You are on page 1of 2

Banghay Aralin

Baitang 8

I. Layunin:

A. Naipaliliwanag kung ano ang aspekto ng pandiwa

B. Nagagamit sa pagbubuo ng makabuluhang mga pangungusap ang iba’t ibang aspekto


ng pandiwa

C. Napapahalagahan ang paggamit ng aspekto ng pandiwa para sa maayos at malinaw na


komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

II. Paksang Aralin: Aspekto ng Pandiwa

III. Kagamitan:
a. Powerpoint
b. Cartolina
c. Pentel Pen/ Chalk

IV. Yugto ng Pagkatuto


Guro Mag-aaral
A. Pagganyak

Magbibigay ang guro ng mga pick-up lines na


ginagamitan ng salitang kilos at ipapabasa ito
sa mga mag-aaral. Magbabasa ang mga bata ng pick-up lines.

B. Pagtalakay sa Nilalaman

Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung


ano ang kanilang napapansin sa mga salitang
may salungguhit. Kapag naibigay ang salitang
Pandiwa ay hihingi pa ang guro ng mga
salitang nagsasaad ng kilos at tatalakayin ng Iba’t iba ang kasagutan ng mga bata
guro ang tatlong aspekto nito.

Think-Pair-Share

Pagkatapos talakayin ang Aspekto ng


Pandiwa, ay ihahanay ng mga bata ang -Makikinig ang mga bata
bawat pandiwa kung saang aspekto ito
nabibilang. -Gagawin ng guro ang pinapagawa ng guro

C. Pangkatang Gawain

Writearound

May mga salitang kilos na ibibigay ang guro.


Ang gagawin ninyo ay gumawa ng mga
pangungusap na magkakaugnay upang Bubuo ang mga mag-aaral ng isang kwento
gamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa.
makabuo ng isang makabuluhang kwento.

Team Stay, One Stray -Makikinig ang mga bata sa kwento ng


kanilang kaklase.
Babasahin ng isang miyembro ng grupo ang
kanilang kwentong ginawa sa bawat pangkat.

D. Pagsasanay

Panuto: Ilagay ang tamang aspekto ng


pandiwa.

1. Ang bata ay (bili) ng tinapay kanina.


-Sasagutan ng mga bata ang pagsasanay.
2. (Punta) sa simbahan ang magkasintahan
sa linggo.

3. Ang bata ay (kanta) sa entablado.

4. (Luto) ang nanay ng masarap na ulam


kagabi.
-Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga
5. (Bili) ng bulaklak ang binata sa darating na katanungan
araw ng mga puso.

E. Paglalahat

Ano ang pandiwa?

Ano ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa?

F. Pagtatapos

“Ang makataong kilos ay kilos na malayang


pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensya.”

G. Takdang- Aralin

Gumawa ng pick-up lines na ginagamitan ng


aspekto ng pandiwa

Inihanda ni: Louren Joy S. Gavadan

You might also like