You are on page 1of 13

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI
6
Filipino
Kwarter 3 – Linggo 6: Modyul 6:
Pag-uulat Tungkol sa Pinanood/Binasa

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 – Modyul 3: Pag-uulat Tungkol sa Pinanood/ Binasa
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng
Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda
upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang
hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6

Manunulat: Edelyn C. Lerios


Illustrator and Layout Artist:
FOR VALIDATION

Proofreader, In-House Content and Language Editors: Lawanun Mohammad, HT-II


Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar, Ph.D.


Assistant Schools Division Superintendent
Members Maria Eva S. Edon, Ph.D., -CID Chief
Monisa P. Maba, Ph.D., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Joselito C. Epe, Ed.D., PSDS
Editha M. Tawantawan, School Principal I
Justina T. Sanchez, School Principal I
Anisa D. Sarip, Ph.D., School Principal I
Sahanidah Makiin, Ph.D., School Principal I
Lawanun S. Mohammad, HT-III
Anisa A. Maruhom, HT-III
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l Gov’t Comp., Pigcarangan, Tubod, LDN
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

6
Filipino
Kwarter 3 – Linggo 6: Modyul 6:
Pag-uulat Tungkol sa
Pinanood/ Binasa

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa
Departamento ng Edukasyon - Dibisyon ng Lanao del Norte. Hinihikayat ang lahat
ng guro at mga stakeholders sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-email sa
kanilang mga puna, komento o mungkahi to the Deped-Lanao del Norte Division at
lrmdsldn@gmail.com .
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER:


Ang modyul na ito ay para sa mga hangaring pang-edukasyon lamang. Ang
mga hiniram na materyales (halimbawa, mga kanta, kwento, tula, larawan, pangalan
ng tatak, trademark, atbp.) na kasama sa modyul na ito ay pagmamay-ari ng copyright
holders. Ang publisher at mga may-akda ay hindi kumakatawan o nang-aangkin ng
pagmamay-ari sa kanila. Taos-pusong pagpapahalaga sa mga nakagawa ng
makabuluhang mga kontribusyon sa modyul na ito.
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahin
a

TAKIP NA PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG- ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 6 – Pag-uulat Tungkol sa Pinanood/Binasa

Alamin 1
Subukin 1
Balikan 2
Tuklasin 3
Suriin 4
Pagyamanin 5
Isaisip 5
Isagawa 6
Tayahin 6-7
Karagdagang Gawain 7
Susi sa Pagwawasto 8
Sanggunian 9
Aralin
Pag-uulat Tungkol sa
6 Pinanood/Binasa

Alamin

Panimula:

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Filipino! Kawiwilihan


mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, Ikaanim na Linggo. Ito ay ginawa
upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral
sa mga paksa sa Filipino 6. Nawa’y makatulong ito na madagdagan pa ang iyong
kaalaman. Ito ay binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang
linggo.

Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang;

Nakapag-uulat tungkol sa pinanood o binasa F6PD-IIIc-j-15


 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pinanood o nabasa na maikling
kwento/ palabas.
 Nakapag-uulat tungkol sa pinanood o nabasa na maikling kwento/
palabas.
 Naipapahayag ang katangian ng mga tauhan gamit ang character map
ayon sa napanood o nabasa na maikling kwento/ palabas.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.

1
Subukin

Panuto: Hanapin sa Hanay A ang mga salitang kasingkahulugan o kahulugan ng


salitang nasa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
_____1. Proseso ng pagmamasid sa napanood na a. alamat
palabas, video clips o iba pang visual media. b. pag-uulat
_____2. Isang prutas na mayaman sa bitamina C. c. panonod
_____3. Walang pakialam sa mga gawaing bahay. d. tamad
_____4. Isang pagpapahayag sa pamamagitan ng e. pakikinig
pagsasabi o pagbabalita ng iyong nalalaman f. pinya
_____5. Panitikang nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay.

Balikan Balikan

Panuto: Opinyon ba o Katotohanan? Isulat sa sagutang papel ang O kung ito ay


Opinyon at K kung ito ay Katotohanan.

_____1. Ang Alamat ng Pinya.


_____2. Nagagalit ang nanay kung hindi sumusunod sa utos ang anak.
_____3. Ang batang mabait pinagpapala ng langit.
_____4. Sinasabing ang mga taong may malalapad na noo ay matalino.
_____5. Ang Pilipinas ay isang malayang bansa.

2
Tuklasi Tuklasin

Panuto: Panoorin ang isang maikling kwento tungkol sa “Ang Alamat ng Pinya”.
Alamin kung bakit pinya ang tawag sa prutas na ito.

A. Sa mag-aaral na may internet, kinakailangang mapanood ang maikling


kuwentong ito, https://www.youtube.com/watch?v=MUb3yfuR_ow.

B. Sa mag-aaral na walang internet, basahin ang kuwento tungkol sa “Ang


Alamat ng Pinya”.

