You are on page 1of 16

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI
6
Filipino
Kwarter 3 – Linggo 1: Modyul 1:
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Napakinggan/Binasang Ulat at
Tekstong Pang-Impormasyon

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 - Modyul 1: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggan/
Binasang Ulat at Tekstong Pang-impormasyon
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6


Author: Mary Carmel L. Maghilom
Illustrator and Layout Artist: Del Cagang
Proofreader, In-House Content and Language Editors:
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar, Ph. D.


Assistant Schools Division Superintendent
Members Maria Eva S. Edon, Ph. D., CID Chief
Monisa P. Maba, Ph. D., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Joselito C. Epe, Ed. D, PSDS
Editha M. Tawantawan, ESP I
Justina T. Sanchez, ESP I
Lawanun Mohamad, HT III
Anisa A. Maruhom, HT III
Inilimbag sa Pilipinas ng ______________
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l Gov’t Comp.
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Filipino 6
Kwarter 3 – Linggo 1: Modyul 1:
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol
sa Napakinggan/ Binasang
Tekstong Pang-Impormasyon

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa
Departamento ng Edukasyon - Dibisyon ng Lanao del Norte. Hinihikayat ang lahat
ng guro at mga stakeholders sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-email sa
kanilang mga puna, komento o mungkahi sa Deped-Lanao del Norte Division at
lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER:


Ang modyul na ito ay para sa mga hangaring pang-edukasyon lamang.
Ang mga hiniram na materyales (halimbawa, mga kanta, kwento, tula, larawan,
pangalan ng tatak, trademark, atbp.) na kasama sa modyul na ito ay
pagmamay-ari ng copyright holders. Ang publisher at mga may-akda ay hindi
kumakatawan o nang-aangkin ng pagmamay-ari sa kanila. Taos-pusong
pagpapahalaga sa mga nakagawa ng makabuluhang mga kontribusyon sa
modyul na ito.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Page

TAKIP NA PAHINA
PAHINA NG COPY RIGHT
PAHINA NG TITULO

Aralin 1 – Pasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggang/binasang


ulat at tekstong pang-impormasyon

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 3
Suriin 4
Pagyamanin 5
Isaisip 6
Isagawa 6
Mensahe para Guro
Tayahin 7
Karagdagang Gawain 9
Susi sa Pagwawasto 10
Sanggunian 11
Pagsagot ng mga Tanong Tungkol
Aralin sa Napakinggang/Binasang Ulat at
1 Tekstong Pang-impormasyon

Alamin

Panimula:

Maligayang pagbati! Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang ikalawang


Markahan. At ngayon ikaw na ay nasa Unang Linggo sa Ikatlong Markahan ng
Baitang 6. Tulad ng iyong nakaraang modyul, ang modyul na ito ay may iba’t ibang
bahagi na kailangan mong unawain upang iyong masagot nang may kahusayan ang
mga katanungan.

Kasanayang Pampagkatuto: Matapos mong pag-aralan ang araling ito sa loob ng


isang linggo, inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod na kasanayan at
layunin:
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/binasang ulat at
tekstong pang-impormasyon F6PB-IIId-3.1.2
 Nasisipi ang isang ulat mula sa huwaran
 Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring pagbabasa at pag-unawa sa
nabasang ulat at tekstong pang-impormasyon

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong


ganda ng araling ito.

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.

____ 1. Sino ang tinaguriang “contact tracing czar” ng Pilipinas?


a. Vice President Leni Robredo c. Senator Manny Pacquiao
b. Mayor Benjamin Magalong d. President Rodrigo Roa Duterte
____ 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa panawagan ng pamahalaan
sa pag-iwas ng COVID-19?
a. Pagkakaroon face to face na klase sa paaralan.
b. Pagsasagawa ng physical distancing.
c. Pagsusuot ng facemask at paggamit ng face shield.
d. Hindi paglabas ng mga edad 21 pababa at senior citizens.
____ 3. Paano pinapangalagaan ang may sintomas, mga positive at suspected
cases ng COVID-19?
a. Home Quarantine
b. Pinapadala sa isolation na kulang ang pasilidad.
c. Pinapadala sa isolation center na may kumpletong pasilidad.
d. Hinahayaang gumagala sa komunidad at makihalubilo sa mga tao.
____ 4. Ano ang iyong gagawin kung may nalaman kang kapitbahay na umuwi
galing sa ibang bansa?
a. Magsawalang-kibo
b. Hayaan sila at huwag makialam.
c. Sabihin sa mga magulang upang ipaalam sa barangay.
d. Puntahan ito at hihingi ng pasalubong at makipagkwentuhan.
____ 5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasusulat nang tama.
a. Saan tumama ang bagyong ulyses.
b. Sino ang kasama ng Pangulong Duterte na umalis,
c. Paano mo maiiwasan ang pagkahawa sa COVID-19;
d. Anong mga batas ang ipinatutupad ng gobyerno tungkol sa Covid-19?

2
Balikan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang bantas na gagamitin sa bawat


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

. ? , !

