Anong Simbolo ko”.

Mayroon ako ditong mga at sasabihin ko ang ibig-


sabihin ng mga ipapakita kung larawan pagkatapos
ay isusulat sa papel ang sagot ng bawat pangkat
kung anong simbolo ng komunidad ito at itataas
ang inyong sagot.

Bawat isang tamang sagot ay may katumbas na


isang puntos. Ang grupo na makakakuha ng
mataas na puntos ay ang tatanghalin na panalo.
(Uulitin ng guro ang panuto at ipamamahagi ang (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
papel na susulatan ng bawat pangkat).
Ma’am, makikinig po.
Bago magsimula ano ang dapat gawin kapag may
gawain?
Ma’am, makiki-isa po.

Tama! Ikaw nga _______________?

Tumpak! Tayo na’t magsimula.


Mga tanong na dapat sagutin:

1.Dito pumupunta ang mga tao upang


magpasalamat at manalangin.

2. Dito natututo at nahuhubog ang kaalaman ng


mag-aaral.

3. Dito madalas pumupunta ang mga bata upang


magsaya at maglaro.

4. Dito pumupunta ang mga tao upang


nag-asikaso ng mga kinakailagan.

5. Dito bumibili ng mga pagkain, at mga


pangangailan ng mga mamamayan.

6. Dito binibigyan ng pangunahing lunas o gamot


ang mga tao.
7. Dito sama-samang maninirahan ng masaya ang
bawa’t pamilya.

Mahusay mga Bata! Bigyan natin ng Magaling


Clap ang nanalong pangkat at bigyan ng tatlong
palakpak ang unang pangkat.

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)


2.2 Paglalahat
Ma’am, ang nakita at nalaman ko po ay ang simbolo
Bago tayo dumako sa sususnod nating Gawain. ng paaralan at simbolo palaruan.

Ano-anong mga sagisag at simbolo ang inyong


nakita at nalaman? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am, nakita ko po ay simbolo ng ospital at


simbahan po.

Tama! Ano pa?


Ma’am, ang nakita ko po at nalaman ay tungkol sa
simbolo ng bahay pamahalaan, simbolo ng pamilihan,
at simbolo ng paaralan.

Tumpak! Ikaw nga _____________?.

Mahusay ! Tama ang lahat ng inyong sinabi. Mga Sagisag at Simbolo ng isang Komunidad:
• Paaralan • Bahay Pamahalaan
(Ididikit muli ng guro sa pisara ang mga sagisag • Tahanan • Pamilihan
at simbolo ng komunidad, at ito ay ipapabasa). • Palaruan • Ospital
• Simbahan
Mga bata basahin nyo nga ito ng sabay-sabay.

Magaling! Bigyan ng Facebook Clap ang inyong


sarili.

Ngayon lubusan na ninyong alam ang Mga


Sagisag at Simbolo ng isang Komunidad.

Dahil diyan mayroon tayong gawain.

C.Paglalapat
Ma’am, dapat po nakikinig.
Ang klase ay mahahati sa tatlong pangkat para
sa pangkatang Gawain. Ang bawa’t pangkat ay (Magbibigay pa ng iba pang kasagutan ang mga mag-
bibigyan ng kani-kaniyang gawain. aaral).

Ngunit bago yun, ano nga ba ang mga dapat


gawin kapag gumagawa ng pangkatang gawain?
Ikaw nga______________?
Magaling! Mayroon lamang kayong 10 minuto
upang gawin ang inyong pangkatang gawain.
Matapos inaasahan na bumalik sa kani-kanilang
upuan ang mga mag-aaral.

Kung handa na ay maarai na kayong pumunta sa


inyong mga kagrupo.

(Ibibigay nan g guro ang subri ng mga gawain.

Pangkat 1:
Panuto: Kilalanin ang sinasagisag ng simbolo at isulat ang sagot sa patlang.

1. __________ 5. ____________

2. ___________ 6. ____________

3. ___________ 7. ___________

4 ____________

Pangkat 2:
Panuto: Itapat sa Hanay B ang sagisag na tinutukoy sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. A. Ospital

2. B. Simbahan

3. C. Palaruan

4. D. Bahay Pamahalaan

5. E. Pamilihan

6, F. Tahanan

7. G. Paaralan
Pangkat 3:
Panuto: Tukuyin kung anong sagisag at simbolo ang(Matapos
naaayonangsa pangungusap at ilagay
gawain, ang bawa’t sa
pangkat ay
pagtlang ang letra ng bawat sagot . ipinakita ang kanilang ginawa).

Hanay
Magaling mga Bata! Bigyan ngAsampung palakpak Hanay B
ang bawa’t isa.
__________1. Dito binibigyan ng a. Tahanan
pangunahing lunas o gamot
ang mga tao.
__________2. Dito sama-samang maninirahan b. Bahay Pamahalaan
ng masaya ang
bawa’t pamilya.
__________3. Dito bumibili ng mga pagkain, c. Paaralan
at mga pangangailan ng mga
mamamayan
__________4. Dito madalas pumupunta ang d. Ospital
mga bata upang magsaya at
maglaro.
__________5. Dito pumupunta ang mga tao e. Palaruan
magpasalamat at manalangin.
__________6. Dito natututo at nahuhubog ang f. Simbahan
kaalaman ng mag-aaral.
__________7. Dito pumupunta ang mga tao g. Pamilihan
upang nag-asikaso ng mga
kinakailagan.

IV. Pagtataya

Panuto: Paghambingin ang Kolum A sa Kolum B.

Kolum A Kolum B

1. Tahanan a. Dito binibigyan ng pangunahing lunas o gamot


ang mga tao.

2. Bahay Pamahalaan b. . Dito bumibili ng mga pagkain, at mga


pangangailan ng mga mamamayan

3. Paaralan c. Dito sama-samang maninirahan ng masaya ang


bawa’t pamilya.

4. Ospital d. Dito pumupunta ang mga tao magpasalamat at


manalangin.

5. Palaruan e. . Dito pumupunta ang mga tao upang


nag-asikaso ng mga kinakailagan.

6. Simbahan f. Dito madalas pumupunta ang mga bata upang


magsaya at maglaro.

7. Pamilihan g. . Dito natututo at nahuhubog ang kaalaman ng


mag-aaral.
V. Takdang Aralin

Panuto: Iguhit ang iba pang alam na sagisag na makikita sa ating komunidad.

Inilahad ni:

CRISTINE JOY Q. CASUMBAL


Bachelor in Elementary Education 2-A

Isinulit kay:

Bb. FRANZ LESLY L. CAPELLAN


Guro sa Asignatura

You might also like