Ang Alamat ng Pinya


https://www.youtube.com/watch?v=MUb3yfuR_ow

Noong unang panahon bago pa tayo nagkaroon ng prutas na pinya, may


mag-inang masayang namuhay sa isang maliit na baryo. Ang pangalan ng nanay ay
si Aling Rosa ang kanyang anak na babae naman ay si ay Pinang. Siya ay sampong
taong gulang. Matagal ng namatay ang asawa ni Aling Rosa, kung kaya’t lumaki si
Pinang na walang ama. Gusto ni Aling Rosa na lumaking masipag si Pinang kung
kaya’t tinuturuan niya ito ng mga gawaing bahay, kaso minsan tinatamad si Pinang
at hindi niya sinusunod ang utos ng kaniyang nanay dahil dalawa nga lang silang
mag- ina. Mahal na mahal niya si Pinang, kaya minsan kahit napakatigas ng ulo,
pinabayaan nalang ni Aling Rosa.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at hindi rin siya
makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang para magluto ng kanilang
kakainin. Pero katulad ng dati tinatamad si Pinang at ayaw niyang gumawa ng
gawaing bahay. Mas gugustuhin pa niyang maglaro sa labas kaysa tulungan ang
may sakit niyang nanay. Dahil hindi makatayo si Aling Rosa, napilitang sundin ni
Pinang ang utos ng kaniyang nanay na magluto ng kanilang kakainin.

Bago pa siya magluto, tinanong niya sa kaniyang nanay kung nasaan iyong
sandok?” Mayamaya, bumalik uli si Pinang para magtanong kung nasaan iyong iba
pang gamit sa lutuan kahit itoy nasa tabi lang ng sandok. Wala namang problema sa
paningin si Pinang, tinatamad lang siyang maghanap kung kaya’t tanong siya ng
tanong. Hindi nagtagal bumalik na naman si Pinang para magtanong kung nasaan
na naman ang isang gamit sa lutuan. Hinanghina si Aling Rosa at masakit ang
kaniyang nararamdamankung kaya’t sa galit nasabi niya: “Naku! Pinang sana’y
magkaroon ka ng maraming mata para lahat ng bagay makita mo at hindi kana
magtanong. At dahil nagalit ang kaniyang ina tumalikod at umalis si Pinang para
hanapin ang mga tinatanong niya sa kaniyang nanay.

Dumating ang hapon at medyo gumanda-ganda ang pakiramdam ni Aling


Rosa, kung kaya’t siya’y nakatayong muli. “Nasaan na kaya si Pinang? Ano na kaya

3
ang nangyayari sa niluluto niya?” Hinanap ni Aling Rosa si Pinang pero wala siya sa
loob ng bahay siguro siya ay nasa labas at naglalaro. Wala rin si Pinang sa labas ng
bahay. Pero nakita ni Aling Rosa ang tsinelas ni Pinang katabi ng kakaibang
halaman. Ang kakaibang halaman na biglang tumubo ay bilog at pahaba na parang
ulo ng tao. Ito’y napapaligiran din ng maraming mata.

Dito naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang, na sana
magkaroon siya ng maraming mata para makita niya ang kaniyang hinahanap.
Naging malungkot si Aling Rosa na nagkatotoo ang kaniyang mga sinabi, ganon
paman inalagaan niya ang halaman at tinawag itong “Pinang” bilang alaala niya sa
kaniyang anak.

Lumipas ang ilang taon, dumami ang halaman at tinawag na Pinya ng mga
kapitbahay ni Aling Rosa, at ito ang alamat ng Pinya.

Suriin Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

______1. Ano ang hinanap ni Pinang nang huli itong makita ni Aling Rosa?
a. ulam b. plato c. prutas d. sandok
______2. Ano ang tumubo sa bakuran ni Aling Rosa?
a. puno b. damo c. halaman d. bulaklak

______3. Anong ugali mayroon si Pinang?


a. maalaga at masipag c. tamad at matigas ang ulo
b. mapagmahal at mabait d. masunurin at maalahanin
______4. Bakit napilitang sumunod si Pinang sa utos ng kaniyang ina?
a. Dahil masipag na si Pinang.
b. Dahil nagkasakit si Aling Rosa.
c. Dahil natatakot si Pinang sa ina.
d. Dahil naging masunurin na si Pinang.
______5. Bakit biglang naglaho si Pinang?
a. Nakikipaglaro si Pinang sa kanyang mga kaibigan.
b. Naging halaman si Pinang na may maraming mata.
c. Nagalit si Pinang kaya naisipan niyang umalis ng bahay.
d. Nagtago si Pinang para hindi na siya mautusan pa ng ina.

4
Pagyamanin

Panuto: Kopyahin sa sagutang papel ang character map at punan ang mga
kahon ng tamang sagot batay sa tanong na nasa ibaba.

Ano-ano ang mga katangian ng tauhan sa alamat na iyong napanood/


nabasa batay sa kanilang pananalita at kilos?