1. Wow, ang sarap ng ulam___


2. Sino ang naghanda ng almusal___
3. Nahulog sa ilalim ng mesa ang kutsara__
4. Ano ang gusto mong lutuin para sa tanghalian___
5. Pakiabot mo nga ang matamis na mangga para sa panghimagas___

Tuklasin

Panuto: Basahin ang ulat at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot
mo ang mga sumusunod na tanong.

Pagtugon sa COVID-19, mas pinalakas


sa Lungsod ng Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS, Agosto 2 (PIA)-Mas pinalakas ng pamahalaang


lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) ang mga
preventive programs at activities nito kaugnay ng COVID-19 bilang sagot sa patuloy
na pagtaas ng bilang ng may kumpirmadong kaso sa buong lungsod.
 
Isa na dito ang pagsisimula ng konstruksyon ng 40-bed isolation facility sa
Batangas City Evacuation Center compound sa Brgy. Bolbok bilang karagdagan sa
limang temporary health facilities na kasalukuyang ginagamit ngayon para sa mga
may asymptomatic at mild symptoms na COVID-19 positive at suspected patients.

Libre ang akomodasyon sa mga pasilidad na ito gayundin ang pagkain, gamot
at prutas na ibinibigay sa mga naka in-house dito. Nagtalaga din ang CHO ng mga
doktor at narses dito na nagdu-duty ng 24 oras sa buong isang linggo bukod pa sa

3
karagdagang narses at medical technologist na kinuha para sa mas mabilis na
pagsasagawa ng swab testing at contact tracing.

Ang pamahalaang lungsod ng Batangas at ang Philippine Red Cross ay may


kasunduan para sa mas mabilis na resulta ng RT-PCR testing na may inisyal na
halagang P5M.Bunsod pa nito, ipinag-utos ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang
higit na pagpapalakas at pagpapabilis ng contact tracing kung saan ang dating
dalawang grupo ng contact tracing teams ay dinagdagan pa ng tatlong grupo.
 
Kabilang din sa contact tracing team bukod sa CHO ang mga empleyado ng
City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), Batangas City Police
at Information Technology and Services Division (ISTD) kung saan sila ay
sumailalim sa seminar workshop ni Baguio Mayor Benjamin Magalong na
tinaguriang “contact tracing czar” ng Pilipinas.
 
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng pamahalaang lungsod na sumunod
sa ipinatutupad na mga ordinansa kaugnay ng safety and health protocols upang
maiwasan ang COVID-19 tulad ng palagiang paggamit ng face mask, palagiang
paghuhugas ng kamay, pagsasagawa ng physical distancing, pag-iwas sa
malalaking pagtitipon, hindi paglabas ng mga edad 21 pababa at senior citizens,
pagsunod sa liquor ban at iba pa.

BHABY P. DE CASTRO
September 2, 2020
https://pia.gov.ph/news/articles/1051878

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang ulat. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang Mayor ng Lungsod ng Batangas?


2. Saan ang konstruksyon ng 40-bed isolation facility ng Batangas City
Evacuation Center?
3. Kailan nagdu-duty ang mga itinalagang nurses at doctor?
4. Ano ang ginawa ng mga contract tracing team upang mapalakas at
mapabilis ang kanilang contract tracing?
5. Bakit nagpapatupad ng ordinansa kaugnay ng safety and health protocols
ang Lungsod ng Batangas?

4
Pagyamanin

Panuto: Basahin mabuti ang ulat, sipiin at iwasto sa tamang pagkakasulat sa


sagutang papel batay sa rubrik.

Ulysses lalabas na ng PAR

patuloy ang pagkilos ni Bagyong Ulysses na bahagyang humina habang


papuntang West Philippine Sea

sa 5 pm weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay namataan 200


km west ng Iba, Zambales dala ang lakas ng hangin na 120 kph at bugso na 150
kph.

Kahit nasa karagatan na ay nakataas pa ang Signal number 1 sa anim na lugar


kabilang ang western portion ng Pangasinan Tarlac western portion ng
Pampanga Zambales Bataan at Lubang Island.

ngayong umaga, si ulysses ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of


Responsibility.bago lumabas ng bansa ay tatlong beses nag-landfall ang bagyo.

wala pang namamataang ibang bagyong papasok sa bansa sa susunod na


dalawang linggo.

angie dela cruz 

Pilipino Star Ngayon


November 13, 2020

Rubriks 1 2 3 4 5
May
May apat May isang
Tamang May tatlong dalawang Walang mali
na mali sa mali sa
pagsipi ng mali sa pagsipi mali sa sa pagsipi ng
pagsipi ng pagsipi ng
ulat mula sa ng ulat mula pagsipi ng ulat mula sa
ulat mula sa ulat mula sa
huwaran sa huwaran ulat mula sa huwaran
huwaran huwaran
huwaran

5
Isaisip

Mahalagang matutuhan natin ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa


anumang mapakikinggan/ mababasang ulat o mga tekstong pang-impormasyon dahil sa
pamamagitan nito maipapakita natin ang pag-unawa rito. Sa ating pagsagot sa mga tanong
tungkol sa napakinggan/nabasang ulat o tekstong pang-impormasyon kailangan naing
unawain at kilalanin ang bawat salita. At kailangan din nating alamin ang mga
mahahalagang detalye at ang paksa nito.
Sa pagsisipi ng isang ulat kailangan mong isulat at kopyahin ang tamang
pagkasulat ng mga salita. Kailangan mong isulat nang wasto ang anumang pinagmulan at
ginamit na sanggunian ng iyong siniping ulat.

