environment here at Minuyan National High School, our number one priority continues to be the health and safety of our learners, employees and guests. Everyone entering the school is required to follow strict protocols to prevent the spread of Covid 19. Please take note of the following guidelines: 1. Anyone showing symptoms of the virus, who is tested positive or who has had close contact with someone with Covid 19, should not come to the school premises. 2. Once inside the campus, everyone should practice social distancing. 3. Please wear a face mask and a face shield properly at all times. 4. Kindly wash your hands frequently. Use an alcohol-based sanitizer if soap and water are not available. Avoid touching your face, eyes, or nose and cover your mouth when sneezing. 5. It is very important to limit gatherings or meetings while inside the school. If not possible, limit the number of participants and practice social distancing. Minuyan National High School will continue to take all necessary precautions as long as there is a risk of Covid 19 spread in our community. Thank you for your cooperation. Magandang araw po sa ating lahat! Dahil sa pagbabagong bunga sa ating komunidad ng pandemyang dulot.ng Covid 19 virus, nananatiling pangunahing prayoridad ng Minuyan National High School ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, empleyado at mga bisita nito. Lahat ng magtutungo sa ating paaralan ay mahigpit na pinapaalalahanang sumunod sa ating Safety Protocols upang maiwasan ang pagkalat ng Covid 19. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Sinomang nagkaroon ng sintomas ng virus, nagpa-test at nag positibo rito o nagkaroon ng close contact sa isang taong positibo sa Covid 19 ay hindi dapat magtungo sa paaralan. 2. Kung nasa loob na ng ating paaralan, panatilihing ang pagsasagawa ng Social Distancing. 3. Isuot ang face mask at face shield sa tamang paraan at sa lahat ng pagkakataon. 4. Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol-based sanitizer kung walang sabon o tubig sa paligid. Iwasan ang paghawak sa mukha, mga mata o ilong at takpan ang bibig kapag bumabahing. 5. Napakahalagang limitahan ang pagtitipon sa loob ng paaralan. Kung hindi maiiwasan, limitahan ang bilang ng mga dadalo at isagawa ang social distancing. Ang Minuyan National High School ay patuloy na isasagawa ang mga kinakailangang pag-iingat hanggat mayroong panganib ng pagkalat ng Covid19 sa ating komunidad. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.