Aling Rosa

Pinang

Isaisip Isaisip

Ang panonood ay proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video


recording at iba pang visual media. Lahat ng bagay ay maaaring matutuhan mo sa
pamamagitan ng panonood. Ang panonood ay nakapagdudulot sa isang indibidwal
na magising ang kamalayan maaaring maging inspirasyon at maging sandigan
upang gumawa ng tama.

Sa pag – uulat naman ng inyong napanood, kinakailangan mo ang detalye ng


palabas. Maaaring gumamit ng papel at bolpen upang mailista ang mga
mahahalagang detalye at pangyayari sa kuwento na pinanood o binasa. Kapag
nakuha mo na ang mga kinakailangang mga datos sipiin at isa – isahin ang mga ito
batay sa importansya ng mga datos at impormasyong kinakailangan. Alalahanin ang
pagkakasunod – sunod na mga kaganapan, alamin ang aral at gawing gabay ito sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

5
Isagawa

Panuto: Batay sa mga pangyayari sa kwento, isulat sa sagutang papel ang titik A,
B, C, D, E ayon sa wastong pagkasunod-sunod.

_____Hinanap ni Pinang ang sandok.


_____Naglaho na parang bula si Pinang.
_____Nagluto ng kanin si Pinang ngunit iniwan at pinabayaan ito
_____Inutusan si Pinang ng kaniyang ina para magluto ng kanilang kakainin.
_____Nakita ang tsinelas ni Pinang katabi ang kakaibang halaman.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong tungkol sa binasa o


pinanood na kwentong “Ang Alamat ng Pinya”. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

______1. Sino ang pangunahing tauhan sa pinanood o binasang kwento?


a. Si Piping c. Si Aling Rosa
b. Si Pinang d. Mga kaibigan
_____2. Ano ang ugali ni Pinang?
a. maalaga at masipag c. masunurin at maalahanin
b. mapagmahal at mabait d. tamad at matigas ang ulo
_____3. Anong aral ang nakuha mo sa pinanood o binasang kwento na “Ang
Alamat ng Pinya”?
a. Tayo ay dapat na maging suplada.
b. Tayo ay dapat humindi sa mg autos ng magulang.
c. Tayo ay dapat na laging nakasandal sa mga magulang.
d. Tayo ay dapat maging masunurin, masipag at mabait na anak.
_____4. Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video
recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa
mensahe o ideya na nais iparating nito.
a. Palabas c. Panonood
b. Pakikinig d. Pagbabasa

6
_____5. Ayusin ang sumusunod na mga pangyayari ayon sa pinanood o
binasang kwento.
1. Nakita ang tsinilas ni Pinang katabi ang kakaibang halaman.
2. Nagluto ng kanin si Pinang ngunit iniwan at pinabayaan ito.
3. Naglaho na parang bula si Pinang.
4. Inutusan si Pinang ng kaniyang ina para magluto ng kanilang
kakainin.
5. Hinanap ni Pinang ang sandok.

a. 4-2-5-3-1 c. 4-3-1-2-5
b. 3-1-2-4-5 d. 2-3-1-4-5

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Sa mga mag-aaral na may telebisyon at internet.


Manood ng isang palabas sa telebisyon na may aral tulad ng “Ang Alamat
ng Pinya”. Habang nanonood, itala ang mga mahahalagang detalye ng
napanood. Muling isalaysay o iulat ang iyong napanood sa pamamagitan ng
pagpuno sa hinihinging impormasyon sa ibaba. Isulat sa sagutang papel.

Pamagat: __________________________________________________
Tauhan: ____________________________________________________
Tagpuan: __________________________________________________
Unang pangyayari: ___________________________________________
Huling pangyayari: ___________________________________________
Magandang - aral na nakuha sa napanood:
__________________________________________________________

B. Panuto: Sa mga mag-aaral na walang telebisyon at internet.


Humanap ng babasahing kwentong may aral tulad ng “Ang Alamat ng
Pinya”. Habang nagbabasa, itala ang mga mahahalagang detalye ng
nabasang kwento. Muling isalaysay o iulat ang iyong nabasa sa
pamamagitan ng pagpuno sa hinihinging impormasyon sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel.
Pamagat: __________________________________________________
Tauhan: ____________________________________________________
Tagpuan: __________________________________________________
Unang pangyayari: ___________________________________________
Huling pangyayari: ___________________________________________
7
Magandang - aral na nakuha sa binasang kwento:
__________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Suriin Isagawa Tayahin


1.c 1. O 1. d 1. c 1. b
2.f 2. K 2. c 2. d 2. d
3.d 3. O 3. c 3. b 3. d
4.b 4. O 4. b 4. a 4. c
5.a 5. K 5. c 5. e 5. a

Sanggunian

https://www.youtube.com/watch?v=MUb3yfuR_ow
https://lrmds.deped.gov.ph/download/6844

8
Kung may katanungan maaari sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l Gov’t Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

You might also like