Isagawa

Madalas dalawin ng bagyo ang ating bansa. Minsan matindi ang pagsira ng
bagyo na hindi natin maiiwasan. Ang paghahanda ay isang mabisang panlaban sa
anumang kalamidad. Gumawa ng poster na nagbibigay ng mga dapat ihanda
tuwing may paparating na bagyo.

Mensahe para sa Guro


Ang sagot ng bata ay ibabatay sa pamantayang Rubric na iyong inihanda.
Mensahe para sa Guro
Ang sagot ng bata ay ibabatay sa pamantayang sinusunod o Rubrik.

6
Tayahin

Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert


MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon
Ondoy na nanalasa noong September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan
ngayon ng Metro Manila at Luzon dahil ang bawat bagyo ay may kanya-kanyang uri
at lakas na dalang ulan at hangin.

“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy
talagang napakabagal ng kilos niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan
ang dinala niya. Walang masyadong hangin,” pahayag ni Nathaniel “Mang Tani”
Cruz, dating climatologist ng PAGASA at resident meteorologist ng GMA.

Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhay at puminsala sa


maraming ari-arian at imprastraktura nang magkaroon ng flashfloods dahil sa
matinding ulan na bumuhos sa loob lamang ng anim na oras.

Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo


kaya ang dala nitong ulan ay matindi ring nakaapekto sa mamamayan.

“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So,
‘yung lupa, maging sa Sierra Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya
kaunting ulan lamang ay nagkakaroon ng run-off,” dagdag ni Cruz.

Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina river ng
21.9 meters kahapon, mas mataas sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.

Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses
kaya pati ang mga dam tulad ng Angat ay umapaw ang tubig.

Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay


mas mahina pero ang impact ay higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly
at hindi pa nakakabangon ay may bagyo na naman.

Angie dela Cruz 


Pilipino Star Ngayon 
November 13, 2020

7
1. Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteriologist ng GMA?
a. Kim Atienza c. Mike Enriquez
b. Jessica Soho d. Nathaniel Cruz
2. Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?
a. Disyembre 2018 c. Disyembre 2011
b. Septyembre 2009 d. November 2015
3. Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos
nalubog sa baha ang buong Marikina?
a. Bagyong Rolly c. Bagyog Ulysses
b. Bagyong Ondoy d. Bagyong Quinta
4. Bakit umabot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay
Bagyong Ulyses kaysa noong kay Bagyong Ondoy?
a. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
b. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
c. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong
taon.
d. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong
Ulysses.
5. Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?
a. Matulog dahil malamig ang panahon.
b. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
c. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
d. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakita ni James sa pintuan ang ganito: Bawal


Pumasok.
a. Maaring pumasok. c. Hindi
b. Sigawan ang nasa loob. d. Pumasok nang tuloy-tuloy sa loob

2. Ano ang ibig sabihin ng nakasulat na “Panatilihin ang Social Distancing”


a. Umiwas sa mga social na tao.
b. Maghawak kamay sa paglalakad.
c. Huwag makipagsiksikan sa mga tao.
d. Kailangan mananatili ang pagiging social

8
3. Habang naglalakad sa kalsada si Caye at ang kanyang nanay nakita nila ang
simbolong nasa ibaba. Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito?

a. bilisan mo ang paglalakad


b. bawal ang pagtawid sa linya
c. iisang tao lang ang pwedeng tumawid
d. tumawid sa tamang tawiran o pedestrian lane

4. Ang tsart na nasa ibabaw ay ang Rainfall Warning Signal ng PAGASA tuwing
may bagyo. Ano ang ibig sabihin kung nasa Orange Warning ang isang lugar?
a. walang pagbaha sa mababang lugar
b. matinding pagbaha sa mababang lugar
c. aasahan ang pagbaha sa mababang lugar
d. nagbabadyang pagbaha sa mababang lugar

5. Ano naman ang gagawin kapag nasa Red Warning ang isang lugar?
a) subaybayan ang lagay ng panahon
b) maghanda sa posibilidad ng paglikas
c) lumikas at pumunta sa mataas na lugar
d) huwag pansinin ang warning sign ng PAGASA

9
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:
https://pia.gov.ph/news/articles/1051878
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/13/2056506/ulysses-iba-kay-
ondoy-climatology-expert
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/13/2056520/ulysses-lalabas-
na-ng-pa

10
Para sa mga katanungan, maaaring sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l Gov’t Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

11

You might also like